webnovel

The Devil General's Wedding

Sa isang cathedral idinaos ang kasal ni Andrew at Anica. Dumalo lahat nang miyembro nang pamilya ni Andrew, maging ang pamilya ni Alfredo ay nandoon din. Masayang naghihintay sa labas nang simbahan ang mantandang si Antonio at Edmund kasama si Atty. Brambilla. Sa labas nang simbahan ay may mga Naka suot nang service uniform. Dahil sa isang miyembro nang armed forces si Andrew isang military wedding ang magaganap.

Lahat ay namangha nang dumating si Andrew at Rafael kasama ang ilan pang miyembro nang task force na nakasout nang service Uniform. Lahat nakatingin sa binatang heneral. He looked so dignified and handsome wearing his uniform. Masaya naman siyang binati ni Edmund at Antonio.

"Papunta na daw dito si ANica at ang mama niya kasama si Alfredo." Wika ni Edmund sa binata. Tumango naman ang binata. Maya-maya ay huminto sa labas nang Cathedral ang limousine na bridal car ni Anica. Naunang bumaba sa sasakyan si Alfredo kasunod si Alice saka pinagbuksan nang pinto si Anica.

Nang lumabas sa kotse ang dalaga. Matamang napatitig ang binata sa dalaga. He didn't expect that she would look so beautiful wearing the white wedding gown.

"Your young wife if here, general." Pabulong na wika ni Rafael. Simple namang siniko nang binata si Rafael upang patigilin ito.

Dahil sa pagdating nang bride, sinimulan na nila ang ceremonya. Naunang naglakad patungo sa altar si Andrew habang iyang malamyos na musika ang pumailanlang. Kasunod niya si Rafael na kanyang Best Man. Kasunod naman nang binata ang iba pang miyembro nang Entourage. Hanggang sa matanaw nila ang dalaga na nasa pinto nang simbahan katabi si Alfredo at Alice.

Hiniling ni Anica sa mama niya na silang dalawa ni Alfredo ang maghatid sa kanya sa altar. Habang nasa pinto napatingin si Anica sa binatang naghihintay sa kanya sa Altar. When she reach the altar she can't go back it's the point of no return. Pero sa halip na pagsisisi ang nararamdaman niya. Bakit kinakabahan siya at excited at the same time. Ayaw niyang isipin na isang kontrata ang kasal nil ani Andrew.

Napabuntong hininga si Anica bago sila maglakad patungo sa altar. Habang naglalakad siya ay may mga talulot nang rosas na bumabagsak. Habang nakatingin siya sa altar. Tila yata Nakita niya si Andrew na nakangiti. Kung totoo man ang Nakita niya, ito ang unang beses na Nakita niyang ngumiti ito. And he is handsome with his white service uniform.

Nang makalapit sila sa altar, naglakad patungo sa kanila si Andrew. Nang huminto sila napatingin si Anica sa mama at papa niya saka niyakap ang mga ito bago iaabot kay Andrew ang kamay niya. Nang abutin ni Andrew ang kamay niya ay agad ninilagay nang binata ang kamay niya sa braso nito saka inakay siya patungo sa altar kung saan nag hihintay ang pari.

Matapos ang final blessing nang pari ideneklara nito na si Andrew at Anica ay ganap nang nang mag-asawa.

"You may now kiss the bride." Wika nang pari saka tumingin si Andrew sa dalaga. Bigla namang kinabahan si Anica. This will be her first kiss. Napahawak siya nang mahigpit sa bouquet niya nang biglang humakbang papalapit sa kanya si Andrew at dahan-dahang ini-angat ang belo niya.

Nabigla pa ang dalaga nang isang mabilis na halik sa labi ang ginawad nang binata sa kanya. Taka siyang napatingin sa binata na ngayon ay nakatingin sa mga tao sa loob na simbahan na nakatayo at nagpapalakpakan. Bago pa siya maka react ay tapos na ang halik na iyon.

"Don't just stare at me." wika ni Andrew saka hinapit ang bewang niya at kinabig siya papalapit sa binata. Nang kabigin siya nang binata saka siya napatingin sa mga bisita at ngumiti. She was timidly smiling and deep inside her she was a bit disappointed with her first kiss.

Nang malakad sila pababa ni Andrew sa altar biglang itinaas nang mga military sa aisle ang kanilang mga espada na para bang isang royalty na sinasalubong. Habang naglalakad sila sa ilalim nang mga nakataas na Espada malalakas na palakpakan din ang namamayani sa loob nang simbahan kasabay nang pagbagsag nang mga talulot nang rosas. Sa pinto sinalubong sila nang Task force ni Andrew sabay saludo sa kanila. At agad silang binati sa kanilang pag-iisang dibdib.

Matapos sumaludo ay biglang lumabas mula sa likod nina Trish at Charles sina Ramil, Tommy at Dalia. May dala pang bulaklak si Dalia at Tommy. Biglang natuptop ni Anica ang bibig niya nang makita ang tatlo saka napatingin kay Andrew habang nangingilid ang luha sa mata.

"Don't tell me you'll Cry. I just thought you would be happy to see them, And Ramil was discharged from the hospital yesterday." Wika nang binata. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni ANica at dahil sa labis na tuwa ay biglang niyang hinalikan ang pisngi ni Andrew dahilan upang mabigla ang binata. Nang makabawi siya sa pagkakabigla Nakita niyang nakalapit na si Anica sa tatlo at yakap sina Tommy at dalia.

"What a bold little wife you have there." Pabirong wika ni Rafael na nasa tabi n ani Andrew. Ang mga tao naman sa likod nila ay masaya habang nakikita ang masayang bride.

Sa Kingdom Hotel ginanap ang reception nang kasal nina Andrew at Anica dahil na rin ang pakiusap ni Alfredo na kahit papaano ay mag magawa siya para sa anak niya. Naging matiwasay naman ang naging party sa kasal nina Andrew at Anica.

Nabigla pa sina Andrew at Anica nang bigyan sila nang regalo ni Don Menandro, Sinagot na nito ang kanilang Honeymoon sa St. Lucia. Sinagot nito ang 2 weeks stay nila doon. Kompleto mula sa flight Fare at sa tutuluyan nila doon. Sabi pa nang matanda, ito ang regalo niya kay Anica.

"Teka anong ginagawa mo?" biglang wika ni Anica na agad na napatayo sa kama nang makita si Andrew na nagsimulang hubarin ang suot na damit. Nasa Royal Suite sila nang Kingdom hotel. Doon sila mananatili sa gabing iyon bago sila bumihaye patungo sa St. Lucia kinaumagahan.

"Magbibihis ako bakit?" wika nang binata saka tinggal ang Uniporme niya naiwang suot nang binata ang isang puting sando. Agad naman tinakpan nang dalaga ang mata niya nang kamay niya saka tumalikod.

"Silly Girl." Wika ni Andrew saka hinimas ang ulo ni Anica saka naglakad patungo sa loob nang banyo.

"Bakit naman kailangan dito ka maghubad no." wika ni Anica saka sinundan nang tingin ang binatang pumasok sa banyo saka napaupo sa kama.

Sa dami nang nangyari nang araw na iyon. Mula sa seremonya nang kasal hanggang sa reception pakiramdam ni Anica naubos ang lakas niya.

Habang nasa loob nang banyo si Andrew ay naisip ni Anica na hubarin na ang wedding gown niya. Saka nagsout nag roba. Plano niyang maligo pagkalabas ni Andrew para makatulog na siya.

Habang naghihintay sa binata ay napahiga si Anica. Habang iniisip kong anon ang mangyayari sa kanya ngayon. Naiwasan nga niya ang kasal kay Atty. Brambilla ngayon naman hindi niya alam kung anong magiging buhay niya bilang asawa ni General Andrew Bryant. Sa kakaisip noon at sa labis na pagod hindi na namalayan ni Anica na nakatulog na siya.

"I'm Done you can---" wika ni Andrew na lumabas nang banyo habang kinukoskos ang buhok nang tuwalya, Nakasout din nang roba ang binata. Bigla siyang natigilan nang makitang nakahiga sa kama ang dalaga at tulog. Naglakad siya papalapit sa dalaga saka inayos ang pagkakahiga nito at nilagyan nang kumot. Marahan din niyang hinawi ang buhok na tumakip sa mukha nito.

"I guess you're tired. Sleep well." Wika ni Andrew saka naglakad patungo sa sofa. Ilang sandali ding nakatitig si Andrew sa dalaga hanggang sa dalawin siya nang antok. Sa sofa na rin siya natulog dahil alam niyang baka magulat si Anica kapag nagising ito at magkatabi sila.

Talaga bang hindi na kita pwedeng pigilan?" Tanong ni Anica sa mama niya nang nasa airport sila. Papunta sila ni Andrew sa St. Lucia habang ang kanyang mama naman ay kasama nang Lolo Antonio niya at Atty. Brambilla papunta sa Italy. Sabi nang mama niya gusto niyang magsimula kasama ang lolo niya. Gusto rin sana nilang isama si Anica kaya lang dahil sa trabaho ni Andrew ay hindi siya makakasama at bukod doon gusto rin niyang tapusin ang pag-aaral niya. Nangako naman siyang dadalaw kapag may panahon.

"Take care of yourself okay? Don't cause so much trouble. Call me if anything happens." Wika ni Alice saka hinaplos ang mukha nang anak niya. Ngayon lang sila magkakalayo nang ganito. Kung hindi lang para sa ama niya hindi niya gustong iwan si Anica. Kaya lang naisip niyang may mga bagay siyang dapat ayusin sa kanilang mag-ama. At sa sarili din niya. Naniniwala naman siyang aalagaan ni Andrew si Anica.

"Andrew, ikaw na sana ang bahala sa anak ko. Minsan may katigasan siya nang ulo at mahilig pumasok sa gulo. But she is a good child with a good heart." Wika ni Alice kay Andrew.

"Huwag kayong mag-alala. Aalagaan ko siya." Wika nang binata.

"Sabihin mo sa amin kapag pinabayaan ka niya." Wika nang lolo niya.

Ngumiti naman si Aya saka tumango. Isang mahigpit na yakap ang ginawad niya sa mama. Saka inihatid nila nang tingin ang tatlo habang papasok sa departures area nang flights patungo sa Italy. Habang nakikita niyang papalyo ang mama niya. Hindi niya mapigilan na hindi tumulo ang mga luha.

"You're crying again. Hindi naman kita pipigilan kung gusto mong sumama sa kanila." Wika nang binata.

"Eh di parang sinabi ko na rin sa kanila na wala lang ang naging kasal natin." Wika ni Anica saka pinahid ang mga luha saka humarap kay Andrew.

"Don't act tough." Wika nang binata saka inilagay ang kamay sa ulo niya saka kinusot ang buhok niya. Dahil sa ginawa nang binata biglang natigilan si Anica saka napasinok. Taka namang napatingin si Andrew sa dalaga at itinigil ang ginawa. Agad ding natuptop nang dalaga ang bibig niya.

"Are you okay?" Tanong nang binata na akmang aabutin ang mukha nang dalaga ngunit biglang umatras ang dalaga dahilan upang mapatingin si Andrew sa dalaga.

"General!" wika ni Rafael na dumating sa airport kasama ang ilan pang miyembro nang Task force. Sabay silang napatingin sa mga bagong dating.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Andrew nang mapatingin sa mga kasama.

"Gusto lang naming makita kayo." Wika ni Rafael saka bumaling kay Anica. "Anica, Ikaw na ang bahala sa General naming ha." Ngumiting wika nito. Simple namang ngumiti ang dalaga.

"Wala ba kayong misyon? Tapos niyo nabang gawin ang mga training module? Hindi dahil aalis ako ibig sabihin noon ay----"

"Oo alam na namin yun. Huwag mo nang isipin ang training kami nang bahala doon si ANica ang bigyan mo nang pansin. Baka biglang magsisi yan at pinakasalan ka." Wika ni Rafael na pinutol ang ipa pang sasabihin nang binata.

Excuse me Miss." Wika nang isang lalaki kay Anica habang nakaupo siya sa upuan sa loob nang eroplano naghihintay sila sa pag take off nito. Nasa Business class suite sila at ito ang unang beses niyang makasakay nang eroplano. Nag-iisa siya nang mga sandaling iyon dahil nakatanggap nang tawag si Andrew mula sa secretary nang Presidente. Habang nagbabasa siya ay biglang may lumapit sa kanya. Nang marinig ni Anica ang nagsalita simple siyang napatingala. Doon ay Nakita niya ang isang binata na nakasuot nang causal Summer outfit. Matangkad din ito at makisig.

"Sorry did I Startled you?" wika nito saka simpleng ngumiti. "Kanina pa kita napapansin and you are alone. Wala ka bang kasama?" tanong nang lalaki sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot nakatingin lang siya sa binata.

"Oh. How rude of me. I'm Allan Ferrer. Kung hindi naman siguro masama gusto kong makipagkaibigan." Wika nito saka akmang uupo sa tabi ni Anica nang biglang hawakan ni Andrew ang braso nang lalaki. Nang makita ni Anica si Andrew ay agad siyang napatayo mula sa kinauupuan. Agad namang napatingin ang lalaki sa may-ari nang kamay na pumigil sa kanya.

"Who are you?" tanong nang lalaki kay Andrew sabay agaw nang braso niya.

"Ginugulo ka ba nito?" tanong ni Andrew kay Anica.

"H-Hindi." Sagot naman nang dalaga.

"Ginugulo? I was just trying to be friends her. A young woman like her should not be travelling alone." Wika nang binata.

"Well, Thanks for the concern, Romeo. But she is not travelling alone." Wika nang binata saka lumapit sa dalaga at hinawakan ang kamay nito. Agad namang napadako ang tingin nang lalaki sa kamay nang dalawa saka napansin ang suot na singsing ni Anica at Andrew.

"You're married?" takang tanong nang binata kay Anica.

"She is. And if you don't mind. Can you leave us. I want some time alone with my wife." Wika nang binata saka naupo at hinatak si Anica paupo. Naawang napatingin si Anica sa lalaki. Bagsak ang balikat nito na bumalik sa kinauupuan.

"Umalis lang ako sandali para sagutin ang tawag. Pagbalik ko-----"

"It's not what you think it is." Agaw nang dalaga.

"Well, I won't blame you. We are just be married because of-----" biglang natigilan si Andrew nang makitang nakahawak nang mahigpit si Anica sa librong binabasa saka napatingin sa mukha nito.

Did I go over board? Tanong nang isip nang binata.

"I'm sorry." Wika ni Andrew saka tanggang hahawakan ang kamay ni Anica ngunit biglang iniiwas ni Anica ang kamay niya saka bumaling sa labas nang bintana. May isang flight steward na lumapit sa kanila at sinabing isuot ang seat belt dahil malapit nang mag take off ang eroplano. Naging tahimik sila sa buong biyahe. Simula nang mag Take off ang eroplano hindi na siya kinausap ni Anica. At pakiramdam ni Andrew ay iniiwasan siya nito. He even know that she fake her sleep para lang di sila magkausap.

Nang lumapag ang eroplano sa Airport. Unang tumayo si Andrew. Upang kuhanin ang mga bagahe nila. Ito rin ang unang lumabas. Gusto niyang bigyan nang space si Anica dahil alam niyang galit parin ito dahil sa kanya.

That Icy General Iniwan nga ako. Inis na wika ni Anica saka lumabas na eroplano. Naglakad siya patungo sa arrival area nang eroplano ngunit hindi niya makita si Andrew. Hindi niya alam kung saan pupunta dahil ito ang unang beses na lumabas siya nang bansa. Wala din siyang alam sa lugar na napuntahan nila. Napatingin siya sa paligid, Napakaraming tao ang nasa loob nang Airport. At sa kakatingin sa kanila nakakaramdam na siya nang hilo at panghihina nang tuhod. Biglang napaatras ang dalaga at dahil sa hilo naramdaman niyang bigla nang bumigay ang tuhod niya. Nawalan siya nang balance at hindi niya makontrol ang katawan niya.

"What Are you doing?" Isang pamilyar na boses ang narinig ni Anica. And that strong arms holding her against her waist. Nararamdaman din niya ang malapad na dibdib nito sa likod niya. Nang marinig niya ang boses na iyon agad siyang napatingin sa likod niya and then he saw Andrew. The person who is holding her right now.

"Are you okay?" tanong nang binata. Nang makita niya ang binata bigla siyang nakaramdam nang sense of relief and without her knowing agad na kumilos ang katawan niya saka niyakap ang binata. Ipinulupot niya ang kamay sa bewang nang binata. While her face is in his chest.

"Are you crying? Really? Here of all places. Pinagtitinginan tayo nang mga tao." Wika ni Andrew na naramdaman ang simpleng hikbi nang dalaga. Naramdam din niya ang mahigpit na paghawak nito sa damit niya. Even her shaking hands.

"It's your fault kaya huwag kang mag reklamo. I thought you left me. Wala akong alam sa lugar na ito. Natatakot akong mag-isa." Umiiyak na wika nang dalaga.

"I thought you needed time to think. Kaya kinuha ko na ang mga bagahe natin. I went back but you where not there." Wika nang binata saka binitawan ang Trolly saka masuyong tinapik ang likod nang dalaga upang patahanin ito.

"Are you okay now?" Tanong nang binata matapos ang ilang minuto na ganoon ang ayos nila ni Anica. Pinatitinginan sila nang mga taong dumadaan ngunit hindi wala naman siyang pakia-alam sa sasabihin nang mga ito.

"Sorry." Wika ni Anica saka bahagyang lumayo sa binata.

"You don't have to say sorry, silly." Wika nang binata saka ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga. Dahil sa ginawa nang binata biglang napasinok si Anica dahilan upang magulat ang dalaga saka natuptop ang bibig at napaatras. Taka namang napatingin ang binata sa dalaga.

"Are you okay?" tanong nang binata.

"O-of course I am. Let's go." Wika ni Anica saka tinalukuran ang binata saka nagpatiuna.

"Hey." Wika nang binata saka kinuha ang trolly saka sumunod sa dalaga, Naghihintay sa labas nang sasakyang maghahatid sa kanila sa hotel kung saan sila mananatili sa dalawang lingo nilang stay doon.

Inihatid sila nang driver sa Jade Mountain resort kung saan naka book ang 2 weeks accommodation nila sa kanilang honey moon. Nang dumating sila ay sinalubong sila nang mga crew at isang nagpakilalang butler nila. SInabi din nito na sinabihan na sila ni Don Menandro na ngayon ang dating nila.

Inihatid sila nang butler sa kanilang Suite. Ito ang isa sa mga Galaxy Santuary. Nang pumasok sila sa silid. Labis ang pagka mangha ni Anica nang makita ang loob nang silid. May Malaki itong infinity pool at mula sa silid makikita mor in ang tanawin sa labas lalo na ang mga bundok at azul na dagat.

"Wow!" manghang wika ni Anica saka naglakad patungo sa open space malapit sa malaking indoor pool saka napatingin sa magandang tanawin sa labas nang suite. Mula doon kitang kita niya ang luntiang bundok at ang azul na karagatan.

"Did you like it?' tanong ni Andrew sa dalaga.

"Very Much." Masiglang wika ni Anica saka lumingon sa binata na may kasamang matamis na ngiti. Bigla namang natigilan ang binata nang makita ang tila nag niningning na ngiti nang dalaga. Para bang nakakita siya nang isang dyosa while he was looking at her innocent smiling face.

"Anong ginawa mo?" bulat na wika nang dalaga na biglang napakurap nang biglang margining ang mahinang tunong mula sa camera nang binata. Noon lang niya napansin ang binata nakatayo at may hawak na camera habang nakatingin sa kanya.

"What else would it be?" wika nang binata saka ibinaba ang camera saka naglakad patungo sa kinatatayuan nang dalaga.

"Kinunan mo ako nang picture nang hindi manlang nagsasabi?" wika nang dalaga saka sinundan ang binata na naglakad patungo sa unahan. Napahinto ang dalaga sa tabi nang binata saka nila sabay na tiningnan ang magandang tanawin.

"Kung kasing payapa lang nang tanawin na ito ang buhay ko---" bilang natigilan ang dalaga nang bilang ilagay nang binata sa kamay nito sa ulo niya saka naman siya napatingin sa binata. Nang bumaling siya sa binata, napatingin lang siya sa mukha nito. Him wearing a simple Tshirt and Pants not the General they use to know. Iniisip ni Anica na he look attractive kahit anong sout niya. And while she is looking at him. At sa lugar na ito noon lang niya lubusang napagtanto na kasal na pala sila. Should she be expecting him treating her like a wife? Would they do things like a real husband and wife would do? Pwede ba siyang mag expect na magugustuhan din siya nang binata? Nasa isang romantic na lugar sila pwede na rin ba siyang mag-isip na pwedeng magkaroon nang mahigpit pa sa contract marriage sa pagitan nila?

"Aww!" daing ni Anica nang biglang maramdaman ang ginawanag pagpitik ni Andrew sa noo niya. Dahil sa ginawa nang binata agad siyang napaatras at napahawak sa noo niya. "YAH!" inis na wika nang dalaga.

"Stop day dreaming." Ngumiting wika nang binata saka iniwan ang dalaga.

Did he just smile? Tanong nang dalaga habang hawak ang noo niya saka sinundan nang tingin ang binata. Ito ang unang beses na Nakita niya itong ngumiti. It was a simple smile but she can't deny he has was a 1 level more handsome than he is now. Iyon ang nasa isip ni Anica.

"Tatayo ka nalang ba yan? Iiwan kita." Wika nang binata saka binuksan ang pinto.

"S-saan ka pupunta?" wika nang dalaga saka naglakad papalapit sa binata.

"Maglilibot. Sayang naman ang pagpunta natin sa lugar na ito kung hindi natin makikita ang ganda niya." Wika nang binata saka lumabas.

"Teka, hintayin mo ako." Nag mamadaling wika nang dalaga. At dahil sa pagmamadali niya muntik pa siyang matapilok. Mabuti na lamang at maagap si Andrew at nasalo agad siya sak itinayo nang maayos.

"Pwede ba, mag-iingat ka naman. Hindi mo kailangang magmadali. You trip even if there is nothing to trip on. Such a clumsy girl." Wika nang binata. Napakagat labi naman si ANica saka inayos ang sarili niya. Para bang lahat nang kapalpakan niya nakikita nang binata. Nararamdaman niyang he is taking care of her but he is still as cold as ever. Mukhang naghallucinate lang siya nang makita niya ang nakangiting mukha nang binata.

Naging masaya ang pananatili nila sa Jade Mountain Resort. Nagkaroon din sila nang pagkakataong malibot ang ST. Lucia. Naaliw si Anica sa paglilibot nila sa iba't-ibang tourist spot nang lugar. Unang beses din niyang maka pagscuba diving. At mag jungle Biking. Nagpunta din siya sa iang Cocoa Farm and get to see how chocholates are made. Nagkaroon din sila nang pagkakataon makita ang mango farm nang lugar. Sa unang pagkakataon sa buhay niya. Pakiramdam niya buhay na buhay siya at masaya. May mga pagkakataon ding napapatingin siya kay Andrew na sa kabila nang pagiging seryoso nito, He would make her feel na special siya. At sa pagdaan nang mga araw pakiramdam niya lalong nahuhulog ang loob niya sa binata.

Bukod sa pamamasyal wala silang ibang ginawa sa Sta. Lucia. Andrew even sleeps on the couch. Talagang ginagawa nito ang bahagi nang napagkasunduan nila. And at some point. Pakiramdam ni Anica nadidismaya siya nangyayari.

"Aalis na tayo? Pero may 4 araw pa tayo diba?" wika ni Anica sa binata nang sabihin nito. Aalis na sila sa lugar. Ang alam niya dalawang linggo silang naka book sa hotel na iyon. And she is enjoying her stay.

"Yes, May pupuntahan ako. I need to attend to something important." Ani Andrew habang inaayos ang mga bagahi nila.

"Misyon ba?" Tanong nang dalaga habang nakaupo sa kama at nilalaro-laro nag paa niya Nakatingin din siya sa mga paa niya. Sa puso niya, talagang dismayado siya. Alam naman niyang Mahal na mahal ni Andrew ang trabaho nito. At hindi nito kayang iwan ang trabaho nang ganito katagal. INiisip niyang maswerte siya dahil sinamahan siya nito sa nakalipas na ilang araw.

"Ihahatid mo baa ko sa airport bago ka umalis?" tanong nang dalaga.

"No. You are coming with me." wika nang binata saka tumayo.

"Ha?" gulat na wika nang dalaga saka napatingin sa binata. "I mean, it that okay? Baka makasagabal ako sa misyon mo."

"I never think about you that way." Wika nang binata saka ngumiti at inilagay ang kamay na sa ulo niya.

"You smile again." Mahinang wika nang dalaga saka napatinga sa binata. Then their eyes meet. Nakatingin siya sa greyish eyes nito na sa unang tingin iisipin mong napaka expressionless. But when you really look into it you would feel its warm and how that eyese can bring a warm feeling.

"You are talking nonsense." Wika nang binata saka pinitik ang noo niya.

"Yah. Why do you always do that." Reklamo nang dalaga sabay sapo sa noo niya.

"Because you keep on daydreaming." Wika nang binata saka tumalikod sa dalaga at naglakad patungo sa may balkunahe at tumingin sa tanawin.

"You know what. I think it was really nice that we get to come here." Wika nang binata saka lumingon sa dalaga. Biglang napakurap ang binata nang biglang marinig ang shutter mula sa celphone nang dalaga.

"Anong ginagawa mo?" gulat na wika nang binata.

"Now we are even." Ngumiti wika nang dalaga sa kanya.

"Silly Girl." Natawang wika ni Andrew saka muling bumaling sa tanawin. Napatingin naman si Anica sa larawang kinuha niya saka napangiti at tumingin sa binata.

Hurry and fall in love with me Demon General. Wika nang isip nang dalaga saka muling ngumiti. Hindi naman siguro impossibleng magkagusto rin sa kanya ang binata at hindi rin masama kung gugustuhin niya ito.