***
Mapagbiro talaga ang tadhana, kung kailan hindi ka pa handa ay saka naman gagawa siya ng twist na bigla na lamang tutuklaw sa'yo. Kung makamandag lang ang love ay baka matagal na akong naparalisa. Pero ay tila ba manhid na itong puso ko sa lahat ng kahit anumang uri ng sakit na kaya nitong gawin sa akin.
Nung sandaling iyon ko lamang naramdaman ang pagka-sinsiro ni Evo. Kailanman ay hindi pa siya nagpakita ng karupokan sa harapan naming mga kaibigan niya dahil sa isang tigasin ang pagkakakilala namin sa kanya. Kung ganun, talaga ngang nagsisisi na siya sa kanyang mga nagawa, at seryoso na siyang makipagbalikan sa "ex" na niya ngayon na si Merlyn.
Si Merlyn, ang babaeng ilang beses ko nang nakitang umiyak nang dahil sa sakit na kanyang naramdaman sa kabiguang ginawa sa kanya ni Evo. Subalit siya ay naging matatag. I've witnessed the development in her during the "moving on stage" we (actually) have both undergone.
Hanggang sa tuluyan na nga raw siyang nakapag-move on. Unti-unti ko nang napagmasdan ang matingkad niyang ngiti. Pero sa kabila ng lahat, para bang hindi pa rin kasi ako convinced that she had already moved on, or, if she was just pretending to have just moved on. Minsan kasi ay slip of the tongue pa rin niya si Evo.
"Hey, Mr. Break!"
Dahan-dahan ay bumaling ako papunta sa taong tumawag sa akin. Merlyn's standing right in front of me with a brilliant smile. Bahagya akong napangiti sa kanya. Subalit ay bigla akong nagambala doon sa hininging pabor sa akin ni Evo, my best friend.
__________
Bigla kong naalala ulit ang mga sinabi ni Evo sa akin na siyang ikinatakot ko para sa aking nararamdaman...
"Please tell Merlyn na nakikipagbalikan na ako sa kanya. Na handa na akong panindigan ang relationship namin. Na mahal ko siya. Yes, girls have come and go in my life, pero ay naiiba siya. Now I realized that I can't leave without her. Gusto kong humanap ng ibang babae na makakahigit sa kanya. But she's exceptional!" Biglang lumuhod si Evo sa harapan ko nang lumuluha, nagsisisi at nagmamakaawa. "Dude, I'm sincere and telling you the truth. Hindi na ako naglalaro ngayon, seryoso na ako. Now, I realized the worth of our relationship. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin ngayon. Please help me!"
__________
"Wh-What's wrong?" ang biglang tanong ni Merlyn, na siyang kaagad na pumukaw sa diwa ko.
Nagtatalo ngayon ang puso at isipan ko. But I am decided now!
__________
Naalala ko din ang ginawa ko noon sa confession cave...
"NAKA-MOVE ON NA'KO!!!! NAKA-MOVE ON NAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" ang buong-lakas na sigaw ko sa loob ng confession cave ng San Diego.
__________
Tinititigan ko lang siya nang walang kung anumang salita ang lumalabas sa bibig ko.
Crap!
"A-Are you okay?" ang tanong niya nang nagtataka na ng husto. "Uy! Ano ka ba? Tinatakot mo naman ako niyan eh!"
I cleared up my throat. "M-Merlyn..." and I uttered her name.
"Y-Ye-Ye..s?" I knew she's excited to what I will say.
"May sasabihin sana ako sa'yo..." tila ba wala pa akong lakas ng loob nung una upang sabihin sa kanya ng diretsahan ang lahat.
"A-Ano 'yun?"
"Thank you." I said.
"Huh! Ha-ha. Ano ba naman 'to? Naglolokohan ba tayo dito? "Thank you" para saan?"
"Thank you for helping me in so many ways." Ang pag-uumpisa ko sa aking pagsasalita.
Mariing nakinig na lamang siya at naghihintay sa susunod Kong sasabihin.
"Tinanong mo na ako noon kung nakapag-move on na ba ako kagaya mo, 'di ba" ang pagpapatuloy ko.
I felt the so much excitement in her eyes, pero ay hindi siya nagsalita.
"Oo nakapag-move on na ako!" I finally said.
Natuwa siya ng husto sa sinabi ko.
"Mabuti naman kung ganun. Napakasaya ko para sa'yo." aniya. "'Yon lang ba ang sasabihin mo sa'kin kaya pinapunta mo ako dito?" dagdag niya.
"H-Hindi lang 'yon."
Mas itinuon niya ang kanyang atensyon sa akin.
"Hindi ko na nais pang palagpasin ang pagkakataon na ito. MAHAL NA KITA, MERLYN THOMPSON!" at saka huminga ako ng malalim pagkatapos ng sinabi kong iyon. Crap! Parang sasabog ang puso ko sa kaba na baka mauwi lamang sa epic fail ang lahat.
Ngunit ay bigla niya akong niyakap nang hindi ko inaasahan!
I was stunned at that very moment. Basta't ang alam ko lang ay ang saya-saya ng puso ko sa kabila ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. Hanggang sa dahan-dahan ay niyakap ko na rin siya.
"Mahal din kita Jeyson Break!" she softly uttered.
__________
Biglang nagbalik sa isipan ko ang naging pag-uusap namin noon ni Evo...
"Ano ba naman 'yan, parang hindi ako kampante diyan sa sagot mo ah. Oh sige, at sabihin mo din sa kanya na bukas din ng gabi ay hihintayin ko siya sa may rooftop ng Academy, may surpresa ako sa kanya. Wag mo lang sabihing surpresa 'yun ha? Liligawan ko siya ulit.. Ano kaya ang maganda, chocolates, flowers, hmm... or lahat na lang kaya...?" ang sabi ni Evo.
Marami pa siyang sinasabi na tila labas-pasok na lamang sa magkabilang tenga ko.
"Evo."
Biglang nahinto si Evo sa kanyang pagsasalita. At nagtatakang tumingin siya sa akin.
"B-Bakit?" ang tugon niya.
"Ilang beses ka na bang humingi ng pabor sa akin mula pa noon?" ang seryoso kong tanong sa kanya.
Napansin kong nag-isip muna siya.
"S-siyempre maraming beses na!" ang sambit niya.
"Ilang beses ko na bang tinanggihan ang mga pabor mo sa akin?"
Napansin kong nag-isip ulit siya.
"Ano ba naman 'yan dude? Siyempre wala pa akong pabor na tinanggihan mo."
Huminga muna ako ng malalim.
"Ilang beses na bang ako 'yung humingi ng pabor sa'yo?"
Nag-isip siya ulit. At natawa siyang bigla.
"Loko-loko 'to oh. Itinatanong mo pa eh hindi ka pa nga nag-attempt na humingi ng pabor sa akin eh!"
"Mabuti naman at naalala mo pa ang lahat."
"A-Ano ba 'yang pinagsasasabi mo, ha?"
"Hindi ko itinatakwil ang ating pagiging matalik na magkaibigan. Pero sa pagkakataong ito, sa kauna-unahang pagkakataon ay tinatanggihan ko ang pabor mo sa akin na magkabalikan kayo ni Merlyn!" ang buong tapang na wika ko sa harapan niya.
"Wh-What?!" ang gulat na gulat na saad niya.
"Hindi naman masamang aminin mo na nagkamali ka sa lahat ng mga nagawa mo sa kanya, nung sinaktan mo siya ng paulit-ulit at dinurog mo ang puso niya ng ilang beses. Ngunit ayoko rin namang magsinungaling sa aking sarili dahil habambuhay ko na pagsisisihan ang lahat. Evo, humihingi ako ng pabor sa iyo ng isang matinding pag-unawa... Mahal ko na si Merlyn!" ang pagpapatuloy ko.
Hindi nakapagsalita si Evo.
__________
Now, I do not want to pretend anymore dahil baka masaktan na naman ulit ako!
***