webnovel

The Story of Us..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" The continuation of the story of jake and James from the book of "loveislikeagame" Hanggang saan ba tayo dadalhin ng pagmamahal? Maglalaro na lang ba si tadhana?

Loveisjustashow · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
40 Chs

Chapter 18

Kakaalis pa lamang ni James. Ay nakatanggap siya ng mensahe.

-unknown number

Take care sa pag uwi salamat sa libre

-nathalie

"Ooh siya pala"pangiti niyang sambit sa sarili.

Hindi na niya naisave ang numero ni Nathalie. Kaagad sumagi sa kanyang isipan si Jake.. napatingin sa orasan at mag aalas onse y media na.

"Ay shit!! Late na pala. Kumain na kaya siya?" Tanong niya sa Sarili niya

Kaagad niyang tinawagan si Jake. Subalit hindi ito sumasagot. Sinunod niyang tawagan ay ang Tita flor,sumagot ito subalit pauwi pa lamang ito galing sa kanyang baby sitting.

Ringggg

"James??"

-tita Flor

Nasa bahay na po ba kayo?"

"Pauwi pa lang ako.. ikaw nasan ka? Si Jake hindi nagmessage sa akin"

"Pauwi na din po ako.. baka po nakatulog si Jake. Ingat po kayo tita sa pag uwi."

"Sige James see you later ingat din"

End call..

Habang nasa Bus, napapangiti si James sa tuwing maalala niyang napagkamalan silang mag couple ni Nathalie. Napapailing na din lamang habang kinakagatkagat niya ang kanyang hintuturo.

Bigla niyang naisipan buksan ang kanyang messenger. Napansin naman agad niya ang tawag na Sam. Subalit napaisip siya dahil hindi naman niya ito sinasagot , kung kayat nag iwan siya ng mensahe.

"Hey. Sam, tumawag ka ba? Hindi ko alam siguro si Jake ang sumagot at hindi niya sinabi sa akin. Ako na lang ang tatawag. Ano ba yung sasabihin mo? Sige ingat lagi"

-James

Makalipas ang 30 minutes. Dumating na ng bahay si James. Nadatnan niyang walang kailaw ilaw ito, pag kasindi ng ilaw kaagad siyang dumeretso sa kwarto. At pag karating niya roon, nakita niya si Jake nkahiga at tulog na tulog.. naka uniforme pa ito at nakasapatos. Kung kayat dahan dahan niya itong inalis.

"Nako!! Pagod na pagod ang aking baby" ani ni James

Habang inaalis ang sapatos umibo lamang ang binti ni Jake, sinunod niyang alisin ang medyas subalit dahil may kiliti si Jake sa paa, ito ang naging sanhi upang mapukaw siya sa mahimbing nitong tulog.

"B— baby? A- - noong oras na?" Ani ni Jake

"'Mag 11 pm na. Kakarating ko lang" tugon ni James

"Magbihis ka na kakain na tayo. Si Tita Flor ba dumating na?" Ani ni Jake

"Hindi pa pero parating na din siya.. sige mag bibihis na ako at ipaghahayin ko na kayo ni Tita" ani ni James.

Napabangon si Jake sa narinig niyang iyon.

"Anong kami lang ni tita ang kakain??? Paano ka??"ani ni Jake

Napatingin kay Jake. Kinakabahan sa sasabihin at magiging reaksyon nito.

"Kumain kasi kami ng burger nung kaibigan ko sa school" tugon ni James

"Uhmm.. may kaibigan ka na agad? Mabuti yan.." ani ni Jake

Napahinga ng maluwag si James. Na ok lang kay Jake na may naging kaibigan siya sa school. Ilang minuto pa ay nagpunta muna ng banyo si James. Bigla namang May nagmessage sa kanya

-unknown number

Hi. Its me.. im home

Napakinggan ni Jake ang tunog at akala niya ay sa kanya iyon kaya hinanap niya ang Cellephone at nakita niya itong nakapatong sa tabi ng lampshade.

Pag kahawak niya sa Cellphone, napansin niyang hindi ito sa kanya. Nang pindutin niya ang home button nagulat siya sa message na nabasa niya.

" sino to?" Tanong sa isipan ni Jake

Maya maya pa ay narinig niyang palabas na ng banyo si James kaya't dali dali niya itong ibinalik sa dating pinagkunan. Bumangon na siya ng tuluyan at dali dali nagbihis at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni James, napansin niyang wala si Jake. Ngunit tumunog muli ang kanyang cellphone

-unknown number

Hey it's me Nathalie

Napalaki ang mata ni James. Nagkaroon ng agam agam sa isipan na baka nabasa ni Jake ang unang mensahe ni Nathalie kung kaya't ito ay nagkasumpong. Hindi na muna pinansin ni James ang message ni Nathalie, kaagad na siyang lumabas ng kwarto at sumunod sa kusina.

Pagkalabas niya, nakahanda na ang mesa at nadinig niyang nag uusap na sina Tita Flor sa may lababo.

"Oh kakagising mo lang Jake?" Ani ni Tita Flor

"Ah opo tita.. nagising lang po ako ng dumating si James." Tugon ni Jake

"Bakit dalawa lang ang plato?" Ani ni Tita Flor

"Ah. Tayo lang po ang kakain busog pa daw po si James kumain kasi sa labas." May pagkainis na ani ni Jake

Kaagad na din lumapit si James sa mga ito. At susubukang magpaliwanag.

"Hello Tita!" Ani ni James

"Oh hello James.." ani ni Tita Flor

"Kain na po kayo ni Jake Tita gabi na po maaga pa kayo bukas." Ani ni James

"Oh bakit kami lang eh ikaw??" Tugon ni tita Flor

"Busog yan tita. Nakipag date ata." Singit ni Jake

Napatingin si James kay Jake. Gayon din naman si Tita Flor.. Napansin niyang mainit ang ulo ng kanyang pamangkin.

"Ok ka lang Jake?" Tanong ni tita flor

"Im always ok tita don't worry." Ani ni Jake

Nag paalam na si James kay Tita flor na papasok na siya sa kwarto. Tila galit si James ng mga oras na iyon.

"Tita pasok na po ako. Good night po" ani ni James

"Oh sige James... magpahinga na ikaw" tugon ni Tita Flor

Tumalikod at hindi na nag paalam kay Jake. Samantala tuloy lang sa pagkain si Jake habang napapailing ang tiyahin. Matapos marinig ang malakas na pag sasara ng pinto, nagtanong naman kaagad ang tiyahin.

"Jake.. ano ba nangyayari sa inyo??"usisa nito

"Kumain daw po sa labas. Tapos kanina habang nasa banyo, may nabasa ako message. Pakiramdam ko kasi tita babae yun eh!" Ani ni Jake

"Nako, pag usapan ninyo yan, baka mali lang pati ang iniisip mo." Tugon ni Tita Flor

"Tita malakas po yung kutob ko eh.." ani ni Jake

"Nako kung makapag isip talaga namang babaeng babae..pangiting sambit ng tiyahin

Napangiti na din lamang si Jake sa naturang iyon ng kanyang tiyahin. Maya maya ay nag paalam si Tita Flor kay Jake.

"Jake, muntik ko na makalimutan,, bukas pala aalis ako. Isang buwan ako kasama ng amo ko sa magvavacation sila." Ani ni Tita Flor

"Ang tagal tita.. saan kayo pupunta" tugon ni James

"Hindi ko pa alam baka Italy or France depende sa kanila bukas pa nila ibibigay ang ticket ko" ani ni Tita Flor

"Wow sosyal tita...sige po tita ako na po bahala sa bahay" tugon ni Jake

"Ikaw na din magsabi kay James. Pero uulitin ko din bukas.. at isa pa wag kayo puro away."giit ng tiyahin

"Opo tita ako pa ba:)"sabay kindat sa tiyahin..

Natapos na ang usapan at natapos na din ang hapunan. Nagligpit na ng pinagkainan si Jake at inilagay na sa machine..

Pumasok na din sila sa kani-kanilang silid. Hindi naman umiimik si Jake kay James. Nakita niya itong nakaupo sa kama at nag babasa.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts