webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · คนดัง
Not enough ratings
67 Chs

Chapter LXIII

Hindi naman nahihirapan si Maymay sa ipinagbubuntis nyang isa't-kalahating buwan dahil alagang-alaga sya nila Nanay Remedios at Edward.

Sa Hacienda Entrata na nanatili si Edward para maasikaso at maalagaan sya.

Limang buwan pa bago matatapos ang bahay na pinapagawa ni Edward. Hindi pa rin nya sinasabi iyon kay Maymay dahil gusto nyang sorpresahin ang fiancé.

Si Lolo Edison naman ay halos linggo-linggo nasa hacienda para dalawin daw ang apo nya kahit na hindi pa naman halata ang tiyan ni Maymay.

Mas excited pa yata ito kesa kay Edward.

Isang buwan makalipas ang ika-dalawampu't apat na kaarawan ni Maymay ay araw na ng kasal nila ni Edward.

Lahat ng tauhan nila sa hacienda at pati mga pamilya nila ay imbitado sa pagdiriwang.

Dumating rin ang kaibigan ni Maymay sa Uni na si Elisse kasama ang kasintahan nito na si McCoy.

Syempre hindi mawawala ang barkada.

Si Marco ang best man.

Si Juliana ang maid of honor.

Si Rivero, Donato at McCoy ang groomsmen.

Si Shar at Elisse ang bridesmaids. Pati na rin ang kasintahan ni Rivero na si Laura.

Si Atty Ric ang maghahatid kay Maymay sa altar.

Naroon na sa simbahan ang lahat at hinihintay na lang sila Maymay.

Nang makitang dumating ang sasakyan ay sumenyas na si Marco na umpisahan na ang musika.

Nag-umpisa na ang prosisyon.

Walang ibang hinahanap ang mga mata ni Edward kundi si Maymay lang.

At nang matapos ang lahat ng abay ay nakita nya na si Maymay na inaalalayan ni Atty Ric.

Napakaganda nito sa kanyang puting pangkasal.

Hindi naiwasan ni Edward ang mapaiyak habang papalapit ng papalapit ang fiancé sa kanya.

Hindi nya akalain na darating ang araw na gugustuhin nyang magpakasal sa babaeng mahal nya.

Hindi nya namalayan na nasa harap na nya ang babaeng tanging minahal at mamahalin nya.

Iniabot ni Atty Ric ang kamay ni Maymay sa kanya.

Nanginginig pa ang kamay ni Edward ng abutin nya ang kamay ni Maymay.

Ngumiti ito sa kanya.

Humarap sila sa pari at nag-umpisa na ang misa.

Pagkarating sa parte na nagtanong ang pari kung sino ang tumututol sa pag-iisang dibdib nila ay biglang bumukas ang pinto ng simbahan.

"Ako!" sigaw ng babaeng nakasuot ng itim na pangkasal.

Lahat sila ay napalingon rito.

Nang bahagyang makalapit ito ay nakita nilang si Savannah pala na malaki ang tiyan.

"What the hell are you doing here, Van?!?" si Edward na nanggagalaiti sa ginawang panggugulo ng babae.

"I'm here to stop you from making the biggest mistake of your life!"

"You're the one who's making a mistake by coming here!" sagot ni Maymay.

"I'm not talking to you bitch!" duro nito kay Maymay.

Akmang lalapitan sya ni Maymay ng pigilan ito ni Edward.

Humarang si Edward dito.

"Ako ang dapat mong pakasalan Edo dahil dinadala ko ang anak mo!" sabay himas pa sa tiyan nito.

Gulat na gulat si Edward sa sinabi nito.

"What the hell are you talking about?" hindi makapaniwalang tanong nya dito.

"Remember that night we got drunk before you decided to go to Manila? We made love that night!" mangiyak-ngiyak na sabi nito.

"Edward...?" tanong ni Maymay sa kanya.

Nakikita ni Edward sa mukha ng dalaga na labis ng naguguluhan ito sa nangyayari.

"Hindi ko maalala yung sinasabi nya! We had a few drinks but I didn't get drunk and I definitely didn't go to bed with her!" pagpapaliwanag nya kay Maymay.

"So ano Edward? Nabuntis syang mag-isa?!? Ganon ba yon?" histerikal na tanong ni Maymay.

"Maniwala ka naman sa akin Yamyam walang nangyari sa amin!" hawak nya ang magkabilang braso ng dalaga.

Hinila ni Savannah ang braso nya at kumapit dito.

"Ako ang dapat mong pakasalan Edo! Ako lang! Kailangan mong panagutan ito!"

Pilit na kumakalas si Edward kay Savannah.

Kay Maymay pa rin sya nakatingin.

Hinawakan nya ang kamay ni Maymay.

"Please, Yamyam! Please believe me!" pagmamakaawa nya rito.

Pilit na inalis ni Maymay ang kamay ni Edward.

"Itigil na natin ito Edward! Gawin mo ang dapat mong gawin! Panagutan mo sya!" kalmado ang boses na sabi nya.

Nang tumalikod sya sa binata ay saka dumaloy ang luhang kanina nya pa pinipigilan. Nag-umpisa syang tumakbo palabas ng simbahan.

Hindi sya mahabol ng binata dahil kapit na kapit ang buntis na si Savannah sa braso nito.

Hindi naman magawang alisin ng binata ang pagkakakapit nito dahil baka mapano ang tiyan nito.

Hindi pa tuluyang nakakalabas ng simbahan si Maymay ng huminto ito.

Nakita nyang biglang namula ang pagitan ng mga hita nito.

"Dodong! Ang baby ko! Ang baby ko!" paulit-ulit na sigaw nito bago tuluyang mawalan ng malay.

Lumuwang ang pagkakahawak sa kanya ni Savannah kaya nagawa nyang makalapit kay Maymay.

Dali-dali nyang binuhat ito at dinala sa ospital.

Paulit-ulit syang humihingi ng tawad sa dalaga.

Sa ospital ay agad-agad na inasikaso si Maymay.

Pero huli na ang lahat!

Namatay ang baby nila.

Sising-sisi si Edward sa nangyari.

Nang magkamalay si Maymay at malamang wala na ang anak nila ay pinaalis nya si Edward.

"Isinusumpa ko ang araw na nakilala pa kita ulit!"

Kahit na anong hingi ng tawad ang gawin ni Edward ay ayaw na syang pakinggan ni Maymay.

Wala ng nagawa si Edward kundi ang panagutan ang ipinagbubuntis ni Savannah dahil ayaw ng mga magulang nito na malagay ito sa kahihiyan.

Nagdesisyon si Maymay na mangibang-bansa at doon na manirahan.

Makalipas ang limang taon...

Ikakasal na si Marco at Juliana kaya naman walang nagawa si Maymay kundi ang bumalik ng Pilipinas.

Kahit na ayaw nyang makita si Edward ay hindi maiiwasan dahil best man ito ni Marco.

At sya naman ang maid of honor ni Juliana.

Habang ikinakasal si Marco at Juliana ay hindi nya maiwasang maalala ang araw ng dapat sana ay kasal nila ni Edward.

Hindi nya namamalayan na tumutulo na pala ang luha nya.

Pilit nyang pinakalma ang sarili.

Maling desisyon ang bumalik pa sya.

Pagkatapos ng misa ay nagpaalam na sya na hindi na sasama sa reception.

Naintindihan naman agad ni Juliana ang kagustuhan nya.

"I'm sorry kung pinilit pa kita Dale!"

"No, it's okay! I wanted to be here for you the way you've always been there for me!" at niyakap sya ng mahigpit ng pinsan na si Juliana.

"You deserve to be happy too, Dale!"

"Katulad ba ng kasiyahan na meron si Edward at Savannah at ng anak nila?" at hindi na nya napigilan ang mapaiyak.

"HAHAHAHAHAHA..." tawang-tawa si Savannah.

Naiisip pa lang nya ang mangyayari ay tuwang-tuwa na sya.

"Sa akin lang mapupunta si Edo! Sa akin lang sya, Mary Dale!"

At muli ay tumawa na naman ito.