webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · แฟนตาซี
Not enough ratings
53 Chs

49

CHAPTER 49

Limang segundo bago niya iyon ginawa ay nalaman ko nang gagawin niya iyon, kaya mabilis pa sa inaakala ng lahat ang aking pag iwas.

"Verulia!" Sigaw ni Marcus.

Wala akong ibang inisip kundi ang makuha ang berilo. Ngunit bago ko pa iyon marating ay nabiyak ang lupang tinatakbuhan ko.

It was Zandrus!

Tumalon ako sa malalaking bato upang mapasok ang kwebang kinalalagyan ng berilo. Paglingon ko sa aking kanan ay naroon na si Zandrus, inaangat ang isang parte ng lupa papunta sa akin.

"OH SHIT!" Sigaw ko ng umangat ito ay tumilapon sa pwesto ko.

Ngunit bago pa ito tuluyang bumangga sa akin ay nabiyak ito sa ere. Napalingon ako sa aking likod, it was Marcus! He used the bow and arrow of an echelon to crash Zandrus' attack on me.

I mouthed him, 'Thanks'.

Pagkatapos ay sinundan ko si Zandrus sa loob ng Kweba. Palinga-linga ito sa paligid, at doon ay muli akong nabigyan ng pag-asang mananalo sa paghahanap na ito.

He can't see clearly inside the semi dark cave, only I can.

"Magaling. Magaling ka nga talaga, you know how to play games well." Ani Zandrus at pumalakpak pa.

"I don't play games, Prince." Sagot ko.

"Stop making me laugh, napag-usapan na natin ito. Hahanapin mo ang bato, makakalaya na kayo ng mga hampaslupang kasama mo." Aniya.

Namuong muli ang poot sa aking dibdib.

"Oh, iyon ba ang napag-usapan natin?"

Sandaling natigil si Zandrus. Mula sa kanyang likod ay isang berdeng maasul-asul na bato ang kumikinang, hindi ito basta-bastang makikita kung hindi ito huhukayin ng bahagya.

Mukhang kailangan kong magmina.

I aimed my bow and arrow, itinutok ko iyon kay Zandrus. Bahagya itong natawa sa ginawa ko.

"You know you can't kill me using your languid weapon. Kayang-kaya ko iyang ibalik sa iyo."

Naramdaman ko ang pagsara ng bukana ng kweba. Agad na nanindig ang mga balahibo ko, alam kong pakulo iyon ni Zandrus. Ikinulong niya kaming dalawa sa loob ng madilim na kwebang ito.

Ngunit sa ngayon ay pantay lamang kami ng kakayahan, nakakaramdam, nakakakita, at nakakagalaw ako ng maayos. Hindi ko na kailangan mangapa.

"Just find the stone, ibabalik ko kayo sa pinanggalingan mo." Ani pa nito.

Hinila ko ang arrow, lumikha ito ng tunog. Pasimple akong lumapit sa kinaroroonan niya.

"I can see you!" Pagkasabi niyon ay inatake niya ako ng isang dagger. Mabilis ang atakeng iyon, ngunit mabilis rin ako. Pinakawalan ko ang arrow na hawak ko at tinamaan nito ang likod ni Zandrus.

"HAHA! YOU CAN'T SHOOT ME!" Malakas na halakhak ni Zandrus.

Limang segundo ang hinintay ko, pagkatapos ko ay pareho kaming nagulat ng sumabog ang arrow na binitawan ko. Nabiyak at nahulog ang lupang tinamaan nito.

Tumilapon rin si Zandrus dahil sa impact nito.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon at hinalukay ang lupang nahulog upang kunin ang berilo.

I fucking found it!

"AARGHHH!" isang malaking sabunot sa aking buhok ang aking naramdaman. Galit na galit si Zandrus, walang hirap niya akong iniangat sa ere hawak ang aking buhok.

"Aray! Ibaba mo akong hayop ka!" Sigaw ko. Sa halip na ibinaba ay itinapon niya ako papasok sa loob ng kweba.

"Nasaan ang bato? Nasaan ang berilo?" Galit nitong saad.

Umubo ako dahil sa sakit ng aking pagkakabagsak. Lumapit itong muli sa akin at iniangat ako sa ere hawak ang aking buhok.

Sobrang sakit niyon.

Pasimple kong kinuha ang dart sa aking bulsa at ibinaon iyon sa dibdib ni Zandrus.

"DAMN!" sigaw nito at nabitawan ako. "Pinupuno mo ang galit ko!" Sigaw nito sa akin at tinanggal ang dart sa kanyang dibdib.

Hahawakan niya sana ako ngunit gumulong ako palayo at sinipa ang kanyang mga paa. He didn't expect my attack kaya bumagsak siya sa lupa.

Tumakbo ako papalabas ng kweba, ngunit hinarangan iyon ni Zandrus. Kinuha ko ang aking pana at itinutok iyon sa luwasan habang tumatakbo.

"You can't run away from me bitch! GIVE ME THE STONE" sigaw nito at hinabol ako.

I need to get out of here!

Bago pa man ako abutin ni Zandrus upang pigilan ay pinakawalan ko na ang aking arrow. Tumama ito sa malaking lupang nakaharang sa bukana ng kweba, pagkatapos ay sumabog ito ng napakalakas.

Nadurog ang mga lupang naroroon ay nayanig ang kwebang kinaroroonan namin.

Sabay kaming napalingon ni Zandrus sa isa't isa. Ngunit bago niya pa ako atakihin ay mabilis akong tumakbo patungo sa labasan. Naramdaman ko ang matalim na bagay sa aking likuran.

Binato ako ni Zandrus ng dart! Tila nakuryente ang aking katawan at gustong mahinto, ngunit hindi ko hinayaang maparalisa ako dahil lamang doon.

Tinalon ko ang mga batong nakaharang sa labasan at mabilis na lumundag palabas kweba.

"GET HER!" Sigaw ni Zandrus saktong pagkabagsak ko sa lupa. Bago pa man ako maabutan ng mga nakaabang na echelons ay binuhat ako ni Marcus at itinakas papalayo sa lugar.

"Pigilan niyo sila!" Sigaw ni Marcus sa mga dukhang kasama niya.

Ngumiti ang mga ito at yumuko kay Marcus. Nagpatuloy sa pagtakbo si Marcus, at ang mga dukhang kasama niya ay ibinuwis ang kanilang mga buhay upang mapahinto ang mga echelons na naghahabol sa amin.

Hindi sila naging sapat upang mapahinto si Zandrus, ngunit hindi iyon naging dahilan upang huminto si Marcus sa pag takbo habang karga ako.

"Marcus!"

"Shh, ilalayo kita rito."

Wala akong nagawa kundi ang magpaubaya. Nanghihina ako, ngunit alam kong nanghihina rin si Marcus.

"Sa kaliwa Marcus." Saad ko pagkatapos ay kumaliwa rin siya. Ako ang nagsabi kung saan kami pupunta upang makalayo ng tuluyan sa grupo ni Zandrus.

"Magpahinga na muna tayo Marcus, wala na sila." Wika ko.

Huminto si Marcus sa ilalim ng malaking puno, at doon ay sabay kaming bumagsak.

Bumangon ako at inayos ang posisyon ni Marcus.

"Marcus?" Tanong ko. "Marcus!?" Pag uulit ko.

Hindi ito kumikibo habang nakapikit. Mawawalan ba ako ng kaibigan?

"MARCUS!" sigaw ko. Doon ay tuluyan na akong napaiyak.

"Shh, wag kang umiyak. Nandito ako." Hinihingal na saad ni Marcus. Dumilat ito at ngumiti sa akin.

"Marcus!" I cried, and then I hugged him.

"Naitakas ba kita, Verulia?" His voice cracked, mabilis rin ang kanyang paghinga.

Tumango ako habang lumuluha. "Oo Marcus, Oo. Naitakas mo ako." Saad ko at niyakap siya.

Niyakap ko siya na parang wala nang bukas.

"Marcus, I found it! I found the beryl, I found it!" Bulong ko sa dibdib niya.

Niyakap niya ako pabalik, at mas lalong humigpit ang yakap ng iyon ng marinig niyang nakuha ko ang berilo.

"Nahanap mo ang ikawalong bato at nahanap rin kita."

---

Unedited.

Please let me know your thoughts about this chapter 💛