webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Twenty Six

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Noong nasa classroom na kami ay sinalubong kami ng F8. Alalang-alala sila sa amin.

"Hey Kuya Cal, Miya, where have you been?" ang bungad na tanong sa amin ni Monique.

"Oo nga, san kayo galing?" sabad naman ni Marcus.

Saktong dumating si Ate Ayako sa classroom. 

"Miyaki, Callix, mag-usap tayo sa office." halatang galit si Ate sa aming dalawa.

Sumunod naman kaming dalawa sa office ni Ate.

(Principal's Office)

(Miyaki's POV)

"WHERE THE HELL ARE YOU BEEN?! MIYAKI, KANINA PA TUMATAWAG SA PHONE SI MOMMY PERO DI KA NAMAN MAHANAP! AND YOU CALLIX JESH! WALA KA RIN SA KLASE! IT'S CONSIDERED AS CUTTING CLASSES! ALALAHANIN MO! MAY INIINGATAN KANG ATHLETIC GRANT!" ang mala-Zombie Tsunami na sermon sa amin ni Ate Ayako. Sabi ko na nga ba, papagalitan kami ng isang 'to.

Hindi sumagot si Callix habang ako naman ay nabibingi na sa maingay na boses ni Ate. At si Ate naman, hayun at hindi talaga paaawat. She still bragging the consequences regarding sa pagkawala namin sa klase.

"Ate, will you shut up and listen to us first!" ang pasigaw kong sabi kay Ate. Tumahimik naman si Ate.

"Ate Ayako, magkasama kami ni Callix na naglalakad sa corridor nang makita naming binubully nila Chiqui Jung, Fruitcake Sy at Yesha Valenciano ang isang junior student. Siyempre, tinulungan namin ni Callix yung junior student na yun, pero maging kami, nadamay sa mga pambubully nila! Tinulak pa nga ni Chiqui si Callix sa swimming pool eh! Tapos kamuntikan pa akong sampalin at pagtulungan nilang tatlo! Ang awful nun diba?" ang sabi ko kay Ate na gulat na gulat sa mga sinabi ko. 

"What?! They really did that?!" ang shocked na tanong ni Ate sa amin.

"Yes Ma'am. Pero mas napasama yung junior student na binully nila. Naitulak din siya sa swimming pool pero kamuntik na siyang malunod kaya naman napilitan na kami ni Miyaki na sagipin siya at isinugod namin siya sa ospital. Don't worry Ma'am, nagpapagaling na yung junior student na yun sa ospital." ang sabi naman ni Callix.

"Anong pangalan ng junior student na yun?" ang tanong pa ni Ate sa amin.

"Calla. Calla Flores. Carlo po talaga ang tunay niyang pangalan pero mas kilala siya bilang si Calla." ang sabi ko pa kay Ate.

"Please paki-inform ninyo ako kung magaling na si Calla at nang makausap namin siya ng guidance counselor. May contact number ba si Calla?"

"Ahm wala eh. Pero natatandaan pa rin namin ang mukha niya." sabi naman ni Callix.

"Talagang sumosobra na ang ugali ng tatlong yan!" Ate Ayako said angrily. "They really deserve to punish! Di ba kaklase nyo sina Chiqui?"

 

"Opo. Classmate po namin sila." sabi naman ni Callix.

"Dapat makausap ko si Mommy kung paano madidisiplina yung mga batang yun." ang sabi ni Ate Ayako habang nilalaro-laro niya ang ballpen niya.

"At dapat masawata na rin ang bullying dito sa school." ang sabi ko naman kay Ate.

"Ngunit paano?" tanong naman ni Ate.

"Be authoritative! Maging mahigpit ka sa pag-i-implement ng mga rules sa mga estudyante dito! Dahil hangga't maluwag ang pagtrato mo sa mga estudyanteng yan, mamimihasa lang lalo sila at patuloy silang mang-aapi ng mga kapwa estudyante dito. Ano Ate, hihintayin mo pang mabandera ang school natin sa daily newspapers na may namatay na estudyante dahil sa bullying?" ang sabi ko kay Ate na napapatangu-tango sa amin.

"Tama ka Miyaki. Dapat ko nga sigurong ipatawag ang mga teachers maging si Mommy para sa meeting bukas. Sige na, lusot na kayo sa akin at salamat sa impormasyong sinabi ninyo sa akin. Sige na, go back to your class."

"Thank you Ma'am." at sabay na kaming umalis sa office. Pagkalabas namin ng office ay inakbayan niya ako. Niyakap ko naman ang beywang niya.

"Siguradong katapusan na ng pag-rereyna ng mga babaing iyon bukas." and Callix grinned.

"At maipaghihiganti na rin kita sa kanila."

"But anyways, blessing in disguise din ang pang-eepal nila sa atin, kasi kung di dahil sa kanila, baka hindi ko na nasabi pa ang nararamdaman ko para sayo." and he touch my hair. "Miya, hinding-hindi ako magsasawang ulit-uliting sabihin sayo kung gaano kita kamahal. I love you Miyaki."

"And I love you too, Callix." ang nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ha? Y-you love me?" ang tila nagulat na sabi niya sa akin.

"Oo. Bakit, masama bang sabihan ko ng 'I love you' ang boyfriend ko?" sabay haplos ko sa mukha niya.

"Ako....boyfriend mo? Ibig bang sabihin nito'y...."

 

"Oo. Sinasagot na kita. We're officially together."

Nakita ko ang matinding kagalakan sa mukha ni Callix nang masabi ko sa kanya ang mga bagay na yun.

"Oh Miya.....thank you. Thank you." and he hugged me tightly. I hugged him back.

Habang magkayakap kaming dalawa ay nararamdaman ko ang kakaibang ligaya sa puso ko. Parang napawi ng init ng yakap niya ang lahat ng dilim na dulot ng nakaraan ko at ang tangi ko lang na nararamdaman ay ang kaligayahang dulot ni Callix sa puso ko. At kasabay nun ay ang muling pagtibok ng puso ko....but this time, for Callix. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito na naman ako pero isa lang ang sigurado ako....

Nahuhulog na ako kay Callix.

Nahuhulog na ako sa lalaking bagong magmamahal at mag-aalaga sa puso ko.