webnovel

CHAPTER 5

Noah's pov

Halos buong sem kong iniwasan na si khai kahit magkasalubungan lang kami ay diko na sya pinapansin pa, pero grabe nga namn ang tadhana.

Dahil Last semester nato at gagraduate na kami ang huling project namin ay gumawa ng isang research kaso masyadong mapaglaro ang tadhana dahil kung sino pang tao na pilit kong iniiwasan sya pa yung naging ka group ko , kaming tatlo nila khai, lucas at ako.

Khai's pov

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil nakagroup ko si Noah kaso kagroup din namin si lucas , Sana ito na yung timw ko para aminin kay noah yung nararamdaman ko sa kanya.

[after 1 week]

"Lucas , kailan ba tau maguumpisa ng research natin , kailangan nanatin matapos to dahil next week na pasahan neto"

"Edi umpisahan nanatin duon narin tayo gumawa sa library para makahanap rin tau ng libro atsaka diba may wifi sa library , dun narin tayo mag search"

"Ah sige , mauna na ako sa library tawagin mona rin yung isa nating ka group"

"sige , atsaka bibili narin ako ng pagkain natin"

"huh? diba hindi pwede yung pagkain sa loob ng library?"

"Oo alam ko pero nagugutom ako eh"

"loko ka talaga"

Nauna na nga akong pumunta sa library at kumuha narin ako ng libro upang habang hinihintay ko sila ay nagbabasa narin ako about sa topic namin. at biglang dumating si Khai pero hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko yung pagbabasa ko kaso napatigil ako sa pagbabasa nang umupo sya sa tabi ko at kinakusap ako.

"Kamusta kana Noah?"

"Ayos lang namn, kumuha ka na lang ng libro dun about sa topic natin"

"Bago muna yun, may gusto lang akong sabihin sayo"

"Ano yun? Paki bilisan nalang"

"kasi diko mapaliwanag yung nararamdaman ko , lagi na kita iniisip , lagi na kitang hinahanap, parang gu…"

Hindi narin natuloy yung sasabihin ni Khai dahil biglang dumating Si Lucas at may dala-dala nga na Pagkain, loko talaga to.

"Noah gusto mo ng Fries at Milktea"

"Wag na, sayo na yan"

"Eto na , Nahiya kapa binili ko talaga sayo to"

"Ayaw nga ng tao eh , pinipilit mo pa"

bigla kinuha Ni Khai yung Milktea kaso pumalag si lucas at pilit binabawi Hanggang sa matapunan ako ng milktea.

"Ano ba kayong dalawa? Ano bang problema nyo , kung may problema kayo wag nyoko ko damay , kainis nabasa tuloy pants ko"

"Ano bang problema mo khai? nakita mong binibigay ko nga yun kay noah eh pilit ko pang kinukuha"

"eh ayaw nga ng tao eh , pinipilit mo pa"

"Pake mo ba"

"Mr. Lucas at Khai , Go to the principal's office now"

dahil sa nangyare , di na namin naumpisahan yung research namin at napagalitan pa nga, kainis kasi yung dalawang to.

"Tamo ginawa nyo khai at lucas, wala tayong nagawa ni isa? tas nabasa pa yung damit ko".

at sabay pa talaga sila nagabot ng panyo, nangaasar ba talaga sila? kaya wala akong nagawa kundi iwanan sila dun para magbihis.

dumiretso nako sa cr para magbihis nang biglang may pumasok bigla na isang lalake sa cr , kala ko ay gagamit lang sya ng cr kaya hinayaan ko nalang sya, nang bigla siyang pumunta sa direksyon ko at nakatingen sakin ng masama , nakahubad pa namn ako dahil nagpalit nga ako ng damit ko. bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

"Kuya Ano po yung ginagawa nyo?!"

hinawakan nya yung mga kamay ko ay nagaakmang hahalikan ang leeg ko ngunit bigla ko namn itong natulak. Sigaw ako ng sigaw ng saklolo, pumapalag ako sa kanya nang bigla nya akong suntukin sa sikmura kaya hindi na ako nakapalag ipagpapatuloy pa nya ang kanyang balak , ngunit narinig ko ang boses ni Lucas kaya sumigaw ako , kaya sinipa ni Lucas ang pinto kaya nabuksan , at hindi natuloy ang binabalak ng lalakeng bastos nayun, Hindi ko manlang kilala kung sino yung lalake nayun, tinakpan nalang din ako ng polo ni lucas ang katawan ko papalabas dahil nakahubad nga ako. Nang nakita ko si Khai na nakatingen sakin na parang naawa , ngunit mas lalong natuon ang attensyon ko sa mga tao na nakapalibot sa akin , Diko inaakala na pati pala mga lalake ngayon ay pinagsasamantalahan na , akala ko ay ang mga babae lang ang nakakaranas, ngunit hindi rim nila deserve na pagsamantalahan ng mga masasamang tao nayun.

Ambilis talaga ng oras , maggabi na at uwian narin namin, ang daming nangyare sa araw nato , hindi ko kinaya at nang papauwi nako nakasalubong ko si lucas.

"Noah , papauwi kana rin ba? sumabay kana sakin"

"Wag na, kaya kona magisa"

"Sumabay kana Gabi na oh baka may gawin nanamn sayo "

"Wala namn nayun eh , pina guidance na"

"Kahit na noah, wag kanang makulit".

at bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinatak papalabas.

nuong nasa labas na kami may nakita akong isang lalake sa dilim na may sinusuntok , at yung sinusuntok niya ay nakahiga na kaya naisipan kong puntahan para awatin , at nakita ko na si Khai pala yun, pinagsusuntok nya yung lalakeng muntik na gumahasa sakin.

"Khai tama na!!"

"Hindi ko titigilan yung manyak na lalaking to"

"Ano baa tama na khai, lahat nalang pinapakealaman mo!!"

"concern lang ako sayo."

"diko kailangan ng concern mo , kaya tigilan mo na yung lalake nayan."

at biglang pinulot ni khai yung bag nya at umalis na parang galit sakin, hindi namn diba masama yung sinabi ko diba, kelan pa sya nagkaroon ng concern sakin eh sinaktan nya nga ako ng paulit ulit , kaso naisipan ko na ichat sya para kamustahin sya dahil nakita ko yung kamay nya na nagdudugo kakasuntok sa lalakeng yun , okay lang kaya sya.

"Khai Kamusta kana , magaling kana? sorry ah"

"ayos lang yun tama ka namn eh dapat di ako nangengealam"

"Sorry talaga may cream ako dito para sa sugat"

"okay lang meron ako dito , thank you , sa susunod magingat kana ah"

bat parang nagiba na sya nagkaroon na sya ng concern sakin.

khai's pov

yung sakit ng kamay ko biglang nawala nung kinamusta ako ni noah, ganun ba talaga yung love, dapat diba malungkot ako dahil may sugat yung kamay ko , bat nakangiti ako ngayon , eto ba yung epekto ng isang noah.