CHAPTER 28
Mula sa aking normal na paningin ay dumako ang aking mga mata sa itaas na bahagi ng lagusan ng kweba.
"A STONE!" Sigaw ko. Sabay sabay kaming nahinto. Kulay Murado ito, alam kong kabilang ito sa mga batong hiyas na may mataas na puntos.
"Let's get it!" sigaw ni Nathalia, saktong pag talon niya upang kunin ito ay nabiyak ang lupa na kinatatayuan namin at ang mga bato sa lagusan ay nagsibagsakan.
"The cave is about to collapse we need to get out!" Sigaw ni Corinthians.
"But the stone!"
"Run fast!"
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kaya naman tumakbo na lamang ako papalabas ng kweba upang huwag ma trap sa loob.
Nakalabas na si Corinthians at Greyson, lalabas na sana ako ngunit nilingon ko si Nathalia na hinahanap parin ang batong hiyas.
"Nathalia stop it! Let's go!" Sigaw ko.
Nang hindi siya makinig sa akin ay binalikan ko siya at hinila.
"Let's go.." sigaw ko.
"Let go witch! Nakikita ko na ang batong hiyas!" Sigaw niya.
I can see it too. Ngunit patuloy na nagsisibagsakan ang mga bato sa luwasan ng kweba, kung hindi kami makakalabas agad ay makukulong kami at madudurog sa loob.
"Nathalia let's go!"
"I got it witch! Let go of me!" Sigaw ni Nathalia. Pagkasabi niya noon ay saktong pagkahulog ng isang malaking parte ng lupa patungo sa aming lugar.
Shit.
I aimed my bow and arrow, kahit masakit sa leeg at mata dahil sa mga maliliit na lupang napupunta sa aking mga mata ay sinikap kong matamaan ang lupang babagsak saamin.
AND I DID IT!
Nahati nga ang lupa kaya kaunting parte lamang niyon ang bumagsak sa amin.
"NATHALIA LET'S GO!"
I looked at Nathalia. Nakatitig lamang siya sa akin at halatang nagulat sa aking ginawa.
"Let's go bitch." She said. Pagkatapos ay mabilis akong hinila palabas ng Kweba. Sabay naming inilagan ang mga batong pabagsak sa amin.
When I couldn't jumped high, she held my hand and tried to throw me out of the cave. Dahil hawak ko rin ang kamay niya ay sabay kaming tumilapon palabas ng kweba pagbagsak ng luwasan nito.
Nabitawan ko ang kamay niya at sabay kaming bumagsak sa lupa. Kitang kita ko ang mga alikabok na tila usok na bumabagsak sa lupa.
"Akala ko katapusan ko na." Napalingon ako kay Nathalia na ngayon ay nakatingin rin sa akin. "Bitch." She said while smirking at me.
What does she mean by that?
"You guys okay?" Tanong ni Greyson.
Agad kaming tumayo atsaka nilingon ang kweba na ngayon ay bagsak na.
OH WAIT!
"Where is Chrysler? And the prince?" Tanong ko.
Nangunot ang noo ni Corinthians habang nakatingin sa akin.
"You don't have to worry about them." Saad niya.
We waited for a few minutes, hanggang sa pati si Greyson ay nag-alala na rin.
"They should be here now." Ani Greyson. Hindi ko rin maiwasan ang mag-alala.
Babalik pa ba sila?
Pakiramdam ko nabubuhay ang puso sa oras na ito. Nakakaramdam ako ng mga bagay na hindi ko naramdaman noon.
I'm worried as heck.
Ngunit nabuhayan ako ng loob ng isang usok ang dahan dahang lumalabas sa durog na kweba.
I smiled when I saw someone with ripped shirt came out of the cave. Damn he's hot.
"I knew it Chrysler. That's my man!" Salubong ni Greyson sa kanya, pati sina Corinthians at Nathalia ay nakangiti na rin ngayon.
Samantalang ako ay hindi maiwasang mag abang na muli sa nadurog na kweba. Is he coming back? What's taking him so long?
I was about to ask where the Prince is nang biglang sumabog ang luwasan ng kweba at nagkalat ang mga malalaking bato roon kaya naman nagkaroon na muli ng lagusan.
And there comes the prince,
topless. Damn it!
Wala nang pang-itaas ang prinsipe kaya naman halos mapanganga ako sa ganda ng kanyang katawan. Alam kong mali ang magpantasya sa oras na ito ngunit hindi ko mapigilang humanga sa kanyang katawan.
"Gorgeous as always." Corinthians complimented.
Damn six packed abs. His broad muscles looks dauntless, I can't help but to stare.
"Worried about me?" Kumurap kurap ako ng mapagtantong nasa harapan ko na ang prinsipe.
WHAT THE HECK! Tingin ko'y namumula na ako sa mga oras na ito, ang tanga ko naman kasi.
"W-what?" I asked.
He smirked. Damn so gorgeous.
"I'm back. You don't have to worry about me, I'll always come back." Saad nito.
Hindi naman tatakbo ang puso ng ganoon, ngunit masyadong magaling ang prinsipe sa pagpapatakbo ng puso ko ng sobrang bilis.
Namalayan ko na lamang na bumulong siya sa aking tenga ng sobrang lapit, iyon ang dahilan kung bakit nagkarera ang puso ko sa bilis.
At tuluyan akong kinapos ng hininga dahil sa ibinulong niya.
"I missed you."
----
A/N: Let me know your thoughts about this chapter please :>