webnovel

Chapter II

"Crest View Academy"

*********

Pumunta pa kami sa isang gate at tinapat lang ang I.D namin sa scanner pagkatapos ay ini-scan din ang mukha namin. Sabagay kung mawala ang I.D mo sa labas at gamitin ito para makapasok sa school ay hindi padin sila makakapasok dahil ii-scan din ang mukha mo.

Pagkapasok namin ay pinapunta kami sa Headmaster Office.

"So sampu pala kayong mga nakapasa na bagong mga estudyante. By the way I am Headmaster Luke. Hawakan ninyo lang itong crystal na ito at pwede na kayong lumabas automatic na lalabas sa I.D niyo kung anong class kayo at pati na rin ang room number ninyo, eto ang student handbook naanjan lahat ng rules at guidelines at sa likod niyan pindutin niyo lang ang button at lalabas na diyan ang 3D map, yung pulang ilaw na nag-blink ay kung nasaan ang posisyon ninyo kaya di kayo maliligaw.

"Lext ikaw na ang mauna." Lumapit ito at hinawakan ang crystal at umilaw ang I.D nito at nagkaroon sa harap ng style depende pala sa ability mo at sa likod naman ay ang room number. Kami na lang ni Sage ang naiwan dito dahil tapos na yung iba.

Noong si Sage na ay biglang nagkaroon ng mga kidlat sa I.D nito 3D ito kaya parang may bagyo pero walang ulan parang kay zeus lang na nagbabagsakan ang mga kidlat. At sa likod ay nakalagay ang Royalty House.

"Ikaw?! Isa kang Guardian?!" Halata sa mukha niya ang gulat.

"Ibig sabihin kumpleto na kayong limang mga Guardians of Thorem."

Lumapit na ako sa crystal at sa di inaasahang pangyayari ay bigla na lang itong nag-crack at nabasag pagkatapos ay umilaw naman ang I.D ko at nagkaroon ng design ito na iba't-ibang sandata may mga espada tapos mapapalitan ng baril at kung ano-ano pa. ganoon lang paulit ulit, mayroon ring itim na parang usok na mistulang naging background nito.

Agad na kumunot ang noo ni HM sa nakita niya sa ID ko.

"Anong klaseng Magi meron ka? Bakit parang ngayon lang ako nakakita niyan?" Paliwanag ni HM Luke at matagal tagal rin itong nag-isip bago muling nag salita

"sige sumama kayo sa akin at ihahatid kita sa Royalty House Sage at Ikaw Soul ihahatid kita sa Dorm mo." Sabi ni HM ng makabawi siya sa pagtataka.

"Teka hindi po kami magkapareha ng Dorm? Pwede po bang sa iisang Dorm na lang po kami?" Sabi ni Justin.

"Pasensya na hindi pwede, isa pa, pag-aaralan ko muna kung anong Magi meron si Soul." Sabi ni HM

Naglalakad kami sa labas at halos lahat ay nakatingin sa amin ni Justin or Sage iyon kasi ang alter name niya. Ako naman ay Soul.

"O.M.G girl ang hot naman nila new student ba sila?" Malandi 1

"oo nga ei kaso yung isa mukhang seryoso pero mas bet ko sya hihi."malandi 3

Tss... paki ko sa inyo magbubulungan na nga lang kailangan yung madidinig ko pa. Tsk.

"pwede you should shut up nalang kasi that hottie is mine" malandi 2

Ang conyo naman nito magsalita at ako? Pagmamay ari niya? Ano siya swerte malapit na ako mapikon sa mga ito.

"o yung ulo mo baka umapoy na jan haha. Wag kasi mainit ulo." Si Sage sabay tawa pati tuloy si HM Luke napatawa.

Nakarating kami sa R.H o Royalty House.

Nakita ko ang tatlong babae doon at 1 lalaki.

"Good Morning HM" bati nila.

"Good Morning Royalty. Sya nga pala, kaya ako nagpunta dito ay para ipakilala sa inyo ang bago ninyong miyembro sige magpakilala muna kayo sa kanila royalty." Sabi ni HM

"Hi ako nga pala si Chloe second name Mist, 17, Water Controler Sub magi is Ice tapos may lima akong ability." Sabi noong babaeng may asul na mata at mahabang buhok.

"Hello Lindzei is the name second name is Sky, 18 din, at Air Controler Sub magi is Sound i can control sound pwede ko ding tanggalan ng sound ang isang lugar. Lima din ang ability ko." Meron siyang gray na mata

"Hi, Leila here second name is Amber 18, Fire Contoler Sub magi is live High Technology. Like nito mga small insects na may built in camera and this."Nagawa naman siya ng malaking hologram at nakikita namin ang labas ng R.H dahil sa insects na may camera. Her Sub magi is kinda useful.

"Hi ako nga pala si Andrew Second name ko ay Dust. 18, at isa akong Earth Manipulator Sub magi Nature. Lima din ang ability ko actually lahat kami lima ang ability."

"hello sa inyo ako pala si Justin second name ko ay Sage 18 din Lightning Manipulator Sub magi Gravity. Anim naman ang abilities ko." Sabi ni Sage

"wow ibig sabihin ikaw ang hinihintay namin para makumpleto tayong mga Guardians?" Sabi ni Amber.

"Who's him?" Tanong naman nung Sky

"Khilleid second name Soul. 18, Sub Magi is Dark and Shadow. Ability? I don't know." Cold ko lang nasabi.

"Teka anong Main Magi mo?" Takang tanong ni Dust.

"Hindi pa niya al---" pinutol ko na ang sasabihin ni HM.

"Transformology Magi." Sabi ko na lang.

"Ano iyon? Bakit ngayon ko lang narinig ang Magi na 'yon?" Nag kibit-balikat na lang ako.

"sige maiwan ko na muna kayo diyan. Oy kayong apat na ang bahala jan kay Sage." At umalis na si HM.

Naglakad na kami ni HM sa hallway mahabang katahimikan bago nagsalita si HM Luke.

"So alam mo na pala ang tawag sa Magi mo?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

"Anong kayang gawin ng Magi mo?" Taning pa niya.

"About that..... It's for me to know for you to find out." Maigsi kong sabi

"Ilan ang Ability mo?"

"I've already mastered four of my Abilities" sagot ko na lang. Tumigil ako sa tapat ng isang pinto kaya nagtataka naman si HM na tumingin sa akin.

"Isn't it my Dorm Room?" Tanong ko.

"Ah oo nga pala. Pero teka paano mo nalaman?"

"Like what I've told you earlier, I've already mastered four of my Abilities and one of that is Sense of direction kaya hindi ako maliligaw." Sabi ko sa kanya at pumasok na sa kwarto ko.

"Pumunta ka sa office ko mamaya after Dinner." Pahabol niya ng isasarado ko na ang pinto.

Plain room lang ito kaya ginawa kong dark blue ang pader at nilagyan ko ng makapal na kurtina ang bintana. Gawa sa shadow ang kurtina kaya makapal at itim na itim ito. Kaya madilim sa kwarto ko and I like it.

Lumabas ako ng kwarto ko dahil pupunta kami sa Okami Mall para bumili ng damit at ng kung ano ano pa.

Nalimutan ko wala nga pala akong dala na kahit ano sa pag pasok ko rito, at pinayagan naman kami ni HM na mga new student na pumunta ng Mall para bumili ng mga gamit namin.

Nagpunta ako sa R.H para puntahan si Sage. Kumatok ako sa pinto ng tatlong bese at si Sky ang nagbukas nito.

"Nanjan ba si Sage?" Tanong ko.

"Wait lang. Pasok ka muna." Yaya niya sa akin.

Napatingin nalang ako kila Amber at Dust ng sumigaw ito.

"Nakakainis ka na talaga, ibalik mo nga iyang phone ko. Bwisit ka!" Sigaw ni Amber

"haha. Ano to? Kpop kpop ka pa diyan eh mas gwapo naman ako jan haha."sigaw din ni Dust.

"hah. Bakla ka kelalaki mong tao pero napaka chismoso mo.!" Bwelta naman ni Amber

"ako bakla? halikan kita diyan eh" sabi ni Dust na ikinapula ng mukha ni Amber sa pagpipigil ng inis na mukhang sasabog na anytime.

"Ewa--" hindi ko na nadinig ang sasabihin ni Amber ng parang bigla itong tumahimik. Kaya napa dako naman ang aking tingin sa puwesto ni Sky.

"grabe ang ingay talaga nila kainis. Sakit sa tenga. Thanks Sky at may ganyan kang Sub magi." Reklamo ni Mist.

"Uy! Andito ka na pala? Nga pala sasama daw sila satin." sabi ni Sage kaya Napa nod na lang ako.

-------------