webnovel

CHAPTER 34

" Pagsabog ng mga Damdamin "

Previously....

- Nang makita Ni Alex ang Larawan Ni Charlie. Biglang may mga imahe sa kanyang isipan na di nya masyadong klaro. At samantala sina Rica at Olivia naman ay naisipan nilang maglipat ng pagtataguan sa Lumang Kastilyo ng aydendril. At si Raven naman ay nagtapat na ng kanyang Damdamin Kay Tyler. Ngunit walang maisagot na matino si Tyler sa kanya..

Right now ...

Sa Loob ng Kweba sa Aydendril.

" Magandang Umaga mga Kasama! Naisipan naming Tatlo na lilipat Tayo ng bagong pagtataguan. " Sabi Ni Olivia sakanyang mga kasamahan.

" Mahal na Reyna saan po Ito?" tanong ng kasama nila.

" Sa lumang Kastilyo ng aydendril, nasa Pusod Ito ng Gubat. " Sagot Ni Olivia.

" Pero Mahal na reyna, napakaraming Kawal ang nasa Labas. Balita ng isang Ispiya natin sa Kastilyo. " Dagdag na sabi ng isang matandang babae.

" Wag kayong mag alala, dahil narinig namin Ni Rica na pupunta dito sa Aydendril si Sitan. At upang pangalagaan ang kanyang kaligtasan. Lahat ng mga Kawal ay nasa Palasyo.. " salaysay Ni Olivia.

" Olivia Anong gagawin natin sabihin mo. " Sabi Ni Sierra.

" Ganito ang gagawin natin... " Sabi Ni Olivia at sinabi nya ang gagawin nila.

Balik sa Moment nila Alex at Ian...

Nang makita ni Alex ang mga imahe sa kanyang isipan. Agad syang Lumabas ng Unit ni Ian. Ngunit Hinabol sya ni Ian.

" Sandali Alex.. " sabi ni Ian sabay hawak sa kamay nito.

" Sino ba Ako ?" Tanong ni Alex sa sarili nya.

" Malakas ang pakiramdam ko na Ikaw si Charlie.. " sabi ni Ian.

" Hahaha. Baliw ka Ian, sabi mo patay na si Charlie ? " Sabi Ni Alex habang umiiyak. Nag halo na ang kanyang emosyon sa mga Oras na yun Nang Biglang narinig ni Ian ang tunog ng music Box sa Loob ng Unit ni Alex dahil nakabukas ang pintuan nito.

" Sandali saan mo binili ang Music Box na yan?" Tanong ni Ian.

" Bakit ? Wag mong sabihin may ganyan ding music Box si Charlie ?" Tanong ni Alex.

" Sandali..." Kinuha ni Ian ang Music Box na ibinigay nya Kay Charlie nung 1 year anniversary nila. Nang pagbalik nya ay pumasok na si Alex sa Unit nya.

" Malakas ang Kutob ko.. na Ikaw si Charlie." Sabi Ni Ian at isinara nya ang pintuan ng kanyang unit at ginamit ang kakayahan nyang maglaho at lumipat sa ibang Lugar.

" Papano ka nakapasok sa Unit ko. Tang Ina gutom nako.." sabi ni Alex. Ngumiti lang si Ian at ipinakita nya Kay Alex ang Music Box na kanyang ibinigay Kay Charlie noon.

" Magkapareha nga sila... " Sabi Ni Alex.

" Yung Tugtug ng music Box may naalala kaba?" Tanong ni Ian.

" Wala, nagagandahan Kasi Ako melody tsaka pakiramdam ko narinig ko ng kung saan di ko alam.." Sabi Ni Alex.

" Ah ganun ba... Napapansin ko ring Pareho kayong mag salita. " Sabi Ni Ian.

" Ewan ko sayo.. Pero promise gutom nako.. " sabi ni Alex.

Tumawa lang si Ian at hinawakan sya kamay, kasabay nun agad silang naglaho at napunta na sa Unit ni Ian.

" Ang galing... Papano mo nagawa yun? Si San Guko kaba? " Tanong ni Alex.

" San Guko ? Bakit ?" Sabi Ni Ian.

" Marunong kang Magteleport.. nakakaloka! " Sabi ni Alex.

" Kaya mo ring gawin yun..dati!" Sabi Ni Ian.

" Baka si Charlie yun.. " sagot Ni Alex.

" Oh, bakit di kana umiiyak ngayon. ?" Tanong ni Ian.

" Nagugutom ako.. tsaka nakikikain ako kanina. Gutom nako. Tayo na!" Sabi Ni Alex at hinila nya si Ian papuntang Kusina.

Meanwhile...

Sa Bahay ng mga Adonis.. nakapag isip na sila ng plano kung papano nila sasaklolohan ang Aydendril.

Habang nasa pagpupulong sila, Binati ni Raven si Tyler.

" Good morning Tyler.. " ngiting sabi ni Raven Kay Tyler.ngunit tila umiiwas ng tingin si Tyler sakanya. Sa halip na dati ay Gumaganti ng Pangungulit si Tyler sakanya ngayon ay Yumuko lang ito.

" Ganito ang gagawin natin... Si Miss Alpia na ang bahala sa Lagusan papuntang Bundok Apo. Dahil nandoon din ang Lagusan patungong Dalakit. " Salaysay Ni Theo.

" Ngunit papano si Ian, Wala pa sya dito.." sabi ni Katalina.

" Papunta na daw sya dito sabi nya sa Text kanina.. so mamayang hapon Miss Alpia. Handa na kami. " Sabi Ni Theo.

" Pero, Theo baka di na kami papasukin ulit ng Dalakit. " Sabi Ni Mia.

" wag kayong mag Aalala. Ang inyong pinuno na si Binibining Ofelia ay nasa Dalakit na upang salubungin tayo doon. " Sabi Ni Theo.

" At may naisabi din si Jesjes Kanina saakin tumawag sya.. tila may kakaibang nangyayari sa Kuta ni sitan. Parang Umalis si Sitan sa kanilang pinagtataguan. " Sabi ni Theo.

" Kung ganun, Mas safety na tayong umalis ngayon. " Dagdag na sabi ni Mia.

" Accident happens anywhere Mia.. " sabi ni Alpia.

" Kaya ihanda nyo na ang mga gamit nyo. " Sabi Ni theo.

" Ihahanda ko lang ang lagusan na gagawin ko Theo.. maiwan ko Muna kayo. " Sabi ni Alpia.

Silang sandali pa ay Dumating na Rin si Jake at Ian..

" Kumain ka na ba jake? " tanong ni jenna.

" Sge salamat..tapos nako.. " Sagot Ni Jake.

Balik sa A Y D E N D R I L

Nagtagumpay nilang mailipat ang lahat ng mga kasamahan nila sa Lumang Kastilyo.

" Jusko, parang naubos ang Lakas ko.!" Sabi ni lina.

" Ako rin, ang sakit ng Binti at Kamay ko.! " Dagdag na sabi ni Sierra.

" Hayaan nyo na.. at kahit papano nakatulong tayo Kay Olivia. Sana matapos na ang Labanang ito. Naiistress nako!" Sabi ni Rica.

" Teka maitanong ko lang Rica.. ano ba ang Plano nina Theo at Tyler. ? " Tanong ni Sierra.

" Ganito Kasi ang Nangyari nung nagusap sila Olivia at Theo sa Mahiwagang Salamin.." sagot Ni Rica.

 F L A S H  B A C K >>>>>

" Hindi na kayo makakapasok sa Lagusang Puno na dating ginagamit natin papunta at patungong Aydendril. Nakasara na ito dahil sa Salamanka ni Eron. " Sabi ni Olivia.

" Nabalitaan nga namin..nais nga sanang pumunta ng diwatang Gassia dyan. Pero hindi sya makapasok. Pero may iba pang paraan upang makapunta kami dyan. " Sabi ni Theo.

" Oo, maari kayong pumasok dito sa Salamin. Maari naming hilingin Kay Sarah na bigyan kayo ng lagusan. " Sabi ni Olivia.

" Susunod parin kami sa Utos ng diwatang bulan.pupunta Muna kami sa Dalakit upang kumuha pa ng mga Gagamitin sa Laban. " Sabi ni Theo.

BACK TO PRESENT....

"ayun ang napag usapan nila.." sabi ni Rica.

Ilang Sandali pa ay tinawag sila ni Olivia upang kumain.

" Hali na kayo, Oras na kumain..." Sabi ni Olivia.

" Maraming salamat Mahal na reyna. " Sagot Ni Rica.

Abangan ang susunod na kabanata..