webnovel

Chapter 18

Agad siyang nag iwas nang tingin nang makita niya ang pamumula ko at binitawan ang kamay niyang nasa pisngi ko. Naging awkward kami nang ilang minuto.

Bahagya nitong ginulo ang buhok sa frustrated at nagka tinginan kami.

"Don't mind it." sambit nito at umalis na. Naiwan akong naka tunganga at tila ba'y natulala.

Sa sinabi niyang iyon ay hindi ko maiwasan na hindi isipin ang sinabi nya. Unang beses akong masabahan niya nang ganoon. I mean sa lalaki, syempre. Sa ilang buwan kong pangungulit ay tila bang parang kahapon lang.

"Sis, natulala ka dyan?" Nagulat ako nang dumating na pala si Chloe at winawagayway ang kamay sa harap ko.

"Wala, may inisip lang." Sambit ko at hinanap pa ang isa ngunit busy daw.

Ngumising aso ito at binalingan ako. "Sino? si Nerd na naman ba?"

Bahagya akong namula sa sinabi nito at nagawa pa ring umiling.

"Huwag mo nang i deny, dahil halata ka na ghorl!"

"Huwag mo ngang lakasan boses mo." Mahinang sambit ko na lalong lumapad ang ngisi nito.

"Yieee, ikaw ha." At tinusok pa ang tagiliran ko.

"Manahimik ka nga. Stop imagining things."

"Susss."

"Stop it." Pag iinarte ko na ikinatawa naming dalawa.

"Huwag mo nang i deny, dahil halata ka rin naman. Hindi ka naman siguro bibiguin non at dahil nga nakukuha mo na ang atensyon niya." Sambit nito habang inaayos ang gamit sa loob nang locker..

"Hell yeah, sana nga para naman siya yung mangulit sakin. " Harot na sabi ko

"Ang harot ah, don't worry. May tamang timing para dyan. Yun nga lang at sana hindi na umeksena ang ex mo."

Napataas ako nang kilay sa sinabi nyang iyon. "Hindi ako papayag na pigilan niya ako sa gusto ko."

"Be careful sis, you know how dangerous he is."

"It's a no no sis, baka hindi nya alam ay mas dangerous Handsome si Nerdy ko." Naka pameywang ako at hinawi ang buhok ko.

"Sana nga, kaya ka niyang maipag tanggol sa walang hiya mong ex." Kibit balikat na sambit nito.

"Of course, you know. I learn how to defense myself so probably if wala siya ay kaya ko pa rin ipagtanggol ang sarili ko."

"Tama ka naman pero alam mo." Bahagya siyang nag seryoso. "Sana nga ay mali ang iniisip ko."

Nangunot naman ang noo ko. " What do you mean?"

Umiling naman agad siya. "Wala, tara na at nauna nang umuwi ang isang bruha." Nilock nito ang locker niya at hinila na ako palabas.