webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · สมัยใหม่
Not enough ratings
154 Chs

Pero Ang Tanong.

Ikinagimbal ng lahat ang pag amin ni Jaime sa sinabi ni Dante.

Napuno ng ingay ang paligid. Ingay ng ngitngit at galit.

Ang iba ay hindi nagsasalita pero tagos sa mga mukha nilala ang galit at matalim ang tingin nila kay Jaime.

At ikinatuwa ito ni Gen. Pasahuay at Sen. Reyes. Kita sa mga ngiti nila ang hindi maitagong emosyon ng kasiyahan.

'Ayos, pumapanig na ulit sa amin ang sitwasyon! Hehe!'

Hindi ito inaasahan ni Sen. Bathan.

Kita nya ang pagka kalmado ni Jaime ng sabihin iyon ni Dante kaya natitiyak nyang hindi ito totoo.

Ang iniisip nilang lahat, isa si Jaime sa umabuso kay Angela at dapat lang syang maparusahan.

"QUIEEET!"

Unti unting humupa ang ingay pero hindi ang emosyon ng lahat.

"Gen. Santiago, tama ba ang narinig namin? Inaamin mong nagkasama kayo ng anak ni Mr. Dante?"

"Yes po. Sya po ang iniregalo sa akin ng mga subordinates ko nung napromote ako bilang general."

Lalong sumikdo ang galit ng mga tao na naroon.

"Hindi man lang sya nahihiya ng aminin nya!"

"Wala ba syang konsenya?"

"Tahimik! Ang iingay nyo, paaano tayo magkakaintindihan dito?"

Suway ng ilang mga senador.

"Paghindi kayo tumahimik palalabasin namin kayong lahat ang hindi kasama dito!"

Muling tumahimik ang paligid.

"Mr. Dante, papaano mo nga pala nalaman ang lahat ng ito?"

"Sir, nagpaimbestiga po ako sa nangyari sa anak ko kaya ko po nalaman."

"Gen. Santiago, tapatin mo nga kami, may nangyari ba sa inyo ng anak ni Mr. Dante na si Angela?"

Tanong ni Sen. Bathan.

"Yes po."

Lalong nanggagalaiti ang mga tao sa inamin ni Jaime.

Pero nakapagtatakang kalmado pa rin ito.

"Gen. Santiago, inaamin mong may nangyari sa inyo ng anak ni Mr. Dante na si Angela pero bakit parang kalmado ka dyan? Ni hindi ka man lang ba kinokonsenya?"

Tanong ng isang senador na hindi na makatiis sa pagiging kalmado ni Jaime.

Ito ang nagpapagigil sa kanila ang pagiging kampante ni Jaime na parang wala itong pakialam, hindi man lang nagsisi sa ginawa nya.

"Your honor, aaminin ko pong sa nangyari sa amin ni Angela at malaking kasalanan yun .... sa ASAWA KO!

At sa tingin ko, sa kanya lang ako marapat na humingi ng tawad!"

Mariin sabi ni Jaime.

Gigil na gigil ang lahat, pero sa huli naintindihan nila ang ibig sabihin ni Jaime.

Ano nga ba ang karapatan nilang magalit eh wala namang perpekto sa kanila at hindi naman nila kaano ano si Jaime o sino man sa kanila.

Kung meron mang dapat magalit dito, si Dante yun.

"Mr. Dante, pwede ba naming makausap ang anak mong si Angela?"

Tanong ni Sen. Reyes para malaman nilang lahat kung ano ang kinahinatnan ni Angela.

'Tyak na muling sasabog ang galit ng mga 'to pag nalaman nilang nawalan na sa katinuan si Angela.'

"Pasensya na po, pero sa sobrang trauma ng anak ko nagkaron sya ng mental problem at nagisip bata."

Napatingin ng buong awa ang lahat kay Dante.

"Kung gayon paano mo nalaman na si Gen. Santiago ang huling nakasama ng anak mo?"

Tanong ni Bathan.

Napansin nya ang hindi maitagong ngiti ni Sen. Reyes at Gen. Pasahuay.

Napansin nyang hindi na nagpapalitan ng tingin ang dalawa pero ....

'Ang mga ngiti nila masyadong synchronize.'

'Paano ba naman ako hindi magdududa sa dalawang ito.'

"Sir, mayroon po akong nakuhang ebidensya na magpapatunay sa sinabi ko pero .... hindi ko po ito maaring isapubliko."

"Bakit? Kung makakapagbigay linaw yan bakit dimo pwedeng isapubliko?"

"Dahil napaka sensitibo po ng video at ayaw ko pong masira ang imahe ng anak ko. Pasensya na po!"

Nag react ang lahat, gusto nilang makita ang video.

"May video kang hawak?"

Gulat na tanong ni Sen. Reyes. Hindi nya inaasahan ito.

Bigla syang napatingin kay Gen. Pasahuay at muli na naman itong napansin ni Sen. Bathan.

'Ayan na naman sila, ang mga tinginan na nakakaduda!'

"Mr. Dante, kung maipapangako ba namin na hindi ito maisasapubliko at kami lang mga senador ang makakakita, papayag ka ba?"

Napaisip si Dante.

"Sige po payag po ako basta po sa close door nyo ito papanoorin at wala pong kukuha ng kopya o ivivedio ito. Saka, diretso natin panoorin ito at hindi pwedeng ipause."

Pumayag ang lahat ng senador sa kundisyon. Lahat sila ay interesadong malaman ang nilalaman ng video.

"Okey let's have a 30 minutes recess para dito."

Diretso na sila sa insang conference room para panoorin ang video. Mga senador lang kaya naiwan si Gen. Pasahuay.

Nakay Dante ang video kaya hindi inaalis ng mga senador ang mga mata nila sa kanya.

Nasa isang usb ang video. Medyo mahaba ito dahil ipinakita dito ang lahat ng nangyari kay Angela simula ng dalhin sya sa isang hideout at duon sapilitang ginahasa ng mga kalalakihan na naroon.

Nakavideo rin ng binigyan ito ng gamot at pagkatapos nuon ay kung ano ano ang ginagawa sa kanya pero dahil sa epekto ng gamot, ipinapakitang gustong gusto ito ni Angela, habang pinanonood sila sa computer.

At ang huli, ipinakita din duon silang dalawa ni Jaime sa loob ng silid.

Dahil may ipinainom kay Angela, hindi nya mapigilan ang sarili nya.

Sarado ang pinto at kinandado silang dalawa kaya walang magawa si Jaime kundi panoorin si Angela na namimilipit at nagmamakaawa kay Jaime na pawiin ang init nararamdaman.

Nakatayo lang si Jaime habang naghuhubad sa kanya si Angela.

Matapos maghubad, dinambahan naman nya si Jaime na nanigas na ata sa pagkakatayo.

Hinalikan sya ni Angela habang hinuhubaran sya. Ngunit sa bawat mapusok na halik ni Angela, umiiyak ito at nagmamakaawa na tulungan syang mapawi ang init na nadarama.

Sa huli, bumigay si Jaime at tinugunan ang kahilingan ni Angela pero sa ilalim ng kumot nya ginawa iyon bagay na nanghinayang ang iba.

Batid kasi ni Jaime na may nanonood sa kanila.

Pagkatapos ng video, hindi alam ng mga senador ang mararamdaman.

Kung sila ang nasa sitwasyon ni Jaime, anong gagawin nila kung palay na ang lumalapit sa manok?

*****

Samantala.

Habang busy ang lahat sa panonood ng Senate hearing, busy rin si Joel, sinusuyod ang bangin at ang pinagbagsakan ni Kate. Naghahanap ng clue.

Hindi sya makapaniwala na maungusan sya ni Eunice sa paghahanap ng clue, alam na agad nito kung ano ang nangyari kay Kate at kung saan ito dinala.

Kaya ngayon narito si Joel at ang mga tauhan nya sa ibaba ng bangin kung saan nahulog si Kate. Naghahanap.

"Lintek na, tumatanda na ata talaga ako, feeling ko ala na akong silbi!"

"Boss Joel, matanda ka na talaga, ala ka na ngang buhok eh!"

"Isa ka pa dyan! Maghanap ka na nga lang ng clue!"

"Boss Joel, nakita na po natin ang mga gamit ni Kate na itinapon nila, sya na lang po ang hindi natin nakikita! Malamang inagos ang katawan nya sa malayo!"

"Sa tingin mo hindi ko naisip yun?"

"Ano pong plano nyo ngayon Boss Joel?"

"Ano pa, edi babagtasin natin ang ilog na yan para makita natin ang apo ko!"

"Sigurado po kayo? Kaya nyo pa po bang maglakad?"

"Lintek ka Arturo, umayos ka dyan! Tara na! Pag diko kaya buhatin mo ko!"

Napakamot na lang si Arturo.

Kung tumingala lang sila, sana nakita nila si Eunice na bumababa mula sa taas ng bangin na pinaghulugan ni Kate. Naghahanap din clue.

Pero ibang clue ang hinahanap nya, ang mga laruan ni Kate na alam nyang ikakalat nito.

Mula sa itaas ay binaba nya ang mismong bangin kung saan nahulog si Kate, tyak nyang may maiiwan na laruan ni Kate dito.

At hindi sya nagkamali.

Sa isang maliit na sanga na nakalawit nakita nya ang isang lady bug sa tabi nito ay may bahid ng dugo at finger prints.

Kinuha nya ang lady bug pati ang dugo na nakita nya.

'Mukhang sumabit si Ate dito bago tuluyang bumagsak!'

Tiningnan nya ang pinagmulan nyang itaas ng bangin, halos nasa kalagitnaan sya.

Madilim ng mga oras na iyon kaya may posibilidad na hindi nila nakita ang pagbagsak ni Kate. Pero ang tanong.

'Bumagsak nga kaya sya?'