webnovel

The Goddess Born

Sa Kaharian ng Olympus may kambal na mga babae na isa sa mga naglilingkod sa Hari ng Olympus na si Zeus. Sila ang gumagawa ng kidlat at kulog ang kanilang pangalan ay Astrape at Bronte. Si Astrape ay Diyosa ng Kidlat at Si Bronte ay Diyosa ng Kulog. Ang Kambal lang ang nakakakuha ng atensyon sa Hari ng Olympus na si Zeus hanggang isang araw na kailangan nilang maglaban upang malaman kung sino ang malakas pero tumanggi ang kambal na maglaban dahil sa ayaw nila saktan ang isa't-isa at naging dahilan ito ng pag-alis nila sa olympus dahil sa madalas sila ipagkumpara at paghiwalayin ng mga Diyos at Diyosa upang maging alagad sila nito

"Astrape kailangan na natin umalis dito, may masamang pinalano ang mga Diyos at Diyosa sa atin at na hihirapan na rin ako dahil binabaharan nila ako upang mapatay kita" -Bronte

"Tama ka Bronte ayaw ko na rin dito nahihirapan na din ako pero kung aalis tayo saan naman tayo pupunta?" -Astrape

"Bahala na kung saan na tayo mapunta ang importante ay makaalis na tayo dito" -Bronte

Sa balak nila umalis maraming mga gwardiya na humarang sa kanila upang hindi sila makaalis pero dahil sa lakas nila na patumba nila ang lahat ng humarang sa kanilang dadaanan at nakatakas sila sa olympus sa paglalakbay nila na padpad sila sa isang paaralan kung saan ang mga istudyante doon ay mga magician at witch

"dumito na lang tayo Bronte" -Astrape

"ano naman ang gagawin natin dito?" -Bronte

"pumasok tayo bilang guro nila"-Astrape

"pero bawal natin ituro lahat ng natutunan natin sa olympus" -Bronte

"hindi naman lahat ng natutunan natin sa olympus ay kailangan na natin ituro sa mga istudyante dahil baka gamitin nila ito sa masama kaya kailangan natin mag-ingat" -Astrope

"sige tara na" -Bronte

Sa Pagpasok nila sa Paaralan. Ang simula ng panibago nilang problema