webnovel

Chapter 17:3 Months and 14 days

Its been a week since naging mabait at sweet yung pakikitungo ni Miguel sa akin.Medyo nanibago nga ako sa mga ginagawa niya.Ilang araw narin akong dinadalaw ng bangungot and the more interesting thing is pare pareho lang ang napapanaginipan ko tungkol dun sa babaeng namatay.

Pero diko alam kung bakit ko yun napapanaginipan.Bumangon ako sa kinahihigaan ko para maghanda na para umalis.Aalis kasi na naman kmi ni Miguel.I dont know kung saan niya ako dadalhin at kung ano na naman gagawin namin.Pero napapangiti talaga ako pag naala ko siya.I dont know pero gumagaan yung pakiramdam ko.Nagligo na ako at nagbihis.Paglabas ko ng apartment nakita ko si Miguel nakasandal sa kotse niya.

Gosh...Bakit ang gwapo niya!?Shemas...Naiinlab na yata ako...Well di naman masama yun single siya single din naman ako..Wait hoy Sharia ang landi mo..Hehe

"Oh sakay kana!"aya niya sa akin na hindi manlang tumitingin sa akin.Sumakay naman ako.

"Saan tayo pupunta Miguel?"tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita at pinaharurot lang yung kotse.

Dont know pero iba awra niya ngayon well since kahapon pa hindi niya ako pinapansin tinext niya lang ako na aalis daw kami.

Huminto kami sa isang building may ice cream parlor na nasa baba while may barber shop sa second floor at may restaurant sa third floor.

Bigla akong napatingin sa kanya pero imbis na dapuan ako ng tingin bumaba siya agad.Mabilis naman akong bumaba ng kotse at hinabol siya.

"Hoy Miguel!"sigaw ko pero hindi parin niya ako linilingon at patuloy parin siya sa paglalakad.Hayst problema ba nun?Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ng malapit na ako sa pinto.Bigla akong napasabunot dahil sa inis sa kanya.

Laking gulat ko ng may mabunot na mga buhok.Biglang nanginig ang mga tuhod ko.Parang akong naestatwa at tinititigan ko lang yung buhok na nalagas.Tiningnan ko si Miguel he was at the counter at nakikipag usap sa tindera ng ice cream parlor.May mga luhang pumatak mula sa mata ko.

Mabilis akong tumalikod at napatakbo sa kotse ni Miguel.Pagdating ko sa kotse ni Miguel,biglang pumatak yung mga luhang matagal ko nang pinipigilan.Kahit alam ko nang mangyayari to sa akin dahil sa sakit ko.Nasasaktan parin ako.Natatakot.Natatkot na baka hindi 3 buwan at 14 na araw nalang akong mabubuhay.

Pero kailangan kong maging matatag para sa sarili ko,para kay Miguel.Para sa taong mahal ako.Oo mahal kona si Miguel even though hindi ko alam kung mahal niya ba ako.Pinunasan ko yung mga luha at nagpasyang bumalik sa ice cream parlor.

"Saan ka nagpunta."Cold pero mahahalata mo yung galit at inis sa boses ni Miguel

"Ah sa kotse..."walang ganang sabi ko at umupo sa harap niya.I heard him tssk.Ano bang problema niya?May ginawa ba akong masama?

Wala ako sa mood na makipag away sa kanya dahil sa nangyari kanina kaya kinain ko nalang yung ice cream na binili niya para sa akin.

"Kakainin mo ba yan o bababuyin mo lang"naptingin ako kay Miguel.Wala kasi akong gana at imbis na kainin ko yung ice cream nilalaro ko na lang ito.Yumuko ako agad at walang ganang binagsak yung kutsara ko.

"Akala koba nasa bucketlist mo to"sabi niya pero hindi ko narinig.Well wala rin akong paki kung ano sasabihin niya dahil nagagalit na ako sa kanya.

"Alis na nga tayo!"sabi ko at padabog na tumayo.Paglabas ko nakita ko si Arthur classmate namin.Linapitan ko siya at sa kanya sana ko magpapasundo.

"Arthur!"tawag ko sa pangalan Niya.Napalingon siya sa akin at ngumiti

"Oh Sharia!Bakit?"tanong niya sa akin

"Pwede bang sumabay na ako sayo?"sabi ko sa kanya.

"Syempre.Matatanggihan ba naman kita.."sabi niya at binigyan ako ng helmet.I was ready to wear the helmet ng hinatak ito ni Miguel.

"Ano bang problema mo!"sigaw ko sa kanya

"Ikaw yata may problema.."tigang bagang niyang sabi.

"Wow ako pa may problema ngayon...Bigay mo nga yan... Ayaw ko sumama sa taong makikitid yung utak.."inis na inis kong sabi

"Pre bigay mona yan"pangingialam ni Arthur sa pag uusap namin.

"Pre wag kang makiki alam dito.Away namin to ng gf ko!"sabi niya at hinatak ako at inakbayan.

"Anong gf!Nagago ka naba Miguel..Walang tayo!"sabi ko at pinilit na tanggalin yung pagkaka akbay niya sa akin.

"Wala akong paki..Your gping with me!"sabi niya at hinatak ako papunta sa kotse niya.

"Ano ba buksan moto Miguel!Ayokong sumabay sayo"padabog kung sabi

"At kanino ka sasabay!Dun sa gagong yun!Tsk mas gwapo naman ako dun ha!"pagyayabang niya

"Hoy kapal!!!At tsaka anong kinalaman ng kagwapuhan mo sa pagsabay ko sa kanya..."bulyaw ko sa kanya.

"At tsaka ano yung sinabi mong gf mo ako.Aba Miguel never kang nanligaw at hindi kita sinasa----"bigla akong napahinto sa pagsasalita ng bigla niyang hinawakan ang ulo at inilapit yung labi niya sa mga labi ko.Shemas ang sarap!!!!Este  basta masarap.

Nawala yung galit ko.Bumibilis yung tibok ng puso ko na apra bang sumali ako sa marathon.Hiniwalay niya yung labi niya sa labi ko.

"Ang ingay mo kasi..at tsaka sa susunod wag mo akong pagselosin dahil iba akong magalit kaya wag na wag kang lalapit sa ibang lalaki baka makapatay ako"sabi niya na natatawa pa.Ano daw?Siya nagseselos!ogag wala namang tayo.

Pero nyemas kinikilig ako.Alam kong namumula ngayon yung pisnge ko.Nakayuko lang ako buong biyahe at yung gao namang grabi yung ngiti mula east to west.Huminto kami sa isang mall.

"Tara dito nalang tayo bumili ng ice cream"bigla akong nasiyahan sa sinabi niya hihi!!Ice cream sumunod lang ako sa kanya pero may nabungo akong babae.

"Ah sorry po"paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Tsk.hindi kasi tumitingin sa dinadaanan"Pagtataray niya

"Ah sorry naman po..Ikaw po kasi tung di tumitingin"sagot ko sa kanya

"Aba Althea tumatapang kana ha!"Althea?ako ba sinasabihan niya..Well last time I check Sharia name ko at hindi althea.

"Jandie!!"sigaw nang isang babaeng papalapit sa direksyon namin.Jandie pala pangalan ng maarteng to.Tsk pangalan palang parang lalaki na.

Napatawa ako sa naisip ko.Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa kaba sa nakita ko.Yung suot ng babaeng tumawag kay Jandie kapareho niya yung suot ng babae sa panaginip ko.Yung pumatay.Siya ba si Cheska,yung nakaiwan ng ID sa Cr.

"Tara na nga Cheska may mga tanga kasing hindi marunong tumingin sa dinadaanan nila!"sabi ni Jandie at umalis na.Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng biglang magsalita yung Cheska

"Hi althea!Woah you change your hairstyle..Bye bibili pa kasi ako ng id lace ko kasi nawala yung ID at lace."confirm siya nga yung babaeng pumapatay sa panaginip ko.Pero totoo kaya yung mga nangyari sa panaginip ko.May kinalaman ba si Althea sa pagpatay.

Wait...Naalala kona baka siya yung babaeng napatay!Naalala ko kamukha ko daw yung babae sa panaginip.Wait I think hindi to coincidence.Maaring nangyari yun.Pero bakit hindi ko maalala yung mga nangyari nung araw nayun.

Alam ko namang dahil sa Cinderella Memory disorder ko.Pero hindi koba kasama nun si Miguel.Alam niyo na naman siguro na naaalala kuna lahat tuwing kasama ko si Miguel.I need to know the truth.

Dumating si Miguel na halata sa sarili ko yung pagkabalisa.Hindi ko nga nakain yung ice cream ko bg maayos.Nagpahatid rin ako agad kasi masama yung pakiramdam ko.

Napahiga ako sa kama ko at pilit na inisip yung nangyari nung araw nayun.Pero sumasakit lang yung ulo ko at tanging ying pagpatay lang yung naaalala ko at the worst thing is malabo yung vision na naalala ko I need to talk to Miguel.