"Illythria, anak."
"Nay?"
"Anak."
"Inay nasaan ka? Nay?"
"Iligtas mo ako, Anak."
"Nay nasaan po kayo?"
"Anak kailangan ko ng tulung mo."
"Inay!"
Napabangon ako habang habol ang aking hininga at sinapu ang aking likod ng may naramdamang parang gustong kumawala rito.
Napadaing ako sa sakit, unti unti kong kinapa ang aking likod ng may makapa akong malambot na parang balahibo ng manok.
Napasigaw ako sa sakit at unti unting nandilim ang aking paningin at bigla nalang akong natumba at nawalan ng malay.
Napabangon akong parang may mabigat na nakasabit sa aking likuran unti unti ko itong kinapa at laking gulat ko nalang ng nakapa ang pakpak na puti saaking likod.
Napa ikot ako para tingnan ito pero dahil sa aking pag ikot ay natumba akong umiikot ang aking paningin.
Marahan akong tumayo patungo sa salamin malapit sa pintuan ng aking silid nagulat lamang ako ng makita ko ang napaka gandang pak pak na kulay puti sa aking likod, agad ko itong hinimas napapikit ako sa lambot.
Agad kong hinubad ang aking makapal na damit at tanging maiksing itim na damit lamang ang aking suot na bumagay sa aking puting kutis.
Napaka ganda ko.
"Sobrang ganda binibini."
Nagulat ako ng makita ang prinsipe saaking likod marahan akong umikot para hindi siya masagi ng aking pak pak at agad na yumuko bilang pag galang .
"Salamat mahal na prinsipe ngunit hindi ka ba natatakot saaking anyo?"
"Dapat ko bang katakutan ang isang binibining may magandang anyo?"
"Hindi naman mahal na prinsipe ngunit may mga taong minsan na akong patayin dahil sa kakaiba kong anyo aniya na hindi pangkaraniwan, engkanto, demonyo at iba pang mga ani nila na kanilang pina niniwalaan."
"Isang duwag lamang ang gustong magtangkang pumatay sa isang dyo- este magandang binibini."
"Huwag kang magbiro ng ganiyan mahal na prinsipe baka lumaki ulo ko niyan."
"Hindi ako nag bibiro binibini."
"Sandali lamang, bakit narito ka saaking silid? At basta basta na lamang sumulpot na parang kabute."
"Bawal bang dumalaw?"
"Hindi naman sa ganoon ngunit halimbawa'y naabutan mo akong naka hubad, matutu ka namang kumatok dahil meron naman akong pintuan mahal na prinsipe."
"Patawad hindi na mauulit."
Laking gulat ko nalang dahil humingi ito ng tawad at agad na lumuhod.
"Tumayo ka riyan mahal na prinsipe."
"Ako ay hindi mo pa pinapatawad, hanggat sa hindi mo ako patatawarin ay hindi ako tatayo."
"O-oo na p-pinapa tawad na kita, tumayo ka na mahal na prinsipe."
Agad din naman itong tumayo at bigla nalang itong tumingin sa aking katawan at bigla nalang tumalikod.
"Paumanhin kung naabutan mo akong ganito ang suot nais ko lamang tingnan ang aking kabuoan." Nahihiyang ani ko at agad na pinulot ang aking balabal ngunit hindi na ito kasya saakin, nagmamadali akong pumunta sa aking higaan at agad na tinago ang sarili saaking kumot.
"Paumanhin rin dahil bigla bigla nalang akong sumulpot." Aniya na naka yuko.
"Ano nga pala ang iyong pinunta rito at saan na ang pusa mong nagsasalita?"
"Nais lamang kitang bisitahin nakita ko kasi kaninang nawalan ka ng malay at ang pusa ko naman ay nasa iyong kusina."
"Ano?! Bakit mo siya hinayaan sa kusina? Ang aking pagkain ay mauubos wala na akong salaping gagamitin upang bumili ng aking pagkain." Sa aking gulat ay aamba na sana akong tumayo ngunit bigla nalang nagsalita ang prinsipe.
"Huwag kang mag alala hindi niya ugaling kumain ng hindi niya pagkain." Natatawang ani ng prinsipe.
"Ano nga pala ang iyong pangalan?"
"Alastair Virion Merveilleux unang prinsipe ng kahariang Ecthelion." pormal na aniya.
"Illythria Vixen."
"Napa kagandang pangalan."
"May sinasabi ka ba mahal na prinsipe ng Ecthelion?"
"Wala ako'y magpapa alam na, samuli nating pagkikita magandang binibini paalam." Aniya at bigla nalang lumaho na parang bula.
Ilang minuto akong wala sa sarili habang iniisip ang masyadong mabilis na pangyayaring hindi ko inaasahan.
Tumayo ako at lumabas sa aking silid at tinungo ang daan papa labas ng bahay.
Ng makalabas ako agad na sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin at ang maliwanag na sinag ng buwan na nagsilbing aking ilaw, humakbang ako ng patalikod at sinubukang pagalawin ang aking pak pak ngunit ng lumutang na ako sa ire ay bigla nalang akong nawalan ng balanse dahilan ng aking pagbagsak sa aking kinatatayuan kanina.
Ilang beses ko sinubukan ngunit palagi nalang akong nababagsak, sinubukan ko itong muli humakbang ako patalikod at agad na pinagalaw ang aking pak pak at hinanda na ang aking paglipad.
Huminga ako ng malalim at tumakbo hanggang sa lumipad na muli ako sa ire na hindi na bumabagsak, dahil sa sobrang tuwa ay napatawa ako ng malakas at agad na binilisan ang aking paglipad.
Sinuyod ko ang paligid pati na rin ang kagubatan, masaya kong pinagaspas ang aking pakpak pataas at ng makarating ako sa alapaap kitang kita ko ang nakaka bighaning buwan, sandali kong pinagmasdan ang buwan ngunit napabaling ang aking tingin sa kagubatan may nakita akong sulo na umiilaw habang hawak hawak ng isa sa mga lalaki at ang iba naman nitong kasamahan ay may mga armas na naka tingin saakin, napako ang aking tingin sa isang lalaking naka sentro saakin nng kaniyang pana pero huli na ng maiwasan ko ito, kasabay ng aking pagkilos ay ang pagka pana saaking tagiliran dahilan ng pagka hulog ko.
Isang lalaking patungo saaking direksyon ang huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.
--