webnovel

The Psychopath's Mask

The carefree life of Mandie take a sharp turn as a strange man enters her life. The strange man claims the he has an imaginary friend and he made a mask as a representation of his "so called friend". He said that once he found true love, his friend might be gone forever. Unconvinced of the situation, the Mandie cautiously agrees to help the man, there must be truth to all this and if so, this was the right choice to make. But what if this strange man is a psychopath? Or what if this is all far bigger than what has been told? How could an ordinary young lady be helpful at all in this situation? Time to find out.

Maxi_Minnie · วัยรุ่น
เรตติ้งไม่พอ
9 Chs

Chapter 7: Peace

WELLA

Kausap ko si Mandie ngayon at sinabi niya sa akin na may tutulong sa amin humuli sa 'stalker'.

Nung malaman ko na si Jade yung tinutukoy niya ay muntikan ko siyang mabatukan.

"Hello Mandie!" Nakangiting bati ni Jade. Tumingin siya Kay Wella at bumati gamit ang kaniyang kilay.

"Hi Jade, katulad ng pinagplanuhan natin, sasama ka sa amin ni Louella upang makita mo yung tinutukoy namin. Pero bago ang lahat, punta muna tayo sa library."

Gumamit kami ng elevator dahil nasa 8th floor pa ang library. Pina-reserve ko ang conference room kanina kaya okay lang na doon kami mag-usap.

"Umupo na kayo" Pagsisimula ko. Kinuha ko ang whiteboard marker at nagsimulang magsulat.

"Yung lalaking nakita ko ay nakasuot ng color blue na mask. Natatakpan nito ang kaniyang mukha kaya wala akong nakitang miski isang clue para mai-describe ko ang mukha niya".

Tinignan ko Silang dalawa.

"Jade, tayo ka nga."

Agad namang sinunod ni Jade ang utos ko. Tumayo siya katabi ko.

"Mga kasing tangkad o mas matangkad kay Jade ang nakita ko. Pwede ka nang maupo."

Kaagad na umupo si Jade na muntikan pang matumba sa inuupuan.

"Wella, maari mo bang ipaliwanag uli ang mga nakita mo para alam ni Jade."

Nagsimulang magsalaysay si Wella. Taimtim na nakikinig si Jade.

"Feeling ko, maaalala ko ang mga ngiti niya, kung sakali man na makita natin sya na nagdi-disguise as a student. Or may possibilities rin na dito siya nag-aaral." Nakapalumbabang sabi ni Wella.

Naipaliwanag na namin kay Jade ang lahat, kung kelan nagsimula at kung ano ang mga ginagamit ng stalker para manakot.

Sinabi ko rin na parang lahat ng kilos namin ay alam niya dahil sinabi niya na huwag kaming magsusumbong sa mga pulis.

Naisulat ni Jade lahat ng description at explanations namin. Maaari raw niya iyong magamit if ever na may makita siyang kahina-hinala dito sa school.

We're dismissed.

Medyo naging light na ang atmosphere between Wella and Jade. Pumayag na rin si Wella na sumama sa amin magbonding sa isang park.

Dala ni Jade ang gitara niya. Nag-rent kami ng boat sa halagang Php 150, at sumakay kami roon. Si Jade ang taga-row ng boat. Ako ang tumutugtog ng gitara at  sabay-sabay kaming kumanta.

"Uy Jade sorry ha..." Nahihiyang sabi ni Wella kay Jade.

"Bakit? Anong nangyari?" Naku-curious na tanong ko. Wala kasing nabanggit si Wella na kumausap niya si Jade. Baka inilihim niya sa akin.

"Okay lang iyon, at least hindi mo na ako papalayuin kay Mandie." Nakangiting sabi ni Jade kay Wella.

Ipinagpatuloy namin ang pagkanta. This time, si Wella naman ang may hawak ng gitara.

Nag-groupie kami bago umuwi.

"Hatid na kita Mandie." Pagyayaya ni Jade.

"Sure ka?"

"Oo, kasi malapit na dumilim, delikado sa daan."

"Ihatid muna natin si Wella sa paradahan ng Jeep nila."

"Sige."

Pumayag naman si Wella na ihatid namin siya. Nag-kwentuhan kami sa daan, nagtawanan, at nagharutan.

Iba ang saya ko ngayong araw. I feel so safe.

Hindi rin nagparamdam ang stalker namin ni Wella. Baka alam niya na may lalaki kaming kasama kaya hindi siya nagpakita.

Naglakad lang kami ni Jade dahil gusto raw niya ako makausap. Sa halip na sa bahay dumiretso ay inikot muna namin ang parke.

Marami pa ring tao kahit Gabi na. Karamihan doon ay mga family na nagba-bonding.

Umupo kami ni Jade sa may bench at tumingin sa mga bituin.

"Mandie..."

Tumingin ako sa kaniya. Ang kaniyang mukha ay nasisilawan dahil sa ilaw ng lamp post.

He smiled at me.

It's so genuine.

He leaned forward to me and looked at me directly in my eyes.

He's so handsome.

Napapikit ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. I felt his soft lips gave me a smooch on my forehead.

Napamulat ako ng mata.

Bumibilis ang tibok ng puso ko, umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Napansin niyang giniginaw ako kaya hinubad niya ang jacket niya at ipinatong sa akin. He's now wearing a black turtle neck shirt. I could smell his scent from his jacket.

"Thank you." I whispered. He smiled at me and he gently grabbed my hand.

Ni-rub niya ang kanang kamay ko sa kaliwa.

"Oh di ba, hindi na malamig" nakangiti niyang sabi.

Ginawa ko ang sinabi niya. Medyo nakiliti ako nang hawakan niya ang tenga ko.

"May nagsabi sa akin na kapag giniginaw ka raw ay hawakan mo ang tenga mo" pagpapaliwanag niya.

Ngumiti ako dahil effective iyon.

Ngayon lang ako nakaranas nang ganto. Ngayon ko lang naranasan na may mag-alaga sa akin.

Heto na ba yung sinasabi nila na love? Kasi kung ito yun, gusto ko to. Gusto ko yung pakiramdam na ganito.

"Mandie?"

"Bakit?"

"Hatid na kita? Gabi na at mukhang inaantok ka na."

Tumayo siya umupo sa damuhan.

"Piggy back ride?"

Nagdadalawang isip ako dahil sa totoo lang ay never ko pang naranasan iyon.

"Trust me, Mandie."

I trust you Jade. A lot. Someday, you'll know that.

"Sige..." Nakangiting sabi ko.

"Alam mo ba Jade, ikaw ang pinakafirst na tao na pinayagan kong gawin to sa akin. Takot kaya ako!"

"Hindi naman kita sasaktan Mandie eh. You're so valuable for me."

"Thank you..."

"Nandito na tayo. Mandie?"

Iminulat ko ang mata ko. Andito na pala kami sa tapat ng bahay. Naka-idlip pala ako.

Nagpasalamat ako kay Jade at pumasok na ako sa loob.

Sinabihan ko siya na mag-text kapag nakauwi na siya para mapanatag loob ko.

30 minuto ang nakalipas at nakatanggap ako ng text galing kay Jade na nakauwi na siya.

Niyaya niya ako pumunta sa bahay nila sa Sabado para sa Movie Marathon. Pwede ko rin daw yayain si Wella kung gusto niya. Sakto, tapos na rin naman ang final exams namin non kaya pwede na kami mag-chill.

Pumayag ako at nagsabi ako na magdadala ako ng pagkain. I messaged Wella at sinabi sa kaniya ang invitation ni Jade. Hindi siya sigurado dahil baka daw maglalaba siya, pero gagawan raw niya ng paraan.

Masaya akong pumikit at inaalala ang mga nangyari kanina. Laking pasasalamat ko dahil hindi nagparamdam ang stalker ko. Ngayon na nandito si Jade sa buhay ko ay wala na akong dapat na ipangamba pa.

'Thank you Jade'