webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Nine

(London, England)

(Earl's POV)

"Mr. and Mrs. Tomines, as the result of the test says, lumalabas na tuluyan nang kumalat ang cancer cells sa katawan niya and very sad to say, hindi na ito magagamot pa ng chemotherapy. Stage 4 na ang cancer ni Earl at wala nang pag-asa pang magamot ito ng chemotherapy or radiation treatment. I'm so sorry....pero baka isa o dalawang buwan na lang ang itatagal ng buhay ni Earl. Milagro na lang yata ang makapagliligtas sa anak ninyo. Sorry." ang malungkot na pahayag ni Dr. Zabala sa mga magulang ko.

Gulat na gulat na napatingin ang mga magulang ko sa akin. Hindi ko sila matitigan ng diretso.

"D-dok......wala na po bang ibang lunas sa sakit ng anak ko?" ang umiiyak nang tanong ni Mama kay Dr. Zabala.

"Sa ngayon ay wala na po. Tanging milagro na lang ang makapagliligtas sa anak ninyo. Sige po, mauna na po ako." at umalis na si Dr. Zabala.

Nang wala na si Dr. Zabala ay nilapitan ako ni Mommy at tinanong. "Earl, bakit hindi mo ipinagtapat sa amin ang tungkol sa sakit mo?"

"Para saan pa, eh malalaman at malalaman nyo rin lang naman." ang tila nagpaparinig kong sabi kay Daddy na halos hindi makaimik.

"Kung sinabi mo sana sa amin ng mama mo ang tungkol sa sakit mo, eh di naagapan pa sana!" my Dad said hysterically.

"Wag na dad! Ang doktor na ang nagsabi na wala nang makapagpapagaling pa sa akin, at kung meron man, hindi rin tiyak kung gagaling nga ba ako! Mas gusto ko pang mamatay na ako kesa mahirapan pa ako!" at mabilis kong inikot ang wheelchair ko papasok sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay isinara ko ang pintuan at dahan-dahan akong naupo sa kama ko. Nang makaupo na ako sa gilid ng kama ko ay bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako sa picture frame na nakapatong sa mesang katabi ng kama ko. Kinuha ko yun at pinagmasdan ko lang ang napakaganda niyang mukha. 

Napakaaliwalas ng mukha ni Miyaki habang tinitignan ko ang picture niya. Kuha ko ang larawang iyon noong mag-celebrate kami ng 1st monthsary namin, four years ago. Habang pinagmamasdan ko ang larawan niya ay parang alon na nagbalik sa akin ang mga alaala  ng nakaraan.

(Flashback)

(Year 2009) 

 

Fourth year high school ako nang makilala ko si Miyaki. She's only freshman year at mas matanda pa ako sa kanya ng tatlong taon. Pero hindi iyon hadlang para magkalapit kaming dalawa. Nahaling ako sa kagandahan niya at di ko na napigilan pa ang sarili ko na mahulog sa kanya. Niligawan ko siya sa loob ng tatlong buwan at sulit ang lahat ng paghihirap ko nang makamit ko ang napakatamis niyang oo. Sa una ay masaya at kumportable kami sa isa't isa pero biglang bumalik sa buhay ko si Reeya, my ex-girlfriend. At kasabay ng pagbabalik niya ay ang pagbabalik ng nararamdaman ko sa kanya. Natukso akong makipagbalikan sa kanya nang hindi nalalaman ni Miyaki. Sa una ay hindi pa alam ni Miyaki ang tungkol sa lihim kong relasyon kay Reeya, hanggang sa may nakapagsumbong sa kanya ng mga kataksilan ko, si Skyler Tiongson. Noong una ay ayaw maniwala ni Miyaki kay Skyler pero pinatotohanan ito ni Skyler nang minsang samahan niya si Miyaki sa hotel na kung saan doon kami patagong nagkita ni Reeya. Sa tindi ng galit ni Miyaki sa aming dalawa ay nakipaghiwalay na siya sa akin at sinabi niyang magiging miserable ang buhay naming dalawa. Two months after the break up, doon ko na lang na-realize na si Miyaki talaga ang tunay kong mahal at ang laki talaga ng pagsisisi ko na lokohin at iwanan siya. Sinubukan ko pang ayusin ang lahat sa amin kaya lang humarang na sila Ruki at Callix at binalaan akong wag na wag na akong lalapit pa kay Miyaki. Dahil nga sa matinding hiya ko kay Miyaki pati na rin sa pamilya niya ay napagpasyahan kong sumuko na lang ako sa kanya. Dahil nga sa mahal na mahal ko pa rin si Miyaki at dahil na rin sa konsensyang nararamdaman ko ay napagpasyahan kong makipaghiwalay na kay Reeya pero hindi siya pumayag at nagbantang magpapakamatay siya oras na iwanan ko siya. Pero hindi ako nakinig sa mga pakiusap niya, tuluyan ko nang tinapos ang lahat sa amin ni Reeya. But three days later after the breakup, naaksidente ang kotseng sinasakyan ni Reeya at natagpuan siyang patay. Ang dahilan ng aksidente, suicide. Tinotohanan nga ni Reeya ang banta niya.Nabalita sa buong campus ang naging kamatayan ni Reeya at galit na galit ang mga magulang at ate niya sa akin. Isinumpa nilang ipaghihiganti nila ang kamatayan ni Reeya at pagdudusahin nila ako sa kasalanang aking nagawa. Dahil sa kataku-takot na gulong inabot ko dito sa Pilipinas ay sapilitan akong pinauwi ni Daddy dito sa London, England.Bagama't labag sa kalooban ko ang lumisan ay napilitan akong gawin yun para na rin sa sarili kong kaligtasan.

 

(End of Flashback)

 

At ngayong nasa England na ako, tuluyan na akong nilumpo ng karamdaman ko. Matagal ko nang alam na may cancer ako pero sinadya ko itong wag ipaalam sa mga magulang ko. I beared pain, suffering and sadness for almost three years. Pain, na dulot ng sakit ko. Suffering, na dulot ng katangahan ko. And sadness, na dulot ng pangungulila ko sa kanya. 

Noong una ay inakala ng mga magulang ko na medyo stress lang ako dahil sa pressure sa school. But as the time goes by, nanghinala na sila nang makita nilang halos bumagsak na ang katawan ko. Hanggang sa ipinakonsulta na nila ako sa doktor at doon na nga nila nalaman ang tungkol sa sakit ko. At noong makita ko ang reaksyon nila Mommy at Daddy ay para silang pinagsakluban ng langit at lupa.

Napabalik ako ng tanaw sa napakagandang picture ni Miyaki at muli'y tumulo na naman ang luha sa mga mata ko kasabay ng malabagyong panunumbat ng konsenya ko.

Kung hindi ko sana niloko si Miyaki, sana masaya pa rin kami hanggang ngayon. Kung hindi sana ako nagpagamit sa tukso, hindi sana kami magkalayo ngayon. At kung hindi sana ako naging mahinang tao, sana, magkasama pa rin kami hanggang ngayon.

Habang nagluluksa ako sa katangahan ko ay may pumasok sa loob ng kwarto ko.

Si Mommy.

Lumapit siya sa akin at hinaplus-haplos niya ang mukha ko.

"I know you still love her." Mommy said habang patuloy niyang hinahaplos ang mukha ko.

"Yes Mom. I still love Miyaki." ang luhaan kong sabi.

"And you wanted to see her before you.....before you die." and my mom cried bitterly.

"Yes Mom. I really miss her so badly. Kung may paraan lang sana para makabalik ako ng Pilipinas, ginawa ko na sana."

"Anak. May paraan." sabay labas ni Mommy ng airplane tickets. "Sa susunod na buwan, babalik na ako ng Pilipinas para asikasuhan ang birthday ni Aya. Gustuhin mang sumama ng Daddy mo, hindi naman niya maiwan ang kumpanya dito, kaya naman nirekumenda niya na ikaw na lang ang isama ko pauwi sa Pinas. Ano, gusto mong sumama?"

Bigla-bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni Mommy. Makakauwi na ako ng Pilipinas.

Makikita ko na rin sa wakas ang babaing mahal ko.

"Yes Mom!" and I cried so happily. "Gusto ko na po umuwi ng Pilipinas. Salamat, salamat po sa inyo! Tatanawin ko po itong isang utang na loob sa inyo!" and I hugged my mom so dearly. Si Mommy naman ay ginantihan din ako ng mainit na yakap. 

Sa wakas. Matutupad na rin ang pangarap ko.

Makakauwi na rin ako sa Pilipinas.

Makikita ko na rin si Miyaki.

Thank God.