Mukhang hinihintay talaga nilang matapos kami para makipaglaro kay Leon. Alaine looked so excited and happy to have Leon here. I was starting to feel bad for keeping them apart.
"Hindi pa kami tapos, Alaine," sabi ko sa kaniya.
"But mommy, we really want to play with . . ." huminto si Alaine at parang iniisip kung anong itatawag kay Leon. Bigla siyang tumingin sa 'kin at nagtanong, "mommy, he's daddy ba?"
Biglang sumilip din si Elijah, narinig ata ang sinabi ni Alaine. Kitang-kita ko sa mga mata nila na umaasa silang 'oo' ang sagot ko.
Kaya lang naman hindi ko pa masabi sa mga bata dahil di pa kami nagkakasundo ni Leon. Ayaw kong umasa 'yong mga anak ko o masaktan sila kapag hindi pala kaya ni Leon ang responsibilidad.
Kaso ang hirap na rin magsinungaling. Baka masyado na 'kong nagpapadala sa takot at nagiging makasarili. I can't keep lying, especially to my children.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at sinilip si Leo. "Leo, come here," tawag ko sa kaniya.
Tinignan ko ulit si Leon.
"Don't hurt their feelings. At hindi rin ibig sabihin nito ay papayag na 'ko sa lahat ng gusto mo."
Nang makalapit sa 'kin si Leo ay hinawakan ko ang kamay nito. Umupo ako para mag-lebel ang mga mukha namin.
Anticipation was visible in their faces while they looked at me. I smiled, hoping that this is what's best for them. Sana hindi ako mali sa gagawin ko. Sana talagang pwede siyang pagkatiwalaan ulit.
"He is daddy, Alaine," sabi ko habang nakatingin kay Alaine, ang panganay sa tatlo. Nilipat ko naman ang tingin kay Leo, tapos kay Eli, "Leo, Eli, he's your dad."
Agad nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nina Alaine at Elijah.
"Really mommy? He's daddy?" tanong ni Alaine. Something gripped my heart when I saw how happy he seemed.
"Y-yes, he's daddy."
Si Elijah ang unang tumalikod sa 'kin at lumapit kay Leon. Agad naman siyang binuhat ng ama niya.
Nagulat kami parehas ni Leon nang takpan ni Alaine ang mga mata niya at nagsimulang umiyak.
"Why, anak?" Hinila ko palapit sa 'kin 'yong bata at hinagod ang likod niya. "Shh, tahan na."
"Daddy," sambit ng bata habang umiiyak pa rin.
Nakita kong naiiyak na rin si Eli. Ganyan naman silang tatlo, kapag may umiyak na isa, nadadala rin yung dalawa.
Binaba ni Leon si Eli at hinawakan ang kamay nito. Lumapit siya kay Alaine at umupo rin katulad ko.
"Daddy's here," aniya. "I'm sorry for making you wait."
Tumango naman ang anak ko habang kinuskos pa rin ang mga mata niya.
"Don't worry, I won't leave again," sabi ni Leon.
"You'll play with us?" tanong pa ni Alaine.
Lagi kong nakikita si Alaine na tumitingin sa mga mag-ama sa playground na pinupuntahan namin noon. Siguro dahil napansin niya na laging 'yong tatay no'ng ibang bata ang madalas makipag-laro sa mga anak nila.
"Yes, I will," sabi ni Leon.
Alam kong si Alaine ang laging nagtatanong tungkol sa ama nila at inaasahan ko na siya rin ang pinakamasaya kapag nakilala na niya ang ama nila. Pero hindi ko inakalang iiyak siya.
Yumakap si Alaine sa leeg ni Leon. Namumula na ang maputi nitong mukha dahil sa kaiiyak. Binuhat ni Leon ng sabay 'yong dalawang bata.
"I have toys for you," sabi ni Leon. "So, don't cry."
"Where po?" tanong ni Alaine.
"Pupuntahan na 'tin. Kakausapin ko lang yung mommy niyo, tapos aalis na tayo. Sit here." Binaba ni Leon yung dalawa sa sofa.
Lalapit na sana siya sa 'kin pero biglang napunta ang tingin niya sa pangatlo naming anak. Pati ako ay napatingin kay Leo.
Hindi gumalaw 'yong bata. Nakatayo lang siya sa tapat ng pinto at nakatingin kay Leon. Akmang lalapit si Leon nang magtago si Leo sa likod ko.
"Mommy..."
Tinignan ko saglit si Leon bago buhatin yung bata.
"What's wrong?" tanong ko rito.
"Leo wants mommy," sabi niya.
"And mommy stays with Leo," paalala ko sa kaniya. "I love you," dagdag ko pa.
Umatras si Leon mula sa 'min at tinignan lang ako na parang may gusto pa siyang pag-usapan. Hindi pa nga kami tapos mag-usap, hindi ko pa nasasabi ang desisyon ko.
"Sit down with Alaine and Eli muna, Leo. Mag-uusap lang kami ni Daddy--Leon." I paused. "N-ni daddy niyo."
I saw how Leon shook his head as he let out a chuckle. "It's okay, you can call me daddy."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"I'm talking to Leo," sabi niya nang mapansin ang reaksyon ko. Nilipat niya ang tingin sa anak ko. "Leo, I won't take you away from your mom. I just want to take care of you too, and play with you."
Tinignan lang ni Leo ang ama niya bago ibalik ang tingin sa 'kin.
"You can call me dad, but it's okay if you don't want to yet. I can wait."
Hindi pa rin pinansin ni Leo ang mga sinasabi ni Leon. I guess my son needs time to warm up to his father.
"Leo, go sit with your brothers muna," sabi ko sa bata. Mabuti na lang at masunurin 'to.
Pumwesto kami ni Leon sa may kusina, malapit na kami sa pinto ng apartment para lang makapag-usap.
"Does this mean you're agreeing?" tanong ni Leon.
Nagtatanong pa siya kahit hindi naman talaga niya ako binigyan ng choice. He knew he would win if we took this to court.
Sa ngayon, papayag akong tumira sa bahay na sinasabi niya. Para sa mga bata.
"Hindi madadamay ang mga anak ko sa kahit anong gulo. Hindi mo sila ilalayo sa 'kin. Hindi mo sila sasaktan. Don't ever disappoint my children, Leon."
Huminga ako nang malalim at mariing ipinikit ang mata. Inisip ko muna ulit nang dalawang beses bago ko sinabi ang desisyon ko sa kaniya. "Pumapayag na 'ko. H'wag na h'wag mo silang sasaktan at idadamay sa kahit anong gulo, sa pamilya mo man o sa relasyon mo kay Ava."
"I swear," giit niya.
Tumango na lang ako at saka umiwas ng tingin.
"Then, let's go," sabi ni Leon.
Agad kong binalik ang mga mata sa kaniya kasabay nang pagkunot ng noo ko.
"Saan?"
"Sa bahay," tipid na sagot niya.
"Agad?"
"Agad."
Tumalikod siya sa 'kin at kinausap ang mga bata. Tuwang-tuwa nanaman sina Alaine at Eli nang malaman na aalis sila kasama si Leon. Si Leo naman ay nakikinig lang at panay pa rin ang sulyap sa 'kin.
Sana talaga hindi ko pag-sisihan na pinagkatiwalaan ko siya sa mga bata.
"Wala ka bang trabaho ngayon?" He owns a company, so I assume he's a busy man.
Kanina ko pa rin napansin na nakasuot lang siya ng puting polo. Lagi kasi siyang naka-business attire kapag nakikita ko.
"Wala. I cancelled everything on my schedule today," sagot niya.
"Mommy! May toys po kami kay daddy!" balita ni Eli sa 'kin. "Bihis po ako."
"Mommy, change my clothes please," si Alaine.
Nakangiti akong tumango sa dalawa. Pinapasok ko na silang tatlo sa kwarto upang bihisan. Bago ko masarado ang pinto ng kwarto ay narinig ko muna ang pagtunog ng selpon ni Leon.
Lumayo siya sa 'kin nang sagutin ang tawag, pero maliit lang ang apartment ko kaya narinig ko pa rin ang pangalan na binanggit niya. . .
"Ava? Why are you calling?"