webnovel

Chapter 14: Valerie Mae Legazpi

Natigilan sa paglalakad si Shaina nang makita niya ang isang babae na tinutukoy ng kanilang maid kanina. Biglang pumasok sa isip ng dalaga ang mga pictures na nakita niya sa kanyang kwarto.

"Hello, my bestfriend. Long time no see." Masaya siyang binati nito at niyakap nang mahigpit. "How are you?"

Hindi pa rin makapagsalita si Shaina ngayon na sa kanyang harapan ang kanyang matalik na kaibigan. Wala siyang alam na mayroon pala siya naging kaibigan noon at higit sa lahat best friend pa. Kaya na lang naroon ang ibang pictures ng babae kasama siya sa kanyang silid.

"Hindi mo pa rin ba ako naalala? Anyway, I will introduce myself again. Ako si Valerie Mae Legazpi." Pahayag nito sa kanya. Hindi makakapagsalita si Shaina dahil naninibago pa rin siya rito."Naalala mo na ba?" Napangisi ito.

"Well, Tita have told me that you have an amnesia."

"Maupo na lang muna tayo." Iyon na lang nasambit ng dalaga bilang sagot kaya napangisi si Valerie sa kanya. "Magpapahanda na rin ako ng snacks natin."

Bakas pa rin sa dalaga ang pagkakailang kay Valerie. Hindi siya kumportable. Oo kaibigan nga niya pero hindi pa rin siya sanay sa presensya nito.

Naghanda ang isa sa maids nila ng makakain at nilapag ang mga ito sa table.

"Thank you." Nakangiting saad ni Valerie pero sa ganoong expressions ng kanyang mukha ay salungat ito. Nakatago sa likod ng maskara ang lahat ng insecurities na nararamdaman nito sa kanyang matalik na kaibigan. Mas natutuwa nga siya dahil wala na itong naalala tungkol sa nakaraan.

"You are welcome." Nakangiti rin na sambit ni Shaina.

"Kamusta ka nga pala? Magkwento ka naman." Ito ang isa sa paraan para malaman ni Valerie ang tungkol sa nagaganap sa buhay ng best friend niya. Madali na lang sa kanya lahat gawin ang mga bagay-bagay.

"Mayroon ka bang iba na ipinagkakaabalahan ngayon?" Nais niya malaman kung ano ang naging karera ni Shaina dahil noon naging sikat na modelo ito at itinitingala ng karamihan pero ngayon iba na dahil marami ng nabago. Mas nakakalugod sa kanya ito dahil nasa kanya na ang atensyon ng lahat pati kasikatan.

"Marketing manager ako sa company namin." Hindi big deal ito kay Valerie dahil isa lang naman pala simpleng empleyado ang kaibigan habang siya ay sikat na sikat at kumikita ng malaking pera.

Sa kanilang pag-uusap nabigo pa rin si Valerie. Hindi magawang magkwento sa kanya ni Shaina. Pilit niya lang maging maayos pa rin ang mood niya sa harap nito.

"I am sorry. Matagal rin kasi tayo hindi nagkita kaya naiilang ako makipag-usap." Nahihiyang tugon ni Shaina. Hindi siya kumportable. Kahit sabihin pa niyang kaibigan ito, iba ang dating sa kanya lalo na nawala lahat ng kanyang alaala at ngayon niya lang din nakita si Valerie sa isang taon siyang nawala.

Isang oras lang tinagal ni Valerie sa mansion at naisipan na rin niyang umuwi. Naiinip na rin siya. Maya-maya pa ay nakarating siya sa kanyang bahay na tinitirhan. Nagsarili siya at buong loob na tinanggap ito ng kanyang adopted parent. Dinadalaw niya rin mga ito kapag may oras at kapag kagustuhan rin ng dalaga.

Pagkabukas niya ng ilaw ng bahay, nagulat siya nang makita na naroon si Brixton at maayos ang pagkakaupo nito.

"Why are you here? Hindi ka nagpasabi na pupunta ka." Gulat pa ring saad ni Valerie sa binata.

"Saan ka galing?" Hindi mapalagay si Valerie sa naging tanong sa kanya nito.

Napailing-iling siya sa paligid. Ayaw ni Brixton na magkita sila ni Shaina dahil may possibilidad na si Valerie ang maging daan pa para makaalala ang kaibigan at masira ang kanilang plano.

"Sa mall." Pagsisinungaling niya.

"Liar." Sarkastikong saad ni Brixton. "Nagpunta ka kay Shaina di ba?"

Hindi mapakali ang dalaga sa kanyang kinatatayuan.

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo para puntahan siya? Di mo ba iniisip na maaaring bumalik ang alaala ni Shaina kapag nakita ka niya?" Patuloy siyang sinisermonan ng nobyo dahil nagsarili siyang plano.

"Relax. Impossible 'yang sinasabi mo, Brix." Pilit na lang nito pinapakalma ang binata.

"Impossible?" Ngumisi pa ang lalaki.

"Listen. Kung nakita mo lang ang reaksyon niya kanina nang makita ako at kung paano niya akong kausapin. Impossibleng ganoon na lang kadali maalala niya lahat." Hinawakan ng dalaga ang balikat ni Brixton na pilit kinukumbinse ito na tama pa rin ang kanyang ginagawa.

"Matalino si Shaina." giit ni Brixton.

"Pero madali pa rin siya maloko." giit naman ni Valerie. "Trust me, babe. Ginagawa ko lang 'to para sa atin." Tumititig ang dalaga direstso sa mata ng binata. "Walang naalala si Shaina tungkol sa kanyang nakaraan. As in wala. Blanko siya."

Napabuntong-hininga si Brixton hudyat na naniwala na siya sa sinabi ng nobya. Kailangan niyang pagkatiwalaan rin ang plano nito.

Mga ilang sandali pa ay kaagad niyang sinunggaban ang labi ni Valerie kaya nabigla ang dalaga. Pinatay nila ang ilaw para dilim ang bumabalot sa kanila.

Samantala, si Shaina ay panay tawag sa kanyang boyfriend subalit ito sumasagot. Third attempt na niya ito kaya di niya maiwasan makaramdam ng inis sa binata. Napakagat-labi siya habang iniisip ang gagawin hanggang sa tumunog ang kanyang phone. Hinala niyang si Brixton ang nag-text sa kanya subalit si Ralph lang pala. Tinignan niya lang 'yon at di sinagot.

Nagtungo muna si Shaina sa banyo para maghilamos matapos niya kumain ng dinner at muling naupo sa kanyang kama. Nakatanggap siya ulit ng texts kay Ralph Miguel.

"Hindi ba siya napapagod magtipa ng cellphone niya?" Naiirita niyang saad dahil sa sunud-sunod na messages na ipinadala ng binata sa kanya.

Mga ilang sandali pa ay tumawag pa ito. Umirap siya bago niya sinagot ang tawag.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Bungad ng binata sa kanya. Ngayon lang nakita ni Ralph na nakasimangot ng ganito si Shaina.

"Wala 'to." Alam ni Ralph na nagsisinungaling ang dalaga sa kanya pero di na niya pinilit pa itong magsalita para ipaliwanag sa kanya ang nangyari. Sino ba naman siya? Wala siyang karapatan. Hindi naman siya kaibigan ng dalaga.

"Ok." Maikli na lang niya na sagot.

"Bakit ka pala napatawag?"

"Naghahanap ng makakausap?" Sandaling natigilan si Shaina sa pag-iisip kay Brixton sa naging sagot ni Ralph sa kanya. Hanggang ngayon nagtataka siya na biglaang nagbago ang treatment nito sa kanya. Iniisip niya na baka naawa lang ito sa kanya.

"Bakit, mga kapatid mo di mo kausapin?" Pangsusupla niya kunwari sa binata.

"Tulog na sila kasi napagod kakagawa ng assignments nila." Napangisi si Ralph habang sinasabi 'yon.

"Ah. Himala kasi. Ako ang gusto mong makausap. Di ba ayaw mo sa tulad ko?" Tanging pagngisi lamang ang nagiging sagot ng binata kay Shaina. "Inaaway mo nga ako noon eh? Sinisigawan...tapos ngayon bigla na lang bumait. Nakakapagtaka."

Muling natawa si Ralph sa mga sinasabi ni Shaina.

"Anong nakakatawa?" Tumigil na rin ang binata sa huli dahil naging seryoso na rin ang dalaga sa kanya.

"May dalaw ka ba ngayon kaya mainit ang ulo mo?" Pambobola niya kay Shaina dahilan para mas mairita pa ito.

"Fine. Tatapusin ko na 'tong tawag."

"Huwag..." pigil sa kanya ni Ralph. "Heto seryoso na. Gusto ko lang naman makipag-friends sayo. Masama ba 'yon?"

"Matutulog na'ko." Seryoso ring tugon ni Shaina.

"Ok." Walang nagawa si Ralph para pigilan ang dalaga. Hinayaan na lang niya ito.

Lumipas ang ilang minuto, nanatili lamang tulala ang binata habang nakahiga siya sa kama. Iniisip pa rin ang nangyari kanina.

"Ito na siguro ang karma ko." saad niya sa kanyang sarili. "Sa mga ginawa ko sa kanya dati. Naging bitter ako."

Hindi mapakali ang binata sa kanyang hinihigaan dahil kakaisip sa mga bagay-bagay.

"Bakit hindi na siya maalis sa isip? Bakit ganito ako mag-alala sa kanya? Baliw na siguro 'to." Nakakatawang saad ng binata sa kanyang sarili.

Mga ilang sandali nakaramdam na rin siya ng antok kaya unti-unti na niyang pinikit ang mga mata.

Samantala, nagising si Brixton dahil tumama sa kanyang mata ang sinag ng araw. Napansin niyang nasa tabi nito si Valerie. Magkatabi silang natulog. Binuksan niya ang phone at bumungad sa kanya isang katutak na missed calls at text messages ni Shaina. Sa halip siya ay magulat hindi niya pinansin iyon.

Bumangon siya at dumiretso ng kusina para humigop muna ng kape bago makauwi ng kanilang bahay. Wala na siyang balak pang gisingin ang girlfriend dahil puyat din ito at kailangan ng tulog.

Sinundo niya si Shaina pagkatapos ng trabaho para makabawi rito dahil ilang araw din siya di nagpakita sa dalaga.

"I am sorry kung ngayon lang kita nasundo. Sobrang busy ko kasi sa work." Pagsisinungaling pa ni Brixton at walang ideya rito si Shaina na niloloko lamang siya ng lalaki.

"Ok lang..." walang gana ring sagot ni Shaina sa kanya kaya agad niya itong hinarap.

"Is there anything wrong?" Tanong ni Brixton.

"Nothing." Hindi siya nililingon ng dalaga.

"Bakit parang ayaw mo akong kausapin?"

"May dapat pa ba akong sabihin?" Napailing saglit ang binata bago muling magsalita.

"Shai..."

"I am just tired. Gusto ko ng umuwi." Ngayon, napagtanto ng binata na nagtatampo si Shaina sa kanya dahil di sa pagsagot niya sa mga tawag at mensahe ng girlfriend maging sa pagiging madalang niya pagsundo sa dalaga. Kailangan niya makaisip ng paraan para paamuhin ito.

"Gusto mo bang kumain muna tayo?"

"Wala akong gana." Nakatitig lang ito sa labas na dati humaharap sa kanya kapag nakikipag-usap.

"Saan mo gusto magpunta?" Muli pa niyang tanong rito baka sakaling kausapin na siya nang maayos ni Shaina.

"Gusto ko nang umuwi. Wala ako sa mood." Napapikit na siya sa sobrang inis na nararamdaman. Bakit hindi niya magawang paamuhin ang babae na ito ngayon?

"Shai...." pilit niyang maging mahinahon pa rin ang kanyang boses.

Pinaandar na muna niya ang sasakyan para maihatid na ito sa kanilang bahay. Walang imikan sila habang binabaybay ang City of Puebla na kung saan taga-roon ang dalaga.

Nang makarating na sila roon, walang imik na binuksan ni Shaina ang pinto ng kotse nang bigla siyang ninakawan ng halik ni Brixton kaya muli nagsara ang pintuan. Hindi nakatanggi pa ang dalaga. Muling namutawi kay Shaina ang tuwa nang maramdaman niyang nag-alala sa kanya ang boyfriend nito.

"Are you ok now? Papansinin mo na ba ako?" Tanong ni Brixton pagkatapos.

Tumango lang ang dalaga saka muli siyang hinalikan ng binata.

"Papansin mo na ba ako?"

"Oo naman." Nakangiting tugon ni Shaina habang magkalapit pa rin ang kanilang mukha. "Nagtatampo lang kasi ako na ilang araw ka na walang paramdam." Napangisi ang binata. Sa wakas, muli niyang napaamo ang dalaga. "Hindi mo man lang ako naalalang i-text."

"Di ba sabi ko naman sa'yo kanina, marami akong inaasikaso?"

Pero ang totoo kasama niya si Valerie sa bahay nito at kung sabay silang kumakain na dalawa sa labas.

"Ok na dahil pinaramdam mo sa akin na mahalaga ako sa'yo tanggap ko na." Nakanguso pang sambit ni Shaina na mas ikinalapad pa ng ngiti ni Brixton.

Masasabi niyang matindi ang tama sa kanya ng babae kaya mas malaki ang pagkakataon na masasagawa niya ang plano na kunin ang loob nito. Kapag nakasal siya rito, magiging bahagi na rin siya ng kumpanya at halos ng kikitain nito mapupunta rin sa kanya. Kukuhanin niya lahat iyon hanggang sa bumagsak ang negosyo nila at mapunta sa kanila ang kita para sa business na ipinundar ng kanyang magulang pagkatapos makikipaghiwalay siya sa babae.

"Pinakaba mo ako, mahal. Akala ko hindi mo na ako kakausapin." Kunwari siyang nagtatampo rito.

"Sige na. Kailangan ko ng lumabas. Mag-iingat ka na lang." Nakangiti nang saad ni Shaina. Ilang segundo pa ay bumalik siya sa sasakyan at sinunggaban ng halik si Brixton. Mas pinatagal niya iyon dahil labis ang kanyang pagka-missed sa binata.

Pagkatapos ng ihatid ng binata si Shaina sa bahay nito, nagtungo siya ulit sa lugar na kung saan ipinagdausan ang award para kay Valerie.

Ginawaran ito ng "Most Sexiest Woman in Asia". Nagpalakpakan ang lahat kabilang siya.

"Thank you so much for trusting me. Kung hindi po dahil sa inyo, wala ako ngayon at hindi ko mahahawakan ang trophy na 'to." Ipinakita ng dalaga sa lahat ang hawak niyang trophy na iginawad sa kanya.

Isa ito sa mga opportunities na hinihintay niya noon subalit nabigo siya dahil sa kanyang kaibigan na si Shaina Pauleen na karamihan sa kanya ang atensyon ng karamihan. Ngayon, siya na ang itinangala at kinilala ng mga tao bilang isa sa sikat na model sa bansa.

Nagkaroon ng salu-salo sa kanilang tahanan na ipinaghanda ng kanyang adoptive parent.

"Bakit late ka na pumunta sa awarding ceremony?" Panenermon nito kay Brixton.

"May pinuntahan lang ako." Pagsisinungaling niya dahil di pwedeng sabihin na nakipagkita siya kay Shaina. Magsiselos lang ito at di gagana ang plano.

"Bakit may naaamoy akong pabango ng babae sa polo mo?"

"Val naman."

"Huwag mong sabihin nakipagkita ka sa babaeng 'yon kaysa sumipot nang maaga sa awardee?"

"Ssshh, kalma lang ok? Parte iyon ng plano. Huwag ka mag-alala ikaw ang mahal ko." sabay pisil nito sa ilong ng babae. "Kumain ka lang muna nang marami. Namamayat ka na ng husto." Dagdag pa niya habang nilalantakan naman nito ang alak.

Nagpaalam na rin silang dalawa kina Mrs. and Mr. Legazpi para makauwi.

"Mom and Dad, see you po next time." saad ni Valerie sabay halik sa pisngi ng kanyang itinuring na magulang.

"Ingat kayo sa pag-drive." Bilin sa kanila ng ama ng dalaga.

"Don't worry po, Tito. Ligtas pong makakarating ang anak niyo sa bahay niya."

Mas malayo ang mansion na ito sa pinagtatrabuhan ni Valerie. Isa ito sa mga dahilan kaya pumili siya ng isang apartment na mas malapit sa H&G Modeling Entertainment.

Nang makarating na sila roon, itinuloy pa muli ang selebrasyon. Muli silang nagsalin ng alak sa baso.

Maglalakad na sana patungong kusina si Valerie nang bigla siyang hapitin sa baywang ni Brixton at ginawaran ng halik sa labi. Habang sila'y naghahalikan bigla naman tumunog ang cellphone ng binata.

"Brix, please answer the phone." sambit ni Shaina dahil ilang segundo na siyang tumatawag pero di sinasagot ng binata. Inulit pa niya ito subalit nabigo siya.

Napahiga na lang siya sa kama hanggang siya ay makatulog. Pagsapit ng alas-dose biglang nanaginip si Shaina. May nakikita siyang imahe pero blurred pa mga ito kaya hindi niya makita. Paulit-ulit na umaarko sa kanyang panaginip ang bagay na iyon hanggang siya'y nagising at hingal na hingal na umupo sa gilid ng kanyang kama.

Binuksan ang cellphone at nagpadala siya ng mensahe sa kanyang doktor.

"Sure. I'll be available at 10:00 tomorrow morning." sagot nito sa kanya.