webnovel

Chapter 1: The Beginning

The Beginning

AZ'S POV

Dala-dala ko ang mga pinamili ko. Ang aga-aga inutusan agad ako? Hanep ah!

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako agad ni mama at kinuha ang mga pinamili ko. Pagkatapos no'n ay dumeretso ako sa kwarto para magpalit.

Ako nga nga pala si Angelica Zarina Rivera. AZ for short. 21 years old na ako. Hindi na ako nagaaral dahil kapos sa pera. Nagtatrabaho nalang ako sa Minaze Cafe. Ewan ko nga kung bakit Minaze eh, weird!

Sa ngayon ay ako ang inaasahan ng pamilya ko. Kung nagtataka kayo kung bakit hundi ko binabanggit ang papa ko, well ngayon binanggit ko na.

Iniwan na niya kami, sumama na du'n sa bwisit na kabit niya. Kagaguhan!

Kaya ako nalang ang nagtatrabaho, hindi na'rin kaya ni mama dahil siya ang gumagawa ng gawaing bahay. Mas uunahin ko pa ang mga kapatid ko kesa sa sarili ko'ng gusto.

Nagsuot ako ng maluwag na grey shirt at black pants. Isa sa mga ayaw ko ay ang nagsuot ng dress o maiikling damit.

8:09 AM palang kaya sobrang antok pa ako. Tiniis ko nalang dahil may pasok pa ako ng 12:00. Narinig ko'ng tinawag na kami ni mama upang kumain, lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa hapag kainan.

Pagdating ko doon ay nakita ko si Greylyn, ang bunso sa'min at si Jay na gitna sa aming magkakapatid na nakaupo na. Umupo na ako at nagdasal muna kami bago kumain.

Gumigising sina Greylyn at Jay dahil may pasok sila ng 12:00 din. Bale si mama na ang maiiwan upang gumawa ng gawaing bahay.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan namin. Sobrang pagod na ang katawan ko dahil kadalasan 11:00 o 12:00 na ako umuuwi ng bahay dahil may trabaho rin ako sa gabi at 7:30 AM na nagigising. Pero wala akong magawa, kung hindi ako magtatrabaho ay mahihirapan kami at wala kaming pambili sa pang araw-araw na kailangan namin.

Pagkatapos kong maghugas ay tinulungan ko na'rin si mama sa gawaing bahay, habang sina Greylyn at Jay ay naghahanda na para pumasok.

9:30 AM na ng matapos kami ni mama. Ito namang mga kapatid ko, hindi makapagantay. Aba! Eh halos sabay nga lang kami ng pasok. Tsk!

Una kong hinatid ang mga kapatid ko bago ako pumasok sa trabaho. Medyo natagalan ako dahil matraffic.

Pagpasok ko sa Minaze Cafe ay nagpalit na muna ako ng uniform. Pagkatapos ko'ng magpalit ay nakita ko'ng busy sila kaya tumulong na agad ako.

"AZ! Paki serve na nga 'to sa table #3"  Nagmamdaling utos ni Reign. Tumango ako at hinanap ang table #3.

Pupunta na sana ako ng may nakabungo sa'kin...

Arayyyyy--------! Bwisitt naman oh!

Natapon ang cake sa'kin at may kakaunti ri'ng natapon du'n sa lalaki. Peste!

"What the fuck?" Iritadong mura ng lalaki. Sinamaan niya ako ng tingin pero halata sa itsura niya na gusto niyang mag iwas ng tingin.

I-wawhat the fuck ko 'yang mukha mo, bwisit

Naaninag ko sa gilid ng mata ko na tumatakbo si Reign at Irish paplapit sa gawi namin. Nagaalala nila akong tinignan,

"Bes AZ, okay kalang?" Alalang tanong ni Irish sa'kin. Si Reign na ang kumausap du'n sa nakabangga sa'kin at humingi nalang din ng sorry. Tsk! Gwapo sana kaso parang demonyo, pffft----

"Sorry po ulit ser" Paghihinging paumanhin ni Reign du'n sa lalaki. Iritang tumango lang ito at lumabas na.

"Sungit" Bulong ko.

***

Isang napakanormal na araw lamang para kay AZ. Ngunit hindi niya aasahan na may makabungguan siya. Sino iyon? Malaki ba ang mababago nito sa buhay niya?

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Like it ? Add to library!

BinibiningEmWPcreators' thoughts