webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Thirty Four

(Party Rock Bistro Bar)

(Miyaki's POV)

After ng klase namin sa Foreign Language ay dumiretso na kaming mga F8 kasama si Leeward sa bistro bar na sinasabi ni Lexie.

Pagkapasok namin sa bistro bar ay sumalubong na sa amin ang dami ng mga taong naroroon, at puro pa mga taga-EIAS. Agad kaming naupo sa isa sa malalaking benches sa bistro. Agad tumawag si Marcus ng waiter.

"Ahm, tutal ay marami naman kami, yung party platter na lang." ang sabi ni Marcus sa waiter na inilista ang order namin tsaka siya mabilis na umalis.

"Uy! Manlilibre si Marcus!" ang kantyaw ni Dennison sa kanya.

"Natural, mayaman yata 'to, kaya kahit sampung party platter pa ang orderin natin, no problem!" ang pagyayabang naman ni Marcus.

"Yabang lang ah." ang sabad ni Kuya sa usapan.

"Tse! Sa atin ngang lahat, ikaw lang ang hindi nanlilibre!" ang sabi naman ni Marcus.

"Tama na, pati lang yan pinag-aawayan nyo pa. Pasalamat nga kayo't nilibre tayo ni Marcus!" pagtatanggol naman ni Monique.

Noong dumating na ang party platter ay agad na kaming nagsikuha ng mga pagkain.

"Uy Miya, dahan-dahan ka lang sa pagkuha ng foods, baka di mo maubos yan ha!" ang paalala ni Lexie sa akin pero ngumiti lang ako.

"Share na kami ng husband ko sa food." ang sabi ko sabay turo ko kay Callix na nakayakap sa akin habang kumukuha ako ng pagkain.

"Wow Miya, talagang 'husband' ah!" ang kantyaw ni Misha sa amin.

"Oo naman Mish. Lume-level up na kami ng wife ko." and Callix smiled.

"Ayiee! Talaga lang huh! Baka sa susunod nyan eh buko na ang tawagan nyo sa isa't isa!" ang sabi ni Monique na nakapagpatawa sa lahat.

"Hindi malayo!" sabad naman ni Lexie.

"Hala, tama na ang asaran! Magsikain na tayong lahat at ako'y gutomguts na." ang awat na ni Kuya Ruki sa amin.

Magkakasama naming nilantakan ang masarap na party platter na libre ni Marcus para sa amin. Habang kumakain kami ay may nakikita kaming nag-se-set up na banda sa mini stage ng bistro bar. Noong matapos nang mag-set-up ang banda ay umakyat na ang bandang magpe-perform.

"Good evening to all, I'm Lawrence Marcial and I will going to sing for the girl that I love. Naririto po siya ngayon at para sa kanya ang kantang ito." at nagsimula nang tumugtog ang kanyang banda. Kakantahin niya ang "Only Love" ng bandang Trademark.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Two a.m, and the rain is falling

Here we are, at the crossroads once again

You telling me your so confuse

You can't wake up your mind

Is this meant to be?

You're asking me

 

But only love can say

Trying walk away

But I believe for you and me

The sun will shine one day

So I just made my part

Afraid have of change of heart

But I can make it see you through

That's something only love can do

 

------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang sweet naman ng lalaking 'to! Kung sino man yung babaing tinutukoy niya, sana nagustuhan naman nun ang kinakanta nung Lawrence.

Medyo na-distract lang ako sa pakikinig nang mapansin kong di mapakali si Lexie.

"Miya, nakita mo ba ang baby Dennison ko?" tanong niya sa akin pero sumabad si Monique sa amin.

"Hayun siya Lex, may kasamang babae." ang sabi ni Monique sabay turo niya sa may bar kung saan nandun si Dennison at may kasama ngang babae.

"What the-?!" at nakita kong susugurin na ni Lexie sina Dennison. Sinubukan ko pang awatin si Lexie pero huli na, nakalapit na siya sa dalawa.

"Bravo!" sabay palakpak ni Lexie kina Dennison at sa babae na napagtanto kong taga-EIAS din pala dahil sa kanyang suot na school uniform. "Hindi ko akalaing may malandi palang naglulungga dito." sabay pulupot niya sa braso ni Dennison. "At sa dami ba naman ng pwede mong landiin, eh yung boyfriend ko pa!"

"S-sorry Miss Lexie." ang napahiyang sabi nung babae pero biglang sumabat si Dennison.

"Lexie, what the hell is your problem?! Ba't mo ba kami pinapakialaman?!"

"Dennison, alam ng lahat ang tungkol sa atin tapos nakukuha kang landiin ng babaing yan!" 

"Really?! Alam ba talaga ng lahat? O baka ikaw lang ang nakakaalam ng kahibangan mong yan." ang sabi ni Dennison na parang bala ng baril na biglang tumama kay Lexie.

"Dennison!" ang sigaw ko na sa istupidong lalaking ito pero hindi talaga nagpaawat ang isang 'to.

"Lexie, remember, you're not my girlfriend." ang sabi ni Dennison na nagpamula sa mga mata ni Lexie na anumang sandali ay nagbabadya na ang luha sa mga mata niya. Habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom at anumang sandali ay makapapanakit siya ng tao.

"You're the worst, stupid." at sasampalin na sana ni Lexie si Dennison nang may lalaking biglang dumamba kay Dennison at humantong ito sa isang suntukan.

"Walang hiya ka! Wala kang karapatang saktan si Miss Lexie! Buong buhay niya, ikaw lang ang minahal niya pero kahit minsan, hindi mo man lang yun binigyan ng halaga!" at susugurin pa sana nung lalaki si Dennison pero inawat siya ng mga band mates niya. Teka, eto yung nag-perform kanina sa stage ah! Si Lexie kaya ang tinutukoy niyang babaing mahal niya?!

"Eh sino ka ba?!" ang pasigaw na sabi ni Dennison sabay sugod na sana niya kay Lawrence pero maagap siyang inawat nina Marcus, Kuya Ruki at ng boyfriend ko.

"Wala ka nang pakialam pa kung sino ako!" at susugod na sana si Lawrence nang awatin naman siya ng mga band mates niya.

Pero natahimik ang lahat nang pasigaw na sumabat si Lexie.

"WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?! IKAW, SINO KA BA?!" ang pasigaw na tanong ni Lexie kay Lawrence.

"M-Miss L-Lexie....I-I'm L-Lawrence." ang biglang uutal-utal na sabi ni Lawrence kay Lexie.

"Halika, mag-usap tayo sa labas!" at hihilahin na sana ni Lexie si Lawrence palabas ng bistro nang pinigilan sila ni Dennison.

"Teka, san kayo pupunta? Ba't ka sasama sa kanya?"

"Dennison, I'm not your girlfriend remember?!" sabay hila na niya kay Lawrence palabas ng bistro bar. Hahabulin na sana ni Dennison si Lexie pero bigla kong hinila ang kwelyo ng damit niya sabay sapak ko sa kanya ng malakas. Napatumba pa siya sa sahig habang gulat na gulat siyang napatingin sa akin.

"M-Miyaki..." ang sabi niya pero hinila ko ulit ang kwelyo ng damit niya.

"Ano, masaya ka na? Masaya ka nang masaktan mo si Lexie?! Dennison Chua! Manhid ka ba o sadyang tanga ka lang?! Mahal na mahal ka ni Lexie! Alam mo ba yun, ha?!" at uupakan ko na sana ang istupidong ito nang inawat na ako ni Callix.

"Dennison, pagsisisihan mo ang ginawa mo kay Lexie! Pagsisisihan mo!" sabay walk out ko sa bistro. Agad akong sinundan ni Callix palabas.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Ruki's POV)

"Dennison, I'm not your girlfriend remember?!"

Ang mga salitang iyon ang tila nagpagising na kay Dennison sa pagkakatulog niya. Idagdag pa ang kataku-takot na ginawa ni Miyaki sa kanya.

"Dennison, let her be. Hayaan muna natin siya." ang sabi ni Misha sa kanya.

"Siguro naman, nagising ka na sa katotohanan." sabad naman ni Marcus.

"G-Guys...ahm.....m-mauna na ako. Uuwi na ako." at umalis na siya sa bistro.

"Hey Prince Dennison, how about me?" ang biglang sabad nung babae pero isang malutong na sampal ang natanggap niya kay Monique.

"Ang kapal ng mukha mo! Ikaw lahat ang dahilan ng gulong ito!"

"S-sorry..." ang sabi pa nung babae.

"Get out!" ang pasigaw na utos ni Monique sa babae. Biglang natakot yung babae kaya naman umalis na siya sa harapan namin.

Nang wala na yung babae ay napagpasyahan naming umuwi na lang, tutal eh wala na ring saysay pa kung mananatili pa kami dito sa bistro.

Nauna nang umuwi sina Leeward at Monique at sumunod naman sina Marcus at Misha. Ako naman ay muling nagsolong sumakay ng kotse ko at pinaandar ko na ang kotse ko palabas ng bistro.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagdadrive ay bigla ko siyang naalala. Ang babaing mahal na mahal ko noon pa man.

Si Aya Tomines. 

Aaminin ko, marami akong nagustuhan sa kanya. Nagustuhan ko ang kabaitan niya, pagiging mapagmahal niya sa pamilya at sa mga kaibigan niya at higit sa lahat, sa pagiging matatag niya para sa sarili niya. Alam kong malayo na ang pagitan namin sa isa't isa lalo pa't sa umpisa pa lang ay komplikado na ang lahat. Ang nakaraan ni Miyaki at Earl ang humahadlang para magkalapit kaming dalawa ni Aya. Ngunit ano ang magagawa ko? 

Wala.

Wala akong magawa para tuluyan nang mabura sa puso ng kapatid ko. Kahit na sabihin ko pang si Callix na ang mahal niya, hindi pa rin mawawala ang galit niya kay Earl. 

Gusto kong magpatawad na ang kapatid ko. Ayokong pare-pareho silang masaktan dahil sa nakaraang iyon. Gusto kong ibaon na lang nila ang lahat sa limot at magsimula sila ng panibagong buhay kasama ang mga bagong nagmamahal sa kanila kahit na hindi na ako lumigaya pa.

Sana ay may milagrong gigising sa kanila sa katotohanan.

Sana nga.