webnovel

The Good Daughter (MayWard)

Bella married her twin sister Bea's fiancé, Damon on their wedding day. Damon believing Bella is to blame, exacts his revenge on Bella.

walakabampira · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
49 Chs

Chapter 12

"Japan!"

Hindi maganda ang nararamdaman ko sa sinabi ni Mr. Mori.

"And apparently she's with someone named Klaus."

Umiwas ako ng tingin kay Damon.

Wala akong kasalanan but I feel guilty.

"Who the hell is Klaus?" nagtatagis ang bagang na tanong ni Damon.

"Her lover!"

D POV

Para akong sinuntok sa sinabi ni Stefan.

Paano nangyari yun?

Hindi!

Hindi totoo yun!

I don't know what came over me pero bigla akong lumapit kay Bella.

I grip her arms and shake her.

"Tell me the truth Bella! Sino si Klaus?

"And don't f*cking tell me you don't know him because I won't believe you!"

Funny thing is, I didn't see fear in her eyes kahit na sinigawan ko na sya.

Only resignation.

Ganun na ba sya kasanay na walang naniniwala sa kanya?

I loosen my grip.

"I'm sorry..."

"Mr. Mori!" sigaw ni Bella.

Nagulat na lang ako ng bigla akong suntukin ni Stefan.

"Ano bang problema mo bro? Di ba si Bea ang pinapahanap mo? Nahanap ko na sya! Pero bakit kay Bella ka nagagalit?" gigil na sabi ni Stefan.

Hindi ako umimik.

Alam kong mali ako.

"Are you okay Bella?" baling ni Stefan sa kanya.

Gusto kong alisin ang mga kamay nya na nakahawak sa braso ni Bella.

"Okay lang ako Mr. Mori!" sabay ngiti pa nya.

"Stefan na lang! Parang ang tanda ko na kapag Mr. Mori."

"Okay Stefan!" tapos ngumiti na naman sya.

Yung ngiting totoo.

At yung Stefan naman ayun parang natulala na sa ngiti ni Bella.

Parang tanga!

Hello!

Baka gusto nyo 'kong tulungan dito?

Tumayo na ako mag-isa dahil mukhang wala silang balak tulungan ako.

Bella POV

Nakita kong tumayo na si Damon sa pagkakabagsak nya.

"Ahm excuse me...Stefan...I think it's best if I leave the two of you to talk. Excuse me!"

Tumingin ako kay Damon.

Hindi sya umimik.

Alam kong magiging mahirap para sa kanya ang mga malalaman nya.

Pagdating ko sa kwarto ay nagbihis na ako.

Now that Damon knows where Bea is, there's no reason for me to stay here any longer than necessary.

I dial Nique's number.

"Hello B?"

"Nique, pwede mo ba akong sunduin dito sa Tagaytay? I'll send you the exact location."

After I sent the location to Nique ay napagdesisyunan kong humiga na muna.

Wala naman akong ihahanda dahil wala naman akong dalang gamit.

I feel so drained after everything that happened.

Wala pa naman si Damon.

I lay down on the bed and close my eyes.

D POV

Kanina pa nakaalis si Stefan pero ako nandito pa rin sa study ko.

My head is reeling with all the information that he told me about Bea and her lover Klaus.

Matagal na pala nila akong niloloko!

Ano pa kayang kasinungalingan ang sinabi sa akin ni Bea?