webnovel

Chapter 2: Maid Of Mr. Yu

AZ's POV

Natapos na ang shift ko sa Minaze Cafe, ngayon ay sa Lee Family's Cafe naman ako magtatrabaho. Pansamantalang employee lang ako do'n dahil hindi pa bumabalik ang isa nilang employee. Pero kahit papano ay nakatulong naman ito sa'kin, salamat kay Jave.

Si Jave o Jave Daven Lee ay ang nagiisang lalaking anak ng mga Lee. Matalik ko siyang kaibigan simula dati pa, kaya siya ang pinakaclose ko. Pwede ko rin sabihing siya ang boybestfriend ko.

Close ko rin ang mama at papa niya na si Tita Rhaine at Tito Jason.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si tita Rhaine na nakaupo sa dalawahang table at nakapaglumba, mukhang mallim ang iniisip dahil hindi niya ako napansin. Nilapitan ko siya at nakiupo muna, wala naman sigurong masama kung lumapit muna ako kay Tita diba?

"Hi po Tita Rhaine!" Masiglang bati ko na ikinagulat niya. May naaninag akong lungkot sa mga mata niya, ano kayang problema?

"H-hello AZ" Matamlay na bati nito. Nakakapagtaka dahil first time niya akong batiin na matamlay. Tuwing darating kasi ako dito ay palaging full energy si tita.

"Tita, ayos lang po ba kayo?" Tanong ko. Sumeryoso siya at tumitig ng diretso sa'kin. Anong nangyayari?

"AZ, may sasabihin ako sa'yo" Saad nito. Hindi pa'rin maalis ang seryosong expression nito. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.

"Ano 'ho yon tita?" Nakita ko ang pauit-ulit na lunok ni tita na mas nagpakaba sa'kin. Hinawakan niya ang kamay ko at bumalik ang lungkot sa mga mata niya.

"AZ, ah...k-kasi..bumalik na si...Clare..." Nakayukong tugon nito. Nagulat ako sa sinabi niya. Bumalik na si Clare? Ibig sabihin...

Hindi na ako magtatrabaho dito?...

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ni tita. Pa'no na 'to? Mahihirapan akong humanap ng trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pagaaral...

"Pero, h'wag kang magalala. Si Mr. and Mrs. Yu ay naghahanap ng maid para sa anak nila" Dagdag ni tita na nakapagpukaw ng atensyon ko,

Maid?

Tumango-tango naman ako sa sinabi ni tita. Nakita kong may nilabas siyang papel sa bulsa niya at inabot ito sa'kin "Kung interesado ka ay puntahan mo lang 'yan. Dyan nakatira ang mga Yu, pasensya na ulit AZ"

Ngumiti ako sakanya at tumango, nagpasalamat at nagpaalam muna ako kay tita bago umuwi.

Sana pumayag si mama...

"Ma!" Tawag ko kay mama na kasalukuyang tinuturuan si Jay at Greylyn sa kanilang takdang-aralin.

"Anak? Napaaga ka ata?" Tanong nito saakin. Nagmano muna ako sakanya at napakamot sa batok ko.

Kwinento ko kay mama ang lahat. Walang labis, walang kulang, kompleto. Nang mabanggit ko ang trabahong sinabi saakin ni tita ay napaisip muna si mama,

"Sige anak...basta sasamahan kita doon ha?" Ngumiti ako at tumango bilang sagot.

The Maid of Mr. Yu? Hmm..

I like that!

***