webnovel

Chapter 5

LORIE

Shocks!

Di ko namalayan ang oras. Napasarap ako sa pagligo.

Dali dali akong nagbihis ng uniform. Saglit lang na sumilip sa salamin at lumabas ng bahay. Basa pa nga ang buhok ko eh.

Palabas nako ng kanto ng makasalubong ko ang kumag na feeling hot.

Uminit na naman ulo ko.

Kumukulo dugo ko sa lalaking to.

Ang sarap sampalin at himas himasin ang abs.

"????? ,himasin ang abs?" napakagat labi ako sa naisip.

"Come on Lorie, di ka mahinang nilalang..Wag kang maging marupok. Tutulad kaba sa nanay mo at ate mong niloko lang ng mga lalaki?" bulong ko sa sarili.

Di ko namalayan. Nakatayo lang pala ako na parang tuod sa daan. Na waring hinihintay lagpasan ng lalaking ito na gumugulo sa inosente kong pagkababae.

Nahimasmasan ako nang marinig ko ang pagasgas na paglalakad ng lalaki.

Waring gustong gusto nitong mapansin.

"KSP ang gago!"

Nagkatitigan kami ng isang metro nalang ang layo nito sakin.

'Shet ang ganda ng mga mata nya! Brownish na yellowish kapg nasilayan ng araw!'

'Lumalandi ka n nman Lorie.'

Kinurot ko ang aking hita para bumalik sa katinuan at makalayo sa kagagahan.

Napataas kilay ko nang nakita kong napaismid ang lalaki.

Napatingin ulit ako sa mga matang waring nagsasabing: "Pogi ko noh?"

Uminit ulo ko. Napasimangot at kumaripas ng lakad palayo. Hindi na ako lilingon. Baka lalo pa lumaki ang ulo ng kumag. Isipin pa nya crush ko xa.

Yuck! Over my dead sexy body!

Saglit akong dumaan sa 711 store para magpaalam at saka tumalima papuntang university.

Excited na parang mejo kinakabahan.

Ganto ata ang first day of school.

Pero kakayanin para sa nanay at ate ko plus new pamangkin ko.

Napangiti ako. Sila ang aking inspirasyon para lalong maging matatag, at pursigido. Maitataguyod ko din ang pamilya ko.

Tiningnan ko ang aking sched para hanapin kung saan ang aking room.

Madaming studyante ang university infernez!

Iba't ibang itsura.

May sosyalin,

-may parang di naligo

-may nerd

-may tila pokpok na mga babaeng pulang pula ang lipstick at pinaikling mga palda.(Juskoday!) mapapangiwi kanalang.

Meron ding mga nakavarsity jacket na lalaki. Sa gitna nila ata ang nag-iisang mejo may kapogian na lalaki at nakapaligid na ang mga aliping walang itsura.

Pare pareho lang naman sila! Kahit pangit, anlalakas padin ng loob manloko ng mga babae!

Sinusumpa ko silang lahat!

Tinuon ko nalang ang aking mga mata sa daan. Paibaba ako tumingin. Ayokong makipagpalitan ng sulyap sa mga students na aking makakasalubong.

Sinuot ko ang aking sumbrero at pasulyap sulyap sa name ng room na aking nadadaanan.

Sa 3rd floor pa pala ang aking room for my first subject.

"Ouchy!!!!"

narinig kong tili ng isang palakang tila prinito ng buhay.

'Shocks may naapakan pala akong paa.!'

Napalingon ako sa mukha ng may ari ng paang aking natapakan. Mukhang paa din sya, charot!

Infernez sa mukha nito. Maganda. Mamulamula ang lips na may kunting bahid ng liptint. Makakapal ang kilay at mahahaba ang pilikmata.

Ah, produkto sya ng isang sanibpwersa mula sa pinay at kano.

if not mistaken, fil-am ang lukaret.

"Ay sorry miss. Diko sinasadya." paghingi ko ng paumanhin. Nakasimangot ang loka loka at nakataas ang kilay.

Sa gilid nito ang tila mga alipores nito na di mga kagandahan, pinaputi lang ng aircon.Sila yung kapag umitim, papangit na.

"Hoy girl. Kung tumitingin ka sana sa daan, di ka makakaapak ng tao. Tingnan mo nga ang shoes ko. Ke bago bago, nadumihan na agad. Kaya mo ba bayaran yan?" shocks, parang inipit na palaka talaga boses nya. Di bagay sa mukha nya. Pinilit kong di mapatawa.

"At ngumingiti kapa dyan?" nanlisik mga mata nito at biglang kinapitan ang collar para hilahin palapit sa kanya.

"Ay hindi po. Smiling face lang talaga ako. Pasensya na tlga. Pupunasan ko nalang shoes mo." sabi ko at akma nang yuyuko para punasan ng panyo precious shoes ng lukaret.

Pero sinipa nya ang aking kamay.

Maldita talaga ang loka loka.

Sakit nun ah.

"Wag na! Baka pa lalo madumihan. Baka kung anung virus pa ang meron dyan sa panyo mo!" sabi nitong nakangiwi na halatang diring diri. Kumuha ito ng alcohol sa bag at nag spray sa kamay. Pati ako insprayan ng babaetang ito.

Tumakip ako ng ilong.

Kunti nalang, bibigwasan ko ang babaeng to eh.

Kasama ang mga chakang mga kasama nito na parang aso kung ngumuya ng gum.

"Sor..." di ko natuloy ang sasabihin nang biglang magsalita ang isang kasama nito.

"Cheska! Si crush mo nandito na. Ayun!Ayyy!!!" kinikilig pa nitong sigaw.

Sumigaw din ang isa pang kasama nitong parang chipmunks.

"Gosh, ayusin mo damit ko dali!" pag utos ni Cheskang maldita sa mga kasama nito.

Pagtapos ay tumalikod na sila sakin para tumakbo patungo sa kumag na iniidolo nila.

Ilang metro palang layo nito nang lumingon sakin at sumenyas ng kamay na- di pa tayo tapos! Babalikan kita.

'Shet kinabahan ako!'

Neknek mo!

Paismid akong tumalikod narin para pumunta sa room ko.

Sana di maging hassle first day ko.

Gusto ko lang naman mag-aral.

Okay lang kahit di ako pansinin ng kahit sino....or maging invisible ako sa iba.

Haysss!