webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
154 Chs

Bingo!

"Boss Edmund, may bahay po sa banda run!"

Tiningnan ni Edmund ang tinutukoy ng tauhan nya.

Kubo ito pero matibay ang pagkakagawa.

"Sir Edmund, baka delikado. Mas makakabuti siguro na mga tauhan ko muna ang mauna. Pag clear na saka kayo sumunod!"

Sabi ng isang major kay Edmund.

Ito ang mga tauhan na pinasama ni Jaime.

Napataas ang kilay ni Edmund.

'Minamaliit ba ako ng major na 'to?'

'Anong akala nya sa amin ng mga tauhan ko, mga lampa?'

"Hindi! Mas makakabuti na palibutan natin ang bahay! Doon kayo sa kaliwa at dito kami sa gitna!"

Pautos na sabi ni Edmund.

Tiningnan ni Major si Edmund, nagtatanong ang mga tingin nito.

"Bakit Major may problema ba?

Sa pagkakaalam ko, this is my rescue operation not yours! Sabit lang kayo!"

Iritang sabi ni Edmund.

Hindi na nagsalita si Major at sumunod na lang kahit na halatang naiinis ito.

"Men!"

Sabay turo nya kung saan sila pupunta.

Dahan dahan silang maingat na lumapit sa bahay at pinalibutan ito.

Pero bago sila nakalapit ay humahangos ang grupo nila Joel.

"Edmund, sandali lang!"

"Bakit Tito Joel?"

May ipinakita si Joel na hawak hawak nya.

"Nakita namin ito sa banda roon!"

"Balat ng ahas?"

"Oo at mukhang may kalakihan ang ahas na ito!"

Sagot ni Joel.

"Boss nakita rin namin ito sa lungga nyang ahas!"

Sabi ng isang tauhan ni Joel na humahangos papalapit.

"Relo ito ni Martin!"

"Boss hindi kaya .... "

Kinabahan si Joel.

Samantala, hindi nila nalaman na nakalapit na ang iba sa bahay at meron naring mga nakapasok.

"Boss Edmund, Boss Edmund, wala pong tao sa bahay! Pero meron po kayong kailangan makita!"

Patakbong nagtungo si Edmund at Joel kasunod ng mga tauhan nila sa loob ng bahay.

Sa loob makikita si Major na nakaupong pasquat sa tabi ng nagkalat na dugo, iniiexamine nya ito.

Kinabahan sila Edmund at Joel.

"Anong nangyari dito?"

"Jusko, ang mga bata anong nangyari sa kanila?"

"AAAAAAHHH!"

"AAAAAAHHHH!"

Sabay sabay na napalingon ang lahat sa direksyon ng tinig.

"Ano yun?"

"Boses yun ni Khim!"

"At Karla!"

*****

Samantala.

Duguan natumba si Jorge matapos syang sagpangin ni Dalig.

Iyon ang dahilan kaya nagtititili sila Khim at Karla na nadinig nila Edmund.

Malayo layo na rin ang natakbo nila pero sa sobrang lakas ng tili ng magtyahin nakarating pa rin sa pandinig nila Edmund.

At ngayon, sa kanilang dalawang magtyahin nakatingin si Dalig kaya walang humpay ang tili ng dalawa. Nanginginig sa takot.

'Ssige tili lang! Hissss!'

Tila nageenjoy pa si Dalig sa nakikitang takot ng dalawa kaya dinahan dahan pa ang gapang. Tila nanunukso.

At ng malapit na tinitigan nya ang dalawa bago sagpangin. Lalo tuloy lumakas ang tili ng dalawa.

'Hissss! Hehehe! Heto na!'

Sabik na sabi ni Dalig sabay sagpang sa dalawa ngunit ....

Nagulat si Dalig dahil ni hindi umabot ang kagat nya sa dalawa.

'Hisss! Anyare? Bakit hindi ko sila maabot? Hissss!'

"TAKBO!"

Sigaw ni Jorge kila Khim at Karla habang hawak nito ang buntot ng ahas.

Nanginginig man ang tuhod, pinilit tumayo ni Khim.

Buhat si Karla, walang lingon itong kumaripas ng takbo.

'Bwisit na lalaking 'to! Hissss!'

"Ano ba dalig, tapusin mo na yan! Nakakatakas na sila! Bilisan mo!"

Sigaw ni Nanay Eda.

Sabay takbo para sundan sila Khim at Karla upang hindi makatakas.

Agad na muling sinagpang ni Dalig si Jorge and this time, sinigurado nyang hindi na ito makakatayo dahil hindi nya tinigilan ang pagkagat dito sa iba't ibang parte ng katawan.

Mabilis naman nakalayo si Khim at Karla pero nasundan na sila ni Nanay Eda.

Hinablot nito ang buhok ni Khim.

"AAAHHH!"

"At saan kayo sa akala nyo pupunta?!"

Binitiwan ni Khim si Karla. Ito ang unang beses na ginawa nyang bitiwan ang pamangkin. Kailangan nyang pakawalan ang bata, para makalayo ito.

"Takbo Karla! TAKBO!!!"

"T-Tita! Huhuhu!"

"Hoy bubwit, dyan ka lang! Huwag kang tatakbo!"

"TAKBO KARLA! TAKBO!"

Sigaw ni Khim na hindi makakilos dahil hawak hawak ni Nanay Eda ang buhok nito.

Walang nagawa si Karla kundi ang tumakbo palayo kahit ayaw nitong iwan ang Tita Khim nya.

"Walanghiyang bubwit yun, akala ba nya matatakasan nya ko!"

Hawak ang buhok ni Khim, sinundan nila si Karla.

"Anak ng .... saan napunta yung bubwit na yun?"

Pero kahit saan sya tumingin bigla talagang nawala ang bata.

"Imposible namang nakatakbo ng mabilis yun! Tyak na narito lang yun! Baka nagtatago!"

"Haaaaist!"

"Hisssss!"

"Mabuti at andyan ka na, Dalig!

Hanapin mo yung bubwit at bahala ka na!"

Agad naman iginala ng ahas ang paningin at saglit lang naamoy na nito ang mainit na dugo ng bata.

"Hiisssss!"

Agad nitong nilapitan ang bata.

'Jusko! Tulungan nyo po si Karla!'

Pero this time, desidido na si Dalig. Agad syang lumundag sa harapan ng nagtatagong bata.

'Bingo!'

Gulat si Karla, hindi nakaimik ng makita ang ahas sa harap nya. Natulala ito.