webnovel

The Mermaid, the Prince and the Wizard (Tagalog)

A three-part trilogy fantasy novel. Pagkatapos ng unang digmaang pandaigdigan nagkaroon ng kapayapaan sa apat na kontinente ng mundo. Nag-umpisa ang lahat nang iligtas ng batang sirena ang batang prinsipe sa pagkalunod. Sa paglipas ng panahon ang tanging hangad ng prinsesang sirena ay makapiling ang kanyang minamahal na prinsipe. Isang prinsipe na ang tanging nais ay kilalanin ang kanyang kakayahan sa buong mundo. Isang talentadong black wizard na may pilyong pag-uugali ang pilit hahanapin ang kanyang pinagmulan. Ang tatlong buhay nila ay pagbubukludin ng kapalaran. Sa muling pagbangon ng kasamaan dulot ng muling paggising ng Dark Lord na si Hellsing, muli na namang malalagay ang mundo sa panganib. Nasa kamay ng makabaong henerasyon ang kaligtasan ng buong mundo. Magawa nga kaya nila ang kanilang misyon? Marami silang pagsubok na kakaharapin, malalakas na kalabang kakalabanin. Maraming katanungan ang sasagutin. Sa paghahangad ng tatlo ng pag-ibig, katanyagan at kapangyarihan magampanan kaya nila ang itinakdang tungkulin na iginuhit sa palad nila? A journey to a magical world full of mystery, magic and adventure.

Mai_Chii · แฟนตาซี
Not enough ratings
42 Chs

Mermaid’s Tale: Dark Lord

BUMALIK ang mga paa ni Azurine nang matuyo ang buntot niya. Manghang-mangha ang piratang manunubos na si Ashlando sa kanyang nasaksihan. Si Ashlando na kilala ring mahilig sa mga babae lalo na sa mga katulad ni Azurine na may makinis at kaakit-akit na kutis at katawan. Nasa edad limampung taon na ang tinatawag nilang manyakis na matandang pirata. Samantalang si Zanaga nama'y nasa edad tatlumpu't walo at pinakabata si Serarah na nasa edad dalawampu't isang taong gulang.

Ang tatlong pirata ay nakaharap ngayon sa kinikilalang hari ng kontinente ng Hilgarth. Siya ang kasalukuyang hari ng tatlong bansang: Helldroy, Karavish at Wyvern. Ngayon ay dinala nila ang mga bihag nila upang ipresenta kay Dark Lord Hellsing. Wala pang nakakaalam ng pagkatao ng lalaking ito. Ang tangin makikita lamang sa kanya ay maitim na awrang bumabalot sa paligid niya. Isang malakas na pwersang lantad, kinatatakutan at makapangyarihan.

Dumating sila sa palasyo ng Helldroy nang buong pwersa kasama ng kanilang mga tauhan. Ang tatlong pirata ay makikipagkasundo kay Dark Lord Hellsing upang maibenta nang mahal ang nabihag nilang sirena. Hindi lang yaman ang nais ng tatlong ito, mayroon pa silang minimithi maliban sa gintong muro.

Ang palasyo ng Helldroy ay may kulay abong gusali, estrakturang may kalumaan. Kung iisipin para siyang hunted castle dahil sa awra nitong nakakatakot. Maraming kandilang nakasindi sa pasilyo patungo sa entrada ng bulwagan. Ngayon nga ay nakaharap sila sa lalaking nakaupo sa itim na trono. May dalawa siyang tauhan na nagbabantay sa magkabilang gilid. Ang orc chieftain na si Melorca at right hand niyang skeleton wizard na si Soke.

Lunok-laway na nagbigay galang si Zanaga, nayuko ito sa harapan bago muling tumango. "Dark Lord Hellsing, katulad ng ipinangako namin sa inyo narito ang bihag namin na aming ibebenta sa inyo," turan ni Zanaga habang nakayuko.

Hawak ni Ashlando si Azurine sa braso. Itinulak niya ang dalaga sa harap patungo sa tabi ni Zanaga. Mabilis na hinawakan ni Zanaga sa braso si Azurine. Wala pa ring buhay ang mga mata ni Azurine, maging ang katawan niya'y malamya at walang lakas.

"Prinsesa! Huwag n'yo siyang hawakan!!!" sigaw ni Octavio sa tabi ni Van Gogh. Nakagapos ang mga kamay nilang dalawa sa likod habang binabantayan ng ibang mga pirata.

"Tumahimik ka!" Isang sapok sa mukha ang nagpadugo sa labi ni Octavio.

Maluha-luha ang mga mata ni Azurine, ngunit wala siyang mabigkas na salita para sa kaibigan.

"Dark Lord, heto na po ang sirena. Nakita n'yo naman kanina kung paano napalitan ng mga paa ang buntot niya," paliwanag ni Zanaga.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa trono ang lalaking may: matangkad, mahaba ang binti, braso at leeg. Kitang-kita ang korte ng collar bone nito na lantad kasama ng malaman nitong dibdib. Mahaba ang buhok na abot baywang, may matatalas at kulay pulang pares ng mata. May labi siyang manipis na palaging seryoso ang dating. Ang dalawang kilay niya'y nakataas na siyang nabibigay ng malamig at nakakatakot na presensya. Mahaba ang suot nitong black robe na sinamahan ng kulay pulang telang nakatali sa baywang nito. Parang isang tradisyonal na kimonong panlalaki. May suot din siyang mga alahas mula sa paa, kamay at leeg, maging sa kanyang ulo. May korona siyang itim na may mga dyamanteng nakadikit sa paligid.

Lumapit si Dark Lord Hellsing, hinawakan niya ang asul na buhok ni Azurine. Dinama niya ang lambot ng buhok nito sa kanyang palad bago inamoy nang marahan.

"Sabihin mo, ano ang iyong pangalan?" Malaki, buo at nakakanginig ang boses ni Hellsing na siyang nabibigay takot sa mga mata ni Azurine.

Hindi sumagot ang prinsesa, nanatili siyang tahimik at nakatingin sa paanan ng lalaking nasa harapan niya.

"Sirena! Sumagot ka!" malakas na sigaw ni Zanaga.

Napaigtad si Azurine sa lakas ng boses ni Zanaga. Napansin ito ni Hellsing at pinalayo si Zanaga sa tabi ng sirena gamit ang kanyang kamay. Lumayo at umatras si Zanaga sa takot kay Dark Lord Hellsing.

Tumingin si Hellsing kay Zanaga. "Ano ba ang gusto n'yong kapalit? Ibinigay ko na bilang kuta ninyong mga pirata ang palasyo ng Wyvern kapalit ng pagsalakay ninyo at pagwasak sa bansang iyon. Sigurado naman akong higit pa sa gintong muro ang nais ninyo," derektang wika ni Hellsing sa mga pirata.

Humakbang pasulong si Serarah. "Dark Lord, maliban sa kayamanan nais namin ng maraming kagamitan. Kaming mga pirata'y hindi nanatili sa kalupaan, kami'y mga manlalayag sa karagatan. Bigyan n'yo—"

"Sandali, Serarah!" putol ni Ashlando sa pagsasalita ni Serarah. "Kung ang nais mo'y mga kagamitan, sa 'yo na lang. Iba ang hangad ko." Tumalim ang mga mata ni Ashlando. "Gusto kong manatili sa kaharian ng Wyvern. Ako ang uupo sa trono at gusto ko ng mga babae! Iyong magaganda, sariwa at bata. Bwahaha!" Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Ashlando sa buong bulwagan ng palasyo.

"Hmmm… kung gano'n iba-iba pala ang nais ninyo. Ikaw, Zanaga, ano ang sa 'yo?" Kinabig ni Hellsing ang katawan ni Azurine palapit sa kanyang dibdib habang nakatingin kay Zanaga't naghihintay ng sagot nito.

"Ah-eh, A-ang gusto ko lang nama'y bigyan n'yo ako ng malalakas ninyong alagad. Gusto kong mapasailalim sa inyo, Dark Lord Hellsing. Isang hukbo na ako ang mamahala at ipanglalaban ko sa…"

Tumaas ang kilay ni Hellsing nang huminto si Zanaga sa pagsasalita.

"Ilalaban ko sa bansang Alemeth. Balak kong tugisin ang pumutol sa braso ko, ang lintik na black wizard na si Seiffer Wisdom!" Ikom-palad si Zanaga't nagngingitngit sa galit nang banggitin ang pangalan ni Seiffer.

Nagulat at namilog ang mga mata ni Azurine nang marinig niya ang pangalang iyon. Muling tumagos sa kanyang dibdib ang sakit at maraming katanungan. Napansin ni Hellsing ang hindi mapakaling mga mata ni Azurine. Sumenyas siya ng kanyang itim na kapa at mabilis itong dinala ng dalawang nagbabantay sa trono. Itinali ni Hellsing ang kapa sa ibabang bahagi ng kanyang leeg pagkatapos ay hinawi niya ito upang pasaklubin sa loob ng kapa ang prinsesang sirena.

Nagulat si Azurine nang mapansin ang telang tumatakip sa kanyang ulunan. Matapos ay mahigpit siyang niyakap sa bisig ni Hellsing. Gusto niyang pumalag ngunit hindi niya magawa. May kung anong malakas na enerhiyang nagpapahina sa buong katawan niya.

Para siyang na-stun ng isang malakas na magic mula kay Dark Lord Hellsing.

"Ang Alemeth pala ang puntirya mo." Tumalikod siya kasabay ng paghatak kay Azurine patungo sa trono. Naupo muli si Hellsing at kanyang binitbit si Azurine paupo sa kanyang magkadikit na binti. Kalong-kalong niya ngayon si Azurine na walang sariling krontro sa kanyang katawan.

"Balak ko nang isunod ang kontinente ng Sallaria sa aking pananakop. Sa kataunayan hinahanda ko na ang mga tauhan ko para sa isang pagpapakilala. Ipagbibigay alam ko hindi lang sa Sallaria kundi sa buong mundo… ang katahimikang tinatamasa nila ay tapos na! Oras na para makilala nila ang mga nilalang na napaglipasan nang panahon! Mamayani muli ang takot, karahasan at digmaan sa buong mundo!"

Tumunog nang malakas ang sungay na trumpeting hawak ng Orc Chieftain Merlorca. Bumalik ang kinang ng mga mata ni Azurine, ngunit pangamba naman ang kinakaharap nito matapos marinig ang lahat. Ang plano ng Dark Lord na sakupin ang buong mundo at maghasik ng kasamaan.

"H-Hindi kayo—magtatagumpay!" matapang na sambit ni Azurine sabay sampal sa pisngi ni Hellsing.

"D-Dark Lord!" gulat ng lahat.

"Hindi n'yo matatalo ang Alemeth!"

Nagulat ang lahat ng naroon matapos nilang marinig ang malakas na sampal ni Azurine. Sandaling natahimik ang lahat sa takot nang makitang kumislap ang mga mata ni Hellsing. Gumuhit ang nakakalokong ngisi ng Dark Lord bago humalakhak nang malakas.

"Gustong-gusto kita! Ngayon pa lang nasasabik na ako sa gagawin ko sa 'yo!" Natuon ang tingin ni Hellsing sa malulusog na dibdib ni Azurine. Para siya nitong hinuhubaran sa mga tingin nito sa kanyang katawan. Dumepensa si Azurine gamit ang dalawang braso niya na ipinangtakip niya sa kanyang lantad na katawan.

"Prinsesa Azurine!!!" sigaw na tawag ni Octavio.

"O-Octavio!" Mabilis na bumaba si Azurine mula sa pagkakakandong sa kanya ni Hellsing. Nang humandusay si Azurine sa sahig dahil sa magic barrier na iniharang ni Dark Lord Hellsing sa harapan ng sirena. Bumangon si Azurine at muli siyang nagtangkang lumapit kay Octavio, ngunit bigo siya.

"Pakawalan mo ko! Gusto kong makasama ang kaibigan ko!" Matapang niyang tiningnan nang masama si Hellsing.

Isang malakas na tawa ang gumulat sa lahat nang ibaling nila ang pansin kay Van Gogh. "Nyahaha! Tama 'yan, prinsesa ng karagatan! Maging matapang ka at huwag matakot harapin ang kadiliman. Magtiwala ka sa taong nilalaman ng iyong puso! Isa kang sirena, tandaan mo ang kapangyarihang ipinagkaloob sa inyo!!!" sigaw pa ni Van Gogh.

"Tumahimik ka!!!" bulyaw ni Ashlando sa nakangising hari. "Talagang tatapusin na kita, Van Gogh!"

"Huwag kang matakot binibini! Ilabas mo ang natatago mong kapangyarihan!!!" sigaw muli ni Van Gogh na waring nag-uudyok kay Prinsesa Azurine.

Sa inis ni Hellsing tumayo siyang muli at hinawakan si Azurine sa braso. Sa pagkakataong ito pumalag na nang malakas si Azurine at hindi na siya nagawang gamitan ng stun magic ni Hellsing. May kung ano sa mga mata ni Azurine na nagpapalakas sa katawan ng dalaga. Nag-aalab ang kanyang damdamin, napupuno ng positibong enerhiya ang katawan ng dalagang sirena.

Napansin ni Hellsing ang pagbabago kay Azurine. Nanumbalik ang lakas ng prinsesa. Ayaw na niyang makitang nasasaktan ang kanyang kaibigan. Nagkaroon din siya ng kompiyansa sa mga sinabi ni Van Gogh. Tama ang hari, dapat siyang magpakatatag.

"Lalaban ako!"

"Ano?" gulat ni Hellsing.

"Ang sabi ko, lalaban ako!" Tumayo siya nang tuwid at hinarap nang matapang si Hellsing. Batid niya ang laki ng pagkakaiba ng kanilang kapangyarihan subalit, hindi na siya magpapabaya tulad kanina.

Itinaas ni Azurine ang kanyang dalawang kamay. Magkadaop-palad sabay tumingala sa itaas. Isang awit ang kanyang pinakawalan. Tinig na kaakit-akit, awit na punong-puno ng liwanag at puting mahikang nagmumula sa langit.

"A-Ang awit ng mga sirena!!!" Nanlaki ang mga mata ni Hellsing nang marinig nang personal ang awiting alamat na lamang kung ituring.

Laaa, lalala, la, la, lalahah... ahh... lanlala, lala, la, la, lalalahah...

Nag-uumapaw na liwanag ang bumalot sa loob ng palasyo. Naiwaksi nito ang itim na mahikang umaaligid sa kanilang lahat. Napaatras si Hellsing nang bahagya habang pinagmamasdang umawit si Azurine.

Naghilom ang sugat ni Octavio sa labi, nanumbalik ang kanyang lakas. Maging si Van Gogh ay nabiyayaan din ng healing magic ni Azurine. Hindi lang ito, nagawa pang pasabugin ni Azurine ang itaas ng palasyo. Nawasak at nagkaroon ng butas dito dahil sa liwanag na nagpasabog sa makapal na kisameng gawa sa bloke ng simento.

Lumitaw ang maitim na kalangitan sa kanilang mga mata. Matapos mawala ng matinding liwanag isang malakas na boses ang kanilang narinig mula sa kalangitan.

"Azurine!!!"

Maluha-luha si Azurine nang maaninag ang dalawang lalaking nakasakay sa likod ni Seiffy. Walang iba kundi sina Prinsipe Eldrich at ang black wizard ng Alemeth na si Seiffer Wisdom.