webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
40 Chs

Eight

(EIAS Campus)

(Two weeks passed.....)

(Miyaki's POV)

Two weeks have been passed and those two long weeks were quite good. Hindi ako nakikipag-usap sa mga kaklase ko pero sila naman ang madalas magpapansin sa akin. Aaminin ko, naiinis pa rin ako sa kanila hanggang ngayon dahil kahit na nilait-lait ko pa ang mga taga bundok kong mga kaklase ay mga mapagmataas pa rin sila mapasa-teacher man o estudyante. 

Ang F8, matagal na akong napatawad although medyo takot pa rin silang kausapin ako dala na rin ng panghihiya ko sa kanila noong nakaraan. Natuto na silang pumasok sa tamang oras at hindi na sila masyadong pabonggang magpa-entrance sa loob ng classroom. At dahil nasa IV-Dalton na nga ako ay halos hindi na ako natutulog sa klase, masiguro ko lang na hindi ako nahuhuli sa class standing. Katabi ko ng upuan si Callix at hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siyang kausapin ako pero unti-unti nang gumagaan ang loob ko sa kanya. Ang akala ko pa naman nung una, isa siyang manhid at aroganteng lalaki pero nang nakakasama ko na siya ay hindi pala siya katulad ng inaakala ko, sa katunayan nga, isa siyang mabait at maalalahaning tao. Kaya naman itinuring ko siyang isa sa mga kaibigan ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------

Malapit na ang first grading examinations namin kung kaya naman kuntodo review na kaming mga star section. May mga nagbigay na ng reviewers o di kaya nagpa-unit quiz. Habang busy sa pagre-review ang lahat ay biglang dumating ang aming Elective Math teacher at dati kong adviser na si Miss Leila Aviles.

"Good morning class!" ang bati niya sa amin.

"Ugh! That teacher, she loves quizzes, ginagawa niyang parang cheese curls ang quiz!" ang naiinis na sabi ni Callix sa akin.

Natawa na lang ako kay Callix at sinabi kong pakokopyahin ko siya kapag mahirap ang quiz.

"Students, dahil namiss ko kayo....magkakaroon tayo ng summative quiz sa Math!"

Nag-react ang lahat ng estudyante maliban kina Leeward, Fruitcake, Aya at Misha na kampanteng mapapasa ang quiz.

Nagbigay muna ng instructions si Miss Leila bago niya ibinigay ang quiz papers sa amin.

Nagsimula na ang quiz. Halatang nahihirapan ang lahat sa quiz maliban kina Leeward, Fruitcake, Aya at Misha habang busy sa pagkokopyahan sina Lexie, Monique, Marcus at Dennison. Busy naman sa pangongopya sina Chiqui at Yesha kay Fruitcake. Ako naman ay nadalian lang sa quiz at gayundin si Callix. Si Kuya Ruki naman, nakatulog na dahil wala nang maisagot. And the rest of the class, butata na dahil wala na silang maisagot.

After the quiz, nag-check na ng papers si Miss Leila.

Pagkatapos ma-checkan ang quiz papers....

"Ruki Miyazako, 4 out of 15! Mag-aral ka nga!" ang sabon ni Ma'am sa Kuya kong hayun at tulog pa rin.

"Eto pa, Yesha Valenciano! 1 out of 15! Nangopya ka lang siguro!" sermon naman ni Ma'am kay Yesha na nayayamot nang malaman niya ang score niya.

"Duh! Hindi ako nangopya noh!" ang iritang sabi ni Yesha kay Ma'am.

Mga uncivilized nga naman.

"Good Fruitcake Sy. 10 out of 15. Pretty good." ang compliment naman ni Ma'am kay Fruitcake na abot hanggang sa ere ang pagkakangiti. Agad niya iyong ipinagyabang sa mga uncivilized niyang kaibigan.

"Very good Aya, 12 out of 15." ang papuri pa ni Ma'am kay Aya. Si Aya naman, tahimik lang. Hmp! Nakatsamba lang yan!

"And who is this, Miyaki Miyazako and Callix Jesh Bernardo! Excellent! You perfect the quiz! 15 out of 15!"

 

Nagpalakpakan ang buong klase habang nag-appear naman kami ni Callix. Yan ang hindi tsamba! Hahahaha!

"Misha Dayle and Leeward, magaling din ang performance ninyo. 14 points. Kulang na lang ng isa para mapantayan ninyo sina Miyaki at Callix. And the rest of the class got good points too. Magaling! Handa na kayo para sa examinations next week. Okay class, see you tomorrow." at umalis na si Miss Leila.

Nang wala na si Ma'am ay halos nakahinga na ng maluwag ang lahat. Terror pa naman yung teacher na yun paminsan-minsan.

"Kawawa ka naman Ruk! 4 lang nakuha mo sa quiz!" ang pang-aasar ni Marcus sa kanya.

"Tse! Makakabawi ako! Tandaan nyo, mga bwiset kayo!" ang yamut na yamot na sabi ng Kuya kong nag-a-alburoto.

"Haay sana nga!" ang sabi ni Marcus kay Kuya.

Nagtawanan ang lahat habang lalong nalukot ang mukha ni Kuya. Weakness kasi niya ang Mathematics since grade school.

Nang nag-ring na ang bell ay lumabas na ang mga estudyante para mag-recess na sa cafeteria. Ako naman ay lumabas na ng room para mananghalian sa science garden.

(Science Garden)

(Miyaki's POV)

Nasa science garden ako ngayon at nanananghalian ako ng menudo at kanin na binili ko kay Aling Bessy kanina. Habang kumakain ako ay nakita kong may tumabi sa akin, si Callix.

"Hi Callix! Tara, kain tayo!" ang anyaya ko sa kanya. 

"Salamat na lang Miya pero kumain na ako." ang sabi niya sa akin.

"Ahm Cal, magaling ka pala sa Math." ang sabi ko sa kanya.

"Ganun? Hindi naman." and he smiled.

Natawa lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko nang napansin kong nakatitig siya sa akin.

"Bakit?" ang tila namatandang tanong ko sa kanya.

"Wala." and he touch my face. "Napansin ko lang na hindi ka na nalulungkot. Gusto ko yan. Madalas ka nang nakangiti."

"Ah....ganun ba? Pangit kasi ang laging malungkot eh."

"Talaga? Sinong nagsabi sayo nyan?"

 

"Eh di si Calla! Naka-chat ko siya sa Facebook kagabi."

He nodded. "Well, napansin kong close kayo nung baklang yun. Baka mamaya, in love ka na sa baklang yun ah!"

"Baliw! Hindi ako in love sa baklang yun ah!" ang mabilis na sabi ko sa kanya.

"Weh, talaga lang ha!" at tumawa si Callix ng napakalakas.

"Hmp! Ewan ko sayo!" at inirapan ko siya.

"Pero Miya, anong turing mo kay Calla? Friend, close friend or.....bestfriend?"

"Ano ang turing ko kay Calla? Siyempre, best friend, parang ikaw." and I smiled at him.

"Ha? A-ako...b-bestfriend mo?" ang tila na-a-amaze na tanong niya sa akin.

"Oo naman...bakit...ayaw mo ba akong maging best friend?" ang tila nalulungkot kong tanong sa kanya pero biglang nataranta si Callix at agad niya akong pinayapa.

"No! Of course, you're my best friend. My new and true friend." and he smiled.

Parang nahaplos ang puso ko sa mga sinabi niya. Doon ko na lang napagtanto na isa pala siyang mabait at concern sa mga kaibigan niya. Hindi niya nga lang pinapakita.

Napansin kong napatingin siya sa wrist watch niya. "Oh, may practice pala ang team namin for the interschool basketball tournament next month. Kailangan na naming mag-prepare. Sige ha, una na ako." at umalis na siya sa garden. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya habang palayo na siya ng palayo sa garden.

Nang hindi ko na siya makita ay ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko nang may gumulat sa akin.

"Hi bhe!"

Si Calla. Ang bakla kong best friend.

"Oh hello Calla! Tara kain!" ang anyaya ko sa kanya pero katulad ni Callix ay tumanggi rin siya.

"Sorry bhe, nag-da-diet kasi ako eh." ang sabi naman niya. "Ahm bhe, pansin ko lang, medyo close na kayo ni Prince Callix. Di kaya....." sabay bulong niya sa akin. "Di kaya.....type ka niya?"

 

Natawa lang ako at sinabi kong isang malaking kalokohan kung magkagusto sa akin ang Ultimate Prince ng EIAS.

"Gaga! Anong kalokohang sinasabi mo? Nakita ko kaya kayong magkausap kanina!" and Calla laughed. "Nakita ko kaya kayo kanina! Habang kausap mo nga siya, parang lumiliyab sa pag-ibig ang mga mata niya. Nakakakita ako ng aura ng pag-ibig sa kanya kani-kanina lang." and he smirked. "Haay naku bhe, sinasabi ko sayo, magkaka-lovelife ka na! Nafe-feel ko yan! You already!" at kinurot ako ni Calla sa beywang ko.

"Ewan ko sayo!" and I rolled my eyes on him.

"Pero bhe, ang maipapayo ko lang, wag kang magpapaiwan sa daloy ng pag-ibig. Oo't marami ang umiibig at nasasawi sa huli pero patuloy pa rin silang naghihintay at umaasa sa bagong pag-ibig. Isa ka sa mga nasaktan pero may opportunity kang lumigaya! I swear talaga bhe, kay Prince Callix mo makikita ang love na hinahanap mo! Sa kanya talaga!"

"Kalokohan. Hindi mangyayari yun noh! Tsaka ang panget ko kaya."

"Panget? Ikaw panget? Utot mo! Ang ganda mo kaya! Kaya wag ka nang magtaka kung gusto ka niya!" at tumawa ng malandi ang gagang baklitang kaibigan ko.

"Whatever." at ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

"Ahm bhe, balita ko eh nasa IV-Dalton ka na daw. Kamusta ka naman dun?" ang pag-iiba niya ng usapan na agad ko namang sinagot.

"Okay lang. Naiinis nga lang ako sa mga classmates kong mga taga Timbuktu Africa. Mga walang manners kahit kailan."

 

"Eh ang F8, kamusta naman sila sayo?"

"Okay din pero di ko talaga sila feel. Minsan, inis ako sa kanila, lalo na kapag bine-VIP treatment sila ng mga teachers."

Medyo natahimik si Calla sa mga sinabi ko.

"Ah....okay. Isang-isa na lang itatanong ko sayo. Anong tingin mo kay Prince Callix? Friend, close friend or bestfriend?" ang tanong niya na medyo nagpalito sa akin. Teka lang, very same ito sa tinanong ni Callix sa akin.

But I'm willingly answered it.

"Best friend. Just like you Calla."

"Really? Salamat naman kung ganun! Eh bakit naman best friend ang turing mo sa akin? Dahil ba palabiro ako? Mabait ako? Echos ako?"

"Hindi." and I smiled.

"Oh eh ano?"

"Kasi ikaw lang ang nakilala kong sincere sa school na ito. Just same as Callix. Kayong dalawa lang ang nagpakatotoo sa akin. Salamat at nakatagpo ako ng mga tulad nyo."

"Oh Miyaki....I really touched. Thank you." and Calla hugged me. I hugged him back.

Hindi rin nagtagal ang yakap na yun, agad din naming binitawan ang isa't isa. Nakita ko ang kaligayahan sa mga mata niya, katulad ng nakita ko sa mga mata ni Callix kanina.

Marami pa kaming napagchikahan ni Calla hanggang sa mag-ring na ang bell, hudyat na may klase na. Nauna na akong bumalik sa room habang nakita kong pabalik na rin siya sa room niya. Habang naglalakad ako sa corridor ay naalala ko si Callix maging si Calla. Magkaiba sila ng pagkatao, pero pareho silang may puso.

Mga pusong handang umalalay at umagapay sa lahat ng pagkakataon.

That's why they are my best friends.

My true and sincere friends.

(Male's CR)

(Callix's POV)

Pagkatapos kong mag-disguise as Calla, agad na akong bumalik sa pagiging Callix. Matapos kong makapagpalit ng uniform ko ay naghilamos agad ako ng mukha ko nang may lalaking pumasok sa CR at tinitigan lang ako.

Si Skyler.

Ang pakialamero kong pinsan.

"Couz, hanggang kailan mo itatago sa kanya ang lahat? Remember, kasalanan yan." ang parinig ni Skyler sa akin.

"Alam ko. Wag mo na akong usigin pa, ikaw na ang konsensya ko. Sige, ikaw na ang konsensya ko."

"Whoa." and he sighed. "Ahm Cal, may ibabalita sana ako sayo, about kay Earl Peter Tomines."

"What?" I said absurdly.

"Mukhang matitigok na ang gago." he said na biglang nagpakunot sa noo ko.

"Ano? Pakilinaw mo nga yang sinabi mo?"

"Ang sabi ko, mamamatay na si Earl. Malala na ang leukemia niya at hindi na makukuha pa sa pagpapakalbo. Kaya kung ako sayo, patawarin mo na siya nang mabawasan naman ang mga kasalanan niya sa purgatory. Matagal nang nangyari ang panloloko issue na yun at mukhang tinamaan na silang dalawa ni Reeya ng karma nila kaya maawa ka na sa tao, kung may awa ka talaga." at ngumisi ang pinsan ko.

Tinapos kong hilamusan ang mukha ko at saka ko ito pinunasan ng towel bago ko siya hinarap. "Sorry Sky, pero yan ang wala ako. Wala akong awa sa lalaking yun. Dapat lang sa kanya yun."

"Whew! Demonyo ka na ngang talaga Cal! Kunsabagay, hindi naman kita masisisi. Si Miyaki ang nasaktan sa panloloko-panlilinlang-pagsisinungaling issue na yan at kahit ikaw ay nasaktan din sa nangyari sa kanya. Pero Couz, kung magpapakademonyo ka na rin lang, wag lang puro salita! Dagdagan mo naman ng gawa. Tiyak kong ikaw na ang magmamana ng trono ni Satan sa hell. Nararamdaman ko na yan." and he laughed.

Napailing-iling na lang ako. Oo, demonyo na akong mag-isip paminsan-minsan pero masisisi naman kaya nila ako. I love Miyaki at gagawin ko ang lahat maipaghiganti ko lang ang panlolokong ginawa sa kanya ni Earl.

Earl Peter Tomines is Miyaki's ex boyfriend. Ang dahilan ng pagkasira ng buhay ni Miyaki. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin si Miyaki. At ang dahilan kung bakit natatakot nang buksan ni Miyaki ang puso niya para magmahal. Oo, pinagbigyan ko si Earl noon, pero ngayon, hinding-hindi ko na siya mapagbibigyan pa. Hindi ko na hahayaan pang masaktang muli si Miyaki nang dahil kay Earl.

Hindi na. Dahil ikamamatay ko yun oras na mangyaring muli kay Miyaki ang masakit na nangyari sa nakaraan niya.