webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
154 Chs

Isang Code

"Hoy, asawa ko, anong binabalak mo at binuksan mo ulit ang makina ng chopper?"

Mataray na sigaw ni Nicole. Nakataas pa ang kilay nito at nakapamewang.

Isang linggo na kasi si Edmund sa Sinag at sobrang miss na miss na nya itong talaga.

Pero hindi lang personal ang dahilan ni Nicole kaya namimiss nya ang asawa. Sa tagal kasi na nawala ni Edmund, ang daming nangyari na nagdulot ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa paligid. Kaya lagi tuloy sya nababalisa at natataranta, kailangan nya ang asawa nya ngayon sa tabi nya.

Una, ang pagkawala ni Khim at Karla na hindi pa nakikita magpahanggang ngayon, pangalawa ang pagkakakulong ni Ethan na naging dahilan ng araw araw na salpukan ni Nadine at Eleanor.

Grabe! Hindi nya akalain na ganito pala katapang ang Ate Nadine nya. Pareho sila ng Papa nilang si Enzo.

At syempre nadadamay sya dahil si Edmund ang dahilan kaya nakakulong si Ethan ngayon.

At si Jaime ay walang magawa sa lahat ng ito.

Napapansin nga ni Nicole na parang mas tumanda ang bayaw nya ngayon at para bang hinang hina na ito.

"Hoy Edmund, subukan mong umalis, lalayas din ako at hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta!"

Walang nagawa si Edmund kundi patayin ulit ang makina at bumaba ng chopper.

Pero bago ito bumaba ay tinawagan muna si James.

"Hello, James, balitaan mo ako sa sitwasyon dyan every hour. Okey!"

Sabi ni Edmund.

Utos yun kaya walang nagawa si James dahil binabaan sya ni Edmund.

"Haaaaist!"

Inis na inis ito dahil hindi sya binigyan ng pagkakataon ni Edmund na magsalita.

'Kailangan sya dito sa Sinag, hindi ba nya naintindihan yun?'

Inis na inis si James kay Edmund.

Kung alam lang ni James ang isa sa dahilan ng pag uwi ni Edmund ay para hanapin ang anak nyang si Karla, mainis pa kaya sya?

Sinadya kasing hindi sabihin ni Edmund ang mga nangyayari para hindi mabulabog ang focus ni James at ni Kate.

Kailangan nilang mahanap ang lunas para gumaling si Issay at ngayon si Don Miguel.

Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin linaw sa kanila kung ano ba ang virus na ito na nakuha at kung saan nakuha ni Issay na unti unting nagpapahina sa mga ng internal organs nito kaya magpahanggang ngayon ay comatose pa rin ito.

At ngayon mukhang nakuha din ni Don Miguel ang virus, ngunit hindi nila alam kung paano.

'Limang araw na kami sa Sinag Island bakit ngayon lang lumitaw kay Tito Miguel ang syntomas?'

Hindi na maintindihan ni Edmund ang nangyayari at aminado syang natatakot na sya.

Pagbabang, pagbaba ni Edmund ng phone, ay inakap agad nito ang asawa na sobra nyang namiss talaga.

At ang mga nanlilisik na mga mata ni Nicole sa inis sa asawa ay napawi sa mainit na akap na iyon.

***

"Anong nangyari dito, Jaime? sandali lang ako nawala, ganito na ang aabutan ko?"

Tanong ni Edmund kay Jaime.

Pinutahan nya agad ito para makausap ng marinig sa asawang si Nicole ang mga kaganapan dito.

"Heh .. heh ..."

Inis na sagot ni Jaime.

Simula pa nuon inis na talaga sya dito kay Edmund. Dahil si Edmund ang kaunanahang lalaking minahal ni Nadine. At ang tanging lalaking kahit kailan hindi nya mahigitan sa galing.

"Kauuwi mo pa lang andito ka na agad para sumbatan ako. Hehe!"

Nanghihinang sabi ni Jaime.

'Limang araw lang akong nawala bakit ganito kaagad ang itsura nya?'

Kaya kahit na nagpupuyos sa galit si Edmund, pinigilan nya ito ng makita ang kalagayan ni Jaime.

"Lahat ng nangyayaring ito sa buhay mo, parusa yan sa'yo yan!"

"Hah ..Hah.. Hah ... "

Maging pagtawa ay hirap na hirap gawin ni Jaime.

Pero tama si Edmund, kasalanan nya ang lahat ng ito pero sasabihin nya ba ito kay Edmund?

"Bakit hindi mo na lang ako suntukin ng maibsan naman ang galit mo? Malay mo baka sa suntok mo maibsan din ang nararamdaman ko! Ha.. ha.. ha..!"

"Hindi ako baba sa standard mo Jaime!"

"Hah.. hah.. hah ..."

"Pwede ba wagka ba tumawa dyan at hindi magandang pakinggan ang tawa mo!"

Suway ni Edmund pero ang totoo ay naawa na itong makitang nahihirapan si Jaime.

Tumayo na ito para umalis pero pinigilan sya ni Jaime.

"Edmund, nagmamakaawa ako, hanapin mo si Khim at si Karla."

Kita ni Edmund sa mga mata ni Jaime ang takot. Wala na ang aroganteng mga tingin nito sa tuwing kinakausap sya.

Tumango lang si Edmund at umalis na.

*****

Sa isang liblib na lugar malayo sa kabihasnan.

"Karla! Diba sinabi ko sayo wagkang lalayo sa akin?"

Agad na inakap ni Khim si Karla, takot na takot ito.

"Tita, sorry po! Nauhaw kasi ako eh, hindi na po mauulit! Love you Tita ko!"

Naiyak naman si Khim sa kasweetan ni Karla sa kanya.

Simula ng mapunta sila sa lugar na ito ay mas lalo na silang naging close.

Dito sya dinala ng nagligtas sa kanila kay Ethan sa lugar na wala syang ka ayde aydeya kung nasaan sila. Wala ritong signal ni walang kuryente kaya drained na ang phone nya.

Ito ang dahilan kaya hindi sila matagpuan dahil nawalan sila ng signal.

"Tita ko, hanggang kailan po ba tayo dito? Gusto ko na po umuwi! Miss ko na po si Lola at si Lolo!"

"Wagka mag aalala makakaalis din tayo dito. Tyak kong pinaghahanap na tayo kaya mag antay lang tayo! Miss ko na rin sila Mommy at Daddy!"

Tumango naman si Karla kahit na nararamdaman nyang natatakot din si Khim.

"Buti pa tara na at baka hinahanap na nila tayo mapagalitan pa tayo!"

Ang tinutukoy nya ay ang kumupkop sa kanila.

Si Nanay Eda.

Simula ng dalhin sila dito ng tagapagligtas nila, pakiramdam ni Khim ay ayaw na silang paalisin. Dahil ang gusto ni Nanay Eda ay pagsilbihan nila, sya.

Gustong gusto na nilang umuwi pero hindi nila alam kung papaano nila makokontak ang little Manor.

"Tita ko, paano po tayo makakuwi?"

"Kailangan lang makagawa tayo ng paraan para makapag communicate kila Mommy. Huwag kang magalala ginagawa ko na yun, sana lang this time may makapansin agad!"

Sa murang isip ni Karla, hindi nito naintindihan ang ibig sabihin ng Tita nya basta ang tangi nyang alam ay gumagawa ng paraan ang Tita nya para makaalis na sila dito at makauwi na.

Tama naman ang iniisip ni Karla, dahil simula ng dumating sila ay lagi na silang nagtutungo dito sa lugar na hindi masyadong mapuno at sa isang bato ay may isinusulat si Khim duon.

Isang code.