(Gooma Cafe, 7:00 pm)
(Laurrie's POV)
ABALA ako sa paglalagay ng black pearl at white pearl sa large plastic cup nang may babaing lumapit sa counter. And guess who is she? Siya lang naman yung morenang babae na nagmaldita sa akin sa school kanina. As usual, kasama niya yung dalawang alipores niya na nakaupo sa table malapit sa counter.
"Good evening, Ma'am, welcome to Gooma Cafe. Ano pong order nila?" magalang na tanong ko kay Morena Girl.
"Yes. Can I order two large brown sugar milktea with black pearl and one large wintermelon milktea with white pearl and egg pudding." mataray na sagot niya.
"Okay po. Two large brown sugar milktea with black pearl and one large winterme---"
"Wait. I change my mind. Can you change white pearl into black pearl. Tsaka ayoko na ng wintermelon. Much better if kung almond na lang yung sa akin." sabi niya, dahilan para maguluhan na ako, pero 'di ko yun pinahalata sa kanya.
"Okay po. So, almond milktea with white pearl instead of black pea----"
"Sandali. Ayoko na ng almond. Ahm, ano na lang, ah. One large oreo matcha cheesecake milktea with black pearl, white pearl and egg pudding. Thank you." and she smirked devilishly at me.
"Ahm, Ma'am, baka pwede pong pag-isipan nyo po muna ang order ninyo." mahinahong sabi ko.
"Why? Hindi ka ba makasunod?" tanong niya sa akin with matching taas kilay pa. Grr. Kung hindi ka lang customer dito sa cafe, baka kanina pa kita naupakan dyan.
"Ma'am, h-hindi naman po sa ganun. Mukha po kasing hindi kayo ready na mag-order." sagot ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko sa walang manners na babaing nasa harap ko.
"Really? Ako ang hindi ready na mag-order? O baka naman ikaw ang hindi ready na gawin ang order namin. You know what, napaka-simple lang naman kasi nyan. Two large brown sugar milktea with black pearl and one large oreo matcha cheesecake milktea with black pearl, white pearl and egg pudding. Fifty percent lang ang sugar and less ice. Siguro naman, na-gets mo na. O baka naman you're just too stupid. Unahin mo na muna yung sa dalawang kasama ko before yung sa akin." sabay irap niya sa akin bago siya bumalik sa pwesto kung saan nandun ang dalawang kasama niya. Naiwan naman akong tuliro at hindi alam kung alin sa tatlong order niya at ng mga kasama niya ang uunahin ko.
Haay. Bahala na.
(Gooma Cafe)
(Charlize's POV)
MULA sa loob ng manager's office kung saan nag-o-opisina si Stephanie ay kitang-kita ko ang usapan sa pagitan ni Laurrie ng ex-bestfriend kong kampon ni Satanas. In fairness, tinubuan na ng sungay ang bruha, pero hindi pa rin niya maipagkakaila ang katotohanang duwag pa rin siya. Speaking of Laurrie, part time employee pala siya sa cafe na pag-aari ni Stephanie.
Nakita kong inihain na ni Laurrie ang order ni Eunice at ng dalawang kasama niya. Babalik na sana sa counter si Laurrie nang biglang magsalita si Eunice.
"What the hell is this?!" singhal niya kay Laurrie.
"Yung order nyo po, Ma'am. One large oreo matcha cheesecake milktea with black pearl, white pearl and egg pudding. Fifty percent sugar and less ice." sagot ni Laurrie.
"Hindi ito ang in-order ko." mataray pang sagot ni Eunice. Tss. Anong tingin mo kay Laurrie, isang tangang kagaya mo?
"Malinaw po na yan po ang in-order ninyo. Sinulat ko pa nga p---"
"Hindi. Mali ka. Alam mo kasi, you're just too stupid for this job kaya mali-mali yung order namin. Ang pangit ng lasa! How could you expect me to drink this?!" Grrrr. You brat!
Napayuko na sa hiya si Laurrie habang pinagtitinginan na siya ng iba pang mga customers.
"O baka naman gusto mong ikaw ang uminom nito!" sabay tayo ni Eunice at buhos niya sa in-order niyang milktea kay Laurrie.
HOW DARE YOU, WORTHLESS SLUT!
Susugod na sana ako sa kanila nang pigilan ako ni Stephanie.
"Hayaan mo munang magwala si Eunice. Tsaka ka na sumugod kapag nakunan na ni Alice ng video ang eksena." sabi sa akin ni Stephanie sabay turo niya kay Alice na nakaupo sa upuan na malapit rin sa kanila.
"Pero binabastos na niya ang empleyado mo, Steph!" katwiran ko.
"I know, Miss. Pero kapag sumugod ka pa dyan, baka ikaw pa ang mapahiya. Kaya hayaan mo na munang magwala ang bruha, para malaman ng lahat kung gaano siya kawalanghiya. Ako nang bahala kay Laurrie." and Stephanie smirked at me. Hmmm.....sa tono pa lang ng pananalita niya, mukhang may binabalak na naman siyang gawin against my slutty ex-bestfriend. Kaya kahit na labag sa loob kong panoorin ang pagwawala ni Eunice ay mas pinili kong sundin muna ang sinabi ni Stephanie.
Mula sa loob ng opisina ay kitang-kita ko ang matinding pagkapahiya ni Laurrie kay Eunice.
"Sumosobra na talaga ang babaing yan." sabi pa ni Stephanie. I just clenched my hands into fist.
"Ano? Masarap ba? Masarap ba?" singhal pa ni Eunice kay Laurrie.
"Ma'am.....s-sumosobra na ho yata kayo." mahina pero mariing sabi ni Laurrie.
"Aba, lumalaban ka na?! Lumalaban ka na?!" at sinabunutan ni Eunice si Laurrie. Dahil hindi ko na matiis pa na makitang may sinasaktang tao ang ex-bestfriend ko ay tuluyan na akong lumabas ng manager's office. Mamamagitan na sana ako nang biglang may humablot kay Eunice palayo kay Laurrie.
Si Raffy.
Our co-member.
"What do you think you're doing, Eunice?" mahina pero maawtoridad na tanong ni Raffy sa magaling naming co-member.
"R-Ra-Raffy....." nanginginig sa takot na sabi ni Eunice.
"Answer my question. What do you think you're doing?" this time ay galit na si Raffy sa pagtatanong.
"I-inaway kasi ako ng babaing yan!" sabay duro ni Eunice kay Laurrie. "I just told her that she gave me the wrong drink tapos bigla ba naman siyang nagalit sa akin! Itinulak pa niya ako!"
Sinungaling. Di yun ang totoong nangyari, dahil ikaw ang nag-umpisa ng gulo.
"Ma'am, kayo po ang nagtapon nung drink ninyo sa akin." matapang na sagot ni Laurrie.
"Ikaw kaya ang nagtapon sa sahig! Ba't ko naman gagawin yun?!" pagsisinungaling pa ng walangya.
"H-hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung bakit mo ako pinag-iinit---"
"Oh shut up, stupid! At ikaw pa 'tong malakas ang loob na magsinungaling!"
"Young Master Raffy, she's lying! That girl is a liar!" sabad ng alipores ni Eunice na si Rachel.
"Oo nga! Liar!" dagdag ng isa pa niyang alipores na si Clarissa.
"See, Raffy?!" confident pang sabi ng gaga.
"Raffy, hindi ako nagsisinungaling! Hindi ako sinungaling! Hindi ko alam kung bakit nila ako inaaway! Nananahimik ako!" depensa ni Laurrie sa kanyang sarili.
"Enough of this." pag-awat ni Raffy sa kanilang dalawa.
"Raffy, maniwala ka sa akin. Wala akong ginagawang masama. Kung ano yung in-order niya sa akin, yun po ang ibinigay ko. Alam kong mali ako na pinatulan ko siya, pero maniwala ka sa akin, hindi ako ang nag-umpisa ng gulo. Mahal ko ang trabaho ko, alam mo yan. Hindi ako tatagal ng dalawang taon dito kung hindi maayos ang performance ko." umiiyak nang sabi ni Laurrie.
"Raffy, wag kang magpapaloko sa drama queen na 'to. She's lying! Malas ng manager ng cafe na ito dahil nagkaroon sila ng empleyadong palpak na nga, sinungaling pa!" Aba't! Talagang hindi ka magpapaawat sa mga kasinungalingan mo ha!
"Sandali, sandali. Yun ba talaga ang nangyari?" tanong pa ni Raffy sa kanila.
Sasabad na sana si Alice sa usapan nang may customer na tumayo sabay lapit sa kanila.
"Excuse me, mawalang galang lang po. Nakita po namin ang buong pangyayari. Wala naman pong kasalanan yung barista. Yung morenang babae po yung nag-umpisa ng gulo." sabay turo nung customer kay Eunice. Ang resulta? Plakda sa kahihiyan ang gaga. Buwahahahaha. Deny pa more.
"Oo nga! Binuhusan mo ng drink yung barista. Bully ka! Eto oh, may video ako, gusto mo, gawin kong viral 'to?" sabad ng isa pang customer.
"Excuse me, Miss." sabad na ni Alice sa eksena. "You don't need to do that, dahil kaka-upload ko pa lang ng video ng babaing yan sa FB, with matching caption entitled #TheGoomaCafeBully. Don't worry, for sure, magiging trending ang viral video niya, because of her bad attitude."
That shuts Eunice and her two friends. Napailing-iling na lang si Raffy sa mga narinig niya mula sa dalawang customers pati na rin sa mga sinabi ni Alice.
"Fine! Blame me! Tutal ay dyan naman kayo magagaling! Ang pagtulungan ako!" sabay walk-out ni Eunice palabas ng cafe. Taranta namang sumunod sa kanya sina Rachel at Clarissa. Hahahahaha. Nakakatawa talagang makita ang talunan niyang itsura. Sayang lang at 'di ko dala ang camera ko, eh 'di sana nakuhanan ko ang loser face ng gaga.
"Peps, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Raffy kay Laurrie.
"O-oo. O-okay lang ako." malungkot na sabi ni Laurrie.
Nag-aalala akong lumapit kay Laurrie kasama si Stephanie.
"Are you okay?" worried na tanong ko sa kanya.
"O-oo. Ayos lang po ako, Miss Charlize." sagot niya.
"Grabe na talaga ang mga babaing yan. Pati ba naman sa cafe ko, nagawa nilang mag-eskandalo. Tapos, pati yung empleyado ko na nagtatrabaho ng maayos, pinerwisyo pa nila!" inis na sabi ni Stephanie.
"M-Ma'am Steph, p-pasensya na po kayo sa nangyari. H-hindi ko po ginusto na magkagulo dito sa shop." apologetic na sabi ni Laurrie kay Stephanie.
"Wag kang humingi ng tawad sa akin. Wala kang kasalanan sa nangyari. Don't worry, ako nang bahala sa mga babaing yun. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawa nila sayo." pagtitiyak ni Stephanie sa kanya. "Sa ngayon ay magpahinga ka na muna sa lounge sa loob ng office."
"S-sige po, Ma'am." at agad na pumasok sa loob ng opisina si Laurrie.
Hindi na rin nagtagal sa cafe si Raffy dahil bumalik na rin siya sa condominium ng UESC. Speaking of UESC Condominium, for sure, nakarating na kay Miss Irene at kina Tito Charles ang ginawang kalokohan ng magaling kong ex-bestfriend. Dahil tinablan na naman ako ng excitement at curiosity ay agad na akong nagpaalam kay Stephanie. Pupunta ako sa condominium para alamin kung ano pang kamalasan ang naghihintay sa mortal kong kaaway.