webnovel

Chapter 1

Katatapos lang ng sembreak, kaya may pasukan na naman ngayon shocks as usual late na naman ako!! Andaming tao, ang haba naman ng linya papasok sa school ba't ba kasi ako nalate ng gising?!

Ahhh alam ko na! Ganito kasi nangyari kagab-e!

*Flashback*

Umiiyak ako habang tinatawagan ko yung kaibigan ko dahil sa bwesit na boyfriend ko!!! Oppppss mali pala ex-boyfriend na pala.

"Ang sakit talaga ng ginawa niya sakin drey! *sobs* Ang sakit sakit *sobs* , ikaw ba naman pangakuan na hinding hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita tapos makikita mong may kasama na siyang iba! *sobs* "

"By wag ka nang umiyak, alam mo naiintindihan din kita..." sabi niya sakin at biglang huminga ng malalim

"Ha?! May nangyari ba?! Ba't ang lalim ng hugot mo?? Ikaw ba ang iniwan? Hindi naman diba?! Masaya naman kayong dalawa ni bestie ko eh!" Sabi ko sa kaniya habang ako'y medyo kinakabahan sa kaniyang sasabihin dahil alam kung medyo nagkakalabuan na sila ni bestie Aeriela. Hayyysss

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan by! Alam mo naman na matagal na kaming nagkakalabuan ng kaibigan mo atsaka harap harapan niyang pinapakita sa akin ang pagtataksil nya! Ang sakit by dahil alam ko ikaw na lamang ang naniniwalang magkakabalikan pa kami.." sabi niya sakin gamit ang kaniyang malungkot na boses mabuti na lang at hindi siya pumiyok dahil kung hindi alam kung umiiyak na 'yon, iyakin yun eh..

"Drey.... Pasensya na gusto ko lang naman na mabalik nyo ang dati niyong pagsasama ni bestie at yun din ang gusto kong mangyari samin ni Gabriel.. hayysss ba't ba tayo nila sinasaktan drey?!"

"Sana balikan na niya ako drey"

"Sana magbalik ang dating tamis ng pagsasama namin by"

"Hayysss sana talaga drey ganon na lamang kadali ang lahat, sana meron man lang tayong maggawa para balikan nila tayong dalawa" pagkatapos kung masabi yun natahimik kaming dalawa ng ilang minuto nang biglang nagsalita si adrian

"Alam ko na by kung anong gagawin natin para balikan nila tayong dal'wa, basta ba'y payag ka sa plano ko!" Sabi niya at biglang sumigla ang boses nya

"Anong plano naman yan?! Siguraduhin mong maganda yan at kung hindi pepektusan talaga kita sa noo mo!" Agad kung sabi sa kaniya, mukhang di ko gusto ang pinaplano niya.

"Basta bukas sasabihin ko, sabay tayong maglunch! Sige na good mornight by atsaka librehin mo ako mamaya byeeeee" at agad niyang pinatay ang tawag, mapapagastos na naman ako nito!

Makatulog na nga anong oras na ba?! 3am?! Mygoshhh umaga na pala?!

*End of flashback*

At yun na nga ang nangyari kagabi at hindi agad ako nakatulog dahil hindi ko maalis alis sa isip ko kung ano ang plano niyang gagawin namin. Ayyy! Mukhang napahaba ang kwento ko ako na pala ang susunod na papasok sa wakas.

"Miss yung ID mo.. Jenevie Clarisse Chua sige miss pasok ka na.." sabi ng guard naming kalbo na laging nakabusangot ano ba yan ang aga aga nakaka badtrip ang mukha nya!

Shocksssss!!! Late na ako 8:38 am na!! 8:30 yung pasok ko!! Patay nanaman ako kay MISS DIMABANGBANG binansagan pa naman siyang The Terror Teacher!

TAKBUHAN NAAAAAAAAA!!!