webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Thirty Five

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

One day later, gloomy pa rin ang buong F8. Hindi nagpapansinan sina Dennison at Lexie at galit pa rin ako kay Dennison. Pero nakakapanibago nga lang dahil mas iba ang atmosphere ng F8 na makulit at masaya di tulad ngayon na halos hindi na makabasag-pinggan sa sobrang katahimikan.

------------------------------------------------------------------------------------------------

After ng klase namin sa Economics ay dumiretso na kami ni Callix sa parking lot ng school. Papunta kaming dalawa ngayon sa Mary Mallory Hospital dahil dun mag-ce-celebrate si Ate Cynthia ng kanyang birthday. Sayang nga lang at di makakasama sina Mommy, Kuya Ruki at Ate Ayako.

Habang nagdadrive si Callix papuntang ospital ay tawa kami ng tawa sa loob ng kotse dahil nagkukwento ng mga jokes si Callix. 

"Sira ulo ka talaga Cal!" ang sabi ko sa kanya habang pinipigil kong mapautot sa kakatawa.

"Siyempre naman, mana sayo eh." at tumawa din si Callix. Ako naman ay lalong tumawa nang tumawa hanggang sa kumalma na kaming dalawa, baka mamaya maaksidente pa kaming dalawa.

Nauwi na sa lambingan ang usapan namin hanggang sa makarating na kami sa ospital. Inilagay muna ni Callix ang kotse niya sa parking space ng ospital bago kami tumungo sa loob ng ospital.

Pagkapasok namin sa loob ng ospital ay sinalubong na kami ni Ate Cynthia.

"Miyaki, Callix, nandito na pala kayo. Tara na sa cancer ward at doon na tayo mag-celebrate. Pinili ko kasing mag-celebrate kasama ang mga cancer patients eh." ang sabi niya sa amin.

"Hindi, okay lang po. Tara na Ate!" ang excited ko pang sabi. 

Magkakasabay na kaming pumasok sa cancer ward at nung buksan ni Ate Cynthia ang pinto ay halos matulig kami ni Callix sa kung sinong bisita ang bumungad sa amin.

Tinignan ko ang mukha ng lalaking yun at halos di ko na maaninag ang mukha niya, pero tandang tanda ko kung sino ang lalaking ito.

At muli'y parang bulkan na naman ako na biglang nagngalit pagkaalala ko sa mga masasakit na alaala ko sa piling niya.

"E-Earl Peter Tomines...." ang halos manlisik ko nang banggit sa pangalan niya.

Habang siya naman ay halos maiyak na nang makita niya ako. While Callix angrily looked at Ate Cynthia.

"Dr. Huisgen, what the hell is meaning of this?! Akala ko ba birthday mo? Ano 'to, setup?!" he angrily asked to Ate Cynthia.

 Ako naman ay unti-unting napatingin kay Ate Cynthia. While Ate only remain silent.

"Tsaka na ako magpapaliwanag sa inyong dalawa, pag naayos na ang gusot sa pagitan ninyong dalawa ni Earl." ang sabi ni Ate but it's my turn to ask her.

"Kailan na kayo magkakilala ng lalaking yan?" ang tanong ko kay Ate Cynthia pero di siya umimik.

"Damn, Ate sagutin mo naman ako! Kailan na kayo magkakilala ng hudas na yan!" ang galit na galit ko nang tanong kay Ate.

Sasagot na sana si Ate nang may pumasok na babae sa loob ng ward. Nasa mid-20's ang edad, matangkad at maganda.

"Hello guys, nahuli na ba ako ng dating?" and she smiled so evil.

"Sino ka?" ang tanong ni Callix sa babae.

"Ako? Oh sorry, I already forgot. I'm Arcel. Arcel Amerada Romualdo!" sabay labas niya ng baril niya at tutok kay Earl. Gulat na gulat kami ni Callix habang nakikita naming nakatutok ang baril nung Arcel kay Earl.

"Arcel, anong ginagawa mo dito?! Pano mo nalaman ang lahat ng ito?!" ang tanong ni Ate Cynthia kay Arcel na napangisi lang sabay baling niya sa aming dalawa ni Callix.

"Nakalimutan mo na ba Dr. Huisgen? May mata ako sa labas kaya naman alam na alam ko ang lahat ng kinikilos nyo ng demonyong pasyente mo!" sabay lapit niya sa amin ni Callix at itinulak niya kaming dalawa sa gilid ng cabinet ng ward. "Diyan kayo at wag na wag kayong gagalaw! Kundi idadamay ko kayong dalawa!" sabay tutok niya ng baril sa aming dalawa. Kami naman ni Callix ay parehong nagyakapan sa sobrang takot hindi lang para sa amin, kundi pati na rin kina Ate Cynthia at kay Earl.

Bumalik na ang atensyon niya kina Ate Cynthia at Earl. "Well Earl, it's nice to see you again after many years." at ngumisi si Arcel. "Pero sorry ka na lang, ito na ang araw ng katapusan mo!" at tumawa ng nakakaloko si Arcel. "Mamamaalam ka na sa mundo Earl! At saksi pa ang babaing ginago mo sa magiging kamatayan mo!" sabay turo niya sa akin habang takot na takot kaming nakayakap ni Callix sa isa't isa. 

"Sige Arcel, patayin mo na ako. Wag mo nang patagalin pa, PATAYIN MO NA AKO!" Earl yelled but Arcel slapped him. 

"Wag kang mag-alala! Tutuparin ko ang wish mo! Pero bago ka tuluyang mamaalam sa babaing ito at sa knight in shining armor niya, ipapaalala ko lang ulit sayo ang lahat ng pagpapahirap na ginawa mo sa kapatid ko!" this time, luhaan na si Arcel habang nakatutok ang baril niya kay Earl.

Kami naman ni Callix ay gumawa na ng paraan para makahingi kami ng tulong. Dahil dala ko ang cellphone ni Callix ay mabilis akong nag-text sa asawa ni Aling Bessy na isang pulis. Pagkasend ko ng message ay mabilis kong inilagay sa silent mode ang cellphone at nagkunwari akong natatakot.

"Arcel, sa ginagawa mong yan, lalo mong pinapahirapan ang sarili mo! Nananahimik na ang kaluluwa ng kapatid mo! For God's sake Arcel, itigil mo na ang kahibangang ito!" ang pakiusap ni Ate Cynthia kay Arcel pero sinigawan siya nito.

"Nangako ako sa kapatid ko na ipaghihiganti ko ang kamatayan niya! At mangyayari lang yun kung mapapatay ko ang lalaking nagdulot ng pasakit sa buhay niya!" sabay tutok niya ng baril kay Earl. This time, galit na galit na si Arcel at anumang sandali ay tototohanin na niya ang banta niya.

"Makukulong ka pag itinuloy mo yan! Hindi mo ba alam na maraming buhay ang madadamay oras na ituloy mo yang binabalak mo!" ang pilit pang pakiusap ni Ate Cynthia pero lalong nagalit si Arcel.

"Wala kang pakialam! Ang gusto ko, maipaghiganti ko ang kapatid ko!" at mas lalo kaming natakot nang naglabas pa siya ng isa pang baril sabay tutok niya nun sa aming tatlo. "Subukan nyong humarang, idadamay ko kayo sa kamatayan ng---" at bigla siyang napatigil sa pagsasalita nang marinig na niya ang malakas na sirena ng police cars at nakita ko mula sa bintana ang pagpalibot ng mga pulis sa buong ospital.

"Hostage taker, kung sino ka man, sumuko ka na ng maayos sa pulisya!" ang panawagan ng police negociator kay Arcel.

Kitang-kita namin ang paglala pa lalo ng galit ni Arcel sa amin, lalong lalo na kay Earl.

"Sinong nagpatawag ng pulis dito?!"

Walang sumagot sa aming apat.

"SINO?!!" sabay putok niya ng baril sa kisame. "Ano, pasasabugin ko na ba ang mga ulo nyo?!!" at tinutok niya ang dalawang baril sa aming apat. Kami naman ay mas lalo nang natakot habang galit na galit niyang itinutok ang baril sa amin.

Ang mga pulis naman ay nakaporma na sa labas ng bintana at nakatutok na ang baril kay Arcel habang ang negociator ay di natitinag sa pagkakatayo niya sa labas ng ospital.

"Kapag hindi ka sumuko nang mapayapa, mapipilitan kaming paputukan ka!"

"Subukan nyo, at sabay sabay kong pasasabugin ang ulo ng apat na to!" sabay putok niya ng baril sa kisame ng ward.

"Arcel, ako na lang ang patayin mo, wag lang silang tatlo." ang pakiusap ni Earl.

"Oo, at yun ang gagawin ko!" at ipuputok na sana niya ang baril niya nang dinakma siya ni Ate Cynthia at tinurukan ng tranquilizer, dahilan para manghina si Arcel at mawalan siya ng malay.

"M-mga.....w-wal..." at tuluyan nang nawalan ng malay si Arcel. Kami naman ay agad na hinila ang hospital bed kung saan nakahiga si Earl at mabilis na kaming lumabas sa ward ng ospital.

------------------------------------------------------------------------------------------------

(Mary Mallory Hospital)

(Miyaki's POV)

Matapos ng nakakatakot na panghohostage ni Arcel sa amin ay agad na siyang hinuli ng mga pulis at dinala na siya sa presinto. Habang kaming apat naman ay hiningian pa ng statement ng mga pulis. Nag-deploy na rin ng mga pulis sa buong ospital para magbantay sa paligid. 

Habang isinasailalim kami ni Ate Cynthia sa stress debriefing ay mapayapa nang namamahinga si Earl sa kanyang kama sa loob ng patients ward, pano kasi, inimbestigahan pa ng mga pulis ang cancer ward kung saan dun naganap ang hostage taking kanina.

"Callix, Miyaki, pasensya na kayo at pati kayo ay nadamay sa kagagahan ko. Pero di ko talaga inaasahan na biglang dadating ang babaing yun. I'm really responsible to this incident kaya pasensya sa nangyari." ang apologetic niyang sabi sa amin.

"Okay lang Ate Cynthia, dapat nga ay magpasalamat kami ni Miyaki sa inyo. Kung di dahil sa ginawa ninyo, malamang ay napahamak na tayong lahat." ang sincere na pasasalamat ni Callix kay Ate Cynthia.

"Salamat talaga Ate Cynthia. Utang namin sayo ang buhay namin." sabi ko naman.

"Walang anuman yun. But I just want to say sorry." sabay tingin niya kay Earl na gising na pala at kanina pa nakikinig sa amin.

Hindi ko na maaninag pa ang dating guwapo at masayahing Earl na nakilala't minahal ko noon. Sa itsura pa lang niya, iniinda niya ang isang malalang sakit. Ewan ko ba pero nung kaninang na-hostage kami ay bigla akong nakaramdam ng awa sa lalaking kinasusuklaman ko, lalo na nung sabihin niyang siya na lang ang patayin ni Arcel at wag na niya kaming idamay. Tinignan ko ang itsura ni Callix at nakita kong anumang sandali ay papatak na ang luha sa mga mata niya dala na rin siguro ng nakikita niyang kalagayan ni Earl.

"It's okay Ate." ang sabay naming sabi ni Callix.

"Cal, Miya, kaya ko kayo pinapunta dito ay 'di dahil birthday ko." and she sighed. "Because I'm having a confession."