webnovel

Chapter 6

~Li Wei's POV

Ngayon ay nandito na kami sa teritoryo ng mga lobo at nagpaalam na sakin si Yi Shun na bumalik sa kanilang tahanan, at ako naman ay umuwi narin ako sa aming tahanan at nabigla nalang ako ng bumungad sakin si ina na nakaekis pa ang mga braso at masama ang tingin sakin.

"Ehem, Ina, alam kong galit kayo sa ginawa ko kanina, ngunit gusto ko lang sabihin na huwag kayong mag alala dahil itinago ko naman na ang pangalan niyo ni ama."

"Hm, anong ginawa mo?"

"Nagpalista at ipinakilala kong ina ay si tiya Furen, tsaka yung ama ko naman ay sinabi kong diko siya kilala."

"Sigurado ka? Talagang..si Furen? Napakatagal na nung di nagpakita."

"Alam ko, ngunit huwag kayong mag alala hahanapin ko rin naman siya eh."

"Ikaw talagang bata ka, ang tigas tigas ng ulo mo!"

"Tsk..matagal ko na po yung pangarap Ina na mapasama sa mandirigma..tsaka ano bang problema niyo? Bakit tila takot yata kayo sa mga taga Shandian, may pinatay ba kayo dun na mahalagang tao? Kaya todo niyo kong pinagbabawalan?"

"Wala kang alam, manahimik ka.. at kung talagang desidido kana, pwes wala na akong pakialam, pero ito lang ang sasabihin ko, yang kakayahan mo sa paggamit ng Fennu zhi jian, itago mo lang yan, huwag na huwag mo yang ginagamit at huwag na huwag mo yang ipapakita sa kanilang lahat!"

"Paano kung umabot sa punto na masaktan nila ako? Paano kung diko mapigilan ang galit ko? Paano ko itatago ang kakayahan kong yun na nagsisilbi kong malakas na sandata?"

"Maraming ibang paraan, basta't pigilan mong sarili mo, huwag na huwag mong ipapakita yun sa kanila."

*Kinabukasan*

Magkasama kami ulit ngayon ni Yi Shun papunta sa kahariang Shandian at ngayon ay nandito na kami muli sa palasyo ng Xin at kapansin pansin ang maraming mandirigma ang nakatayo ngayon dito sa labas at isa na kami doon.

Habang nakatayo kaming lahat ay binasa naman ni maestro Xiao ang kalatas na hawak niya na naglalaman ng aming mga pangalan.

"Makinig kayong lahat! Dahil babanggitin ko ang mga magkakasama sa pamantasan!" Malakas na saad ni maestro Xiao at nanahimik naman din kaming lahat at umayos ng pagtayo.

"Una kong tatawagin ay mula sa pamantasan ng Shen Jian, at pagkatapos ay pumunta rito sa gitna at pumila ng ayos! Maliwanag ba?!"–Maestro Xiao.

"Opo!!"–mga sumaling mandirigma.

"Hm! Sisimulan ko na..una ay si..."

"Tekaaaaa!! Sandaliiii!!"

Napatigil si maestro Xiao sa isang sigaw na yun at kaming lahat ay napatingala nalang sa itaas kung saan nanggagaling ang sigaw.

"Hay naku..ang prinsipe ng Jian Zhanshi!"–maestro Xiao.

"Hehe maestro Xiao!! Sandaliiii!!"

Bumaba ang lalakeng sumisigaw sa tabi ni maestro Xiao at pinaglaho nun ang pakpak ng Phoenix na kanyang ginamit sa paglipad.

"Hehe maestro Xiao,sasali ako kaya pakilista nalang ng pangalan ko diyan." Sabi nang lalake na hindi ko pa kilala.

"Hay naku, prinsipe Wei Su, dapat kahapon kayo pumunta."–master Xiao.

"Tsk..huwag na kayong magreklamo maestro Xiao, paglilista lang naman ang gagawin niyo."

Napailing na lamang si maestro Xiao at nagpalitaw siya sa kamay niya ng isang panulat at yung lalake naman ay tila yata papansin dahil ang ginawa niya ay kumaway kaway pa samin at nagmamayabang pang pinakilala ang sarili.

"Haha, kamusta kayong lahat?!! Sa mga hindi pa nakakilala sakin, magpapakilala ako sa inyo kaya makinig kayo!! Ako si prinsipe Wei Su mula sa kahariang Jian Zhanshi at ako ang pinakagwapo sa balat ng lupa maging sa kalangitan, at katubigan!!"

"Hayyyst..umulan sana ng malakas." Bulong ng magiliw na prinsesa na nakapila sa kabilang linya na katapat ko lang.

Ilang sandali ay pumila naman din bigla sa pinakaunahan ang lalakeng tawagin na nating prinsipe Wei Su na dito pa talaga mismo sa linya namin.

"Ah..teka ako dito sa unahan, huwag ka ritong sumingit." Sabi pa ng isang lalake sa unahan ng linya namin at sa katunayan pang apat ako sa pila namin.

Lumingon naman bigla sa likuran yung prinsipeng sumingit sa unahan.

"Hm..Isa akong prinsipe, dapat lang ako ang nasa unahan."

"D-doon po kayo sa kabila, doon po nakapila ang mga matataas na katungkulan." Sabay turo ng lalake sa katabi naming linya at bumaling naman ang prinsipe dun.

"Hm? Ganun? Hmm pasensya na..tsk."

Lumipat siya sa itinuro nung lalake at di pa namin inasahang may Isa pang dumating na nakalipad rin sa ere gamit ang makinang pakpak at isa yung babae.

"Hm? Sino naman kaya yun?" Bulong ni Yi Shun at di nagtagal rinig ko naman ang bulungan ng iba.

"Ang babaeng yun, mula siya sa kilala't pangalawa sa sikat at pinakamayamang pamilya sa kaharian na ito, siya si Gao Li Xue."

Halos yata karamihan dito mayayaman at puro pa mayayabang, Hayyst.

"Hm, Maestro Xiao, Patawad kung na huli ako ng dating.. pakilista nalang ng aking pangalan." Saad ng babaeng dumating O tawagin naman natin sa pangalang Li Xue ayon sa narinig ko sa kanila.

Ilang sandali ay pumila naman sa kabilang linya yung babaeng si Li Xue, at tila sikat pala siya sa lahat, dahil rinig ko sa mga bulungan dito ang paghanga sa kanya.

"Hm, ayos naba ang lahat? Wala nabang dadagdag pa?!"

Sigaw ni maestro Xiao at napalingon naman kaming lahat sa paligid namin at di inasahan nagtaas naman bigla ng kamay yung lalakeng tagabundok na si Yu Su na nakatayo lang kanina sa malayong likuran ni maestro Xiao habang papalapit na nagsasalita.

"Ako! Sasali po'ko, maestro Xiao."

Nagsimula muli ang bulungan ng karamihan at tsaka umaapaw ang pangungutya nila maliban lang samin ni Yi Shun, tsaka nung magiliw na prinsesa at ibang tahimik sa matataas na katungkulan.

"Ang pulubing yun? Nagpapatawa ba siya? Lakas yata ng loob niya ah!"–mga mapanlait

"Hayyst anong nakain niya?!"

"Hmm, Yu Su.. hehe ganyan nga Yu Su!! Lakasan mo lang ang loob mo!!" Pagsuporta bigla ng magiliw na prinsesa.

~Yu Su's POV

Nabulabog ko bigla ang karamihan dahil sa pagpapasya kong sumali narin sa pamantasan..at wala na akong pakialam kung anuman ang sasabihin nila.. Basta alang alang doon sa sinabi sakin ng mahal na prinsipeng si Yu Zhu kahapon na sa lugar na'to hindi kailangan ang maging mahina, kung isa raw ako sa sasali sa pamantasan kailangan kong tibayan ang loob ko at huwag ko raw hahayaan na tapak tapakan ako ng lahat. At tamang tama ang sinabi niyang yun, di ko talaga dapat hayaan na maliitin nalang ako ng lahat.. ipapakita ko sa kanila kung sino talaga ang pulubing hampas lupang nilalait nila at ngayon na ang oras na yun.

"Binata, huwag kang magbiro, seryoso ang pagtatala namin sa mga sasali at titingnan namin ang kanilang mga lakas.. ikaw ba, may maipapakita kaba? Baka magsisi kalang." –maestro Xiao.

"Walang halong biro sa sinabi ko maestro Xiao..tsaka wala naman siguro kayong batas na nagbabawal sumali ang katulad ko diba?" Pangiti ko lang na saad pero bigla nalang lumapit sa amin ang masungit na prinsesa at nagtalaga bigla ng batas.

"Hm, ako na ang magsasabi, Bawal sumali ang katulad mong nagpapadumi lang sa malinis naming lugar!" –Li Ya.

"Kahapon ka pa nagsasalita ng ganyan sakin, di kaba nagsasawa?"

"Bawal ka rito! Hindi nababagay ang isang katulad mo sa lugar na'to!"–Li Ya.

"Bakit? Dahil lang ba sa panlabas kong anyo? Kung yun lang pala ang binabasehan niyo, bakit di niyo nalang ako subukan?"

"Ang lakas naman ng loob mo, hinahamon mo ba ako?!"

"Kung yun ay ayos lang sa inyo mahal na prinsesa."

"Ganun?! Oh sige ba.. maglaban tayo!"

Naiinis siya at agad naglabas ng kidlat sa kamay sabay walang alinlangang sumugod siya sakin, pero mabilis naman akong nakailag gamit ang mabilis na kilos ng Kidlat O mas tinatawag sa pamamaraang Shandian zhanshu.

~Li Ya's POV

Di maaari, paanong may kakayahan na ganun ang hampas lupang lalakeng yun? Sa aking pagkakaalam naman ay tanging sa pamilya lamang namin ang may ganun, pagkat taglay na iyon sa amin,sa pamilya Chen lamang natataglay ang taktikang yun paanong may ganun naman ang pulubing yun?

Nilibot ko ang aking paningin sa paligid para mahanap ang lalakeng yun, dahil napakabilis niya talagang nawala sa paningin ko.

Hanggang sa di inasahan bigla nalang akong nakatulog ng maramdamang may pumalo bigla sa leegan ko mula sa likuran.

~Yu Su's POV

Lumitaw ako sa likuran ng mahal na prinsesa matapos ko siyang ilagan kanina at ngayon ay nakasandal siya sakin dahil sa ginawa kong pagpapatulog sa kanya gamit ang taktikang pamamaraan ko at agad akong bumaling ng tingin sa lahat at pansin ko ang pagkatameme nila sa nangyari..tumahimik nalang sila bigla dahil siguro di nila yun inasahan..tsk.. huwag kasi nila akong minamaliit.