webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · สมัยใหม่
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 38

Kaya pala gumawa ng surprisa si Matteo dahil sa mawawala sya ng ilang araw dito sa Pinas. Pagkatapos ng gabing iyon ay hinatid niya ako pabalik ng bar. Dumiretso agad sya ng Airport papuntang Macao.

Dalawang araw na syang hindi nag paparamdam sakin, dalawang araw na akong naka abang sa cellphone. Maging sa trabaho ay hindi ko magawang mag concentrate dahil sa panay ang tingin ko sa cellphone. Ka'da minuto, segundo, oras ay wala akong sinasayang para sulyapan ang phone ko. Sobrang sikip sa dibdib at hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito. Nakailang mensahe na ako sa kanya sa messenger ngunit wala parin itong sagot.

Napapikit ako habang nakapatong ang phone sa noo. Suminghap ako sa nararamdaman ko ngayon. Yong pakiramdam na namimiss mo iyong isang tao ngunit wala kang magawa kundi maghintay.

Miss na miss na kita Matteo. Siguro ay tuluyan na akong nagmahal ng sobra. Ito ang unang pagkakataon na nagmahal ako at sa unang lalake na sinukuan ko pa.

"Hoy Maey," Naimulat ko ang aking mata ng hinalbot ni Ivony ang phone ko na nakapatong sa noo. Napaupo ako sa kama saka binawi sa kanya ang phone. "Kailan pa naging mesa yang noo mo at ginawa mong patungan ng phone? Mag-isip ka nga, sobrang lakas ng radiation ng phone tapos pinatong mo pa dyan sa noo mo. Tsaka kanina pa kami tawag ng tawag sayo hindi ka naman sumasagot dyan." sermon niya sakin kaya napakati ako sa may batok. Nakatayo sila sa harap ko at tila na nag hihintay sa maaari kong reaskyon.

"Sorry pagod lang siguro ako," Sagot ko bago tumayo sa kama. Nag tungo ako sa salamin saka sinuklay ang buhok. Kanina pa ako gising ngunit hinihila lang ako pabalik sa kama pahiga dahil sa pagod at bigat ng naramdaman ko ngayon.

"Sa jollibee nalang tayo mananghalian." Sambit ni Jessica. Tinignan ko sila mula dito sa salamin. Sumulyap sila sakin saka sinusundan ang bawat kilos ko.

"Tara..... gutom narin ako eh." Pagmamaktol ni Grace kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili. Sa totoo lang ay gutom narin ako.

"Tayo na," Saad ko sa kanila. Sabay kaming lumabas ng bar. Napagpasyahan naming sumakay ng taxi dahil medyo malayo ang Jollibee. Hindi ito ang unang pagkakataon ko sa resto na iyon. Palagi akong dinadalhan ni Matteo sa bar kaya nakakain din naman ako.

Kanya-kanya kami ng order. Pagkatapos ay umupo kami malapit sa salamin, para mas kita ang iilang kotse'ng dumadaan sa paligid.

"Kanina ka pa namin nahahalata Maey. Kanina ka pa sulyap ng sulyap sa phone mo. May problema ba?" Direktong tanong ni Grace kaya tumingin ako sa kanya. Bawat titig nila sakin ay may bahid na pagtataka. Inikot-ikot ko ang straw sa baso.

"May problema ka ba? Pwede mong sabihin samin." Singit ni Ivony. Nakagat ko ang labi ko dahil ayaw kong magsalita. Nag tiim ako ng bagang na tila pinipigilan ang buka ng aking bibig.

Mahihiya ba ako kong sasabihin ko sa kanila na miss ko si Matteo?

"Na miss mo si sir Matteo noh?" Taas kilay ni Jessica. Natahimik ang kaluluwa ko sa tanong niya. Ang pintig ng puso ko ay sumisigaw sa pangalan ng taong hinahanap-hanap ko ngayon.

"Normal lang naman iyan Maey huwag kang mahiya, syempre sino ba namang hindi makakamiss sa abs ni sir." Halak-hak ni Grace kaya sabay kaming napatingin sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dadating kami sa puntong ito.

"Oo nga sino ba namang hindi makakamiss sa gwapo niyang mukha." Natatawang saad rin ni Jessica. Sumimangot ako sa sinasabi nila. Alam kong kalog silang lahat pero sa ginagawa nila ngayon ay mas lalo kong namiss si Matteo.

"Baka naman kasi busy si Sir. Baka nakalimutan mong CEO ang boyfriend mo, sikat na executive chairperson sa isa sa mga pinakamalaking construction supplies dito sa buong Manila. Sino ba namang hindi makakamis kay Sir eh cement ang business nila, kaya kasing tigas at kisig ni Sir." Kilig na kilig na salaysay ni Grace kaya binatokan sya ng dalawa. Panay ang tawa ni Erika kaya napapangiti narinako. Napailing ako sa sinabi nila. Natawa tuloy ako.

"Pinag papantasyahan mo nanaman ang boyfriend ng kaibigan natin. Ang landi talaga nito oh." Turo ni Jessica kay Grace gamit ang tinidor. Nakagat ko ang labi ko dahil gusto kong tumawa ng malakas sa mga itsura nila ngayon.

"Hindi ah.... Sinasalaysay ko lang naman ang bawat pangungusap na alam ko. Baka kasi nakalimutan ni Maey ang iilang panuri, lakandiwa, paksa at panitik ni Sir Matteo." Matigas na tagalog ni Grace kaya nagtawanan ang lahat. Sobrang ingay namin dito sa mesa kaya napapalingon narin ang ibang kumakain at tila naiinis saming tawanan.

"Bakit ka pa nag waitress? Eh bagay naman pala sayo maging guro. Filipino subject ba kamo." Nang aasar na saad ni Ivony. Naninikip na ang dibdib ko sa kakatawa. Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Iba-iba ang talento kaya nakakamangha.

"Wala eh kinapus sa buhay. Kaya nga nagtatrabaho ako para makaipon at makapag-aral narin pag ganon." Naging seryoso ngayon ang mukha ni Grace. Ang kanyang mata ay bagsak sa hapag. Naging maamo ang kanyang ngiti na parang may tinatago samin. Siguro ay gustong-gusto niyang mag-aral.

"Hay naku besh. Susuporta kami dyan, pag naging guro ka ay babalik ako sa pag-aaral." Nang aasar na saad ni Jessica kaya umiba ang aura ni Grace. Ang kanyang ngiti ay biglang lumapad sa sinabi nito.

"Oo ba sigurado akong hindi ka papasa. Baka yung grade mo eh size ng bewang mo. Size zero!" Natatawang sagot ni Grace na ikinatawa naming lahat.

Sumandal ako sa upoan habang pinapanunuod sila. Dito lang ako nakahanap sa Manila ng totoong kaibigan. Meron naman akong mga kaibigan sa probinsya kaya lang ay hindi ko halos nakakasalamuha dahil may kanya-kanya itong trabaho at ang iba ay busy sa pag-aaral. Napabuntong hininga ako habang titig na titig sa phone.

Busy ka? Kumusta ka na dyan? Miss na miss na kita baby. Mag-iingat ka palagi.

Baby? Anong ginagawa mo ngayon? Kumain ka ba sa tamang oras? Huwag kang masyadong mag papagod ayaw kong magkasakit ka. I love you!

Nakakailang mensahe na ako. Paulit-ulit kong pinapaalala sa kanya kong gano ko sya kamahal. Binalik ko ang tingin sa mga kaibigan ko at nag kakatuwaan parin ito. Hinahayaan ko nalang sila saka ako kumain ulit. Panay ang tawa ko dahil sa kulitan nilang apat. Sila ang nagpapawala sa lungkot ko ngayon. Sila ang rason kong bakit may mga ngiti sa labi ko ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami agad ng bar. Napagpasyahan nilang tumambay sa dancefloor at mukhang mga bata na naglalaro sa gitna. Tawa ako ng tawa dahil mukhang enjoy na enjoy si Grace at Jessica sa kakaikot sa railing sa gitna.

"Maey?" Lumingon ako sa pagtawag sakin ni Ivony. Katabi ko sya ngayon sa may highchair. "Alam ba ni Rocky ang tungkol sainyo ni Sir?" Natahimik ako sa katanongan niya. Suminghap ako sandali. Hindi ko pa nasasabi kay Rocky ang lahat siguro ay sa pagbalik niya dito.

"Hindi pa, pero sasabihin ko naman sa kanya." Eksplenasyon kong ikinabuntong hininga ni Ivony.

"Matalik ka niyang kaibigan, magkaibigan sila ni Matteo. Edi walang problema kong ganon." Wika niya kaya mas lalo akong natahimik. Ang katawan kong binabalutan ng malaking question mark. Pano ko nga ba sasabihin kay Rocky kong pinapaiwas niya ako kay Matteo noon pa.

"Ewan ko Ivony. Siguro ay kakausapin ko sya ng personal." Sagot ko bago niya hinawakan ang aking kamay.

Pagkatapos ng kabaliwan nila sa dancefloor ay isa-isa kaming bumalik sa kwarto. Isa-isa ring bumulagta sa kama dahil sa pagod. Kahit imik ay wala akong narinig mula sa kanila. Tanging hinanok at idlip lang ang naririnig ko. Umupo ako sa kama saka hinalungkat ulit ang phone. Bakit ba ako nagkakaganito eh trabaho ang pinunta niya don. Ang hirap mag-alala lalo na sa taong mahal mo.

Humiga ako sa tabi ni Ivony habang nakatitig parin sa screen. Hindi ko alam kong pano ako nakatulog.

Tanging malambot na kama at mabango na kumot ang gumising sakin. Ang tunog ng aircon at hampas ng hangin mula sa veranda ay pamilyar sakin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at napagtanto kong nasa kama ako ni Matteo. Nanlaki ang mata ko at bakit ako napunta dito? Dahan-dahan akong umupo sa kama habang luminga-linga sa paligid. Dumungaw ako sa suot kong puting spageti at pajama na bulak-lakin. Hindi ko alam kong bakit ako nakapagpalit ng damit. Sobrang bigat ng aking katawan sabay ng pananakit ng aking dibdib. Parang may mali sa nangyayari ngayon. Pinihit ko ang pintoan saka luminga-linga sa bawat kwarto. Sobrang tahimik ng paligid at wala namang pinagbago. May naririnig akong maingay mula sa ibaba kaya dinala ang paa ko pababa ng hagdanan. Hindi pa ako nakaapak sa unang hagdanan ay pamilyar na sakin ang mga boses na naririnig ko mula sa ibaba.

"Dinala mo ulit sya dito babe? Sinasaktan mo ako sa ginagawa mo." Boses ni Venus at hindi ako nagkakamali. Bumaba ako ng ilang pulgada ng hagdanan bago sumilip mula sa railing. Nanlaki ang mata ko dahil nakaupo si Venus mula sa hita ni Matteo. Nasa sofa silang dalawa.

"Im just using her. You know that." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Matteo. Sobrang sikip ng dibdib ko sa sinabi niya. Ang mga luha kong naramdaman ko nalang bigla sa gilid ng aking mata. Nakapulupot ang kamay ni Venus sa leeg ni Matteo habang ang kamay nito ay nasa bewang ni Venus. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko.

"Alam ko pero bakit mo sya pinapatulog sa kwarto mo? Akala ko ba ay ako lang ang dinadala mo dun." Nakasimangot na saad ni Venus. Biglang pinisil ni Matteo ang dulo ng ilong ni Venus gaya ng ginawa niya sakin. Nakagat ko ang labi ko sa sakit. Sobrang sakit!

"Yes but doesn't mean I like her. Ikaw ang gusto kong ikama babe, hindi sa isang cheap na waitress lang." Umagos ang luha ko. Ang sakit ng aking dibdib ay unti-unti akong pinapahina nito. Napaupo ako sa hagdanan dahil sa bigat ng aking nararamdaman.

"Aaah babe your so sweet." Bigla syang hinalikan ni Venus sa labi. Umiwas ako ng tingin dahil ang sakit. Bakit nga ba ako nandito? Kong ganon ay ginagamit niya lang ako? Para saan? Humikbi ako sa sakit at hapdi ng aking puso ngayon. Sumulyap ulit ako sa kanila at hanggang ngayon ay naghahalikan parin. Panay punas ko saking mga luhang patuloy parin ang agos.

"You know my plan Venus. I dont like cheap girls ever. She is not my type babe at ginagamit ko lang sya para makaganti kay Rocky." Parang may iilang bato ang nahulog saking likod. Ang bigat ng aking katawan ay para akong hinihila pagulong sa hagdanan.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil kusa nalang akong nahulog sa hagdanan. Nag pa gulong-gulong ako sa hagdanan. Bawat gulong ko ay nararamdaman ko ang bawat sahig.

Hanggang sa nauntog ang ulo ko sa simento. Bago ko pa naipikit ng tuluyan ang aking dalawang mata ay naaninag ko sa gilid si Matteo at Venus na nakangiti na tila masaya sa nangyari sakin. Hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.

"Maey!

"Maey!

"Maey!

"Maey...

"Maey gumising ka. Binabangungot ka eh!" Sabay ng pagka upo ko sa kama ay ang sigaw ni Ivony sakin. Niyug-yug niya ako ng ilang ulit. Hinabol-habol ko ang hininga ko. Panaginip? kong ganon nanaginip lang ako? Hinilamos ko ang mukha ko bago humagol-gul ng iyak.

"Maey panaginip lang yun. Tahan na." Hinimas-himas ni Grace ang likod ko. Inangat ko ang ulo ko at napagtanto kong nasa kama habang nakatingin sakin. Ang kanilang mga titig na tila nag-aalala ng lubusan. Pinunasan ni Jessica ang luha saking mata.

"Ano bang napaginipan mo?" Tanong niya kaya tumulo ulit ang luha ko. Niyakap ako ni Ivony saka hinimas ng ilang ulit ang likod ko.

"Huwag mo ng sagotin. Mabuti pat huwag ka nalang magtrabaho ngayon." Agad akong humiwalay sa yakap niya. Umiling ako saka dali-daling pinunasan ang munting luha.

"Hindi... kailangan kong mag trabaho ngayon. Tika lang magbibihis lang ako." Dali-dali akong tumayo kaya hinuli ni Grace ang kamay ko rason kong bakit napaupo ako pabalik sa kama.

"Sigurado ka?" Tumango ako bilang sagot saka dumiretso sa dressing room.

Panay ang pilig ko saking ulo dahil sa panaginip kanina. Maging sa trabaho ay hindi ako makapali.Sabi nila ay may mga panaginip na nagkakatotoo! Ewan ko pero iniisip ko palang iyon ay nasasaktan na ako..

"Maey? sa number eleven pakihatid please!" Saad ni Erika saka ko tinanggap ang iilang bote.

Nagtungo ako sa numerong nakasaad dito. Bagsak ang magkabila kong balikat habang nasa trabaho. Hanggang ngayon ay wala paring text si Matteo. Kinakabahan na ako dahil tinawagan ko sya kanina ay naka off ang phone niya. Kahit mag load pa ako ng mahal gusto ko lang malaman kong ano na ang nangyari sa kanya. Inayos ko ang aking sarili bago tumungo sa mesa.

Mga grupo ito ng mga kababaehan at mukhang mayayaman.

"Goodevening," Inilapag ko ang bote kaya naputol ang usapan nilang lahat. Panay kagat ko saking labi.

"Balita ko ay may kinababaliwang babae si Matteo dito." Napatuwid ang tayo ko sa sinabi ng babaeng pulang-pula ang labi.

"Yes I actually hear that too. But I dont believe that humor at isa pa kailan lang pumatol si Matteo sa isang waitress lang?" Napapikit ako sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko ng umalis ngunit para akong pinipigilan ng paa ko.

"Waitress? As in?" Gulat na saad ng isa pang babae. Pilit kong ginalaw ang paa ko para makaalis pero pilit din ako nitong pinipigilan.

"Yes at dito mismo nagtatrabaho sa bar ng pinsan niya. Hindi ko rin alam kong maganda ba o sexy ba. Hindi naman ako interesado sa mga waitress dito." Hinabol-habol ko ang hininga ko bago nagsimulang maglakad at salamat ay natupad ang dasal ko na gumalaw ang magkabila kong paa.

"Baka naman kasi isa lang yon sa mga playtime niya o kaya fuck buddy. Kilala nyo naman ang mga Edelbario diba? Kaliwa kanan ang mga babae. But Matteo? I thought his engage with Venus." Napahinto ako sa paglalakad. Naiisip ko palang ang sinasabi nila ay nasasaktan na ako. Nanga-ngatog ulit ang tuhod ko sa galit.

"Yes they already engaged at nasa Macao sila ngayon." May namumuong luha sa magkabila kong mata. Ang bilis ng aking tibok ng puso ay sumasabay sa musika.

Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong tray. Macao? Kong ganon? Silang dalawa ang magkasama?

"Oh my gosh..... Baka naunang mag honeymoon." Sabay silang nagtawanan sabay ng pag-alis ko.

Tumulo ang luha ko sa narinig. Dumiretso ako banyo at dito ko binuhos lahat-lahat ng sakit at luhang kanina pa agos ng agos. Magkasama sila sa Macao? Ang sakit isipin.

Niluluko lang ba ako ni Matteo? Kong ganon totoo ang panaginip ko? Pero bakit? May bahid saking isipan na maniwala, pero sabi ng puso ko huwag kang maniwala. Pero bakit naman gagawa ng kwento ang mga babaeng iyon kong hindi totoo?

Gusto kong marinig mula kay Matteo ang lahat. Gusto kong marinig mula sa kanyang bibig.

Kaya pala hindi sya sumasagot sa mga message ko dahil mag kasama sila ni Venus. Ang tanga ko para maniwala sa kanya, nag padalos-dalos ako sa nararamdaman ko. Niluluko niya palang ako. Napahilamos ako sabay ng pag tunog ng aking phone.

Mas lalong sumakit ang dibdib ko dahil sa bumungad sakin ang pangalan niya mula sa screen.

Matteo Calling....

Halos mabasa ang screen dahil sa mga luha kong patuloy ang agus. Ibinalik ko iyon sa bulsa. Huwag ngayon Matteo. Huwag ngayon. Bigyan mo ako ng oras kahit saglit lang bago kita sagotin.