(Hereux Academy, next day)
(Third Person's POV)
(Hereux Academy Ballet Club Dance Studio)
MALAPIT NANG magsimula ang practice ng ballet club nang dumating si Eunice. Agad siyang lumapit sa instructor ng club.
"Good morning, Ms. Wyatt. Sorry, I'm late." bati ni Eunice.
"Good morning, Ms. Go. Mabuti't nandito ka na. May mahalaga kasi akong sasabihin sayo." tila seryosong sagot ng instructor.
"Ano naman po yun, Ma'am?" tanong pa ni Eunice habang unti-unti nang gumagapang ang kakaibang kaba sa katawan niya. Hindi maganda ang kutob niya sa sasabihin ng kanyang instructor.
"Ms. Go, I'm sorry to say this but.....y-you're already out of this group." malungkot na pahayag ng instructor, dahilan para magulantang ang mga members ng ballet club. Maski siya ay nagulat rin sa mga sinabi ng kanilang instructor.
"W-what, Ms. Wyatt? W-why? Wala naman po akong natatandaan na may ginawan ako ng masama sa mga co-members ko dito. B-ba't po ganun?" nagtatakang tanong ni Eunice.
"So, you're asking Ms. Wyatt kung bakit ka natanggal sa ballet club ng Academy."
Napalingon si Eunice sa pinanggalingan ng boses na yun and she saw Stephanie. Nakangisi ito sa kanya.
"Gusto mo bang malaman kung bakit ka natanggal sa ballet club? Kinausap lang naman ni Miss Charlize si Ms. Wyatt. Siya ang nagpatanggal sayo sa club." confident na sagot ni Stephanie.
"S-si Charlize.....s-siya ang n-nagpatanggal sa akin sa club?" uutal-utal at halos maiyak nang sabi ni Eunice.
"Yes. You're right, Miss Eunice, or should I say, Eunice. Alam mo ba kung bakit ka natanggal sa ballet club? Number one, hindi ka marunong sumayaw. Number two, sipsip ka na nga, pabida ka pa. And number three, dahil traydor at mang-aagaw ka!" singhal ni Stephanie kay Eunice sa harap ng mga tao sa loob ng dance studio ng club.
"S-Stephanie, ayoko ng gulo. Sige po, Ms. Wyatt, mauna na po ako sa inyo." at aalis na sana si Eunice nang biglang hilahin ni Stephanie ang buhok niya.
"Where do you think you're going, you slut? Hindi pa tayo tapos mag-usap." sarkastikong sabi ni Stephanie habang hawak-hawak niya ang buhok ni Eunice. Nagpumilit man na makawala ang huli ay hindi niya magawa dahil sadyang malakas ang tapat na alalay ng dati niyang kaibigan.
"L-let go of me....." halos mamilipit na sa sakit si Eunice habang pinipilit niyang alisin ang mga kamay ni Stephanie na nakasabunot sa kanyang buhok.
"How dare your hurt Miss Charlize?! Huh?!" at gigil na hinila ni Stephanie si Eunice palapit sa kanya. "Minahal ka niya, inalagaan ka niya at itinuring ka niya na parang isang tunay na kapatid tapos yan pa ang igaganti mo sa kanya!" at isang mag-asawang sampal ang ibinigay niya kay Eunice, dahilan para tuluyan na itong mapasubsob sa sahig. Wala ni isang nagtangkang umawat o tumulong man lang sa takot na mapagbalingan sila ng galit ni Stephanie.
"S-Stephanie.....t-tama na.....p-parang awa mo na....." humahagulgol na pakiusap ni Eunice habang sapo ang magkabilang-pisngi niya na masakit pa dala ng pagkakasampal sa kanya.
"Tama na?! Talaga?! Bakit? Kasi napapahiya ka na sa kanila?! Aba'y dapat ka lang na mahiya ka kasi traydor ka!" sabay tingin ni Stephanie sa mga co-members ni Eunice sa ballet club. "Ladies and gentleman, let me introduce to you this slut you laid your eyes on, Eunice Go! Siya lang naman ang babaing sumira sa buhay ni Miss Charlize! Paano? Inagaw lang naman niya ang boyfriend ni Miss Charlize! Ang landi-landi diba?! Tapos napaka-sinungaling pa! So if I were you, you better to stay away from this slut or else she'll ruin your life like what she did to Miss Charlize! Do you understand?!"
Nanginginig sa takot na tumango ang mga co-members ni Eunice.
"At ikaw na malandi ka, kung inaakala mo na hanggang dito na lang ang ganti namin ni Alice sayo, nagkakamali ka, because we'll going to make your life in this academy like a living hell! Tandaan mo yan!" at nanggigigil sa galit na lumabas ng dance studio si Stephanie. Wala nang nagawa pa si Eunice kundi ang mapaiyak na lang sa sobrang kahihiyang dinanas niya nang dahil sa dati niyang kaibigan. Magsisi man siya ay huli na ang lahat.
(Casa Lorenzo, lunch time)
(Third Person's POV)
"GOOD AFTERNOON. Napadalaw ka." bati ni Charlize kay Alice pagbukas niya ng pinto. "C'mon, get inside. Ipaghahanda kita ng meryenda."
"Thank you, Miss Charlize pero wag na. Okay lang ako." magalang na sagot ni Alice. "Siyanga pala, may dinala akong pastries para sayo. Baunin mo na yan sa flight mo mamaya."
"Flight? P-paano mo nalaman na ngayon ang flight ko papuntang France?" nagtatakang tanong ni Charlize.
"Sinabi kasi sa akin ni Young Master Kyle kanina. Tsaka nakita namin si Ms. Wilson na inaasikaso ang school papers mo para makapag-transfer ka ng school." sagot ni Alice.
"Ganun ba?" at napabuntung-hininga si Charlize. "You're right. Aalis na ako ng Pilipinas mamayang gabi. Gusto ko kasing magsimula ulit ng bagong buhay. Yung tipo bang malayo sa mga taong nanakit at nanggago sa akin. Anyways, where's Stephanie? Hindi mo ba siya kasama?"
"Ah, si Steph ba? Nasa school pa siya. May niligpit na basura." sagot ni Alice.
"Ha? Basura? Wala akong natatandaang pagkakataon na nagligpit ng basura si Stephanie." naguguluhang sabi ni Charlize.
"Simula nung nagkaroon ka ng basurang kaibigan, Miss Charlize." makahulugan pero mariing sagot ni Alice.
"W-wait. A-anong ginawa ni Stephanie kay Eunice?" kinakabahang tanong ni Charlize.
"Tinuruan lang naman niya ng leksyon ang malanding yun." sagot ni Alice.
"Si Stephanie talaga oh." at napabuntung-hininga si Charlize. "Alam kong mali ang ginawa sa akin ni Eunice pero sana hindi na niya ipinahiya pa yung tao."
"Masisisi mo ba kami ni Steph, Miss Charlize? Hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Eunice sayo kaya dapat lang yun sa kanya." sabi pa ni Alice. Hindi na nakipagtalo pa si Charlize, dahil kahit na pagsabihan pa niya ang dalawa ay hindi naman magpapaawat ang mga ito.
"Anyways, ingat ka sa biyahe, Miss Charlize. Mami-miss ka ng buong Academy, lalo na kaming dalawa ni Stephanie." at hindi na napigilan pang maging emosyonal ni Alice sa harapan ng taong kanyang inaalagaan sa loob ng mahabang panahon.
"Mami-miss ko din kayo." at taos-pusong niyakap ni Charlize si Alice.
Marami pa silang napag-usapang dalawa hanggang sa sumapit na ang gabi. Umalis na si Charlize sa condominium para pumunta sa airport. Hindi na siya naihatid pa ni Alice dahil kailangang nasa bahay na ang huli bago pa mag-alas-siyete ng gabi.
Habang papalabas na ng vicinity ng condominium si Alice ay hindi pa rin mabura ang lungkot sa kanyang mukha dahil pansamantala silang iiwan ni Charlize.
"Mami-miss ka namin ni Stephanie, Miss Charlize. Promise, kami na ang bahala sa Eunice na yun. We'll do anything, just to make sure na maipaghihiganti ka namin mula sa babaing yun."
(Etihad Airways, evening)
(Third Person's POV)
NASA loob na ng eroplano si Charlize. Tahimik lang siya habang hinihintay niya ang paglipad ng eroplano. Subalit sa kabila ng katahimikabg bumabalot sa kanya ay nagbabadyang kumawala ang matinding galit na kinikimkim niya sa dati niyang kasintahan maging sa dati niyang kaibigan.
"Sige lang, Timothy at Eunice, magpakasaya na kayo ngayon, dahil sa pagbabalik ko, sisiguraduhin ko sa inyo na kayo naman ang magdurusa.....higit pa sa ginawa nyo sa akin. Tandaan nyo yan."