"TRAHEDYA SA KANLAON PART 2 "
Ito na po yung Continuation ng Trahedya sa kanlaon.. feel free to share, Leave some comments and your vote is very important.
Enjoy Reading mga Mahal.
Nang matanaw na nila ang isang maliit na kubo sa Gitna ng Kagubatan. Ay agad nagbalik sa Anyo ang Dalawang Taga bantay, Si Sara ang anggitay ay nagbalik ito sa kanyang Dating anyo. May katawang Kabayo na Ito. Habang si Andy naman, Ay nagkaroon sya ng mga sungay sa pagkabilang bahagi ng kanyang Ulo.
" Wag kang matakot bata Di kami nanakit!" Sabi ni Andy ( Sarangay ) habang nagulat ang bata sa kanyang nakita.
" Oo nga Helena.. Di sila masama, kakampi sila!" Dagdag na Sabi ni Jenna sabay Ngiti.
Nang makapasok sila sa Loob ng Kubo. Ikinuwento ni Sara ang mga nangyari sa paglusob ng mga gabay diwata.
Flashback <<<<<<<
At isinilaysay ni Sara ang mga nangyari...
Habang nagmamasid si Andy sa ibaba ng bundok ay bigla nalang itong Umulan ngunit may araw parin at napaka aliwalas ng panahon.
" Sara diba ito ang panahon na gustong gusto mo?" Sigaw ni Andy sa kaibigang Anggitay.
" Oo Andy halika! Samahan moko maligo tayo?" Anyaya ni Sara sa kaibigan.
" Ikaw nalang dito nalang ako sa may puno.." sagot ng Sarangay nang Biglang Dumating ang Apat na dating pinapangalagaan ng mga Diwata. At nagulat naman silang Dalawa.
" Sino kayo?" Tanong ni Andy.
" Di nyo naba kami nakikilala?" Sabi ni Bea.
At tinitigan nila ng husto ang Apat na babae.
" Namumukhaan kita.. Ikaw si Diosca?" Sabi ni Sara.
" Oo nga ako nga at Wala nang iba!" Sagot ni Diosca sabay Kumpas ng kanyang kamay ay nawala ang ulan.
" Sa pagkakaalam ko Yumao na kayo.. Bakit kayo nag balik anong Kelangan nyo dito?" Tanong ni Andy.
" Nais naming pumasok sa Kanlaon.. maari na mga kaibigan.." Sabi ni Nica at nagpalit pa ito ng anyo, Ginaya nya ang itsura ni Sara.
" Sandali...Hindi maari may kakaiba sainyung mga Kalag. Lalong lalo kana Nica. Hindi gawain mo ang mang gaya ng itsura ng isang..." Naputol ang sasabihin ni Sara ng Biglang sinaksak sya ng isang punyal sakayang likuran.
" Mga lapastangan..." Galit na Sabi ni Andy at agad namang ginamit ni Andy ang kanyang Likas na kakayahan. Inilapat nya ang kanyang Mga kamao sa Lupa at Biglang Limindol ng napakalakas sa bundok. Habang Si Sara naman ay agad nagpalit ng anyo.
" Nasaktan na ang aking anyong Anggitay. Kelangan kung magpalit ng itsura.." Sabi ni Sara at isang napakaliwanag ang bumabalot sa katawan ng Anggitay. Ang kanyang pang-ibabang katawan ay nagkaroon ng Katulad ng mga tao.
" Mga lapastangan kayo... Ikamamatay nyong Muli ang inyong pagbalik sa Bundok." Sabi ni Sara, itinaas nya ang kanyang dalawang kamay.
" Mga dahon parusahan sila !" Sabi ni Sara at napakadaming kumpol ng dahon ang umatake sa Apat na babae ngunit nasunog lang ito ng biglang tinupok ito ng kakaibang uri ng apoy.
" Mahal na reyna kayo pala.." Sabi ni Nica. At sa Gitna nila ay dumating si Sitan.
"Hi Girls... Bat ang tagal nyong makumbinsi ang Dalawang pipitsuging taga bantay nato." Sabi ni Sitan. Natigilan si Andy sa kanyang ginawang Lindol dahil sa Gulat.
" Sino sya ?" Pabulong na tanong nya kay sara.
" Si sitan.. nasa katawan nanaman sya ng isang babae." Sabi ni Sara.
" Anong kelangan mo saamin!" Sigaw ni Sara.
" Wala ! " Sagot ni Sitan sabay Kumpas ng kanyang kanang kamay at biglang nakaramdam ng pagkasakal ang Dalawang Taga bantay.
" Wala akong Kelangan sainyo, kaya wag kayong Assuming.. Pero sa mga Pisteng Diwata Meron." Sabi ni Sitan na mas lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakasakal sa dalawa.
" Hindi kayo makakapasok sa kanlaon..." Sabi ni Sara habang nahihirapan sa paghinga.
" Hindi kami papayag. Mamatay muna kami bago kayo makapasok!" Sigaw ni Andy na Katulad kay sara ay Di narin ito makahinga.
" Ang Dami nyong satsat! Di kayo mapakiusapan... Ibigay nyo ang Susi ng lagusan." Sigaw ni Sitan.
" Tama na Mahal na reyna.. nasasaktan napo sila." Sabi ni Faith. Nagulat silang lahat sa ipinakitang kabutihan ni Faith.
" Anong Sabi mo faith ?" Tanong ni Sitan.
" Ang Sabi ko po Mahal na reyna, Hindi Dapat madungisan ang mga kamay nyo ng mga dugo nila. Hayaan nyong ako na ang magtrabaho. Total ang Susi ay ang Hikaw ng Sarangay. " Paliwanag ni Faith.
" Oo nga Mahal na reyna.. " sang-ayon ng iba pangkasamahan nya. At binitiwan naman ni Sitan ang Dalawa.
" Ako na ang Kukuha!" Sabi ni Faith, at Lumapit sya sa dalawang bantay na nanghihina. Habang patungo sya sa dalawang Bantay ay Kinausap nya ito gamit ang Isip.
" Pasensya kayong Dalawa.. ang mga kasamahan ko ay nilulukuban ng itim na salamangka. Hindi ko pa sila matutulungan ngunit ..." Sabi ni Faith ng Biglang sumagot naman si Sara.
" Oo nga Puro pa ang iyong Kalag.. nasasaiyo pa din ang Liwanag. Ngunit bakit ka nagpapanggap ?" Sabi ni Sara.
" Ipinadala ako ni Diwatang Magwayen upang maging mata nya sa mga gagawin ni sitan. Nakilala ko na din ang magkapatid na Adonis. Nais kung humingi kayo ng Tulong sakanila Sara. " Sabi ni Faith at matagumpay nyang natanggal sa Tenga ang hikaw na Susi.
" Paumanhin!" Sabi ni Faith sa Sarangay. At mabilis nya itong inihipan pati na rin ang anggitay.
" Pansamantalang lilisan ang inyong mga kalag sa katawan. Upang Di tayo mahalatang pinatulog ko lang kayo." Sabi Ni faith at bumalik na sya kina sitan.
" Heto na ang susi!" Sabay abot nya kay sitan.
" Magaling Faith... Nakikita ko ang sarili ko sayo. Nung bata pa ako.." Sabi ni Sitan sabay Yakap kay Faith.
Back to present...
" At yun nga ang nangyari Jenna.. kung Hindi sa Tulong ni Faith ay malamang patay na kami. Pero ang kinaiinisan lang namin ay wala kaming nagawa nung Sinakop na ni sitan ang kanlaon." Sabi ni Sara.
" Hindi maari.. papano na kami. Ang mga tao ay nasa Gitna ng Krisis. " Sabi ni Jenna.
" Alam namin Jenna kaya pilit naming gumagawa ng tyempo upang iligtas ang mga diwata. Nagbabakasakali kami kanina ni Sara na makapasok sa Kanlaon ngunit marami ang itim na kawal ang nakabantay sa lagusan. Kaya muntik na kaming mahuli!" Sabi ni Andy.
" Ama hingi tayo tulong kina Lolo Apolo.." Sabi ni Helena.
" Wala na si Lolo Apolo Helena. Pinatay na sya ng mga nilalang ni sitan. " Sabi ni Mang Gaspar.
" Oo nga pala, naririnig ko din sa bayan bayan na iniisa-isa nilang pinapaslang ang mga Mangagamot at Manggagaway! " Sabi ni Sara.
" Oo nga Sara yan ang nais kung ihingi ng Tulong sa mga diwata dahil si Mang Gaspar nalang ang natitirang albularyo ngayon. " Sabi ni Jenna.
" Maari kayong mag tago dito Mang Gaspar. Protektado ito ng salamangka ni Diwatang Makiling ang lugar na Ito. Hindi ito makikita ng mga maiitim ang kalooban. " Sabi ni Sara.
" Salamat mga taga bantay ngunit papano natin matutulungan ang mga tao.?" Sabi ni Mang Gaspar.
" Hindi natin sila matutulungan Mang Gaspar kung Wala ang tulong ng mga Diwata." Sabi ni Jenna.
" Anong plano mo Jenna? " Tanong ni Andy.
" Magtutungo ako ng Kanlaon. Susubukan kung magmatyag doon at papakawalan ko ang mga diwata." Sabi niJenna.
" Ngunit Iha. Mag isa kalang! sasama ako sayo." Sabi ni Mang Gaspar.
" Kami rin Jenna " sabay Sabi ng dalawang Taga bantay.
" Hindi maari.. dahil baka ano pang mangyari sainyo. Di ko mapapatawad ang sarili ko pag ganun. " Sabi ni Jenna sabay Buklat sa Kanyang Libro.
" Sandali Iha... maari kitang kwentuhan tungkol sa Librong yan." Sabi ni Mang Gaspar.
" Totoo bang may Alam po kayo sa Libro.?" Tanong ni Jenna.
" Meron dahil Minsan ko na ring nagamit ang librong yan at alam ko kung anong Sekreto ang Meron ng Librong yan." Sabi ni Mang Gaspar at Agad namang iniabot ni Jenna sa matanda ang libro.
" Ito ang Libro ng Karunungan.. Isa ito sa mga Mahihiwagang Sandata na Gamit ng mga sinaunang Manggagaway dito sa ating Mundo." Salaysay ni Mang Gaspar sabay Buklat ng isang Pahina ng Libro at nagpatuloy na itong nagsalaysay tungkol sa Libro.
" Ang Librong ito ay may kakayahang bumuhay ng mga nilalang sa isang Kwento.. kagaya ng Aso ni Dorothy sa Wizard of Oz. " salaysay ni Mang Gaspar at ilang Sandali pa ay May isang Cute na Aso ang biglang tumahol tahol sa loob.
" Ang Cute..." Sabi ni Helena.
" Magbalik ka sa mundo mo!" Sabi ni Mang Gaspar at bigla nalang naglaho ang aso. At inabot nya kay Jenna ang Libro.
" Hindi lang yan Iha.. Taglay ng Librong ito ang Kapangyarihan ng mga Oroskopyo. At ito ang hinahanap ni Sitan sa aming mga Mangagamot. Nais nilang malaman ang Lihim ng librong iyan upang mapatumba ka at makuha nya ito saiyo." Sabi ni Mang Gaspar.
" Kamangha mangha Jenna. Ngunit mag iingat ka parin. " Sabi ni Sara.
" Salamat sara. Pero Mang Gaspar may Kilala po akong isang Mangagamot na may libro na Katulad saakin." Sabi ni Jenna.
" Libro? Katulad ng Libro mo.?" Gulat na Sabi ni Mang Gaspar.
" Opo, at Katulad ng librong ito may kakayahang ding Bigyan ng kung ano ano ang gumagamit at nasa Kaibigan namin ito." Sabi ni Jenna.
" Maaring ang librong tinutukoy mo ay ang Kelosis, isa ang librong yun na may Kapangyarihan din ng Katulad sayo ngunit ang napapaloob sa Libro nayun ayun sa mga ninuno namin ay tungkol lamang sa pang gagamot. " Sabi ni Mang Gaspar.
" Kung ganun magtutungo nako ng Kanlaon..." Sabi ni Jenna.
" Sasama na ako saiyo Iha. " Pangungulit ni Mang Gaspar.
" Hindi na po please dumito na kayo. At pati na rin kayong dalawa. Pag nasa panganib ako ay magpapapunta ako ng paru paru dito. " Sabi ni Jenna at Bigla nalang itong Naglaho.
" Napakatapang ng batang yun. Katulad ng kanyang Ama." Sabi ni Mang Gaspar.
TO BE CONTINUE...