webnovel

The Holocaust

amibluechan · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
22 Chs

Kabanata 14

Huminga ako nang malalim para langhapin ang napakasariwang hangin, kitang-kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano itinangay ng hangin ang mga talutot ng mga bulaklak.

Sobrang bango rito dahil sa napakaraming bulaklak na nakatanim sa paligid. Fudge, bakit kasi kaunti na lang ang ganitong mga lugar sa mundo namin? Halos matatangkad na buildings na lang kasi ang makikita sa buong mundo. Kaunti na lang 'yung mga lugar na pwede mong puntahan para makapag-connect uli sa nature, hindi tulad dito sa Alhesia, kahit na anong lugar dito, lagi kang makakalanghap ng sariwang hangin. Lagi kang makakahanap ng katahimikan.

"Mukhang nagugustuhan mo ang tanawin dito, Ms. Ally," sabi ni Ma'am Marie, napalingon naman ako sa gawi niya kung saan nando'n din sina Dashiell, Patrick, at si Pinuno Ephraim. Lahat sila ay nakatingin ngayon sa akin habang nakangiti.

Ipinakita ko sa kanila ang napakatamis kong ngiti tsaka tumango. "Gustong-gusto ko po talaga kasi sa mga lugar na ganito, sobrang tahimik at makakapag-isip talaga ako nang maayos."

"Mabuti naman at nagustuhan mo rito. Dito kayo mag-e-ensayo ni Dashiell para matutunan mo nang ilabas ang Telum mo. Ayos lang ba 'yon sa iyo?" tanong sa akin ni Pinuno Ephraim, tumango na lang ako bilang tugon.

Kaya pala pumunta kami sa lugar na ganito, dito ko pala matututunan na mailabas ang Telum ko, napalabas ko na rin naman ito pero isang beses lang 'yon, hindi ko nga alam kung mauulit pa ba 'yon e. Biglaan lang ang paglabas ko ng Telum ko at dahil 'yon sa kalagayan ko noon, nasa panganib ako noon at bigla na lang lumabas ang Telum ko. Ibig sabihin, para mailabas ko uli ang Telum ko, kailangan ko munang ilagay sa panganib ang buhay ko.

Is that really going to work?

"Oh, sige, kailangan na naming bumalik sa kastilyo. Sumama lang kami rito para malaman kung maayos na ba ang pakiramdam mo, narinig ko kasing masyadong naging mainit ang labanan ninyo ni Vera noong nakaraang linggo," wika ni Pinuno Ephraim habang inaayos ang kulay ginto niyang damit, ngumiti naman ako tsaka nag-bow nang kaunti.

"Maraming salamat po sa pag-alala, ngunit huwag niyo na pong pansinin 'yon. Maayos na rin naman po ang pakiramdam ko," sabi ko sa kanila, nakita kong parang nabunutan naman sila ng napakalaking tinik sa kanilang lalamunan dahil sa sinabi ko.

Hindi ko naman sila masisisi na ganiyan ang naging reaksyon nila dahil medyo nagkasakitan nga naman talaga kami ni Vera noong isang linggo, mabuti na lang at hindi na mas lumala pa ang sitwasyon dahil kung mas lumala pa 'yon? Hindi ko na ma-imagine kung ano pa ang pwedeng mangyari.

Nang tuluyan nang makaalis sina Pinuno Ephraim, hindi na ako nagdalawang isip pa at hinayaan ang sarili ko na gumulong sa kulay berdeng damo, pagulong-gulong lang ako habang nakatingin sa kulay asul na langit pati na rin sa mga puting ulap.

Parang maiiyak na ako dahil sa kakatingin ko sa langit pero tiniis ko 'yon, masyado kasing magandang tingnan! Parang ayokong pumikit!

"Hoy, Ally, hindi tayo pumunta rito para maglaro—tulad ng ginagawa mo ngayon. Pumunta tayo ngayon dito para mag-ensayo, huwag mo nang subukang timanggi dahil wala ka na rin namang magagawa. Bumangon ka na," mariin na sabi sa akin ni Dashiell, napasimangot na lang ako.

Naiintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin pero hindi ko talaga kasi mapigilan na humiga ngayon sa damo tsaka tumingin sa langit lalo na't sobrang tahimik ngayon ng paligid. Medyo malakas din ang hangin, sapat na ang lakas nito para makapagpalipad ako ng saranggola. Grabe, nakakaantok.

Nang mapansin ni Dashiell na mukhang wala akong planong bumangon, huminga na lang siya nang malalim tsaka umupo sa tabi ko.

"Dashiell," tawag ko sa kaniya, nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin siya ngayon sa akin pero nanatali lang akong nakatingin sa malawak na langit, kasing lawak ng langit na nakikita ko ngayon ang napakalawak na lupain at karagatan.

"Oh?"

"Hindi ka man lang ba napapagod sa kakaturo sa akin?" out of nowhere kong tanong sa kaniya. Nagtataka kasi ako kung ano naman ang opinyon sa tuwing nakikita niya akong nag-e-ensayo para matalo ko ang mga Prodigiums sa Eldarmar.

Pinupuri niya ba ako sa isip niya o hindi?

"Para saan naman ba ang tanong na 'yan? At bakit naman ako mapapagod kakaturo sa 'yo?" nakakunot-noo niyang tanong sa akin, napasimangot na lang ako at nagkibit-balikat. Bakit ko nga ba talaga 'yon tinanong sa kaniya? Fudge, ang labo ko rin. "But well, para matahimik na 'yang isip mo, sasagutin ko na lang 'yung tanong mo."

Ngumiti ako nang napakalawak tsaka tiningnan siya. "Hinding-hindi ako mapapagod sa pagturo ko sa 'yo dahil ikaw ang Fortem, alam kong marami ka pang magagawa sa buhay, hindi lang sa mundo ng Alhesia, kundi sa mundo rin ninyo."

Parang may humaplos sa puso ko nang narinig ko ang mga sinabi ni Dashiell. Fudge, what am I doing to myself? Mas lalo ko lang pinapahulog ang sarili ko sa patibong.

"Speaking of pagtuturo, play time is over, Ally. Kailangan mo nang bumangon diyan, kailangan na nating mapalabas 'yang Telum mo," saad ni Dashiell. Inunat ko naman muna ang mga kamay at ang mga paa ko bago tuluyang bumangon.

Nakakatamad pa sanang tumayo pero kailangan kong sumunod sa kaniya.

"E, alam ko na rin naman kung ano ang Telum ko, napalabas ko na 'yon dati noong nasa panganib ang buhay namin ni Vera," casual kong sabi tsaka humikab. Nakakaantok naman talaga kasi ang aura ngayon.

Nang minulat ko ang mga mata ko, tumambad sa akin ang nakaawang na bibig ni Dashiell.

Ano ang nangyari sa lalaking 'to?

"N-Nailabas mo na ang Telum mo?" nauutal niyang tanong sa akin, tiningnan ko naman siya habang bakas pa rin ang pagtataka sa mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit parang big deal para sa kaniya ang pagpalabas ko ng Telum ko, at hindi man lang ba nakuwento ni Vera sa kaniya ang nangyari? Well, base sa mukhang pinapakita ngayon sa akin ni Dashiell, mukhang hindi pa nga siya nasabihan.

"Yeah? Pero agad din naman 'yon nawala." Natawa siya nang kaunti tsaka napailing-iling na lamang habang nakahawak sa kaniyang noo.

"You've never failed to amaze me, Ally. Alam mo ba kung paano kahirap magpalabas ng Telum lalo na kung wala ka pang proper training?"

"Oh?" Huminga siya nang malalim at ipinakita sa akin ang palad niya. Nakalabas ang lima niyang mga daliri kaya napatingin ako r'on.

"It's five times harder, Ally. Five times harder sa hirap na naranasan mo noong nag-e-ensayo kayo ni Vera." Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Dashiell. Fudge, seryoso ba siya?! Paano pala kung hindi ko magawang mailabas uli ang Telum ko?!

"Paano kung hi—"

"Oh! 'Yan na naman kaagad ang iniisip mo, lagi ka na lang nagfo-focus sa mga negative na bagay, try focusing on positive things sometimes!" sabi niya habang 'yung dalawang kamay niya ay nakalagay sa magkabilang parte ng kaniyang beywang, napasimangot na lang ako.

Papa ko ba ang kaharap ko ngayon?

"Oh, sige na nga. Iisipin ko na lang na kaya kong maipalabas uli 'yung Telum ko, paano ba?" tanong ko kay Dashiell, sabi niya kasi, dapat isipin ko rin daw 'yung mga positive na bagay sa buhay ko.

Nasanay na rin naman kasi ako na laging titingnan muna 'yung negative side bago 'yung positive side para hindi ako ma-disappoint kapag hindi ako nanalo sa isang bagay. Mas okay 'yon, hindi ko pa masasaktan nang lubusan ang sarili ko.

"Just sit there and watch," saad niya, pumunta naman ako d'on sa ilalamin ng puno tsaka umupo, sapat na ang distansya nito kay Dashiell para makita ko ang buong katawan niya.

"In 3... 2... 1... action!" natatawa kong sabi, sinamaan niya na lang ako ng tingin.

Director lang ang peg e.

Nang makita kong naging kulay turquoise na uli ng mga mata ni Dashiell, tumigil na ako sa pagtawa at tumahimik na lang. Bukod sa baka pagalitan niya na ako at mukhang nakakatakot na naman ang mukha niya, gusto ko nang seryosohin ang bagay na'to.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim, itinaas niya ang kamay niya sa ere, nagliwanag ito at lumabas na nga ang kulay turquoise niyang espada, no'ng lalo pang tumingkad ang mga kulay ng mga mata niya, may bumalot na apoy sa kaniyang Telum.

Fudge, nagsitayuan na naman ang mga balahibo sa buo kong katawan, kahit na ilang beses ko na 'tong nakita, namamangha pa rin ako sa galing niya.

"Ganiyan ang tamang paraan ng pagpapalabas ng Telum, ipunin mo ang lakas mo sa kamay mo. Huwag mong alisin sa isip mo ang sarili mong imahe na may hawak-hawak na Telum, imagine and concentrate. Kapag nawala ka sa focus, hindi talaga 'yan lalabas," sabi niya.

Parang nahilo na naman ako dahil sa mga sinabi ni Dashiell. Dati, use every part of your body and pay attention to your surroundings, ngayon, imagine and concentrate naman. Kailan ba 'to matatapos?

"Naiintindihan mo na ba kung papaano, Ally?" Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Hindi."

Nakita kong napasapo na lang si Dashiell sa kaniyang noo tsaka umiling-iling. Natatawa na lang ako nang kaunti dahil mukhang stressed na stressed na siya dahil sa sinabi ko, nakakatuwa siyang tingnan!

"Mukhang masaya kang nahihirapan ako ah." Tinikom ko bigla ang bibig ko nang napansin niyang natatawa na ako, tumikhim muna ako bago ko siya sinagot. Baka kasi isipin niya na gusto ko talagang nahihirapan siya, hindi naman kasi gano'n 'yon.

"It's not like that, nakakatawa kasing tingnan ang mukha mo kapag problemado ka. Parang binagsakan ka ng langit at lupa," natatawa kong sabi, pero tumigil din naman ako kaagad nang napansin kong masama na ang tingin niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

Mukhang naiinis na ang lalaking 'to sa akin, baka mag-walk out bigla at hindi na ako turuan!

"I'm sorry, I'm sorry. Magiging seryoso na talaga ako, promise." Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti at itinaas ang kanan kong kamay. Muli na naman siyang huminga nang malalim at tumango.

"Oh sige, ulitin natin. Ano ba ang Telum mo?"

"Pana 'yon e. Paano ko naman kaya 'yon matututunan na gamitin? E hindi naman ako marunong gumamit ng pana!" reklamo ko.

Napantanto ko kasing kahit na mailabas ko naman pala ang Telum ko, mahihirapan pa rin naman ako dahil hindi ko naman alam kung paano gamitin ito, kakailanganin ko na namang mag-ensayo para matuto akong gumamit ng pana.

"Alam mo, ang dami mong reklamo. Huwag mo nang isipin 'yan dahil ako na ang bahala riyan, sa ngayon, problemahin mo muna ang sitwasyon natin ngayon. Isipin mo muna kung paano natin uli mapapalabas 'yang Telum mo. We should take this little by little, huwag kang magmadali," mariin niyang sabi, napatungo na lamang ako tsaka tumango.

"Pasensya na. Sabihin mo uli sa akin kung paano mo naipalabas ang Telum mo."

Inilahad ni Dashiell ang kamay niya, naramdaman ko na naman ang kakaibang init na dumadaloy sa buo kong katawan, dumadaloy ito papunta sa iba't-ibang parte ng ugat ko. Alam kong nagbago na ang kulay ng mga mata ko kaya inilahad ko na rin ang kanan kong kamay.

"Concentrate, Ally. Isipin mong kailangan mong ipalabas ang Telum mo, kung lumabas ang Telum mo dahil nasa panganib kayong dalawa ni Vera, isipin mo uli 'yon para tuluyan mo nang maipalabas ang Telum mo, isipin mong mamamatay ka kapag hindi mo naipalabas ang Telum mo. Ang Telum mo ay ang iisang bagay na hindi mawawala sa 'yo, Ally. Lagi 'yang nandiyan sa 'yo at hinding-hindi ka nito tatraydurin."

Ipinikit ko ang mga mata ko at ginawa 'yung sinabi ni Dashiell, naramdaman ko ang kaunting init sa kamay ko, gusto nitong lumabas pero hindi nito kayang makawala. Fudge, bakit?

"Ano, Dashiell? Lumabas na ba?" tanong ko habang nakapikit pa rin.

"Tingnan mo kaya."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napasimangot na lang ako nang makita kong wala man lang nagbago sa kamay ko. Shemay naman oh, ang hirap naman nito.

"May iba ka pa bang tip para mas madali kong maipalabas ang Telum ko?" tanong ko kay Dashiell, inilagay niya naman ang isa niyang kamay sa baba niya at hinimas iyon na para bang nag-iisip.

"Hmm, well, may isa akong bagay na naisip, pero parang delikado 'yon." Binigyan ko siya ng napakalawak na ngiti para sabihin sa kaniyang ayos lang 'yon.

"Okay na 'yon! Kakayanin ko naman e, handa akong gawin ang lahat basta makalatulong ito sa pagpalabas ng Telum ko," nakangiti kong sabi. Gusto ko na rin talaga kasing malaman kung paano gumamit ng sarili kong Telum.

Katulad nga ng sabi ni Dashiell, maraming maitutulong sa akin ang pagkatuto ko sa paggamit ng sarili kong sandata, maaaring madoble ang lakas ko o pwede ring maging triple pa.

"Oh sige! Get ready, Ally." Parang kinilabutan ako nang nakita kong lumabas uli ang kulay turquoise na apoy sa kaniyang espada, namilog din ang mga mata ko nang sumugod siya sa sa akin. Tumakbo ako nang napakabilis para makalayo sa kaniya pero sadyang mabilis din ang takbo niya kay hindi masyadong naging malayo ang distansya namin sa isa't-isa.

Ano ba ang pumasok sa kukote ng lalaking 'to?! May plano ba siyang patayin ako?!

"What the heck are you doing, Dashiell?!" sigaw ko tsaka tumago sa likod ng puno ngunit hindi ito naging hadlang para sa kaniya, pinutol niya ang kahoy, may iilang sanga sanang babagsak sa katawan ko pero biglang umilaw 'yung bracelet ko at may bumalot ngang kulay pula na force field sa buo kong katawan. Napahinga ako nang maluwag dahil dito.

Well, at least hindi na ako masasaktan ngayon ni Dashiell.

"I am obviously trying to kill you! Alisin mo 'yang force field mo!" sigaw niya habang sinusubukan akong sugatan gamit ang Telum niya ngunit mas matibay pa rin 'yung force field ng bracelet ko.

Dang, I really have to thank Pinuno Ephraim after this.

Tumakbo uli ako papalayo sa kaniya pero patuloy pa rin ang pagsunod niya sa akin. Nahihibang na ba talaga ang lalaking 'to?! Kapag inalis ko ang force field ko, masasaktan niya talaga ako!

"Sorry, Dashiell, but I don't want to die yet! Aalisin ko 'tong force field na 'to kapag itinigil mo na 'yang plano mo!"

"Just trust me on this!"

Huminga ako nang malalim tsaka tumigil sa pagtakbo. Fudge, bahala na.

Ikinalma ko ang sarili ko kaya muling umilaw ang bracelet ko, just like what I thought, binabase ng bracelet na 'to ang bilis ng pulso ko, kapag na-sense nitong bumibilis ang tibok ng puso ko, automatic na babalot sa akin ang pulang force field.

Nang nawala na ang force field na bumabalot sa katawan ko, humarap na ako kay Dashiell, akala ko medyo malayo pa siya sa akin pero mali ako, nakatutok na pala sa akin ang Telum niya, ipinikit ko ang mga mata ko at agad na sinangga ang Telum niya gamit ang mga kamay ko. Akala ko makakaramdam na ako ng napakatinding sakit pero wala man lang akong maramdaman, bukod sa ingay ng paghahabol namin ng aming mga hininga, narinig ko rin ang ingay ng dalawang metal na nagsalpukan.

"Ally, open your eyes," saad niya, dahan-dahan ko namang minulat ang aking mga mata at muntik na nga akong mapamura dahil sa nakita ko.

Fudge! Sigurado akong pana ang lumabas na Telum ko noong nasa panganib kami ni Vera pero bakit iba ang hawak ko ngayon?!

"Why am I holding a red sword?!"

— — —

Hebrews 10:24–25

"And let us consider how we may spur one another toward love and good deeds, not giving up meeting together, as some are in the habit of doing, but encouraging one another—and all the more as you see the Day approaching."