webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Twenty

(F8 Private Room)

(Callix's POV)

Katatapos lang ng practice at nasa private room ang lahat. Pareho kaming tahimik ni Miyaki sa nangyari habang sorry naman ng sorry si Marcus sa amin.

"Waah! Cal, Miya, sorry talaga! Di ko sinasadya!" ang patuloy pang pagsosorry ni Marcus sa amin.

"Okay lang Marc. Aksidente lang yung nangyari." ang sabi naman ni Miyaki sa kanya.

"Callix..... gyah! Sorry talaga!" ang sabi naman ni Marcus sa akin na tulala pa rin sa nangyari kanina.

"Ikaw kasi Marcus eh! Masyado kang careless!" paninisi sa kanya ni Lexie.

"Hoy! Anong ako lang! May kasalanan ka din sa nangyari sa kanila! Kung di dahil sa kakulitan mo, di sana sila madidisgrasya ng ganito!" ang pagdidiin naman ni Marcus kay Lexie.

"At kung di din sana dahil sa kaartehan mo, di sana sila aksidenteng magtutukaan sa gym!" ang sabi naman ni Lexie, dahilan para mabatukan silang dalawa ni Monique.

"Tse! Pareho kayong may kasalanan sa nangyari! Mga wala kayong ingat!" ang sabad ni Monique sa usapan.

"Hindi, okay lang. Aksidente yung nangyari. Wag na kayong magsisihan dyan. Callix, sorry ha....d-di na virgin ang lips mo." ang sabi ni Miyaki sa akin.

"No. Ako dapat ang mag-sorry sayo. Kasalanan ko kung bakit aksidente kitang nahalikan." ang apologetic ko namang sabi na very sincere niyang tinanggap.

"Oh ayan, buti pa silang dalawa, parehong nag-sorry sa isa't isa. Samantalang kayong dalawa, nagtuturuan pa rin kayo sa kasalanang ginawa ninyo!" ang sermon naman ni Misha sa kanilang dalawa.

"Eh kung nag sorry na lang sana kayo sa kanilang dalawa, eh di tiyak na tapos na ang issue na ito." sabi naman ni Monique.

"Sorry Cal. Sorry Miya. I admitted my mistake so please forgive me, hindi ko talaga sinasadya." ang sincere na paghingi ng tawad ni Lexie na agad naman naming tinanggap.

Aaminin ko, nakakabigla ang mga nangyari kanina. Nakakabigla ang lahat. But I really treasured that moment. I really do. 

Noong aksidenteng nahalikan ko si Miyaki ay nakaramdam ako ng kakaibang init sa pakiramdam ko....isang init na unti-unti nang tumutupok sa puso ko. Para akong nakuryente ng tatlong poste ng Meralco nang dumapo sa akin ang malambot at mainit na mga labi ni Miyaki, at para naman akong sinilaban ng apoy nang maramdaman ko na ang init na dulot ng kanyang mga labi.

Ganito pala ang pakiramdam na matikman ang unang halik....

Nakakabaliw na nakakapagpa-init ng pakiramdam.

Miyaki is my first kiss. Wala pang babaing nagtangka o tinangka kong halikan dala na rin ng lihim na nararamdaman ko kay Miyaki. Pero nang mangyari ang accidental kiss na yun kanina, parang sulit na sulit ang paghihintay ko dahil napunta rin sa babaing mahal na mahal ko ang first kiss ko.

Nang nagkayayaan na ang buong F8 na kumain sa cafeteria ay nagpaiwan kami ni Miyaki sa loob ng room. Halos hindi ko siya malapitan dala na rin ng nangyari kanina.

"M-Miya...I'm really really sorry. Hindi ko sinadya yung kanina. Sorry talaga." I said sincerely to her.

"Unli? Paulit-ulit?" ang biro niya sabay tawa niya ng malakas. "Ano ka ba, okay lang yun noh. Aksidente lang yun noh." sabay akbay niya sa akin.

Muli ay bumilis na naman ng bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang mainit na mga braso niya. Para na nga akong hihimatayin dahil sa matinding kakiligang nadarama ko.

"Thank you Miyaki." ang sabi ko sa kanya.

"You're welcome Callix. Anyway, ang sarap pala ng labi mo. Lasang almond jelly." at kinindatan niya ako bago siya umalis sa room. Halos matulala ako nang mabanggit niya iyon.

"ANG SARAP PALA NG LABI MO. LASANG ALMOND JELLY." 

Waah!!! I'm going to be crazy!!!

Halos mapukpok ko na ang ulo ko sa sobrang kakiligan ko. She likes the taste of my lips.

Naalala ko tuloy ang almond jelly na kinain ko bago kami nag-practice ng ballroom. Wahaha, blessing in disguise din pala ang almond jelly ni Monique!

Hindi ko naman ide-deny, masarap talaga ang labi ni Miyaki.... parang bubble gum ang lasa. (hehe...)

Nang masiguro kong wala na ang buong F8 ay isinuot ko na ang pang-disguise ko.

Magpapakita na naman ako bilang si Calla.

Ang baklang best friend ni Miyaki.

(Cafeteria)

(Callix/Calla's POV)

Tumambay muna ako sa cafeteria para mag-ipon ng mga sasabihin ko kay Miyaki mamaya nang makita ko na naman sila Chuckie, Fishcake at Yema na mukhang papalapit na sa akin.

"Oh my gosh! Amoy-basura sa cafeteria!" nakita kong palapit na sa akin ang tatlong anak ni Don Pepot Manggagantso.

"Eh kaya naman pala eh! May basura dito!" nakatingin silang tatlo sa akin.

"Ano ba yan! Baka maumay ang mga students dito! Dapat tinatapon ang mga basura eh!"

"Masisira mga tyan natin sa amoy ng basura!"

"Eww!"

"Gross!"

 

"Yuck!"

 

"Kadirdir!"

At pinagtawanan ako ng tatlong mga tutong na ito. Grr! Mukhang makakapatay na talaga ako ng mga demonyo sa paligid ko!

Hindi ko na lang sila pinansin. Sa halip, inilabas ko na lang ang book ko at nagbasa na lang ako.

"Hoy basura! Hindi library ang cafeteria!"

 

"Oo nga! Umalis ka na ditong basura ka!"

 

"Chupi na!"

 

"Alis!"

Tinulak pa nga nila ako, dahilan para matumba ako sa kinauupuan ko at pagtawanan nila akong tatlo. Kusa na sana akong tatayo nang inakay ako ni Miyaki patayo.

"Miss Miyaki, ikaw pala!" ang bati ng tatlong Braguda kay Miyaki.

"Anong ginagawa nyo na naman sa pinsan ko?" she asked.

"Pinapaalis lang namin siya, ang sagwa kasing tignan ng cafeteria nang dahil sa kanya eh." sabay turo ni Chuckie sa akin.

"Ah....EH BAKIT HINDI KAYO ANG UMALIS?!!!!"

"Ha?!" ang sabay sabay pa nilang sabi.

At talaga naman, triplet pa!

"Kasabay kong kumain si Calla dito kaya umalis na kayo, nauumay ako sa mga pagmumukha ninyo." ang sabi pa ni Miyaki sa tatlong panget na agad ding nag-walk out palayo sa amin.

"Salamat Miya ha. Niligtas mo na naman ako sa kanila." and I smiled.

"Wala yun. Tsaka namiss ko silang pahiyain eh." and she laughed.

"Ano nga palang ginagawa mo dito sa cafeteria, di ba ayaw mong naglalagi ka dito." ang taka kong tanong sa kanya.

"Pinipinturahan kasi ng janitor yung mga grills at benches sa park kaya naman hindi ako makapwesto dun. Anyways, kamusta ka na?! Antagal kitang di nakita ah!" sabay yakap niya sa akin.

"Okay lang ako bhe, medyo busy kasi ako sa mga school projects last week kaya di ako nagka-time makipag-chikahan sayo." ang kunwaring sabi ko sa kanya.

"Naiintindihan ko naman eh." and she smiled. "Ahm Calla...may sasabihin sana ako sayo." ang tila naaalangang sabi niya.

"Ano naman yun? Don't tell me, may gusto ka sa akin ha!" ang biro ko sa kanya 

"Tse!" sabay hampas niya sa braso ko. "Paano naman kita gugustuhin aber?"

Napaisip ako bago ako nagsalita. "Eh pano nga ba?"

"Ungas!" sabay batok niya sa ulo ko.

"Pero ano ba talaga ang sasabihin mo bhe?" ang biglang na-curious na tanong ko sa kanya.

"Ahm...k-kasi...g-ganito." at bahagya siyang lumapit sa akin. "Nahalikan ako ni Callix kanina."

Muntik na akong mapatalon sa sinabi ni Miyaki. Sabi ko na nga ba't tungkol sa accidental kiss ang ipagtatapat niya sa akin.

"WHAAAAATTTT!!!! He kissed you?!" ang kunwaring pagulat kong sabi.

"Sssh! Calla, will you please lower down your voice...." ang sita niya sa akin.

"Omigosh! Saan ka niya...hinalikan?" ang tanong ko sa kanya.

"Sa.....sa lips...." and she blushed.

"Waah! Haba ng hair mo girl! Sa dinami-rami ba naman ng nangangarap na makahalik sayo, swerteng sa kanya napunta ang first kiss mo! You already!"

"Oo na. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero.....halata ba?"

"Ang alin?"

"Basta halata ba?" ang tanong pa niya sa akin.

"Ang alin nga bhe?"

"Ang slow mong maka-gets! Halata bang......namumula ako?"

I saw her lovely face at kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.

"Oo bhe. Namumula ka. Ayiee! Baka naman may something nang namamagitan sa inyo ni Prince Callix!" ang pang-aasar ko sa kanya habang sa loob-loob ko'y lihim na napapangiti ang puso ko.

"Ikaw talaga Calla, kung anu-ano ang pumapasok dyan sa kukote mo! Walang namamagitan sa amin ni Callix! Friends lang kami!" ang pag-de-deny naman niya sa akin.

"Friends ka dyan! Eh halata ngang namumula ka eh!" ang pang-aasar ko pa sa kanya. "Aminin mo, crush mo siya noh!" 

"H-ha? Hindi noh! Hindi ko siya crush!" at tinakpan na niya ang mukha niya sa sobrang pamumula.

"Oo na bhe! Sige na! Wala kang gusto sa kanya!" at tumawa ako ng malakas. "Pero sayang talaga kung di kayong dalawa ang magkakatuluyan."

"Hoy, ibinubugaw nyo po ba ako sa kanya?"

 

"Hindi ah!" and I laughed.

"Pero napansin ko lang kanina Calla, ang guwapo pala niya kapag wet look siya. Nagniningning yung mga mata niya na napakacute ng pisngi niya. Kaya pala siguro nagustuhan siya ng mga babae dito." ang sabi niya na bigla namang nagpamula sa mukha ko.

"G-ganun ba? Naku! Kung marinig ka lang niya, malamang papalakpak na ang tenga niya!" ang sabi ko naman.

"Ahm Calla.... kung magmamahal ba akong muli....may possibility pa bang maulit ang nangyari sa akin sa nakaraan?"

Nabigla ako sa tanong niya pero sumagot lang ako. 

"Depende sa inyo yan ng partner mo. Kung matatag ang foundation ng pagmamahalan ninyo hindi yan basta basta matitibag ng anumang tukso. Ako....aaminin kong umiibig ako sa isang babae.....astig noh? Akong si bakla, nakuhang magmahal ng isang babae. Pero kung mabibigyan man ako ng chance na maging kami, mamahalin ko siya ng buong puso at handa kong isakripisyo ang lahat alang-alang sa kanya." ang sabi ko na pinatutungkulan kong lahat sa kanya.

"Oh...I really touched. Napakaswerte naman ng babaing yan at ganyan mo siya kamahal." ang sabi niya na nakapagpangiti sa akin.

"OO. GANUN KA KASWERTE MIYAKI. GANUN KA KASWERTE AT MAY NAGMAMAHAL SAYO NG GANITO." ang bulong ng isip ko sabay ngiti ko sa kawalan.

"Haay.....naku, mauna na ako ha! May emergency kasi sa bahay kaya kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Sige ha, bye!" at hinalikan ko si Miyaki sa pisngi bago ako tumalilis ng alis.

Pagkalabas ko ng cafeteria ay napangiti na lang ako sa kawalan sabay sambit ko ng mga katagang....

"Konti na lang Callix. Konti na lang at mapapaibig mo na siya."