webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Thirty Three

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

(After weekend)

Lunes na at laking pasalamat ng lahat dahil tapos na ang examinations at ngayon na ilalabas ang resulta ng exam sa buong 4th Year Department.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Private Room)

(Miyaki's POV)

Love is in the air.....

Hindi kami makapag-concentrate ni Callix ko sa paggawa ng assignment sa Elective Math dahil sa dalawang lovebirds na nasa likuran namin. Kanina pa tawagan ng tawagan sina Monique at Leeward ng mga sweet endearment na any to the point ay kakagatin na kaming dalawa ng langgam.

"Anak ng--magbreak na nga muna kayong dalawa! Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko eh! Tsaka nakakagutom pa talaga yang tawagan nyo!" ang pag-aalburoto ng aking Kuya Ruki.

Pareho lang siyang binelatan nina Monique at Leeward.

Habang sina Misha at Marcus naman ay gumagawa ng assignment sa round table ng room. Pansin ko na ang kakaibang aura kada magtatama ang paningin nina Marcus at Misha. Halata rin sa mga galaw nila ang spark of love.

Hehe.....mukhang may susunod nang lovers sa F8 ah! May love life na si Monique, pati rin kami ni Callix ko, tapos susunod naman sina Marcus at Misha! Wahaha, ang saya talaga kung mangyayari yun!

Pero kawawa naman sina Kuya Ruki, Dennison at Lexie, pare-parehong tengga ang kanilang mga love life.

Habang gumagawa kami ng assignment ay saktong pumasok sa room sina Dennison at Lexie at halatang mukhang masaya sila.

"Guys, lumabas na ang resulta ng exam!" ang masayang pagbabalita ni Lexie sa amin.

"Really?" ang nagulat na sabi ni Misha. "Tara guys, tignan muna natin sandali!"

"Sige, tignan natin!" ang sabi ko naman sabay labas namin sa private room.

(4th Year Department Hallway)

(Miyaki's POV) 

Pagkarating namin sa hallway ay nakita naming nagkukumpulan ang mga estudyante sa malaking bulletin board. Noong lumapit kami ay nagtilian ang lahat sabay tabi nila sa gilid ng board.

Noong tignan namin ang resulta ay halos mapatalon kaming mga F8 sa sobrang tuwa dahil karamihan sa amin ay nakapasa at sa Topnotchers pa.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Eton International Academy of Science

MIA Road, Pasay City

 

Official Top 10 in 1st Periodical Examinations

(4th Year Department)

 

Top 1

Misha Dayle B. Nordstrom (IV-Dalton)

(98.65%)

 

Top 2

Leeward G. Gallaza (IV-Dalton)

(98.34%)

 

Top 3

Aya P. Tomines (IV-Dalton)

(97.75%)

 

Top 4

Fruitcake V. Sy (IV-Dalton)

(96.87%)

 

Top 5

Miyaki K. Miyazako (IV-Dalton)

(96.53%)

 

Top 6

Leyco G. Sales (IV-Pascal)

(95.90%)

 

Top 7

Skyler B. Tiongson (IV-Pascal)

(95.82%)

 

Top 8

Michelle R. Milano (IV-Curie)

(95.67%)

 

Top 9

Callix Jesh P. Bernardo (IV-Dalton)

(94.86%)

 

Top 10

Monique Khanne P. Bernardo (IV-Dalton)

(93.96%)

 

------------------------------------------------------------------------------------------------

"Wow! Naghimala nga ang mundo! Callix, Monique! Pasok kayo sa top ten!" Marcus exclaimed.

"Congratulations, pasok kayong apat sa top ten." ang sabi naman ni Lexie.

"Hmp! Tsamba lang yan!" kantyaw ni Kuya Ruki sa kanila pero binatukan ko siya.

"Hoy! Para sabihin ko sayo Kuya, hindi tsamba ang pagkakasali ng boyfriend ko sa top ten! Nag-aral kaya kaming dalawa! Di ba mahal ko?" sabay akbay ko sa kanya.

"Oo naman mahal! Ruki, bawi ka na lang sa susunod...." ang pang-aasar ni Callix kay Kuya.

"Grr! Talaga lang! Babawi ako! Makikita nyo, mga bwiset kayo!" ang nagmamaktol na sabi ng Kuya ko.

"Congrats Crinkles." ang bati ni Monique kay Leeward sabay halik niya sa pisngi nito.

"Congrats din sayo Cheesecake." ang sweet ding sabi ni Leeward sabay yakap niya kay Monique.

"Waaaaahhhh!!!!!!!! Yan na naman kayo eh! Tigil-tigilan nyo na nga yang katatawag nyo ng ganyan!" kulang na lang ay magwala itong si Kuya sa sobrang pagmamaktol niya.

"Tse! Inggit ka lang!" sabay belat ni Monique kay Kuya.

"Ikaw rin kasi Ruki, lagi na lang gitara ang kaholding-hands mo!" sabad naman ni Misha.

"Pare, may nakita akong matchmaking site sa Internet, subukan mo lang baka sakaling makahanap ka." ang sabi ni Callix na halos ikasakit na ng tyan namin sa kakatawa.

"Tse! Mga bwisit talaga kayo!" at mas lalong nalukot ang mukha ni Kuya.

"Pero mahal ko, congratulations talaga, ang galing natin!" sabay yakap ko sa kanya. Siya naman ay niyakap din ako ng napakahigpit. 

"Oo nga. Thank you mahal ko at tinulungan mo akong mag-aral. Don't worry, mas gagalingan ko pa sa mga susunod na exam." sabay halik niya sa pisngi ko.

"Dapat lang! Let's do our best!" at nag-appear kaming dalawa.

"Ayiee! Ang sweet naman!" sabi ni Lexie.

"Haha, iba na ang may inspirasyon Lex." Misha said.

"Tama!" at nag-appear silang dalawa.

"Alam nyo, dapat nating ipag-celebrate ang tagumpay ng ating mga kaibigan! Tama ba?" sabay akbay ni Marcus kay Callix.

"Oo nga naman!" sabi ko naman.

"Saktong sakto yang plano nyo, may kabubukas lang na bistro bar dyan sa tabi ng school, doon tayo mag-celebrate!" ang sabi naman ni Lexie sa amin.

"Tara na dun, party party na tayo!" ang excited na sabi ni Kuya pero piningot siya ni Misha.

"Shunga! Mamayang gabi pa yun!"

"Ha?!" at napasimangot na naman si Kuya. "Ano ba naman yan."

"Haay naku Ruki, kesa sa magmaktol ka dyan, pumunta na lang tayo sa classroom at baka may klase na tayo." ang pag-iiba ng usapan ni Misha na sinang-ayunan naman naming lahat. Magkakasama kaming bumalik sa classroom para sa klase namin.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(EIAS Campus)

(Cynthia's POV)

"Earl, were here." ang sabi ko.

"Talaga?" sabay tingin niya sa paligid. 

Bumaba muna ako sa kotse ko at saka ko ibinaba mula sa compartment ng kotse ko ang wheelchair ni Earl. At saka ko naman binuksan pinto sa likurang bahagi ng kotse ko at saka ko tinulungang makababa si Earl. Isinakay ko siya sa wheelchair niya.

"Tara na Dok, gustung-gusto ko na siyang makita." ang excited na sabi niya pero isinuot ko lang ang sumbrero at shades sa kanya. "Teka, bakit sinusuutan mo ako nyan?"

 

"Di ba ikaw na rin ang may sabi na malaki ang galit sayo ng mga tao dito? Kaya kailangan mong mag-disguise." ang sabi ko sabay tulak ko sa wheelchair niya papasok ng school building. 

Habang tinutulak ko ang wheelchair niya ay ramdam ko ang pananabik sa mga mata niya na makita ang babaing pinakamamahal niya na walang iba kundi si Miyaki.

Noong makapasok na kami sa school hallway ay hindi kami pansin ng mga estudyante. Agad naming nilibot ang buong hallway papunta sa 4th Year Department.

Habang hinahanap ko ang private room ng F8 ay lalong nananabik si Earl na makita ang kinakapatid ko na si Miyaki.

"Nasaan na siya? Ba't di ko siya makita?" ang tila nalulungkot nang tanong ni Earl sa akin.

"Wag ka ngang malungkot dyan, baka may klase lang sila. Tara, maghintay na lang tayo sa private room." ang sabi ko sa kanya.

Noong mahanap na namin ang private room ay naghintay lang kami ni Earl hanggang sa makita namin si Miyaki na papasok ng private room. Sandali kong sinulyapan si Earl at kitang-kita ko ang gulat at pananabik sa mga mata niya.

"Miya......." and he cried quietly. "Dr. Cynthia, please, palapitin mo naman ako sa kanya. Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang makausap." ang nakikiusap niyang sabi sa akin pero pinilit kong magmatigas kahit na naaawa ako sa kanya.

"Alam ko ang nararamdaman mo Earl, pero alalahanin mong may limitasyon ka dito sa lugar na ito. Tandaan mo, pag nagpakita ka nang wala sa tamang panahon, tiyak na lilikha iyon ng gulo. Pero may paraan ako para makapag-usap kayong dalawa."

 

"Talaga? May paraan? Anong paraan?"

"Basta, ako nang bahala dun. Tara na sa loob." sabay tulak ko sa wheelchair niya.

Nang makapasok na kami ay inilagay ko ang wheelchair sa tabi ng round table at nilapitan ko si Miyaki.  

"Good morning Miya!" ang bati ko sa kanya.

"Oh Ate Cynthia, you're here!" sabay yakap niya sa akin. "Maupo ka muna!" ang anyaya niya sa akin pero tinanggihan ko agad siya.

"Naku Miya, salamat na lang pero may lakad pa kami ng pasyente ko." sabay turo ko kay Earl na tahimik lang at di nagsasalita. "May ibibigay lang ako sayong invitation." sabay bigay ko ng invitation sa kanya.

"Para saan 'to?" ang tanong sa akin ni Miyaki.

"Sus, ang bata-bata mo pa, makakalimutin ka na. Birthday ko kaya sa Wednesday!" at natawa ako. Siya naman ay natatawa na rin.

"Naku pasensya na Ate, nakalimutan ko na tuloy. Sige, pupunta ako. Isasama ko sina Mommy, Kuya, Ate at Callix." ang sabi niya.

"Sure, isama mo sila." ang sabi ko naman sabay tingin ko sa wristwatch ko. "Oh, it's already time! Pupunta pa pala kami ng pasyente ko sa ospital, sige ha, mauna na kami! Bye!" sabay halik ko sa pisngi ni Miyaki.

"Bye din Ate! Mag-ingat kayong dalawa ha!" ang pahabol niyang sabi habang palabas na kami ni Earl sa private room.

Noong nasa labas na kami ng room ay napatingin ako kay Earl na halatang gulat sa ginawa ko.

"Dok, pano mo naimbitahan si Miya? At sa birthday mo pa sa Wednesday!" ang sabi niya.

"Alam mo, wag ka nang matanong dyan at baka mamaya ay mabuking ka pa! Tara na, balik na tayo sa ospital." ang sabi ko sa kanya.

"Mamaya na." ang sabi niya pero umiling-iling ako at sinabing hindi siya pwedeng magtagal dito kaya naman kahit na nagmamaktol pa itong alaga ko ay inilabas ko na siya sa school at dumiretso na kami sa kotse ko sa labas.

Alam kong malaking gulo itong binabalak ko pero mas lalong gugulo ang sitwasyon oras na magkita silang dalawa nang di inaasahan. Alam kong galit si Miyaki kay Earl pero nakikita kong ito na ang right time para magpatawad na siya. Matagal nang nangyari ang lahat ng iyon at nakikita kong nagsisisi na siya sa mga nagawa niyang kasalanan. Tao lang si Earl at nagkakamali din siya katulad ng ibang mga tao. Kaya kahit na kasuklaman ako ni Miyaki sa gagawin ko, wala na akong pakialam pa, basta't ang mahalaga ay magkapatawaran na sila.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(EIAS Parking Lot)

(Arcel's POV)

Nang makita kong umalis na ang sasakyan ni Dr. Huisgen ay napapangiti ako...dahil mukhang maisasagawa ko na ang pinaplano kong paghihiganti kay Earl Peter Tomines. Salamat na lang sa impormante kong si Jones at nakuha niya ang address ng ospital. 

Inilabas ko sa bag ko ang dala kong pistol gun at hinawak-hawakan ko yun habang napapangiti ako. Maipaghihiganti ko na rin ang kapatid ko. Maipaghihiganti ko na rin siya sa mga taong nanakit sa kanya, especially Earl Peter Tomines.

"Dr. Huisgen, sisiguraduhin kong uulan ng bala sa araw ng birthday mo sa Mary Mallory. Sisiguraduhin ko yan!" at napangiti ako nang masama.