webnovel

CHAPTER FOUR

"Sakuragi mamaya ikaw ang mapepresent sa client natin." sabe ni Dai kay Sakuragi.

"Bakit ako boss wala akong alam sa present present na yan basketball lang alam ko eh." sabe ni Sakuragi at natawa nalang ang secretary ni Moroboshi na si Mabelle.

"Alam mo ba kung sino ang kakausapin nating client siguradong magugulat ka kapag nakita mo sya." ngiting sabe ni Dai.

"Baka si Bakulaw o si Gori ang client namin naku naman." mahinang sabe ni Sakuragi.

Samantala natapos naman ang meeting nila Maki kay Rukawa at pumayag itong mag invest sa company nila. "Ohh ano san tayo mamaya?" tanong ni Sendoh ng matapos ang meeting nila..

"Anong san tayo mamaya tapusin mo muna trabaho mo ng di tayo pinag iinitan ng mayabang nating boss." sabe ni Mitsui.

"Kaya nga nandyan si Fujima eh hehehe." ngiting sabe ni Sendoh..

"Ang bait mo talagang kaibigan." sabe nalang ni Fujima sabay ngiti kay Sendoh.

"Sige na tapusin nyo na yan dahil may makikipag kita satin." nakangiting sabe ni Maki..

Tinawagan ni Maki si Dai para ipaalam na nakabalik na si Rukawa galing MACAU kaya kinancel ni Dai ang meeting nya para makipag kita kanila Maki kasama ang kaibigan nyang si Sakuragi.

"Boss saan ba talaga tayo pupunta nagugutom na ako eh." sabe ni Sakuragi.

"Pupuntahan natin si Jin bago tayo pupunta sa client natin." ngiting sabe ni Dai.

Si Jin ay isang CEO rin katulad ni Maki na katuwang ni Kiyota at Shen. Manager naman si Amber sa kumpanya ni Minami na katabi lang din ng opisina ni Dai.

Pagpasok nila sa office halos magtilian ang mga babae ng makita si Dai. "Hi Dai." nagpapacute na sabe ng reception kay Moroboshi.

"Hellow nandyan paba si Jin?" tanong ni Dai.

"Para sayo nandyan pa sya. Pwede bang mahinge number mo hehehe." ngiting sabe ng babae.

"Hindi pwede." bungad ni Shen..

"Sorry hindi daw pwede eh sya boss ko eh hehehe." ngiting sabe ni Dai.

"Nasa taas si sir Jin puntahan mo nalang dahil may meeting pa ako." sabe ni Shen..

Kahit magpinsan si Jin at Shen ginagalang parin ni Shen si Jin bilang boss kaya sir ang tawag nya pag nasa opisina sila. "Pwede bang wag kanang mag meeting ako nalang meetingin mo." nakakalokong sabe ni Dai sabay kindat kay Shen.

"Naku Dai tumigil ka ang dami kong trabaho puntahan muna si sir Jin dun." sabe ni Shen saka naglakad na..

Nagulat sya ng halikan sya ni Dai. "Isang kiss lang dalawa pala." sabe ni Dai saka hinalikan si Shen ng mapusok.

"Ito pala ang client na sinasabe ni boss." sabe ni Sakuragi habang nakatingin kay Shen at Dai na naghahalikan.

"Ehem...

Nagulat si Sakuragi maging si Dai at Shen ng makitang nakatayo si Jin. "Are you done?" tanong ni Jin kay Dai.

"Sorry sir Jin hehehe." ngiting sabe ni Dai.

"Come here to my office. Sakuragi please stay here." seryosong sabe ni Jin.

"Pasensya kana Sakuragi mukhang yayariin ako nito dahil sa nakita nya." sabe ni Dai saka sumunod kay Jin.

Nag stay nga si Sakuragi at nakita nya si Kiyota na may kausap na babae. "Paki file yan." utos na sabe ni Kiyota kay Weng.

"Sige po sir....

"Ang matsing taga utos nalang ang laki talaga ng improvement nya para syang mayor." sabe ni Sakuragi habang nakatingin kay Kiyota.

Pag labas ni Jin at Dai nakita nila si Sakuragi na natutulog. "Mukhang pinapagod mo yan hah." sabe ni Jin.

"Alam mo bang laking tulong nyan si Sakuragi sakin napaka sipag nyan kaya hindi ko yan ibibigay kay Maki o kahit kay Eiji pa." sabe ni Dai at natawa nalang si Jin.

Ginising ni Dai si Sakuragi at sabay sabay silang pumunta sa opisina ni Maki kasama si Amber Kiyota Minami at Shen. "Teka opisina ito ni lolo di ba." sabe ni Sakuragi.

"Tama ka dyan Sakuragi tara na sa loob." sabe ni Dai at sabay sabay silang pumasok.

"Sakuragi." sambit ni Rukawa ng makita si Sakuragi.

"Rukawa teka anong ginagawa mo rito hindi ba nasa MALAYSIA ka." sabe ni Sakuragi at nagtawanan sila Sendoh.

"Hanggang ngayon gung gong kapa rin sa MACAU ako nagpunta hindi sa MALAYSIA." seryosong sabe ni Rukawa at tumawa naman si Sakuragi.

"MACAU pala akala ko MALAYSIA katunog kasi whahaha." natatawang sabe ni Sakuragi.

"Kamusta kana Sakuragi hindi kaba pinahihirapan ng boss mo?" tanong ni Maki.

"Masaya ako kay boss Dai mabait yan the best na boss." ngiting sabe ni Sakuragi at ngumiti naman si Dai.

"Bakit the best din naman si boss Maki eh." pagmamalaki ni Mitsui.

"Walang tatalo kay boss Jin lage kaming may pagkain." pagmamalaking ding sabe ni Kiyota.

"Sayang wala empleyado ko dito." sabe ni Minami at nagtawanan silang lahat.

"Si Amber di ba sayo sya nagta-trabaho." sabe ni Hanagata.

"Sakin nga sya nagta-trabaho pero si Jin parin ang boss nya." inis na sabe ni Minami sabay tingin kay Jin.

"Well ngayon walang boss boss hehehe. Ano tara na." sabe ni Maki sabay akbay kay Kiyota at Jin dahil namiss nya ang team nya..

"Isang bucket Mitsui." sabe ni Sendoh.

"Maki isang bucket daw." sabe naman ni Mitsui kay Maki.

"Kahit sampu pa sagot naman ni Dai eh." natatawang sabe ni Maki.

"Akala ko ba walang boss boss.. mag ambag kayo." sabe ni Dai at natawa nalang si Shen.

"Sige sagot ko na." ngiting sabe ni Jin.

"Parang gusto ko ata mag trabaho kay Jin." sabe ni Mitsui..

"Ako rin." sabe naman nila Sendoh, Fujima at Hanagata.

"Lahat ng gusto nyo sagot ko." mayabang na sabe naman ni Rukawa..

"Lilipat na ako bukas kay Rukawa." sabe ni Hanagata sabay akbay kay Rukawa.

"Basta ako loyal kay boss Dai." sabe ni Sakuragi at ngumiti naman si Dai.

"Yan ang loyal na empleyado hindi yung operan lang lilipat na." pagpaparinig ni Kiyota kanila Sendoh, Fujima, Mitsui at Hanagata.

"Sino bang nagsabe na lilipat kami. Boss Maki lang pinaka malupit." sabe ni Sendoh at natawa nalang si Maki.

"Tara na nga puro kayo kalokohan." sabe ni Maki.