webnovel

Chapter 17

Sa hindi inaasahan ay bigla na lamang akong natalisod ngunit akala ko ay susubsob ang mukha ko sa simento ngunit may biglang sumalo sa bewang ko at dahan dahan ako nitong inangat.

Napadilat na lang ako nang mata nang maayos na ako sa pagkaka tayo. "Salamat na lang." sarkastikong sambit ko at agad na umalis.

'Sa dami nang pwedeng sumalo sa akin, bakit ex ko pa?'

'Bakit? sino paba ang aasahan ko eh siya lang naman itong humahabol sa akin.' Sambit ko pa sa isip ko na para bang nababaliw.

Nang maka rating sa loob nang kwarto ay isinandal ko ang ulo ko sa pintuan at agad kinuha ang cell phone upang ipaalam sa dalawang kaibigan ko na papasok na ako kinabukasan.

Kasabay nang pagbagsak na higa ko ang pagkatok sa labas.

"Pasok."

"Anong ginagawa mo sa labas kanina?!" Salubong ang kilay ni Kuya at nag aapoy ang mga mata nito.

"Nagpahangin." Kalmadong sambit ko

"Bakit nandoon kanina ang tarantadong ex mo?!" Iisipin na naman nito na nakikipag balikan ako and etc.

"Tsk, please stop acting like our parents. At huwag mo akong bina-baby dahil hindi ako teen-ager o bata para ganyanin mo." Lakas loob na sambit ko na ikinagulat nito.

"Hindi ba pwedeng nag alala lang ako?! At pasalamat kapa nga dahil tinanggap pa kita dito. Kung tutuusin wala sana kaming kapatid na isa kung hindi kana lang sana ipinanganak!" Sigaw nito at padabog na sinara ang pinto.

'Sisihin daw ba ako?!'

Kinagabihan ay hindi na ako kumain at maaga na lang natulog. Hanggang sa maka rating nang school kinabukasan ay parang lutang akong naglalakad sa daan.

Pagbukas nang elevator ay ganun na lang ang gulat ko nang may dalawang taong naglalandian kaya naman nagulat sila nang pumasok ako at tumungo naman ang mga ito.

Psh. Ang lalande, aral muna!

Pinindot ko ang third floor at tiningnan ang numero sa itaas nang elevator. Nakaramdam naman ako nang bungisngisan nang dalawa sa likod ko. Napairap na lang ako nang patago dahil sa kalandian nila.

Saktong pag bukas ay nagulat ako nang nasa gilid lamang si Nerd at may hawak na libro ito. Napatulala na lang ako sa ayos nya at napa awang konti ang bibig ko.

Nang tingnan nya ako ay agad nyang hinila ang kamay ko at ako naman ay walang palag na sinunod nalang siya.

"Did you miss me?" Pagbibiro ko.

"Excuse me?" asik nya

"Dadaan ka?" Pabirong sambit ko ngunit hindi ako nito pinansin.

Nagpunta kami sa mga classrooms ngunit nagkaka gulo lamang ang mga kaklase ko na para bang may dumaang bagyo sa loob.

Nagulat ako nang iharap nya ako at tinitigan. Ako naman itong napa iwas nang tingin at bahagyang namula.

"W-why are you s-staring?" Utal na tanong ko.

"I found myself that you're very beautiful." Deretsahang sagot nya nang dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan ko at bumilis ang tibok nang puso ko.

R-really?