webnovel

THE LAST SUNSET

Kimberly was diagnosed with neuroblastoma (a cancer of the nerve cells) when she was 6 years old. Ngunit pagkatapos ng surgery at chemotherapy ay napagtagumpayan niya ang sakit. Bumalik sa normal ang kanyang buhay. After she graduates from high-school, she spends her vacation at her older sister's place. There she meets Lawrence, a very mysterious boy. He lives in a house not very far from her sister's house. Maraming beses niyang sinubukang kausapin ito pero lagi lamang itong umiiwas. He won't even bother to glance at her. Pero dahil sa kakulitan niya ay pinansin din siya nito. Not so long after their first quite good conversation, a special bond between them started to grow. Lawrence on the other hand, tried his hardest to isolate himself from everyone. He lived life alone for so many years. He hates living but he doesn't have a choice. He doesn't age. He doesn't die. It hurts too much to see the people you love die one after the other. So he kept himself from falling in love. But what is he going to do when he can not resist the temptation of falling for Kimberly? 12 years after gumaling sa sakit na cancer ay tila multong nagbabalik ito kay Kimberly. Now it's back and this time it's already terminal. Handa na nitong bawiin ang buhay ng dalaga... Ngunit may isang bagay siyang nais na maranasan bago siya mawala... ang umibig! Destiny is playing its part. A dying girl meets a boy who doesn't die. Will they find their way to love together? Is Kimberly willing to take a chance at love even if she knows her time will soon be over? Is Lawrence brave enough to love... and lose? Find out how their love will teach you how to hold on and let go even if it hurts..

SamanthaEmanuelle · แฟนตาซี
Not enough ratings
6 Chs

Chapter 3-Kim's First Day in the Farm

Hindi namalayan ni Kim na nakatulog siya sa haba ng kanilang byahe. Hinayaan siya ni Charmaine. Paano kasi'y alam niyang napuyat at pagod pa ito ng nakaraang gabi. Tahimik lang si Strike na nakaupo sa tabi ng driver's seat. Tila abala din ito sa pagtingin tingin sa paligid.

"Bunso..." Nagising si Kim sa marahang pagyugyog ng kanyang ate sa kanyang balikat. "Malapit na tayo. Mag-ayos ka na!" Parang bulang nawala ang antok ni Kim sa sinabing iyon ng kanyang ate. She sat nicely and combed her hair with her fingers. Nilapit niya ang kanyang mukha sa salamin ng bintana ng kotse at saka nakangiting pinagmasdan ang bawat madaanan. Isang kulay ang nangingibabaw sa paligid, berde. Gustong gusto niyang ibaba ang salamin ng bintana upang makalanghap ng sariwang hangin ngunit naisip niyang saglit na lang naman at bababa na sila.

Nagsalubong ang kilay niya nang may matanaw na isang hindi kalakihang bahay na yari sa kahoy ang dingding at pawid naman ang bubong. Hanggang sa makalayo sila ay hindi niya ito nilubayan ng tingin. "Ate kan--"

"We're here!" masayang wika ni Charmaine. She decided to just forget what she was about to ask. This is it, her best vacation ever is already going to start!

Nakangiti siyang bumaba ng kotse. Ang una niyang nakita ay ang mga alagang kabayo ng asawa ng ate niya. They were freely running in the wide fields while the others were feeding on grass. Sa kabila naman ay mga baka ang naroroon at mga kambing. "Ate, ang yaman ni Kuya Bernard ah." aniya. Ngayon lamang siya nakapunta sa lugar ng asawa ng kanyang ate magmula ng ikasal ito. Gayundin ang kanyang mga magulang. Marami kasing pinagkakaabalaahan ang mga ito.

Ngumiti lamang si Charmaine.

"Kaya naman pala busy si Kuya Bernard masyado. Ang laki nito oh! Mag-isa lang siya?"

"Hindi bunso. May mga tauhan si Kuya Bernard mo, pero syempre hands on parin siya sa pamamahala dito." Kim nodded. "Hindi pa 'yan bunso. May poultry din si Kuya Bernard mo. At may mga alaga ring ostrich. May babuyan din."

"Wow! Ang sarap tumira dito Ate!"

"Pwede naman kung gusto mo."

Napangiti lang si Kim. Although she's really tempted, she knows it's not going to happen yet. 'Not now, but someday' , she secretly hoped inside.

May lumapit na dalawang babae sa kanila. Isang nasa mid 40's at isang mukhang kaedaran lang niya. "Manang Lydia, pakipasok na lang po 'yong mga gamit ni Kimberly sa loob," magalang na utos ni Charmaine sa dalawa. "Gina, tulungan mo na lang ang nanay mo ha?"

"Opo ate!" maagap na sagot ng babaeng nagngangalang Gina. Mga kasambahay iyon ng kanyang ate. Ang asawa daw ni Manang Lydia ay isa sa mga tauhan ni Bernard.

Inakbayan siya ng kanyang ate papasok sa bahay. Malaki ang bahay na iyon. Yari sa pinakamatibay na kahoy ang mga sahig pati ang dingding. Napakapresko ng loob ng bahay dahil sa malalaking bintana na mayroong mga bulaklaking kurtina. May mga display ring mga halaman sa mga kanto niyon. May second floor ang bahay at naroon ang magiging kwarto niya.

Malaki ang kanyang kwarto. Malawak. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kwarto. Mint green ang kulay ng dingding at baby pink naman ang kurtina ng dalawang malalaking bintana. "Thank you ate. I really love this room!"

"You're welcome bunso. Sige magpahinga ka na muna. Pagkagising mo, kakain tayo. OK?" anang kanyang ate at makaraan ay lumabas na ito ng kwarto.

Pumasok ang sariwang hangin na humawi sa mga kurtinang nasa kwartong iyon. Lumapit siya sa bintanang nasa tabi ng kanyang higaan at saka dumungaw doon. Napakalawak ng lupain ng asawa ng kanyang ate. Ipinasyal niya ang kanyang mga mata sa abot ng kanyang matatanaw. Napakaganda talaga doon. Gusto niyang mamasyal. Gusto niyang libutin ang buong lugar. Magpapaalam siya sa kanyang ate. Sana samahan siya nito. Kung hindi makikiusap na lamang siyang magpasama kay Gina.

Nahagip muli ng kanyang paningin ang bahay na natanaw niya kanina sa daan. Hindi iyon kalayuan mula sa bakuran ng lupang kinatitirikan ng bahay ng kanyang ate. Ngunit iyon lamang ang tanging bahay na nakikita niya doon. Hiwalay ito sa karamihan. Hindi naman iyon mukhang creepy. Ang totoo ay parang iniimbitahan siya nito na pumunta doon.

She sat on the edge of her bed. Strike is already sound asleep. Hinaplos niya ang balahibo nito. Tiyak matutuwa ito kapag namasyal na sila. Nagpahinga na rin siya pagkatapos.

Pagkagising niya ay sabay silang lumabas ng kwarto ni Strike. Ginising siya ng kanyang kumukulong sikmurang nangangasim na. Sobrang gutom na siya. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng ngiti ng kanyang ate. Naroroon na din ang asawa nito. "Hi po kuya Bernard!" bati niya.

"Hi Kim! Sit down. You look hungry, maraming pagkain, magpakabusog ka!" sagot ni Bernard.

Nakakalula ang dami ng pagkaing nakahain sa lamesa. Iba't ibang putahe katulad ng inihaw na isda, kalderetang baka at letsong manok. Marami ding prutas na halatang sariwa pa.

Umupo na siya at pagkatapos magdasal ay kumain na. "Gusto mong mamasyal bunso, maaga pa naman!" tanong ni Charmaine sa kanya pagkatapos nilang kumain. Nagniningning ang mga matang umango si Kim.

"Gina, samahan mo si Kimberly. Ipasyal mo siya pero wag kayo masyadong lalayo!", utos ni Charmaine.

"Opo ate!" sagot ni Gina habang nagliligpit ng pinagkainan nina Kim.

Umakyat muna si Kim ng kwarto upang maligo. Pagkatapos ay niyaya na ang alagang aso. "Strike, let's go!" Parehas lang yata kataas ang level of excitement nila ng kanyang alagang aso. Kita nito sa mata nito at sa buntot nitong nagwiwiggle. Tahol pa ito ng tahol habang nakalabas ang dila at parang nagmamadali nang makalabas ng bahay.

Hindi na siya nahirapang magpaalam sa ate niya. Mabuti na lamang at ito na mismo ang nagsabing mamasyal siya at

magpasana kay Gina.

"Before five, bumalik na kayo OK? 'Wag kayong magpadilim sa daan. Mag-ingat kayo!" bilin ni Charmaine sa kapatid at

kay Gina. "Gina, 'wag mong pabayaan ang kapatid ko!" Tumango lang ito.

Pagkatapos libutin ng farm ay lumabas sila. May matatanaw na ilog sa 'di kalayuan. Napakarami pang bulaklak sa paligid, iba't iba ang kulay. Tila isang paraiso ang lugar na ito sa pakiramdam ni Kimberly. "Ang swerte mo naman Gina, dito kayo nakatira." Ngumiti lang si Gina. Mukhang naiilang pa ito sa kanya. "Hay, sana someday, sa ganitong lugar din ako tumira! Sana dito." Napabuntong hininga siya. "Nakakaexcite gumising araw araw 'pag ganito ang lugar!"

Tumakbo si Strike nang makakita ng mga paruparong nagliliparan sa kumpol ng mga bulaklak. Tuwang tuwa si Kim habang pinagmamasdan itong hinahabol ang mga paruparo at sinusubukang hulihin.

Hindi namalayan ni Kim sa paglalakad ay narating na pala nila ang bahay na hiwalay sa karamihan. Mas maganda ang bahay sa malapitan. May malaking mangga sa tabi nito at hitik iyon sa bunga. Biglang natakam si Kim at sekretong napalunok.

Marami ring tanim na mga halaman at bulaklak sa harap ng bahay kaya naisip niyang siguro ay babae ang nakatira dito. Ang bakod ng bahay ay hindi kataasan kaya tanaw nila ang

kabuuan ng bahay mula sa labas. "Tara na po!" yaya ni Gina. "Saglit lang. Hihingi ako ng mangga!" wika niya. "Bibili na lang po ako, umuwi na tayo. Malapit nang mag-alas singko. Baka po pagalitan ako ng ate mo!"

"Sino ba ang nakatira diyan?" Hindi nito pinansin ang sinabi ng kasama.

"Hindi ko po alam. Ngayon lang din po ako nagawi dito."

"Bakit?"

"Ayaw po ni Nanay eh! "

"Bakit nga?"

"Hindi ko nga po alam!"

"Ano ba 'yan!" naiinis na wika ni Kim. "Saglit diyan ka lang!"

"Ano pong gagawin n'yo?" natatarantang wika ni Gina. "Relax ka lang. Palalabasin ko lang 'yong may-ari!" Humakbang ito mas malapit pa sa bakod. "Tara na po, umuwi na po tayo!" pamimilit ni Gina.

"Tao po! Tao po! May tao po ba diyan?" humahaba ang leeg ni Kim habang hinahanap kung saan naroroon ang may-ari ng bahay. Ilang saglit pa ay walang tumutugon at walang lumabas na tao mula sa bahay na iyon. Pero hindi sumuko si Kim. Sige pa rin siya sa pagtawag.

"Halika na po! Umuwi na tayo, lampas alas singko na, magagalit na talaga si Ate sa 'kin!" naiiyak na wika ni Gina. Bigla namang naawa sa kanya si Kim. "Sige na nga! Basta bukas ha, sasamahan mo uli ako dito!" Hindi tumango si Gina. Nakasimangot lang ito at halatang nag-aalala.

Naglakad na sila palayo sa bahay ngunit sige parin sa paglingon si Kim. Sa makailang beses na paglingon niya ay tila may napansin siyang sumisilip mula sa isa sa mga bintana ng bahay. Ngunit mabilis iyong nagtago. Gusto sana niyang bumalik pero naaawa na siya kay Gina. Baka nga mapagalitan na ito ng kanyang ate. "Huwag mong sasabihin kay ate na nagpunta tayo sa bahay na 'yon ha? " pakiusap niya kay Gina. "Please?" Tumango si Gina. Pero ang pagtangong iyon ay tila labag sa kalooban.

"Anong oras na?" untag ni Charmaine. "Malinaw ang sabi ko kanina, before five dapat nakauwi na kayo! Gina?" baling nito sa kasambahay.

"Kasi po ate si K--" magpapaliwanag sana si Gina.

"Huwag ka nang magalit ate. Ang ganda kasi ng lugar. Nawili ako sa pamamasyal. Hindi ko na po napansin 'yong oras. Sorry ate." putol ni Kim sa sasabihin ni Gina. Baka kung ano lang kasi ang sabihin nito. "OK, basta next time dapat sundin niyo ako! Bawal na bawal magpagabi sa daan, OK?" madiing wika ni Charmaine. Kapwa tumango sina Kim at Gina.

Kinagabihan bago matulog ay tumambay muna sa may bintana si Kim. Tinanaw niya ang bahay na napuntahan nila kanina. Walang ilaw na galing sa kuryente doon. Hindi niya matukoy kung ano ang ginagamit ng may-ari upang lumiwanag ang bahay, kung lampara ba o kandila.

Siguro masungit na matandang babae ang nakatira doon kaya hindi man lang ito lumabas kanina upang harapin sila. Siguro mag-isa lang ito. Kawawa naman ito kung ganun. Iyon ang nasa isip niya.

Gagawin niya ang lahat upang malaman kung sino ang nakatira sa bahay na iyon kahit anong mangyari. Hindi niya maipaliwanag basta ang pakiramdam niya ay tila may nag-iimbita sa kanya na pumunta sa bahay na iyon. Masyado siyang nahihiwagaan.

Sa ngayon ay matutulog na lamang muna siya at ipagpapabukas na ang lahat ng binabalak.