webnovel

The Love of My Life.

Kwento ng isang pangkaraniwang babae na nagmahal sa isang lalaki. Matupad kaya ang pangarap niya na makasama habang buhay ang lalaking ito.

rhedd · ย้อนยุค
เรตติ้งไม่พอ
8 Chs

Chapter 4

Palibhasa pang gabi ang trabaho ko kaya sa araw ako natutulog. Alas dos na ng hapon ng gisingin ako ni Tiya. May bisita daw ako na di nya kilala.

Inaantok akong lumabas ng kwarto, ni hindi pa nga ako nakakasuklay ng buhok.

"Pasensya na, naabala ko ata ang pagtulog mo." nakangiti mong bati.

Nagulat talaga ako malay ko bang ikaw ang bisita ko. Para tuloy gusto kong mahimatay sa sobrang kahihiyan. Lalo na ng makita kong kinarga mo ang anak ko.

"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" barino kong tanong. "Sinundan ko ang tricycle na sinakyan mo kagabi."

"At bakit mo naman ako sinundan?"

"Dahil gusto kong malaman kung saan ka nakatira at siguraduhing safe kang nakauwi."

Niyaya mo kaming mamasyal ng anak ko. Ibinili mo kami ng mga gamit pagkatapos ay ikinain mo kami sa isang restaurant.

"Gwapo ang anak mo."

"Mana yan sa tatay nyang half japanese." sabi ko.

"Nasaan ang ama ng bata?" seryoso mong tanong.

"Malay ko, magmula ng ipinanganak ko si Max hindi na nagpakita ang ama nya." sagot ko. Nahalata kong natuwa kasa nalaman mo.

"Ilang taon kana baby?" tanong mo sa bata.

"Two." sagot ni Max.