webnovel

Chapter 6

Habang naglulunch kaming magbabarkada ang mga titig ng mga kaibigan ko sakin ay parang nang aasar at ganun din yung mga kaibigan ni drey at sina Gabriel at Aeriela naman ay patingin tingin sa kamay namin na mag kahawak ni drey mukhang may epekto talaga sa kanila yung pagpapanggap namin, magandang simula to?

"Oh by eto pa! Kain ka pa! Ano pa ba ang gusto mo?" Ano ba itong si drey kanina pa ko pinapakain, busog na busog na ako

"Oyy kayong dalawa ha! Bakit ang sweet sweet niyo kanina pa?!" Sheena

"Nauntog ka na ba bro at narealize mo na si Clarisse talaga ang para sayo" Jacob

"Siguro nga Jacob kanina pa etong si Clarisse ehhh hindi namin kinukwento samin kung may something sa kanila ni Grey! Diba sis?!" Stallie

"Oo sis nga ang damot magkwento ng kaibigan natin!" Audrey

" So ano na nga ba bro? Kayo na ba?" Kyle

"Ohh ano na ba talaga Clarisse? Ano status nyo?" Jessica

"Special sakin si by" adrian

"Alam na namin yan!" Yung makukulit naming barkada

"Ano na ba talaga kayo ni Adrian bestie?" Nagulat kaming lahat nang bigla nagsalita Aeriela, huhuhuhu parang ang cold ni bestie ngayon.

"Ah eh a-ano kasi ahmmm pano ba to kasi ano eto na kasi yun--" tinignan ko si drey na para bang kailangan ko yung tulong niya

"Drey ikaw na lang kasi ang magsabi, ano ba talaga meron sa inyo ni Jenevie?" Walang ganang sabi ni gabriel, gab gab ba't ba ang cold din niya?! May epekto pa talaga siguro ako sa kaniya!!! Good sign yata to!

Tinignan naman ako ni Adrian. Ako na lang siguro ang magsasabi....

"KAMI NA!" Sabay pa naming sabi ni drey. Ano ba naman to ang awkward acting mode na ako dito

"REALLY?!" Sabay pa talagang sigaw nina Gab gab and bestie, mommy ang awkward na talaga ng atmosphere

"Oo kami na ni by sa maniwala kayo't sa hindi, narealize namin na sa tagal ba namin na magkakilala at magkasama eh hindi namin namalayan na hulog na kami sa isa't isa" umakbay agad sakin si drey, aba ang galing umacting ng isang to! Bravo drey! Bravo!

"Yes mga sissy, besties official kami nga ni drey, pasensiya na kung hindi namin agad nasabi sa inyo kasi medyo nahihiya pa kami kaso naghihinala na talaga kayo kaya na paamin kami ng wala sa oras!" Sabi ko at sabay ngiti na parang kinikilig Ohh diba ang galing ko din umacting

"Sissy Clarisse!! I'm very happy for you!" Audrey

"Bro congratulations sa inyo!" Vincent

"Oo nga congrats beshie Clarisse" Sheena

"Clarisse mahh friend congratulations!" Jessica

"Bro ang galing talaga ng mga galawan mo ha! Napasagot mo si Clarisse!" Kyle

"Ako pa ba?! Syempre sa gwapo kong eto, ang swerte ni by sakin lugi nga ako sa mukha niya eh!" Aba talagang sumusobra ng mokong na to ah! Ahh alam ko na kung ano ang gagawin ko para tumahimik siya

Hinarap ko ang mukha nya at nilapit ko ang mukha ko at ngayon amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga, nakikita ko ang magaganda niyang mata, matangos na ilong, ang labi niyang mapula-- wait ano ba itong sinasabi ko

Nilapit ko ulit ang mukha ko sakaniya ayan na sobrang lapit na ng mukha namin aba ang mokong pumikit! Akala niya siguro hahalikan ko siya!! Patay ka sakin ngayon! Habang nakapikit siya nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong ako

"Drey pag hindi ka pa talaga tumigil sa pang aasar sakin, matatapos agad yung pagkukunwari natin..."

Nagmulat ng mata si Adrian at napahiya akala niya siguro hahalikan ko siya! Ohh diba na tahimik siya! HAHAHAHAHA nice revenge Jenevie!

"Ano ba kayo?! Naglalandian kayo sa harap namin! Boto kami sa love team niyo guys pero yuck sa harap talag namin?! HAHAHAHAHA" pang aasar sa amin ni Audrey Huhuhuhuhu, sissy Audrey mapepektusan talaga ka ng wala sa oras pag ginawa mo ulit yan!

"Oo nga bro tama na yan PDA niyo! At ikaw naman baby Audrey ko halika nga dito sakin ng mayakap kita ng buong pagmamahal ko!" Yuck nakakasuka talaga ang kasweetan Jacob pagdating kay Audrey kaso yung si sissy manhid akala niya joke lahat ang lumalabas sa bibig ni Jacob.

"Yuck Jacob nakakasuka talaga ang nanggagaling na salita sa bibig mo!" Ohh edi ano ka ngayon sissy Audrey?! Lakas talagang humabol ni karma! Love it! HAHAHAHAHA

"Tumahimik nga kayo Audrey! Nakakabwesit pakinggan yung asaran ninyo!" Reklamo ni bestie (Aeriela) oh anong nangyari kay bestie bakit bigla namang uminit yung ulo niya, eh ang haba kaya ng pasensiya niya pagdating sa amin ng barkada!

"Aba AERIELA KYLERHEA VILLAMOR ang bastos naman yata ngayon ng bunganga mo!" Hala patay pinatulan pa talaga ni sissy si bestie! Mas lalong lalaki yung gulo bakit ba kasi ang liit ng pasensya ngayon ni Aeriela at eto namang isa pinatulan pa ang pag init ng ulo ni bestie

"Ehhh sa nakakarindi pakinggan yang pag aasaran niyo ni Jacob! Be mature enough girl! Nakakabulabog kayo ng ibang tao!" Bestie tama na pleaseeeee, yan ang gusto kong sabihin kay bestie kaso ang init talag ng tensyon sa pagutan nilang dalawa

"Aeriela kung umiinit ang ulo mo dahil sila na ni Clarisse at Grey wag mo kaming idamay! Wag kang magselos dahil wala ka ng karapatan magselos dahil in the first place ikaw ang nang iwan and please take note of this Aeriela, YOU DON'T DESERVE GREY!" Tatalikod na sana si Audrey nang bigla hablutin ni bestie yung braso niya at agad niya itobg SINAMPAL! OMYGASHHHH

"Aeriela tama na!" Sigaw naming barkada

Pero hindi kami pinakinggan ni Aeriela at mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa braso ni Audrey

" Wag na wag mo sasabihin yan sa harapan ko *sobs* dahil hindi niyo alam ang rason kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na eto! *sobs* Yan kasi kayo eh ang baba ng tingin niyo sakin *sobs* kaya wala kayong karapatan na husgahan ako" iyak ng iyak si bestie

"AE TAMA NA 'YAN" pag awat ni Adrian at dahil dun napabitiw si bestie kay Audrey at agad namang tumakbo si Audrey

"Jessie, Sheena samahan niyo muna si Audrey" agad naman silang tumango sa sinabi ko

"Sasamahan namin sila bro.." paalam nina Vincent, Jacob at Kyle

Tumango na lamang kami ni drey sa kanila. Lalapit na sana kami kay bestie dahil umiiyak siya kaso nagsalita siya

"By, drey pwede ba iwanan niyo muna ako? Gusto ko lang mapag-isa.." seryoso sabi ni bestie na agad umalis

"Bro susundan ko lang siya baka ano yung gawin nun." Paalam sa amin ni gab gab hayyysss mabuti ppa si bestie nag aalala sa kaniya si gab.

May pag-asa pa kaya talaga kami na magkabalikan ni gab gab at sila rin ni bestie and drey?

Tama ba ang gagawin namin ni Adrian na plano?

Sana lang talaga tama yung ginagawa namin ni Adrian at sana magkaayos na sina bestie at sissy...