webnovel

The Nerd's Quest

Nerds? The persons who are shy, quirky and unattractive. They are the unsocial. Spend inordinate time on unpopular, obscure and non-mainstream activities. They are intelligent and they excel in all academic subjects. They used to spend their days reading books than joining sports activities. They become frequent object of scorn, ridicule, bullying and social isolation. But ibahin ninyo ang isang Athena Tyce Perez Maxwell. Yes, she's a nerd. When you first meet her, you can probably think that she's such a weakling and no self-esteem person. Diyan kayo nagkamali! She's different to the nerd that you think. You can't messed up with her! Why? Read this story and find out how she can get into your nerves in one word she uttered and be ready to join the adventure on her quest. -------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- © Copyright 2019-rhuruhandtoriewp Published in Webnovel 2019 All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means without the prior permission of the author. All characters in this story are fictional and any resemblance to real persons, living or dead is purely coincidental.

RhuruhandTorieWp · สยองขวัญ
เรตติ้งไม่พอ
9 Chs

TNQ 5 : THE QUEENS

ATHENA'S POV

Lunch break ngayon. Pupunta sana ako ng library kaso nakaramdam ako ng gutom kaya nagtungo ako sa cafeteria ng akademyang ito. Pagpasok ko palang napansin kong lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin. Di ko ininda ang mga matatalim na titig, pagpaparinig at bulong bulongan nila. Nandito ako para kumain di para sa mga ito.

Isang pizza slice, carbonara, dalawang cupcakes at ice coffee lang naman ang inorder ko. I spotted one vacant table. Nasa dulo ito ng cafeteria kaya't tinungo ko ito.

Dahil ata sa gutom, di ko namalayan na may tumisod sa akin. Sumalpak ako sa sahig at natapon lahat ng pagkaing dala ko. Umalingawngaw naman ang tawanan sa cafeteria.

"Yan ang bagay sa mga pangit na kagaya mo. At kung makaasta parang may ibubuga eh." anang isang babae.

"That's what you got for what happened yesterday. Di mo alam kung sino ang binabangga mo." segunda ng isa.

"You! Di magandang creation, why you did that to our Kings?"

Tsk. Ang mga OA ng mga to. Alam kong sila ang may kagagawan nito. I'm f*cking hungry. I don't have time para bumaba sa mga level ng mga to.

Humugot muna ako ng hangin bago ako tumayo't humarap sa mga babaeng puro cosmetics ang mukha. Daig pa ng mga ito ang mga babaeng bayaran sa mga night clubs.

"Ano lalaban ka sa amin?" tanong ng isa pa nila na nakapamaywang at nakataas ang kilay.

Get out of my way bitches! Or else mata lang ang walang latay sa inyo.

Gusto ko sanang sabihin ang mga katagang yan sa kanila kaso mukhang walang mga panama ang mga ito so let's play their game, tingnan natin kung sino ang mananalo?

"Are you just titig titig to us?"

Isa pa tong conyong to, nakakairita.

Bumuntong hininga ako't binigyan sila ng nakakalukong ngiti at tatalikod na sana para umorder ulit ng sinabunutan at itinulak ulit ako sa sahig ng leader nila.

Ouch!

Saad ng mga estudyanteng naroon.

"You can't mess up with us nerd. Matuto kang lumugar at rumespeto sa mga kagaya namin. You're just a commoner and a witch! At kapag kinakausap ka pa namin, wag na wag mo kaming talikuran. Intiendes?!"

Nagtawanan na naman ang mga studyante sa cafeteria. At nagbubulungan na di ko na maintindihan kung ano sapagkat sobrang naiinis na ako but I just smile to them at tumayo ulit. Di mapinta sa kanilang mukha ang inis.

Tingnan natin kung sino ang mas maiinis sa atin.

"Is she a numb?" tanong na bulong ng isang manonood

"Mukhang baliw girl" saad ng isa pa.

"Respect?" taas kilay kong saad,"Tingnan n'yo kaya ang mga sarili n'yo sa salamin kung karespeto-respeto ba kayo. Daig pa nga ninyo ang mga pokpok sa eskenita ehh."

Isang malakas na sampal ang natanggap ko buhat sa leader nila.

"How could you say that to us? Di mo ba kami kilala?"

"Girl,malamang di pa. Ehh, bago kaya yan."

I'll smile again.

"What a stupid idiot bitches!"

"What did you say?" sabay saad ng apat.

Humagalpak ako ng tawa sa mga epic nilang mukha. Na siyang ikinunot nila ng noo. "

Well, totoo naman ahh, di sila maganda. Sila lang ata nagdeklara sa sarili nila na mga magaganda.

"I'm a person of one word but sige pagbibigyan ko kayo, sabi ko, di pa nga mga magaganda, boba pa. Mas matalino pa nga ata ang alaga kong aso sa bahay kaysa sa inyo eh."

Isa na naman sanang malakas na sampal ang matatanggap ko ng may maagap na kamay na sumalo nito.

"Stop this commotion or else, detention ang abot n'yo."

Napatawa ako na siyang ikinabigla ng lahat.

Ibinaba naman ng kuya ko ang kamay ng leader ng mga tinatawag nilang "The Queens" at masamang tumingin sa akin.

I know di siya makakatiis na panoorin ako na pinapahirapan ng apat na ito. Pagpapahirap ba ang tawag nito? Mukhang di naman.

"Oh come on Maxwell, hinayaan mo na sana na dumampi ang palad niyang Sophie na yan sa mukha ko. Nabawasan tuloy ang credits ng ipokritang iyan sa akin. Detention ba kamo? I love to be there kung di mo lang naitanong. But as if naman,na yang detention room nyo dito nagagamit. Naalikabukan na ata ang silid eh. Kaayo lang naman kasi ang batas dito, di ba?"

"Hoy! Witch. Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Ares at mas ipokrita ka!"

"Shut up, Shopie!" nanlilisik na turan ng kuya ko at binitawan ang kamay nito at bumaling sa akin. "And you, get out of this place. Now!"

Ngintian ko lang si kuya at I know galit na ito at naiinis.

"Out? Sa pagkakaalam ko Maxwell I'm a human being not a fucking dog."

Hayyss. Ano ba ang tingin ng kuya kong ito sa akin? Aso?

"Mali ata ang pinapaalis mo. Dapat ata yang apat na nasa likuran mo ang itanataboy. They're bitches after all."

"Anong sabi mo?!"

Nanggigigil na sinugod ako ni Sophie at sasampalin naman sana niya ako ulit but I can manage to hold her hands. Di na kasi ito napigilan ni kuya.

"You witch! Let my hands down."

"Who are you to command me like that?"

"Bitawan mo si Sophie!" saad ng tatlong alipores nito at sabay na sumugod sa akin.

"Ouch! It's hurt. Babaliin mo ba ang buto ko? Mangkukulam ka!"

Napatigil sa pagsugod ang tatlo ng madinig nila ang impit ng kanilang leader.

"Hey Ares, help Sophie." saad ng tatlo sa kuya ko.

Akmang lalapit sana si Kuya sa akin ngunit diniinan ko ulit ang pagkahawak sa kamay ni Sophie.

"Ouch, you witch!"

"Isa pang kilos ninyo at bali ang boto ng babaeng ito." pagbabanta ko at siyang sinunod nila na may mga matatalim na tingin na pinukol sa akin. I just smile to them.

"Good dogs. Nagkakaintindihan naman pala tayo eh. Alam n'yo ba kanina pa ako gutom? Sana totoo nalang yong sinabi nyo na mangkukulam ako eh, para kayo na lang ang kainin ko."

Humahalakhak ako ng malakas na siyang punot dulo ng sari- saring reaksyon ng mga studyante sa cafeteria. How funny to tease people around you, lalong lalo na ang mga Queens na to.

"Anong tinutunganga n'yo diyan? Tumawag nga kayo ng guard para mapaalis tong babaeng baliw na to." inis na sambit ni Andrea.

"Come on, bitches, mukhang natakot kayo sa akin ahh. Huwag kayong mag alala, di ako kumakain ng taong puro cosmetics ang mukha. Alam n'yo ba, when I saw you guys, I can't recognize you as Queens rather I recognize you as a f*ck girls in the night clubs."

"What?!" nang gagalaiting sigaw nilang apat.

Once again, I'll just smile at them.

"Remember this, real queens wear simple make up that makes everyone recognize their purity of beauty in and out in just one look." saad ko sa kanilang apat at bumaling kay kuya. "Maxwell, why don't you train this four to be like the greatest Queens of this academy before which is Lady Elizabeth, Lady Amelia, Lady Vivian, Lady Cassandra and your mother Lady Hera. Wala ata sila sa kalingkingan ng mga ito and that's also the mere reason why I don't kneel down my knees and bow down my head to them. Yuyuko't luluhod lang ako sa mga reyna nato if mapapantayan o di kaya mahihigitan nila ang dating Queens. At paalala, Queens and Kings were established, not for the pete's sake of popularity but for responsibilities."

Pagkatapos kung sabihin iyon tinalikuran ko na sila. Nawalan na ako ng gana. Ang kailangan ko na lang ngayon ay sariwang hangin.

And I know a place in here where I can breathe some fresh air.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------