webnovel

Chapter 29:Family Related

Althea's PoV

Nandito kami sa headquarters ng mga kasamahan ni Christian.Nagprepare na sila para sa mangyayaring operasyon mamayang gabi.Natatakot ako sa maaring mangyari kay Christian.Alam kong iba na ang nararamdaman ko sa kanya kaya ayokong pati siya mapahamak.

"Itutuloy mo ba talaga to Christian?Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?"huling hirit ko sa kanya bago kami sumakay sa kotse papunta sa business convention.

"Kailangan ko tong gawin Althea.Alam mo yan?"sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay"Wag kang mag alala mag iingat ako.Tsaka andyan ka namn para tulungan ako.I have my lucky charm right in front of me"sabi niya at sinuklian ako bg pagkatamis tamis na ngiti na Bigla namang nagpagaan sa kalooban ko.

"Oh sino kausap mo diyan Christian?"tanong ni Tope ng makita niya si Christian na may kinakausap

"Ah wala.Nagdadasal lang ako na maging successful operasyon natin ngayon"sagot naman ni Christian kay Tope

"Baliw!Halika na tinatawag na tayo ni Boss.Mukhang magsisimula na ang bakbakan este nakawan haga"tawa ni Tope sumunod naman kami ni Christian kay Tope at sumakay na sa kotse.

Pagdating namin sa venue,bigla akong namangha sa ganda nito.Maraming mamahalin na kotse ang nangrito mukhang mayayamang tao nga ang nasa loob.

"Alam niyo na ang gagawin niyo ha!?Cge gawin na natin tara na Christian,Tope"pag aaya ng lider nila.Halatang mga negosyante ang nangrito nakasuot kasi sila ng magagarang damit.

At ang mga lakaki ay nakablack tuxedo kagaya ng suot nila Christian ngayon para hindi sila mahalatang magnanakaw.

Pumunta kami sa my left side ng venue pumasok sila dun.Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang kwarto na binabantayan ng mga lalaking nakakatakot ang mukha.

Tumago kami pari hindi nila makita.Well hindi naman ako nagtago kasi wala namang makakakita hello multo kaya ako.Inantay nila na mawala yung mga gwardya.Hanggang sa isa nalang yung nagbabantay.Kaya lumabas na sila at pumunta dun.

"Bakit kayo dito off limits to sa mga guests"sabi nung lalaking nagbabantay

"Ah sorry nagkamali yata kami ng pasok"sabi ni Tope at biglang tinadyakan ang lalaki at siniko sa may ulo dahilan para matumba ito at makatulog.

Sinubukan nilang buksan ang pinto pero hindi nila ito mabuksan dahil mukhang nakalock ito sa loob.

"Kung pumasok ako at bubuksan ko"sabi ko kay Christian napalingon naman siya sa akin

"Kaya mo ba"he asked for assurance

"Yeah ill do it for Elisse"sabi ko at tinanguan niya ako

"Mas mabuti yata boss dun muna kayo bantayan niyo ako ni Tope ako na bahala rito"paglalato ni Christian kina Tope.

"Kaya mo ba Christian!?"tanong sa kanya ni Tope

"Oo kaya ko.Cge ako na bahala."sabi ni Christian tsaka umalis na sina Tope.

Pumasok na ako sa loob may nakita ako na parang isang glass na lalagyan.

Nasa gitna siya ng pagkalaki laking kwarto.The room was empty and it has only one source of light.Paglapit ko may nakita akong kwentas ito na yata yung Peregrina Pearl.

Sobrang ganda niya,muntik kona makalitan si Christian.Dali Dali akong pumunta dun sa pinto at tinaggal yung lock.

"Cge na pasok kana Christian!"sabi ko.Pumasok naman si Christian.

"Salamat Althea"sabi ni Christian ng makapasok at nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa may kwintas.

"Ito ang magliligtas sa kapatid ko.At makukuha ko ito dahil sa tulong mo ALthea salamat"sabi niya at nilingon ako at sinuklian ng pagkatamis tamis na ngiti.

Kinuha na niya yung kwintas at nilagas sa pocket sa may tuxedo niya.He hold my hands at umalis kami ng magkahawak ang aming mga kamay.

I just love this moment.Yung kasama ko yung taong mahal ko.Yung kasama ko si Christian.I really love him at gagawin ko lahat para sa kanya at para kay Elisse.

Nakalabas na kami ng kwarto at hinanap na namin sina tope pero hindi namin sila mahanap.Kaya nagpunta kami sa may maraming tao nakita kung parang may inaanounce.Bigla akong nabitawan ni Christian kaya hinanap ko siya.

"Goodmorning my fellow businessmen and women.I am warmly welcoming you to our annual business convention.Like what the emcee said ill be giving an announcement.With out further due ill be announcing my first announcement.I would like you to meet my granddaughters"narinig kong sabi nung matanda na nasa harap.

Marahil siya yung nagorganize ng event nato.Pagkatapos niya yun sabihin.Bigla niyang tinuro ang dalawang babae.A strike of white light was focus on the two girl pointed by the old man.Bigla akong nanigas ng maaninag ko ang kanilang mukha.

Kamukhang kamukha ko silang dalawa.My facial features are same as what they have.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.I felt the longingness from a family.I dont know pero iba pakiramdam ko sa kanila.Naglakad na sila at umakyat ng stage.I was just looking at the two of them the whole time.

"So now i would like you to neet the Euqinu Empire future successor and heir Prince Melfin  Xiena and Blyx Melix Xiena.Prince Melfin is engaged to Trisha while Blyx Melix is engage with Queen.Lets welcome them gentlemens could you come infront."biglang umakyat ang dalawang lalaking pamilyar sa akin.Kagaya ng naramdaman ko kanina sa dalawang babaeng kamukha ko.

Iba rin naramdamn ko sa dalawang lalaki sa taas.Bakit parang feeling ko matagal ko na silang kilala?Maaring kilala nga nila ako ng naBubuhay pa ako?Maaring kapatid ko ang dalawang babaeng yun?Pero bakit ako namatay anong nangyari sa akin?Bakit walang bakas ng pagdadalamhati at lungkot ang kanilang mga mukha?Bakit parang di nila alam na wala na ako?

"Althea Ano ba akala ko kung saan ka nagpunta"sabi ni Christian ng makita niya ako nagtaka naman ang mga taong nasa paligid kung sino sinasabihan niya dahil siya lang naman nakakakita sa akin

Hinila na ako ni Prince pero narinig ko ang huling sinabi ng matanda ito ay tungkol dun sa La Peregrina Pearl Kung sila nga ang pamilya ko,parang ninanawakan kona ang sarili kong pamilya.Bakit parang nakaramdam ako ng guilt sa puso ko?Bakit parang i feel that i betray my family?Hindi to tama!Hindi!Bigla akong bumitaw sa pagkakahawak ni Christian sa akin ng makalabas na kami.Nagtaka siya kaya nilapitan ako.

"Ano problema mo Althea?Nag iintay sa atin sina Tope?Kailangan na nating magmadali"sabi Niya at hinawakan ulit ang kamay ko pero inilayo ko ito.Bigla siyang napalingon at napakunot ang noo.

"Di to pwede Christian!May nalaman ako!"sabi ko at tiningnan ang mga mata niyang nagtataka.

"Anong pinagsasabi mo Althea?Ano yung nalaman mo!"sabi niya halata sa mukha niya yung pagkainis.

"Yung may ari niyan pamilya ko sila."sabi ko,bigla siyang nagulat."Kamukha ko yung dalwng babae kaya sigurado akong pamilya ko sila.Diko alam kong paano pero di to tama!Di ko pwedeng nakawan ang pamilya ko"pagpapaliwang ko sa kanya.

"Alam ko"bigla akong nagukat sa sinabi niya anong alam niya?

"Anong alam mo?"Takhang tanong ko sa kanya

"Alam kong pamilya mo yun.Matagal ko nang alam.Kaya ayokong sumama ka sa akin kasi ayokong malaman mo."sabi niya nakaramdam ako ng galit at lungkot.Pakiramdam ko gumuho yung mundo ko.

"Matagal mo ng alam pero di mo lang sinabi sa akin."sabi ko na may diin sa bawat salita.

"Ayokong masira ang plano!Para to sa kapatid ko!Mahal na mahal ko ang kapatid ko Althea at gagawin ko lahat para sa kanya"sabi niya sa akin.

"Eh paano ako?Mahal mo ba ako?Inisip mo ba ang mararamdaman ko pag nalaman ko to lahat?"sunod sunod kong tanong ko sa kanya.Ang bigat ng pakiramdam ko.

"Mahal kita Althea pero mahak korin ang kapatid ko ayokong umasa sa mama ko"sabi niya at tinalikuran ako.Naguguluhan ako bakit niya dinamay mama niya akala koba patay na siya?Ang gulo ang gulo gulo!Pero isa kang ang nasa isip ko kailangan kong makausap ang mga kapatid ko at maibalik ang La Peregrina Pearl.

Bigla akong tumakbo para sana kunin ang La Peregrina Pearl kay Christian ng biglang may sumigaw ng pangalan niya.

"Christian!Anak!"sigaw ng baabeng nasa likod ko biglang napalingon si Christian sa likod niya,sa akin.Bakit anak ang tawag ng babaeng to kay Christian?Akala koba wala nang magulang si Christian?Wag mong sabihin na nagsinungaling siya sa akin?Biglang dumobli ang sakit na nararamdaman ko ng maisip ko na muli na naman siyang nagsinungaling.Lumapit ang matandang babae sa kanya.

"Kumusta kana Christian anak ko?Kumusta si Elisse"tanong nung babae at akmang hahawakan na si Christian

"Wag na wag mo akong hawakan wala akong kilalang ina!Matagal mo na kaming kinalimutan!Matagal ko naring kinalimutan na may ina ako!"Madiing sabi ni Christian nakita ko sa mata niya ng galit,poot at lungkot.

Gusto ko siyang yakapin at pahupain yung lungkot nanararamdaman niya pero nasasaktan ako sa ginawa niyang pagsisinungaling.

Lalapit na sana ako kina Christian ng bigla akong makaramdam ng kakaiba.Parang may malakas na enerhiyang humahatak sa akin.Bigla kong tiningnan ang mga paa ko para akong naglalaho.

Napatingin ako kay Christian bigla rin siyang napatingin sa akin.Nag bago ang expresyon ng mukha niya.Gulat na gulat ang mukha niya.Namayani ang takot sa mga mata niya.Napatakbo siya papunta sa akin.

"Althea!!!!"sigaw ni Christian ng mapansin niyang naglalaho na talaga ako ng tuluyan.Nakaramdam ako ng kaba at lungkot.Mukhang ito na katapusan ko mukhang mawawala na ako sa mundong to.Nginitian ko ng mapait si Christian.He hysterically ran towards me nakita ko ang mga mata nitong may luha ng namumuo.

"Dont leave me Althea!!!!"sigaw niya ulit ng makalapit na siya bigla niya akong niyakap pero tuluyan na akong naglaho biglang nangitim ang paningin ko.

Thirds Person's POV

*Sa Ospital*

Pumasok ang isang nurse sa kwarto ni Althea.Ang babaeng halos magdadalawang buwan ng nakalatay sa higaan.Palaging ang nurse na pumasok ang nagmomonitor sa kalagayan ng dalaga.

"Ichecheck lang po kita"nakangiting sabi ng nurse at pinagpatuloy ang gagawin niya.

Habang inaayos ng nurse ang higaan ni Althea biglang gumalawa abg daliri ng dalaga.Nagtaka ang nurse at binalewala lang ito pero gumalaw ito ulit at may narinig siyang boses.

"Nasaan ako!"bungad ni Althea.

Nagpapacute na Author's Note: Oh me ghed!!!!!!!!Buhay na si Althea magdiwang tayo wahahaha..Daming nagtatanong sa akin kung ano mangyayari kay Prince Althea Trisha at Christian.Me ghed guys kalma tayo aabot narin tayo diyan.Pero magdiwang muna tayo tapos na paghihirap niyo!Whaha dami affected nung shiniship ko Si Trisha at Prince gustong gusto niyong magising si Althea at dahil gising na siya ano na kaya ang sunod na mangyayari?

Ano na nangyayari kay Christian?

Ano ang mangyayari kay Trisha at Prince?

Sino nga ba ang nagtangkang patayin si Althea?