webnovel

The Heiress (MayWard)

of love and lies Maymay is an orphan heiress but is a simple girl at heart. She needs to find a husband who will protect her family's fortune since it is her grandfather's will Edward is a rich heir who needs to find a wife of equal stature to avoid opportunists who are after his wealth

walakabampira · คนดัง
Not enough ratings
67 Chs

Chapter LIV

Bagamat nag-aalala pa rin sila sa dalaga ay masaya silang nagsalu-salo ng agahan.

Binanggit ni Edward sa dalaga ang kagustuhan ng lolo nyang makilala at makita muli ito.

Nahihiya man ay pumayag din si Maymay.

Curious din sya kung anong klaseng pagkatao meron ito at naging matalik na magkaibigan sila ng lolo Joe nya.

Pagkatapos kumain ng agahan ay bumalik silang apat sa kwarto ni Maymay.

Doon ay sama-sama nilang tiningnan ang mga larawan na kinuha ni Juliana.

Pinakilala ni Maymay kay Edward ang mga magulang at lolo Joe nya sa pamamagitan ng mga larawan.

Nakakita pa nga sila ng mga lumang litrato ng magbestfriends na Kevin at Lorena nung mga bata pa sila.

Pati ang larawan ng magcollege bestfriends na Lorena at Cathy.

"You're beautiful like your mom!" sabi ni Edward kay Maymay.

"And you look just like your father when he was young!" balik ni Maymay sa binata.

Asaran at tawanan lang sila sa mga itsura nilang magkakaibigan.

"Who's this chubby guy in between you and Juliana?" tanong na pang-aasar ni Edward kahit na nakilala nyang si Marco iyon.

Natawa naman si Juliana.

"Of course, the one and only Italian mafia guy here! Your best buddy Marco!" sagot ng dalaga.

"Ang sama mo sa baby fats ko bro!"

"Hahahahahaha!" tinawanan lang sya ni Edward.

"Tawa ka dyan! Ikaw nga dyan noong tinubuan ng katawan!"

"Hoy! Dahan-dahan ka sa pagsasalita mo Marco Antonio nasasagasaan din ako!" sinamaan sya ng tingin ni Maymay.

"Hahahahahaha! Oo nga pala! Sorry naman!"

"Nasagasaan din ako ha!" sabay pout ni Juliana at cross arms.

Niyakap naman sya ni Marco.

"Sorry na babe! Nakalimutan ko!" pilyong ngiti nito sa dalaga.

"Tse!"  sabay irap ng dalaga.

Nakita naman ni Edward ang iba't-ibang ibang larawan ni Maymay sa tuwing nananalo ito ng medal sa martial arts competition simula elementary ito.

Napalunok na lang sya ng maalala ang pag-ipit ni Maymay sa mga binti nya kagabi.

Mukhang kayang-kaya nga syang balian ng buto ng dalaga kung gugustuhin nito.

Napansin naman ni Marco ang pananahimik ng binata habang tinitingnan ang mga iyon.

Tinapik nya sa likod ang binata.

"Kaya kung ako sa'yo bro, wag kang magkakamaling magloko kung ayaw mong mabalian!"

Napalunok pa lalo sya sa sinabi ni Marco.

"Wag mong tinatakot si Edward, babe!" saway ni Juliana kay Marco.

"Eto Edward, nakita mo na ba yung mga pictures ni Dale sa mga shooting competitions na sinalihan nya?" sabay abot nito ng isang buong album sa binata.

That night, after dinner, Edward asked Maymay if they could talk.

"Dun na lang tayo sa terrace like the last time?"

"Ah...sure!"

"Let's go?"

Pagkarating sa terrace ay nagtanong na agad ang dalaga.

Sobrang kinakabahan kasi sya sa kung ano man ang pag-uusapan nila ng binata.

"Ano bang pag-uusapan natin Edward?"

"I don't know how to say this but...."

"Ano yun?"

"Remember the last time we talked about why I pretended to be a driver?"

"Yes? What about it?"

"I told you that I was looking for a potential wife remember?"

"Ye..s?" nauutal na sagot ni Maymay.

Dumoble yung kabang nararamdaman nya.

"What I didn't tell you was that he threatened me that I will lose my inheritance if I don't do what he says and all of my inheritance will go to my cousin!"

"What!!!" hindi makapaniwalang tanong ni Maymay.

Parang gusto nyang maiyak sa narinig.

"So, are you trying to tell me that you only courted me because you didn't want to lose your inheritance?" pigil ang emosyon na tanong nya sa binata.

"No. What I'm trying to say is that I am willing to lose my inheritance for you! I already talked to lolo and he confessed that he just threatened to disinherit me because he thought that I didn't have plans of settling down." parang nakahinga ng maluwag ang binata pagkatapos aminin iyon sa dalaga.

Nanatiling tahimik si Maymay.

"Please say something, Yamyam!" at hinawakan nya ang kamay ng dalaga.

"Can I make a confession too?" tanong nito sa binata.

Tumango lang si Edward.

"My lolo also wants me to find a husband before my 24th birthday, and if I don't, I will lose the mansion and the plantation!" nahihiyang pag-amin nito sa binata.

"I know!"

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi ng pinsan ko sa akin bago ako bumalik dito! So, ikaw naman ang tatanungin ko ngayon, kaya mo lang ba ako sinagot ay dahil doon?" paninigurado ng binata.

"Kung sasabihin ko bang hindi maniniwala ka ba sa akin?"

"Hindi!"

Nagulat si Maymay sa sagot ng binata.

"Ganun ba? Eh di wala na pala tayong dapat pag-usapan pa! Tutal naman hindi ka naniniwalang mahal kita!" at akmang tatalikod na ito sa binata.

Dali-daling pinigilan sya ng binata at niyakap.

"Eto naman hindi na mabiro! Syempre sa iyo ako mas naniniwala! Alam ko naman na gusto lang lasunin ni Markus yung isip ko!" paglalambing nito sa dalaga.

"Wag mo akong mabiro-biro dyan Edward John Barber! Seryoso ako sa'yo! When I say yes to a person it means that I want him for a lifetime!"

"At ganun din ako sa'yo Mary Dale Entrata! Habambuhay!"

Nanatiling nakayakap si Edward sa dalaga.

"So when do you want to meet my lolo?"