webnovel

Chapter 5

Clarisse/Jenevie's POV

*inhale* *exhale* *inhale* *exhale* *inha---* ay pasensya na kayo kung bakit ako kanina pa nag iinhale at exhale e kasi naman ito yung unang araw na magpapanggap kami ni Adrian bilang magjowa. Kinakabahan talaga ako mga besssss!!

Natural lang naman kaming close atsaka parati naman kaming magkasama pero iba na to ehh! Iba na! Dapat talaga mapapaniwala namin yung mga tropa niya, mga besties ko at lalong lalo na sina Gabriel at bestie Aeriela para magselos sila at mahalin nila kami ulit.

Sooooo this is it pancit, nandito na si Adrian sa bahay dahil susunduin niya ako at magpapaalam kami sa parents ko na siya yung bago kong boyfriend, alam naman namin na matatanggap siya nang mga magulang ko dahil bata pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Adrian dahil magbestfriends yung mama namin.

Ayyy tama na ang chika nandito na si drey!! This is it pansit!

"Good morning byyyyyyy!!" Nakangiting bati sakin ni drey at nagulat akong bigla niya akong yakapin!!

"G-good morning d-drey..." omayghasshhh nauutal naman ako bumitaw ako sa pagkakayakap niya sakin at ngumiti ako ng medyo awkward..

"Nasaan na sila ni Tita Magdalene and Tito Arthur?" Nakangiti si drey habang sinasabi ito pero pagtingin ko sa mata nakikita ko na talagang kabado siya at syempre ako din naman kinakabahan ako sa gagawin naming plano basta bahala na si batman!

"Nasa kusina sila ni my at dy, nagbebake sila ngayon ng cake" tugon ko sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya at siya'y napatingin sa aking kamay na nakahawak sa kaniya kaya medyo nahihiya ako kukunin ko na sana ang kamay ko nang bigla niyang pinagtiklop yung mga kamay namin sabay ngiti

"Tara punta na tayo kina tita at tito" drey

Habang naglalakad kami patungong kusina biglang nagsalita si adrian

" By . . . ."

"Hmmmm??" Ako

"Kinakabahan yata ako..." drey

"Wag kang kabahan alam ko at alam mo na matatanggap ka nina mommy and daddy.. atsaka wag ka nga diyan mukha ka namang totoo ko talagang boyfriend na kinakabahan!" Pabulong ko na sabi at natigilan kami sa pagkwekwentohan nang naabot na namin ang kusina at nakita namin sila my at dy... eto na!! Eto na!! Eto naaaa ahhhh!!!!

*DUBB DUBB* *DUB DUB DUB* yung puso ko ang tindi ng pagtibok!!

"Tito! Tita! Good morning po!" Masiglang bati ni drey kina my at dy atsaka nagbeso beso pa! My goodness! Baklang toooo!!

"Drey!! Kamusta ka na iho?! Yung mommy kamusta??" Tugon ni my

"Good morning din iho" tugon ni daddy

"Ok lang po si mama tita kagaya niyo maganda pa rin!" Ohh kita mo tong lalaking eto! Lakas talagang magpagaan ng loob ni mommy!!

"Eto talagang batang ito! Mahilig talagang manloko!" sabi pa ni mommy sabay tawa na parang dalaga.. eto talagang si mommy nahihiya pang aminin ehh totoo naman, sa kaniya kaya nagmana yung kagandahan ko

Tumawa naman si adrian at agad na naalala kung ano talaga ang pakay ng pagpunta niya dito.

"Tito, tita nandito po ako ngayon kasi---" pinutol ni mommy ang sasabihin ni drey

"Nandito ka kasi susunduin mo si Clarisse diba??"

"Opo tita pero may sasabihin po sana kami ni Jenevie. Tita tito----" pinutol naman ni daddy ang sasabihin ni drey at tumingin sakin ng seryoso! O to the M to the G!! Patay ako neto!!!!

"CLARISSE JENEVIE MONTENEGRO! BUNTIS KA BA?!" ha?! Ano daw?! Ako buntis?!

" DADDY, AKO?! BUNTIS?! IMPOSSIBLE!" pagtutol ko sa sinabi ni daddy, daddy ano bang pag iisip ang meron ka!!!

"PAANO HINDI MAGIGING IMPOSSIBLE CLARISSE! LALAKI SI GREY BABAE KA! POSSIBLE YUN! IKAW GREY ANONG PLANO MO NGAYON HA?!" pagpapatuloy ni daddy sa sermon niya.. huhuhuhuhu daddy nagkakamali ka talaga nakakahiya na talaga kay drey to!!!

"Clarisse anak, pinalaki naman kita ng maayos, saan ba kami nagkulang ni daddy ng pagpapaalala sayo?" Kalmadong sabi ni mommy habang ang mata niya'y naluluha at malungkot na malungkot

Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si drey

"Tito, tita pwede patapusin nyo po muna ako sa pagsasalita okay? Tito at tita hindi po buntis si by kaya kalma lang kayo, nandito ako ngayon dahil gusto kong sabihin na kami na po ni by" sabay pakita ng kamay nang magkahawak pa rin pala hanggang ngayon?!

Tumingin sakin si daddy " totoo bang sinasabi niya Clarisse?"

"Opo daddy, mommy?"

"Anak sure ka ba na kayo na??" Mommy

"Opo mommy/tita" sabay naming sabi ni drey at nagkatinginan

"Congratulations sa wakas naging kayo na rin! Matagal tagal ko na ring hinihintay to! Siguradong matutuwa si Cristina" Mommy

Hayyyy sa wakas naging malinaw na din sa kanila!

"Again uulitin ko ang rules kapag naging girlfriend mo ang anak ko, don't make her cry because of sadness, make her cry because of overload happiness... " sabi ni daddy sabay tap ng shoulder ni adrian

"Opo tito at sisiguraduhin ko na palagi siyang iiyak dahil sa sobrang kaligayahan.." sabay ngiti si drey at niyakap sila mommy at daddy

Ang close talaga nang mokong na to sa pamilya ko! Swerte niya lang talaga at tanggap siya agad.

*KINABUKASAN SA KOTSE PAPAPUNTANG SCHOOL*

"By eto ang unang araw natin bilang mag girlfriend at boyfriend!" Pangiti ngiting sabi ni drey habang nagda drive

"Correction Adriano unang araw ng pagpapanggap na tayo!"ako

"Oo by hindi ko makakalimutan na pagpapanggap eto, pero by isa lang ang masasabi ko" drey

"Ano naman yun?"

"Mag-enjoy ka sa pagpapanggap natin. I will assure you that you will never forget this and you'll enjoy this!! It's really exciting diba by?! Isn't it?!" Sabi ni drey at ngayon mas malapad na yung ngiti na nasa labi niya

"Okay okay fine.. and I also promise you that you'll also enjoy this fake relationship drey!" At nginitian ko din siya nang malapad at matamis

Hindi naman siguro masama na mag enjoy kahit pagpapapanggap lang eto, atsaka mabait naman si drey sigurado akong hindi ako magkakaproblema sa kaniya....