webnovel

The Nerds is in Disguise

Tatlong babaeng na gangster na nagpapangap na bilang isang nerd sa isang campus upang ma-protektahan nila ang tatlong magkakapatid na lalaki na mayaman, walang nakaka-alam kung sino sila at kung ano ang tunay nilang pakay, kahit na ang pamilya ng tatlong Gangsters nato ay mga isang murderous families din. Pero bakit nga ba nila tinatago ang magagandang mukha nila, Sino ang makakaalam sa mga secreto nila, Will they reveal it? Or the Mafia Bosses Will find out. The Gangster in Disguise As a NERDS Written by : Binibining_Ryu

lllllobe · วัยรุ่น
Not enough ratings
46 Chs

Chapter 22 - Her Point Of View

— Ivy Laurel Harrison (POVs)

It was already 1 o'clock kaya naman ay bumangon na ako at sinuot ko yung damit ko na puro itim, naka pang sapatos narin ako ng itim at naka mask, lumabas ako ng dorm at tumakbo pababa sa building, kaya ngayun naman ay nasa labas na ako ng building.

Patingin-tingin naman ako sa paligid ko, baka kasi may nakakita sakin at sundan pa ako kung saan ako pupunta, may e me-meet up kasi ako ngayun, and obviously it's a job thing.

Mabilis akong nakatakbo at inakyat yung pader ng campus kaya naman ay nakalabas nga ako ng tagumpay, pagkababa ko palang naglakad lakad na muna ako, ayoko ko munang bilisan ang paglakad ko, wala namang taong mang ho-hold up sakin e.

( Baka sila pa yung e hold up ko.)

Anyway habang naglalakad ako parang may napansin akong may nakasunod sakin at rinig na rinig ko rin yung yapak ng sapatos kaya naman ay napahinto naman ako at nang nilingon ko yung likuran ko nakita ko lang yung isang pusa sa ibabaw ng basurahan.

Lumingon naman kaagad ako sa harap ko at nagsimula na naman akong maglakad ulit, kala ko kasi may nakasunod sakin pusa lang pala, tsaka di'naka hihinala yung pusa, at habang naglalakad ako inayos ko ulit yung pagkatali ng buhok ko pagkatapos kung itali ang buhok ko.

Biglang tumunog yung cell phone ko, pinalitan ko na iyun ng phone case baka may makakilala pa sakin dahil sa phone case nayun, anyway sinagot ko na yung tawag niya.

\\ON CALL\\

[ Papunta ka na ba dito?  At siguruduhin mong walang taong nakasunod sayu. ]

" Oo, papunta na ako diyan, wag'ka mag-alala walang  nakasunod sakin, paparating na ako diyan, just make sure nakahanda na yung pera." sabi ko

[ Nakahanda na ang perang ibibigay ko sayu, just make it sure na malinis at walang sabit yang pina-plano mo.]

" Oo, wag'ka mag-alala malinis na malinis ang pagka-plano ko, and I'll make sure na iikot lang  silang lahat sa palad ko. *smirk*" sabi ko

\\END CALL\\

Pagkatapos naming mag-usap ay lumiko ako sa kaliwa at habang naglalakad ako ng mabilis ay nasa abundanadong building na ako, kaya naman ay pumasok na ako dun sa lugar nayun, tapos ay sumalubong saking lalaki kaya naman ay napahinto naman ako at sinundan siya.

Nakita ko naman kaagad siya at nakipag-shake hands ako sa kanya at umupo kami sa upuan at sa harap naman namin ang isang mesa.

" Nasan na inahanda mo para sakin? " sabi ko

Lumapit naman kaagad ang isang lalaki na dala-dala ang isang tatlong suite cases at nilapag niya iyun sa mesa at binuksan naman kaagad iyun at inaharap niya sakin ang laman sa loob ng suite case.

" Bawat isa jan sa suite case  nayan ay naglalaan ng sixty million dollars." sabi niya

( That is not the deal, I am not stupid.)

" Sixty million? That's not the deal, you don't know how hard this plan is,  and you know that." sabi ko

" Fine, I'll make it two hundred million dollars with cash. " sabi niya

" Now that's what I'm talking, it's a deal.*smile*" sabi ko

Nakipag-shake hands ako ulit sa kanya, tanda ng ibig sabihin nun ay sumasang-ayon siya sa deal namin.

" Just make it sure na malinis na malinis yang pagka-plano mo." sabi niya

" You do not know what I'm planning. *smile*" sabi ko

" Tell me, what is your big plan about this? " sabi niya

" It's a secret, I should be the only one who should know, don't worry, malinis na malinis akong gumawa. *smile*" sabi ko

" Okay, I'll trust you about this, since you are very experienced about it, and a professional assassin woman. *smile*" sabi niya

Habang nag-uusap kami at pagkatapos nun ay tumayu na ako at nakipag-shake hands na siya sakin at nang aalis na sana ako biglang may tumunog na ingay, pero huminto naman kaagad yung tunog nayun.

Kaya naman ay napahinto kami sa paglalakad at tinignan ang paligid, pagkatapos kung marinig yung tunog nayun ay alam kuna kung saan nanggagaling ang tunog na yun.

Pinahanap niya naman kaagad sa mga tauhan niya kung saan nanggaling ang tunog at halos silang lahat ay hinahanap kung saan nanggaling ang tunog na iyun, habang ako naman ay naglakad na ako papunta kung saan ko narinig ang tunog.

Nang tinignan ko kung saan nanggaling ang tunog ay may nakita akong lalaking tumatago at nang aalis na sana siya ay bigla kung tinakpan yung bibig niya, buti nalang talaga at naka mask ako at di niya ako makikilala dahil sa nakatakip yung bibig ko dahil sa mask.

" Tumahimik ka kung ayaw mong mahuli ka nila at mamatay ka." sabi ko

At nang kumalma na si Zandel ay inalis kuna yung pagkatakip ko sa kanyang bibig gamit ang kamay ko.

" Sumama ka sakin." sabi ko

Hinawakan ko naman kaagad yung kamay niya, bali nagka-holding hands na kami ngayun at nararamdaman ko rin yung kamay niya na nanginginig siya at kinakabahan dahil pinagpapawisan yung kamay niya.

Nang makalabas na kami sa building at naka-alis na kami papalayu ay hinila ko naman siya dun sa may cafe shop at pumasok kami dun, nag order ako ng cappuccino habang siya naman ay nag order ng strawberry juice.

" Dito ka lang may kukunin lang ako." sabi ko

At umalis naman kaagad ako sa cafe shop at tumakbo akong mabilis papunta sa campus at pagkatapos niyan ay inakyat kuna ulit yung pader ng campus namin at nang tagumpay akong makabalik sa campus, ay tumakbo na naman ako ulit papunta sa dorm.

Pagkarating ko palang sa dorm at ng pumasok na ako ay tulog parin ang dalawa kaya naman ay dali-dali akong nagbihis ng maikli kung short at nag tshirt narin ako at nakapang glasses.

Pinapatagalan ko muna yung pagpunta ko dun baka kasi manghihinala pa siya.

\\3:45 AM\\

Lumipas na yung oras kaya naman ay tumakbo na naman ako ulit papunta sa pader ng campus muntikan na nga ako mahuli ng security buti nalang at mabilis ako maka-akyat kaya tagumpay na naman yung pagtakas ko sa campus.

Nang makarating na ako sa cafe shop ay nakita ko parin dun sa loob si Zandel kaya naman ay nagpa as if akong di'ko alam na andito siya sa cafe, nang biglang lumapit siya sa table ko.

" Zandel? ". Sabi ko

( Syempre, I need to act like na surprised ako na andito siya.)

" Ivy, ba't andito ka? " Zandel

" Yan nga rin dapat itatanong ko e, Ikaw ba't andito ka? " sabi ko

( Would he tell lies too? )

" Ah, ano nagpapahangin lang sana ako, kaso gusto ko ring lumabas e, kaya  pumunta nalang rin ako dito." Zandel

( Well, he definitely just lied, and I also did the same thing, so we're even.)

" Ikaw, ano ginagawa mo dito? " Zandel

" We'll, di'kasi ako makatulog kaya naisipan kung tumakas nalang sa campus at pumunta dito. " sabi ko

Ilang oras pa ay kain lang ako ng kain, nakakagutom rin kasi ang nangyari kanina lalo nayung pagtakbo nauuhaw talaga ako nun ah.

Matagal din kaming dalawa naka-uwi sa campus dahil pumunta pa kami sa park which is malapit lang sa campus namin, nung umuwi kami it was already 5 o'clock in the morning, buti nalang at nakatulog din ako nung mga oras na nagising ako para umalis.

( I'm just also thinking, why is Zandel is the one who is always in trouble, I mean, not literally always, it's just troubles always comes to him.)

( And why did he even followed me.)