webnovel

Chapter 34:Truth or Dare

Trisha's PoV

"Wag mong sabihing kayo ni Blyx sa isang kwarto"naiinis niyang tanog

"Ay manghuhula si Kuya..Sayang lang kasi nakareserved na yung iisa lang ang bed di tuloy matutuloy plano ko..."pangaasar ko at tiningnan siya ng makahulugan

"Ano sabi mo babae ka!!?"naiinis na sigaw ni Prince sa akin.Pero lumapit na ako kay Blyx at hinatak ito.Nakita ko yung inis sa mga mata ni Prince.Wahaha nakabawi rin ako sayo.Syempre ayokong inis ka lang gusto ko yung galit na galit siya haha..Nung marating kona yung room namin.Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang tabigin ni Prince yung kamay ni Blyx at hinatak ako papasok.

"Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo babae ka!"galit na galit na bulyaw sa akin ni Prince ng makapasok kami sa kwarto.Diko na napigilan sarili ko at natawa ako sa reaksyon niya.

"Haha pfft ang haha pfft pangit mo haha!"natatawa kong sabi sa kanya

"Aba'y ginagago mo ba ako babae ka!"naiinis paring sabi ni Prince. diko napigilan na mapahiga ako sa kama dahil sa sobrang pagtawa ko.

Pero bigla akong napatigil sa pagtawa ng nagpaimbabaw si Prince sa akin.Nyemas ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.Waaaah!!!!!

"Ano tatawa ka o hahalikan Kita!"mqkahulugan niyang sabi sa akin kaya agad kong tinikom ang bibig ko

Tinadyakan ko siya kaya napahiga siya sa sakit.Tumayo ako agad at binilatan siya bago umalis ng kwarto at tumakbo sa labas kasi rinig na rinig ko yung sigaw niya na humanda daw ako pag nahabol niya ako.Napatigil ako nang may maaNinag ako sa di kalayuan parang kilala ko sila.Yes marami sila ang rami.

"Lagot ka sa akin-----"napatigil rin si Prince marahil napagtanto rin niyang parang pamilyar ang mga taong nakikita ko

"Waaaaaaah!!!!!!!!!!!!Beshy!!!!!!!!!"pasigaw na sabi ni jessamae papunta sa direksyon namin.Bakit sila andito?Yes sila kasama niya mga kaklase namin.Including yung maharot kong ex at bestfriend  pati narin yung mga sunod sunuran niyang alagad.

Nang mayakap ako ni Jessamae medyo napausog siya nang kunti marahil nalaman niyang hindi ako si Althea.

"Sorry Trisha"pabulong na sabi ni Jessamae tumango lang ako.

"Ano palang ginagawa niyo dito jessamae?"nagtatakang tanong ni Prince

"Ay di ba kayo na inform outing to nang section natin tas napili nila na dito sa Maldives magbakasyon"nakangiting sabi ni Jessamar nagsilapitan narij yung mga ibang kaklase namin.Yung iba bumati sa akin habang yung mga haliparot tinapunan ako ng masamang tingin.

"Haysst kaya pala ang init kasi may demonyo pala rito.Right Gurls!"parinig ni Chesca sa akin,tumawa naman yung mga alagad niyang demonyita.

"Ay nakarating na pala kayo Satanas.Di ka nag inform sana nagpawelcome party ako sayo!"parinig ko rin sa kanya.

"Abay sumasagot kana talaga!!Hayst pasok na bga tayo Gurls nasisira araw ko pagnakikita ko yang baliw nayan"bulyaw sa akin ni Cheska sumunod naamn sa kanya yung mga alipores niya.Napatawa naman yung mga classmate ko aylt si Prince.

"Hi Althea!"kampay sa akin ni Red sinuklian ko lang siya nang ngiti

"Oi Pre andito ka pala..Siguro kilala muna ako Prince pala FIANCE ni Althea"pinagdiinan talaga ni Prince yung Fiance.

"Well wala naman akong narinig na nagtanong!?Kayo may narinig ba kayo?Wala naman diba"pang aasar ni Red napangisi naman ako sa sinabi ni Red lakas mambara eh.

"Well pinapaalalahanan lang kita tungkol sa mga bagay na pag mamay ari kuna!"madiing sabi ni Prince na may halong pagbabanta tiningnan niya ng matalim si Red na hindi  naman inurungan ni Red.

"Kung ang mag asawa nga naghihiwalay kayo pa na hindi pa nagpapakasal"ngisi ni Red at naglakad na.Napakuyom naman si Prince sa sinabi ni Red.

*cottage*

Nasa isang cottage kami,kasama ko yung mga kaklase ko.Niyaya nila kaming mag laro ng truth or dare Since wala rin naman kaming ginagawa ni Prince eh syempre sumali na kami.At hindi rin ako titigilan ni Jessamae kung hindi kami sumama.

"Okey yieeeee start na tayo!!Hehe!!Cge ako unang iikot!"excited na sigaw ni Jessamae.Sobrang hyper talaga nitong babaeng to.Nung pag ikot niya tumapat ito kay Cheska.Napa ngiti si Jessamae mukhang may binabalak na masama tong babaeng to. haha baliw talaga humanda ka Cheska.

"Oi si Cheska..okey cheska Truth or Dare!?"nakangising tanong ni Jessamae

"Dare!!"buong pagmamalaki ni Cheska

"Okey...I dare you to lick Matthew's foot"sabi ni Jessamae na pinipigilan ang sarili niyang hindi tumawa habang kaming mga kaklase na parang sasabog na dahil sa kakatawa.Lagot ka Cheska haha..

"Cheska Lick my foot!"pang aasar ni Matthew kaklase namin tsaka iniangat ang paa niya.

"Ewww me ghed!!!Can you change it!"bulyaw ni Cheska kay Jessamae

"Ano ka sineswerte?mamatay ka neknek mo!!Ay Kj siya guys!"pang aasar ni Jessamae

"KJ!!!!"sigaw nang mga kaklase namin

"Okey! okey!Fine masaya na kayo!!!"sigaw ni Cheska at hinawi ang buhok nito sa kabilang side.Inilabas niya yung dila niya at dahan dahang inilapit sa paa ni Matthew.Halata sa mukha niya ang pangdidiri.Habang kami ng mga kaklase ko halos mabaliw na sa kakatawa.

"Ang bagal naman!"sabi ni Matthew at marahas na inilapit ang paa nito sa bibig ni Cheska.Haha ayun kain mo lahat ng dumi ang arte kasi haha...Nasusukang lumabas si Cheska sa cottage...

"Wahahahaha!!!Wahahahaha!!!!Taena ka Matthew!!!Dabest ka talaga!!"kantyaw nang mga lalaki naming kaklase.

Ilang minuto ang lumipas dumating na si Cheska.

"Ano cheska masarap ba yung paa ko!?"pang aasar ni Matthew.

"Taena mo humanda kayo sa akin..."sabi ni Cheska at marahas na pinaikot ang bottle.Bigla kaming napatigil sa pagtawa nang tunigil ang bottle kay Prince.Napangiti naman ng makahulugan si Cheska

.

"Okey Prince!Truth or Dare"may pakagat labi pa yung bruha bwesit!!

"Truth"straightforward na sabi ni Prince.Ay goodboy buti naman kundi patay ka sa akin.

"Ay KJ siya oh!!!Classmate Kj si Prince.."pang aasar ni Cheska

"Hahahaha Prince Bakla yata!!"pang

aasar ng mga lalaki kong kaklase.

"Okey fine Dare!Sorry Althea"nagpantig yung tenga ko sa sinabi ni Prince.Napatayo ako.

"Chill Althea..Natatakot kabang maagaw ko siya"pang aasar ni Cheska.Abay gusto yata nitong makatikim ng sapak.

"Bakit naman ako matatakot kung alam ko namang di mo siya maagaw"sagot ko sa kanya

"Talaga lang ha!.."may pa tango tango pa si gaga bwesit!!!napaupo ako dahil sa frustration at inis bwesit talaga!!"Okey Prince i dare you to lick my neck.Yung masherep"sabi ni Cheska at may pa kagat labi pa si gaga..Bwesit ang landi landi napatingin naman sa akin si Prince.

"Lick my neck ka dyan nek nek mo,gusto mo dilaan mo kamay ko pagdumapo to sa mukha mo!!"inis kong bulyaw kay Cheska.

"Well ako ginawa ko yung dare kahit mahirap!Diba guyz"pagkumbinsi niya sa mga kaklase namin.

"No i wont do it.Just give me a punishment"seryosong sagot ni Prince.Mabutu naman at di siya lumalandi.Goodboy!Hehe nginitian ko si Cheska pero nginisian lang ako ni gaga.

"Okey.."wow himala hindi lumandi si Cheska.

"Your punishment is your gonna lick my neck"pang aasar ni Cheska.Bwesit akala ko babaguhin niya ang landi talaga.

"Akala ko babaguhin.Naalala ko ahas pala nagpapalit lang ng balat pero ahas parin!!"mataray kung sabi sa kanya.Napatayo naman siya sa galit.

"Ano bang problema mo!?"ay nagtanong pa yung gaga!

"Sabihin mo!"sigaw sabay hampas sa mesa.Lahat nang kaklase namin nakatikom lang yung bibig nila.Kahit si Prince tinitingnan lang ako at ngumingisi ng parang tanga.Bwesit!!

"Insecure ka kasi!!!Insecure ka sa kagandahan ko!"singhal niya

"Ay putcha nasaan!?Paturo kung nasaan diko kasi makita!?"sabi ko at napatayo narin dahil sa pangigil.

"Argh!!!Your Such a Whore!!!!"bulyaw ni Cheska sa akin.

"Nagsalita ang di malandi!!!Well for your information Im 100 times more decent than you!!"pagdidiin ko sa bawat salitang binitawan ko

"Walang hiya ka!"sabi niya at sinabunutan ako.Natumba ako sa may mesa putcha ang sakit.Pinilit kaming paghiwalayin ng mga kaklase namin hanggang sa pumagitna si Red.

Sabay ng pagkatumba namin sa upuan at nang pag pagitna ni Red ay biglang may pumutok na baril at natamaan si Red sa puso.Nanginig ang buong katawan ko.Nagsisigaw ang mga kaklase kong babae.Some are panicking and screaming.

Lumapit ako kay red and was inserting pressure dun sa sugat niya para di dumaloy yung dugo.Pero nanginginig yung kamay ko.Nanghihina ito.

"Dont worry Red tumatawag na sila ng ambulansya"i said

"No need..Just let Althea..The real Althea know that im really sorry for what i did..And thank you that i had a chance to meet her"nanghihinang sabi ni Red bago niya naipikit ang kaniyang mga mata.Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niya.Alam niyang hindi ako si Althea.Paano?At parang alam niya ring may mangyayari sa aking masama.Kasi parang inabangan lang niyang maiputok yung baril.

Nagpapacute na Author's Note:

Paano nalaman ni Red nasi Trisha ay hindi si Althea?

May kinalaman ba siya sa killer?

Alam niya ba kung sino ang killer?