webnovel

The Story of Us..

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" The continuation of the story of jake and James from the book of "loveislikeagame" Hanggang saan ba tayo dadalhin ng pagmamahal? Maglalaro na lang ba si tadhana?

Loveisjustashow · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
40 Chs

Chapter 15

Bago mag alas singko ng hapon, nag message sa kanya si James.

"Baby. Kaya mo yan i love you! Aalis ako sa bahay at 7pm. Start ako ng classe at 8pm see you later!"

-james

"Thank you baby. Mag ingat ka pag uwi mamaya"

-jake

Tumayo si Jake at nag ayos na ng mga gamit niya.

"Mag out ako ng maaga" ani niya

"Sabay na tayo. Samahan muna kita kahit sa may labas ng hotel, mag pahangin ka." Tugon ni River

"Kinakabahan talaga ako.." ani niya

"Alam ko kanina pa kita pinagmamasdan"tugon ni River

Nakarating ang dalawa sa rooftop sa swimming pool ng hotel. Maaliwalas sa lugar na ito, matatanaw na halos ang kalahati ng Barcelona.

Hindi nag tagal, may isang lalaki ang nagmamadali at nasagi niya si Jake.

"Siento!"

(Sorry) Ani ng lalaki

Kaagad namang umalis ang lalaki. Napansin ni Jake na nalaglag ang wallet at kaagad niyang hinanapan ng calling card ang lalaki pagtingin niya....

Lastimosa, Thomas

Architect

Tel #: 0755004294

Carrer de Balmes, 145, 08008

Barcelona, Spain

Nakita rin ito ni River kung kayat nagkatinginan ang dalawa tila nagkaroon ng kasagutan ang tanong nila kung kanino galing ang regalo.

"Jake! Hindi kaya siya yung Mr. Lastimosa?" Tanong ni River

"Hindi siya yun ano ka ba. At bakit naman siya magreregalo sa akin?"giit ni Jake

"Baka suitor mo nga siya. Teka wala ba kayong kilala ni Mark or ni James na Lastimosa Thomas?" Tanong muli ni River

"Wala akong alam, wala naman kasing nababanggit sa akin yung mag pinsan" ani ni Jake

"Teka mag aalas sais na, kailang mo n mag punta sa Mama mo. Ihahatid pa ba kita?" Ani ni River

"Oo nga malapit na. Sige need ko n umalis kaya ko na to salamat sa pag sama mo sa akin" tugon ni River

Umalis na si Jake patungo sa room ni Liza. Samantala naiwan naman si River sa May swimming pool. Kinakabahan si Jake habang nasa loob ng elevator. Malalakas na kabog ng dibdib at mga pawis na lumabas sa balat.

Upang maibsan ang kanyang kaba, nagmessage siya kay James.

"Baby. Im on my way punta sa room ni Mama"

-jake

"Ok baby bus na din ako papunta sa school."

-james

Maya maya pa ay nakarating na si Jake sa Labas  ng room ni Liza. Nag ayos ng sarili, huminga ng malalim at sabay dorbell.

Zzzzzzzzzzz

Kaagad naman siyang pinagbuksan ng pinto ni Liza. Isang kagugulat gulat ang kanyang nasaksihan. Nasa loob ng kwarto ang lalaking nakabangga sa kanya sa may swimming pool area.

"Tuloy ka Jake" ani ni Liza

Nakatulala si Jake....

"Jake??? Jake??" Ani muli ni Liza

Maya maya pa ay nahimasmasan na siya at tila nauutal sa pag sasalita.

"Mmmm.. ma.. mama" ani ni Jake

"Ano ba nangyayari at tila wala ka sa iyong sarili?" Tanong ni Liza

"Ah wala po Mama ok lang po ako" tugon niya

" halika ka pasok ka. may kailangan kang malaman at may nais akong ipakilala sayo" ani ni Liza

"Ano po ito Mama? Sino po ipapakilala niyo sa akin" ani ni Jake

Nakatingin ang mga mata ni Jake sa kanyang Mama Liza  subalit lampas ang mga ito. Sa isang lalaki siya nakatingin na kung sa malayuan ay kahawig ito ni Mark.

Kung hindi lang siguro patay na si Mark, ay aakalain na niyang si Mark nga ito at hindi ibang tao.

"Mukhang alam ko na kung kanino ka nakatingin" ani ni Liza

Nag lakad ang dalawa patungo sa Salas. Nandun na din si Thomas  na nakaupo habang umiinom ng red wine.

"Ikaw??" Ani ni Jake

" que?"

(What?) ani ni Thomas

"Jake hindi siya masyadong marunong mag tagalog. Dito na siya lumaki" ani ni Liza

"Mama sino po ba siya? Bakit siya nandito?" Ani ni Jake

"Jake, hindi ito nalaman ni Mark bago siya pumanaw, siya si Thomas anak ko, magkapatid sila ni Mark sa akin." Ani ni Liza

"Po??? Magkapatid sila?? Paano po??" Usisa ni Jake

"Nagkaroon ako dito sa Spain ng suitor noong minsan pinadala ako dito ng company na pinagtrabahuhan ko noong una." Ani ni Liza

"Nag kaanak kayo sa kanya at siya si Thomas Lastimosa?" Pagtatanong ni Jake

"Siya nga Jake. Hindi din ito alam ng Papa mo kung kayat noong sinabi ko sa kanya nagkaroon kami ng pagkakalabuan."dagdag pa ni Liza

"' mama hindi ko alam ang sasabihin ko. Kahit ako nagulat. Hindi ako makapaniwala" ani ni Jake

"Naiintindihan kita Jake pero sana maging kasundo mo din si Thomas." Ani ni Liza

"Pero Mama.." ani ni Jake

" Bakit Jake? Wala namang masama kung magiging close kayo. Or kung magiging kayo kung sakali" tugon ni Liza

Natigilan si Jake sa tinurang iyon ni Liza. Hindi siya makapaniwala na inereto mismo ng kanyang ina ang sarili niyang anak sa dating kasintahan ng namayapang kapatid.

"May iba ka na ba agad Jake?" Tanong ni Liza

"Ah.. uhmm wala po Mama" tugon ni Jake

"Hindi yan ang sinasabi ng mata mo Jake. Sino? Yun bang katrabaho mo?" Pag uusisa ni Liza

"Mama hindi siya kaibigan ko lang si River" ani ni Jake

"Sinasabi ko na nga ba at meron na agad! Halos 2 months pa lang nawawala si Mark!" Pasigaw ni Liza

Hindi nakaimik si Jake. Bagkos ay napayuko na lamang ito sa hiya sa Mama ni Mark. Kung tutuusin ay may punto rin ito. Halos 2 buwan pa nga lamang ng mawala si Mark subalit nakahanap na siya kaagad ng kapalit.

Nakatingin lamang si Thomas sa dalawa, hindi naiintindihan ang pinag uusapan ng dalawa subalit alam niya na galit ang kanyang ina. Kung kayat nilapitan niya ito.

"estas bien mama?"

(Are you ok Mama?) ani ni Thomas

"Si mi querido estoy bien"

(Yes my dear im ok)

Tumayo si Jake at nagpunta sa balcony upang siya ay magpahangin.. napaisip sa mga salitang nasabi ni Liza.. naramdaman niyang muli ang sakit ng pagkawala ni Mark, ang sakit na pilit niyang binabaon subalit tila kusang lumilitaw sa tuwing inaakala niyang husto na ang lahat..

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts